1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Alis na ako Ma!!" Nagmadali na ako maglakad papunta sa Mall kung saan ako nagta-trabaho. SM Mall. Habang naglalakad ako ay may headset na nakalagay sa tenga ko at pinapakinggan ang Liham song ng SB19.

Nagmadali na akong pumasok sa dressing room ng makarating ako sa mall. Isinuot ko na ang name tag ko na may pangalan ko 'Jainah'.

"Jai, tawag ka ni Boss." Yun kaagad ang bungad pagkalabas ko ng dressing room.

"Bakit daw?" Nakakunot noo kong tanong.

"Hindi ko alam, basta kanina ka pa nun hinihintay."

"Hayst." Mabilis akong naglakad papasok sa office ng boss ko. Ano na naman kayang kailangan nito?

Hinawakan ko ang ID ko kung saan nakalagay ang picture ng Mahalima. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka yumuko.

"Good morning Sir-"

"Maupo ka Jai." Utos niya na kaagad ko namang sinunod.

"Bakit nyo po ako pinapatawag?"

"May ipapagawa lang ako. Bukas na bukas rin ay may magaganap na big event dito sa Mall, I want to take care of them, sikat sila sa buong mundo kaya kung pwede ikaw na muna ang mag-asikaso sa kanila dahil ikaw na lang ang pagkakatiwalaan ko." Mahaba niyang paliwanag.

"Concert po ba?" Excited kong tanong.

"Yup, but it's surprise kung sinong artist, actually tatlo sila eh, yung isa is The Juans at Ben&Ben, yung isa surprise daw." Nakangiti niya namang sagot.

"Oh my god, sir clue, lima ba sila?" Nanlalaki kong matang tanong.

"I don't know, I'm not sure but the third artist ikaw ang bahala sa kanila dahil yung The Juans at Ben&Ben ay may naka assign na." Excited naman akong tumango.

Matapos ang usapan na yun ay pumunta na ako sa trabaho ko, bukas ang trabaho ko na lang ay aasikasuhin kung sino mang artist ang naka assign sa akin, ayaw ko mag-aasume dahil baka mabigo lang ako, ako lang din ang masasaktan. Pero what if SB19 yun?

Wala naman kasi silang nilabas na statements na pupunta sila dito or may concert sila. Malaki din kasi itong Mall na ito kaya pwedeng-pwede mag concert dito. Nakapag concert na dito ang Nobita and December Avenue. Hindi nila ako masiyadong fan pero ang I'm glad na nakapagpa-picture ako sa kanila.

After my duty ay nag-asikaso na ako para umuwi, this day is so tiring, subrang daming costumers ang dumating, nakakapagod.

"Kumusta?" Tanong ni Mama pagpasok ko mg bahay.

"Gano'n pa rin, nakakapagod, pero lalaban." Masaya kong sagot.

"Nakapagluto na ako, kumain kana muna." Sabi niya.

"Ate, kumuha ako ng isang photocards ni Pablo hehe." Parang bigla na lang nag-init ang buo kong katawan ng marinig ko yun.

"Hoyy Naih, ibalik mo yun, wala akong sinabing kunin mo yun ha!" Sigaw ko sa kaniya at tumakbo paakyat sa taas. Mabilis ko naman siyang hinabol papasok sa kuwarto niya.

"Ang damot mo naman ate, isa lang eh."

"Hindi nga pwede, magkakamatayan talaga tayo ngayon!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ano ba naman kayong dalawa?! Tumigil nga kayo!!" Sigaw naman sa amin ni Mama.

"Naih!!!!" Mabilis kong hinarang ang paa ko sa pinto ng kuwarto niya.

"Isa lang ate."

"Bumili ka ng sa'yo!" Mabilis kong hinablot ang photocards sa kamay niya. "Kunin mo na lahat sa akin, wag lang ang Mahalima." Galit kong sabi sa kaniya at lumabas sa kuwarto niya.

"Ang damot mo!" Sigaw niya naman sa akin.

Pumasok ako sa kuwarto ko at inilagay yun sa dati niyang lagayan. Halos puno na ng picture ng lima ang kuwarto ko, maging ang mga unan at kumot ko ay lima na rin.

Bago ako matulog ay nakipag-usap muna ako sa mga co-A'tin ko.

["Hi Jai, may balita ba sa Mahalima?"]

["Oo nga naman, ano na kayang ginagawa nila?"]

"Alam nyo may concert dito sa amin bukas, yung Ben&Ben at The Juans, tapos yung isang artist daw ay surprise, what if SB19 pala yun?" Tanong ko sa kanila.

["Wait, mayroong sinabi nakaraan sa live si Stell, ang sabi niya may isang concert sila dito sa Pilipinas pero surprise lang daw kung saan yun, what if diyan na yun?"]

["Teka, kailangan ko na mag impake, pupunta ako ngayon diyan."]

["Ako rin, bahala na kung sino pa yan."]

Natatawa na lang ako sa kanila bago nila ako iniwan.

Sana lang talaga SB19 ang pupunta bukas.

Hindi tuloy ako makatulog ng maayos kakaisip kung sino ang artist na darating, abang na abang ako sa ilalabas kung sino ang magco-concert bukas.

12:30 am nag post ang Office facebook page ng SB19.

'See you at SM MALL in PALAWAN'

Shockk.

"Oh my god!!" Pigil tili ako sa kuwarto dahil sa post nila. Hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. I was shock, subrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Bukas. As in bukas makikita ko na ng personal ang SB19. At ako pa ang naka assign sa kanila para asikasuhin. Ang saya ko!!

See you tomorrow my MAHALIMA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro