4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Woahh!!!!" Sigaw ko katabi ni ate Xi-Anne. Tawang-tawa naman siya sa akin.

"Ate Xi, SB19 na!!!" Sigaw ko sa kaniya. Halos maluha-luha na ang mata ko dahil sa tuwa.

"Hoy ano ka ba? Nakasama mo na sila kanina di ba?" Natatawa niyang tanong.

"Ate Xi, hindi pa rin talaga ako makapaniwala, isipin mo yun ang lapit-lapit nila sa akin kanina, grabe yung pigil-pigil ko tumili kanina, ate hindi ko na kaya, mahihimatay na talaga ako." Sagot ko naman sa kaniya. Pinunasan ko yunh mata ko dahil tumulo na ang luha ko mula doon.

"Nag v-vlog ako Jai, kita ka dito." Natatawa niyang sabi at itinutok sa akin ang camera.

"Ate wag!" Sagot ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at nag focus na siya sa harapan kung nasaan ang lima.

They're performing GENTO, kasunod naman nun ay I WANT YOU, at ang huli ay ang LIHAM. Yun ang pagkakasunod-sunod ng kakantahin nila.

Sigaw lang ako ng sigaw kasabay ng ibang A'tin. Feeling ko mawawalan ako ng boses pagkatapos nito, pero worth it naman eh.

Subrang daming tao ngayon dito sa Mall kaya marami ring authorities ang nandito para magbantay, pati nga ambulance eh, baka kasi may mahimatay.

"Ang guwapo nila!!!" Sigaw ko. "I LOVE YOU GUYS!!!" sigaw ko.

Marami pang tao ang nagsisigawan pero dahil sa kanina pa ako talon ng talon ay napagod na ako. Umupo ako katabi ni ate Xi-Anne at ininom ang binigay niyang tubig.

"This is the first time I see them in person. Ate subrang saya ko." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya.

"Halata nga." Natatawa niyang sagot sa akin.

Subrang daming tao, ang daming camera, ang ingay, super, hindi ko mapaliwanag ang saya, worth it na worth it yung ngalay ko kanina sa pagme-make up sa kanila, shit.

Matapos silang mag perform sa stage ay hinila na ako ni ate Xi-Anne pabalik ng tent.

"Kailangan nila ng retouch." Natatawa niyang sabi. Natawa na lang din ako dahil totoo naman. Pawis na pawis kaya yung lima.

"Ang galing nyo." Puri ko ng nakapasok ako sa loob, feeling close talaga ako, bahala na, minsan lang 'to.

"Kanina pa yan iyak ng iyak, panindigan nyo yan." Napatingin tuloy sila sa akin habang nagpupunas ng pawis.

Huhunesss ang hot nila. Lalo na si Ken na kitang-kita ang abs.

"Hindi naman, si ate Xi talaga." Reklamo ko.

Ilang minuto pa bago sika umakyat ulit sa stage para sa huling aawitin, Ben&Ben na ngayon ang umaawit.

Nag selfie muna kami, mabuti na lang pumayag sila, si Ate Xi-Anne ang kumuha ng picture sa amin at selfie naman sa kaniya-kaniya nilang mga cellphone. Bawal nga lang ilabas sa social media pero sabi naman nila eke-keep nila yun bilang remembrance.

Nang matapos ang concert nils ay dinumog na sila ng fans dahil pauwi na sila, pati ako nasasaktan na rin dahil isa ako sa mga umaawat sa ibang fans. Ang sakit ng katawan ko, trabaho ko 'to kaya kailangan kong gawin.

Nang makasakay sila sa Van ay may sinabi si ate Xi-Anne, bago sila tuluyang maka-alis.

"Tawag na lang ako mamaya ha, sunduin ka namin sa inyo, paalam ka na rin kung payag ka ng maging make up artist namin?" Tumango naman ako bilang tugon.

Patalon-talon tuloy akong umuwi ng bahay at ibinalita sa kanila ang nangyari.

"Ma, papayagan mo ba akong sumama sa kanila?" Tanong ko sa kaniya.

"Aba, oo naman, malaki ang kita nun, at ayaw ko bang pumunta sa iba't ibang lugar? Hindi ba matagal mo ng pangarap na makapag travel?" Sagot niya naman na ikinagulat ko.

"Totoo po? Papayag kayo?" Tuwang-tuwa kong tanong.

"Oo, pangarap mo na yan eh, ayaw ki namang maging dahilan ng hindi mo pagtupad sa mga pangarap mo, kaya grab that opportunities Jainah, support kami palagi para sa'yo." Mahaba niyang paliwanag.

Tuwang-tuwa ako habang hinihintay sila ate Xi-Anne, iiwan ko na itong kuwarto kong puno ng picture nila, mami-miss ko kayo.

"Jai?" Boses ni ate Xi-Anne, binuksan ko ang kuwarto ko napa wow naman siya sa nakita niya.

"Akala ko normal fan ka lang, grabe naman 'to." Natatawa niyang sabi at sumilip din ang iba.

Natawa naman si Stell ng makita ang mga picture niya.

"Sana naman pinili mo yung picture ko, ang pangit ko doon oh." Natatawa niyang tinuro ang unan ko.

"Teka lang, bawal kayo pumasok, nakakahiya." Reklamo ko kaagad pero huli na dahil nakapasok na silang lahat, nakita na nila yung tinatago ko.

"Cute." Dinampot ni Pablo ang isang album kung saan puro mukha niya lang ang nalagay, huhunesss talaga.

"Malamang, puro mukha mo yan eh." Sagot sa kaniya ni Stell.

"Ang liit mo talaga Josh." Panlalait ni Justin ng makita nito ang standee ni Josh.

Masama naman siyang tiningnan ni Josh. "Hindi nga ako nagreklamo doon oh." Tinuro ni Josh yung picture ni Justin na nakangirit.

"Ang cute ko kaya do'n." Sagot naman ng isa.

"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh." Reklamo ni Ken.

"Kahit kailan talaga 'to." Sabi ni Stell sa kaniya.

"Tapos kana ba mag impake?" Tanong sa akin ni Pablo.

"Oo, medyo madami lang akong gamit hehe." Tinulungan naman nila akong ibaba ang maleta ko. Mabuti na lang at may ipon ako kaya pwede ko 'tong gamitin.

"Do'n ka na lang sa condo ko mag-stay, okay ba?" Tanong sa akin ni ate Xi-Anne.

"Sige ate." Sagot ko naman.

"Alam na ng boss mo na aalis ka kasama namin, pinabibigay niya pala 'to oh." Inabot niya sa akin ang isang sobre, agad ko naman yung binuksan at pera ang nakalagay, may sulat din yun na nagpapasalamat sa ginawa ko.

25,000 ang binigay niya sa akin, wag lang daw ako maingay sa mga katrabaho. Oh my god.

Is this real?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro