9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Okay, before we start this meeting, I want to welcome Jainah Madrigal for our make up artist. Welcome to the 1Z entertainment." Lahat naman sila ay nagpalakpakan.

"Thank you po." Nahihiya kong pasalamat.

"Okay, may ilan lang tayong pag-uusapan about sa darating na event. Nasa schedule ns natin siya pero wala pang exact announcement, Yani, ikaw na bahala dito, sa Philippine Arena ito gaganapin."

Napa 'wow' ako doon, matagal na naming pangarap na mag-perform ulit sila sa Philippine Arena dahil subrang marami silang nahatak na fans noong AAA. Bukod sa magaling sila, mas ginalingan pa nila.

"Ken, anong oras event mo mamaya?" Tanong ni kuya Yani.

"8 pm." Sagot naman ni ate Rose.

"Mama Mac, ikaw na ang bahala ha, isama mo na rin si Jai para aware siya sa mga nangyayari." Sabi naman ni Pablo na nagpakaba sa akin.

Tuwing magsasalita talaga siya lagi na lang akong nagugulat. Iba talaga ang effect sa akin ng isang John Paulo Nase aka Pablo.

"Sure, isama ko na rin si Negy as my assistant." Sagot naman ni Mama Mac.

Marami pa silang pinag-usapan sa meeting ang iba ay hindi ako maka relate kasi di ko naman alam, pero sinulat ko naman lahat kaya magtatanong na lang ako mamaya kay at Xi-Anne.

"Meeting adjourned." Lahat sila ay nagtayuan pagkasabi nun ni Pablo. Sunod-sunod na silang naglabasan sa conference room, ako naman ay hindi na alam kung saan pupunta kaya nanatili akong naka-upo at kunwaring nagsusulat pa rin.

"Jai, kain tayo sa labas?" Yaya sa akin ni Stell.

"Kumain na kami kanina eh." Sagot ko naman, busog pa kasi ako, pero shit si Stell na ito oh, niyayaya ako ng isang Stell Ajero.

"Anonh lalabas ka diyan? May rehearsal tayo hoy." Sabi naman ni Josh at inakbayan si Stell.

"Oo nga pala," Kamot sa ulo ang ginawa ni Stell. "Next time na lang Jai, sige labas muna kami." Kasunod niyang lumabas si Josh, Ken, Justin at Pablo.

Naiwan naman kami ni ate Xi-Anne at kuya Yani. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Ate Xi, ano na pong gagawin ko?" Tuliro kong tanong.

"Ang gawin mo, panuorin sila mag rehearsal." Natatawa niyang sagot. Napanguso naman ako pero na realize ko rin na magandang idea yun dahil di ko pa sila nakikita na mag rehearsal.

"Kapag wala kaming trabaho ililibot ka namin sa Manila." Sabi naman ni kuya Yani habang nakatingin at tutok na tutok sa kaniyang laptop.

"Tara, kailangan ko pa silang video-han para sa vlog," tumayo na si ate Xi-Anne at sumunod naman ako.

Paglabas namin ay nag-aasikaso na sila para mag-practice. Nakaayos na din ang speaker at mga music na gagamitin nila.

"Kuya Jay, start na tayo?" Tanong ni Stell.

"Sige, okay, pwesto-pwesto." Ilang beses na pumalakpak si kuya Jay bago nagsikilos ang lahat.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hindi akk umalis dito sa tapat ng pinto kung saan kaharap ko sila. Nang tumayo na ang lahat na na play na ang music, first is Gento.

Napangiti ako habang sumasayaa sila, kahit practice talaga ang linis. May ilan sa back up dancer ang nagkakamali pero hindi nahahalata dahil halos lahat sila ay magagaling.

"Again!" Sigaw ni kuya Jay nang mapansing matamlay ang galaw nila.

Napailing naman si Pablo kaya kinabahan ako. Ayan na naman siya sa kaniyang ate Chona mode.

"Jai, bigyan mo ng tubig si Ken." Utos sa akin ni ate Xi, napansin niya sigurong hindi ko alam kung saan pupunta kaya inabot niya sa akin ang camera. "Sorry, pakihawakan na muna ito." Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko.

Ano namang gagawin ko dito?

I start playing the cameta at itinutok yun sa kanila. They just smiling at me lalo na si Stell ng makita akong naglalakad habang kinukuhaan sila ng video.

"Make up artist na, videographer pa." Natatawang pang-asar ni Justin. Ngumiti lang ako sa kanila.

After that naging masigla na sila sa pagsasayaw habang tumitingin sa camera. Napahinto si ate Xi sa paglalakad habang may dalang tubig nang makita akong kinukuhaan sila ng video.

"Patingin nga," kinuha niya sa akin ang camera at tiningnan ang kuha ko. "Ang ganda ng angles Jai ah, marunong ka rin pala?" Tanong niya.

"Opo, yan nga po lagi kong ginagawa nung nasa mall pa ako eh." Sagot ko naman.

Minsan kasi yun ang pinapagawa sa akin lalo na kapag may promotional video na kailangang e shoot at wala silang makuhang camera man, ako ang laging inuutusan ang boss ko.

After ilang oras nilang pagpa-practice ay nagpahinga sila saglit, pero si Stell, Ken, Justin, Pablo at Josh ay nanatili sa gitna para magpractice pa ulit.

They're not just dancing, they're also singing, may time na hindi na sila nagkakasabay-sabay dahil pagod ma din. Kung hindi ko lang sila kilala, malamang na naawa na ako sa kalagayaan nila ngayon.

After the song I Want You, they sit on the floor and drink water. Gusto ko sana silang lapitan, pero nauna na si ate Xi-Anne dahil kinukuhaan sila mg video, pagtapat ng camera kay Ken ay parang hindi siya pagod dahil bigla na lang siyang ngumiti. Paborito talagang kunan ni ate Xi-Anne si Ken.

"Sa akin na naman niya yan itututok." Reklamo ni Ken, naka-record pa, hintayin ko yan sa vlog haha.

"Ken, paki-abot nga nung tissue." Utos sa kaniya ni Pablo na kaagad niya namang sinunod.

"Hu guys, see you after 3 days at Laguna, kita kits." Sabi ni Stell.

"May joke ako," singit naman ni Justin.

"Ayusin mo yan ha, babatukan talaga kita." Sabi naman ni Pablo.

"Bakit Justin ang pangalan ko?" Natatawa niyang tanong.

"Aba, itanong mo kay Tita Gema, bakit kami tinatanong mo?" Sagot naman ni Stell.

"Kasi lahat ng pangalan nyo di bagay sa akin hahaha." Tawang-tawa niyang sagot.

"Ano pa bang asahan mo kay Justin." Sabi naman ni Josh.

"Corny hahahaha." Natatawang sabi ni ate Xi-Anne habang patuloy na nagvi-video.

Hayst, kung ano pala talaga sila sa Camera, gano'n na gano'n sila sa personal. I'm so lucky to be with them.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro