2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ready kana ba?" Tanong sa akin ni Boss.

Kanina pa kasi ako nanginginig dahil sa kaba. Naririnig ko na ang sigawan ng maraming tao, lalo pa't nalaman nila ang isa sa mga artist ay SB19.

"Sige na, pumunta kana sa tent ng SB19, baka marami na silang kailangan sa'yo."

"Nandito na po sila?" Gulat kong tanong.

"Ede antayin mo do'n kapag wala pa rin." Natatawang sagot sa akin ni Boss, alam niya kasi kung gaano ako ka fan ng SB19.

Mabilis na akong nagpaalam sa kaniya at tumakbo papunta sa tent ng SB19. Pagpasok ko sa loob ay nagkakagulo na ang mga staff nila.

"Nasaan na ba yung make up artist?" Oh my god si ate Xi-Anne.

"Hindi ko nga ma-contact eh." Sagot naman ng isa.

"Paano na 'to?!" Naoakamot sa ulo si ate Xi dahil sa hindi malamang gagawin.

"Good morning po, ako po si Jainah, you can call me Jai, ako po yung naka assign na staff ng mall para mag assists po sa inyo." Pakilala ko sa kanila.

"Xi-Anne nga pala." Pakilala niya sa akin.

Si ate Xi-Anne ay isa sa mga hinahangaan kong gumabay sa lima. From the start kasama niya na ang lima, maliban kay Justin na matagal niya na talagang kilala dahil naging kaklase niya ito. Kaya super thankful ako kay ate for giving them her full support.

"Jai po, ano pong maitutulong ko sa inyo?"

"Parating na kasi ang boys, kailangan na namin ng make up artist, hindi namin ma-contact yung make up artist namin, baka may alam ka na pwede?"

"Pasensya na po, wala po eh, pero pwede po ako?" Suggestion ko.

Nagkatinginan naman sila bago bumalik ang tingin sa akin ni ate Xi.

"Aware ka ba na SB19 ang me-make-up-an mo?" Tanong ni ate Xi.

Shit oo nga pala, paano kapag palpak? Marunong naman talaga ako mag make up, sa parlor kasi ako nagta-trabaho dati kaya gamay ko ang pagme-make up.

"Kakayanin ho." Nakangiti kong sagot.

"Good, ihanda na ang mga gagamitin." Utos ni ate Xi sa ibang staff.

Tumulong na rin ako sa pag-aayos nun at ng mga kakailanganin ko pa. Kabadong-kabado ako habang nag-aayos dahil hindi lang basta-basta itong costumers ko ngayon. Big time.

"Nandiyan na sila." Sabi ni ate Xi, kaya mas lalo akong kinabahan.

Unang pumasok si Stell at malapad na ngumiti sa amin.

"Good morning po." Bati niya, I froze after I heard his voice. Ang pogi niya shit.

"Hi." Bati naman ni Justin, nagtama ang mga mata namin na mas lalong nagpakaba sa dibdib ko.

"Good morning." Masayang bati naman ni Josh. Kagaya ni Stell at Justin ay nginitian niya rin ako.

"Hi." Simpleng bati naman ni Ken gamit ang malalim niyang boses. Shit ang angas niya.

"Hello." Tuluyan na akong nanigas nang pumasok si Pablo, ang itim niyang buhok na naka bun ang pagkakatali ang mga ngiti niyang nakakatunaw. Shit. Ang bias ko.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong tumili, sumigaw at tumalon dahil sa sayang nararamdaman ko pero hindi pwede dahil nandito sila at maraming tao ang makakarinig.

"Okay, boys I have bad news and good news." Panimula ni ate Xi-Anne.

"What's the bad news?" Kunot-noong tanong ni Pablo. Naka-upo na sila ngayon sa kani-kanilang upuan.

"Hindi natin ma-contact ang make up artist nyo." Sagot ni ate.

"What?!" Tanong naman ni Pablo.

"Paano na tayo?!" Gulat na tanong ni Justin

Hindi naman nag react si Josh at Ken.

"Marunong naman ako mag make-up, kaya lang hindi ko 'to kaya ng ako lang." Sagot naman ni Stell.

"Kaya nga ang good news ko ay may nakuha na akong make up artist." Sagot ni ate na nakangiti na.

"Ayun naman pala eh, tara na." Sagot ni Pablo.

Lumapit sa akin si ate Xi-Anne at sinundan naman nila kami ng tingin kaya mas lalo akong nailang, ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko ngayon eh, basta ang alam ko lang masaya akong makita silang lima.

"Boys, this is Jainah, siya muna ang magme-make up sa inyo dahil di sumulpot ang dapat na make up artist." Pakilala niya sa akin.

"Hi." Nakangiti akong kumaway sa kanila at para akong tanga sa tabi ni ate Xi-Anne dahil nanginginig ako.

Tumayo si Justin at lumapit sa amin.

"Hi Jai, I'm Justin." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin at mabilis ko naman yung tinanggap, shit ang lambot ng kamay ni Jah.

"Justin de Dios." Usal ko.

"Kilala mo'ko?" Malamang teh, biggest fan nyo'ko jusko.

"Oo naman, I'm A'tin." Sagot ko.

"Stell nga pala." Kumindat pa sa akin si Stell at kinamayan din ako, kagaya ni Justin ay malambot din ang kaniyang kamay.

"Josh Cullen." Pakilala naman ni Josh.

"FELIP." Grabe talaga ang boses ni Ken, nakakamatay sa subrang lalim.

"Olbap." Natatawang pakilala ni Pablo, kagaya ng apat ay kinamayan din ako ni Pablo.

Subrang pagpipigil talaga ang ginawa ko dahil sa kanila. Biruin mo yung pangarap ko lang noon, nangyayari na ngayon.

Lord, please kunin nyo na ako. Joke lang po.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro