PROLOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Please take note that this story is a FANFICTION, walang katotohanan ang mga magaganap sa kwentong ito. Ginawa ko ang story na 'to dahil ang lima (SB19) ay lubos kong hinahangaan.

Hindi ko binabasa ulit ang part na sinusulat ko, so please bare with me. Let's enjoy reading ay co-A'tin. (◠‿◕)

[Prologue]


"Jainah!!" Sigaw ni Mama sa sala.

"Ma?!" Sigaw ko pabalik. Paano ba naman kasi nasanay na siyang sigaw lang ng sigaw, mukha ba akong bingi?

"Ano na naman itong order mo?! Nagsayang ka na namam ng pera." Sermon niya. Nanlaki ang mata ko sa hawak niyang parcel kaya mabilis ko yung kinuha sa kaniya.

"Si Mama naman, minsan na nga lang ako omo-order eh." Nakanguso kong sagot. Napakamot naman siya sa batok niya at hindi na ako pinakialaman.

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at kinuha ang cutter. Mabilis kong kinuha ang parcel ko at inilapag sa study table ko.

Nakangiti ako habang binubuksan ang parcel ko dahil sa excitement. Sa wakas andito na ang mga boyfriend ko.

Napasigaw ako nang makita ko ang picture ni Justin sa unang photocards na inorder ko. Shit ang pogi niya. Sinundan pa yun ni Pablo, Stell, Ken at Josh.

Para akong nanalo sa lotto dahil sa subrang sayang nararamdaman ko. Photocards pa lang ito, paano na lang kaya kapag nakita ko pa sila sa personal? Baka himatayin ako ng wala sa oras. Titig pa lang siguro ni Pablo mahihimatay na ako, paano pa kapag nahawakan ko na siya? Baka tuluyan na akong mamatay.

"Ano ba yun Jainah?!" Galit na katok ni Mama sa kuwarto ko.

"Wala po!" Balik sigaw ko naman.

"Sigaw ng sigaw, akala ko kung napaano kana." Sagot niya pa.

Nababaliw na talaga ako. Kaya bago pa ako mabaliw ng tuluyan ay itinabi ko na yun sa lagayan ko at nag-asikaso na dahil kailangan ko ng matulog at may pasok pa ako bukas.

Habang naliligo ako ay tumutugtog ang awit ng SB19 na Hanggang Sa Huli. Sumasabay ako sa kanta habang naliligo. Hanggang sa matapos ako ay tuluyan pa ring SB19 song ang naka play.

Wala naman akong ibang music kundi SB19 song lang lahat. Their music is my comfort zone, sila ang dahilan kaya nabubuhay pa rin ako at nagpapatuloy.

Nang matapos ako ay kaagad na akong humiga sa kama at nanuod ng Show Break episode nila sa YouTube kagaya ng lagi kong ginagawa.

Hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro