5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Matapos naming kumain ay nag stay lang kami sa isang hotel, nag booked na rin ng flight si ate para sa amin, sagot niya ang pamasahe ko, wow sana all, yung ibang staff kasi ay nauna ng umalis, sila ata ay may pupuntahan pang lugar kaya hindi kaagad sila umalis.

"Jai, kumusta?" Tanong ni ate ng makabalik galing cr.

"Hanggang ngayon ate hindi pa rin ako makapaniwala, totoo ba 'to? Pakisampal nga ako." Hinampas niya lang ako ng bahagya at tumawa.

"Totoo 'to, ano ka ba?" Sagot niya naman sa akin.

"Ano kayang mangyayari sa akin pagdating ko ng Manila?" Nakanguso kong tanong.

"Bakit? Kasama mo naman ako ah, kaya hindi ka mawawala, nga pala may tanong ako." Seryuso iyang tumingin sa akin habang nagsusuklay ng buhok.

"Ano po yun?"

"Dahil naka vlog lahat ng nangyari kanina, payag ka bang ipakilala namin bilang official make up artist ng SB19?" Seryuso niyang tanong.

"H-Hindi ko po alam ate, natatakot po ako, siguro po huwag muna hehe." Nahihiya kong sagot.

"May pepermahan ka pa ring kontrata, hindi pwedeng sala at ang makakausap mo ay ang 1Z CEO." simple niyang sagot na parang hindi yun big deal.

"Weh? As in Pablo? Si John Paulo Nase?" Nanlalaki kong matang tanong.

"Yup, the one and only Pinuno." Natatawang sagot ni ate Xi-Anne.

"Shit, kinakabahan naman ako." Napahiga ako sa kama ko at napatitig a kisame.

Iniisip ko pa rin kung totoo ba ito, parang ang hirap paniwalaan, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko lahat, sa pag attend ko ng concert nila, sa pagme-make up ko sa kanila, nahawakan ko pa sila, ngayon nandito na ako at makakasama na talaga sila, makakatrabaho ko na ang lima.

Para akong sasabog sa subrang saya. Ang hirap talagang ilagay sa utak lahat.

After naming magchikahang dalawa ni aye Xi-Anne ay nagpahinga na kami, dahil subrang nakakapagod ang araw na 'to, biruin mo ilang oras lang nandito na ako, pinayagan ni Mama sumama sa kanila. Huhunesss.




Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay, napapikit ako ng mata habang nakatingin kay Stell na ginugulo ang pagtulog ni ate Xi-Anne.

"Xi-Anne, gising na, nagugutom na ako." Reklamo niya at tuluyan pa ring ginigising si ate Xi.

"Ano ba?! Patulogin mo muna ako ng maayos Stell." Balik sa kaniya ni ate Xi-Anne.

"Gumising ka na nga, mamaya ka na matulog." Umayos naman ako ng higa ko at tumalikod sa kanila, ayaw kong makita nila ang mukha kong bagong gising jusko, nakakahiya.

Idol ko yan, it's my fucking idol tapos haharap ako sa kanila na ganito ang itsura? Hindi pwede huhunesss.

"Good morning Jainah." Bati sa akin ni Stell.

"Good morning din." Balik bati ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

"Xi-Anne, bangon na." Pamimilit niya pa dito.

Siguro napagod na siya sa paggising kay ate Xi-Anne ay sumuko na din siya, bagsak ang balikat siyang lumabas ng kuwarto at ako naman ay pumunta sa pinto para e-lock yun.

Gosh, nakakahiya talaga.

"Ate, mauna na ako maligo." Paalam ko at deritsong pumasok ng cr.

Kagaya ng lagi kong ginagawa ay nagpapatutog ako ng SB19 music habang niligo.

🎶Now playing Ikako by SB19. 🎶

Nang matapos akong maligo ay lumabas na rin ako, wala si ate Xi-Anne doon kaya kinabahan ako. Matapos kong matuyo ang buhok ko at siya namang pagbalik ni ate Xi-Anne kasama si Justin.

"Ito oh, bakit kasi ngayon nyo pa naisipang maligo ng dagat eh." Sabi ni ate ay may inabot kay Justin.

"Ayaw mo ba maligo?" Tanong niya dito.

"Ayaw ko."

"Ikaw Jai? Baka gusto mong sumama sa amin maligo ng dagat?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi pa rin talaga ako sanay, jusko.

"Hindi na, nakaligo na ako eh, enjoy na lang kayo." Sagot ko sa kaniya.

Tumango naman siya at lumabas na ng kuwarto.

"Maliligo muna ako ha tapos baba na tayo para kumain." Sabi sa akin ni ate Xi-Anne.

Habang naliligo siya ay nag open ako ng facebook account ko. Trending na naman ngayon ang MAHALIMA sa twitter at Facebook. Grabe talaga, super galing naman kasi talaga nila, lalo na a tiktok.

Nanlaki ang mata ko ng mapunta sa messenger ko dahil sunod-sunod ang tanong sa akin ng mga katrabaho ko sa Mall kung bakit daw ako nag re-sign at saan daw ako pupunta? Pero isang message lang ang inopen ko, yung sa boss ko.

Huwag mong sasabihin kung saan ka pupunta.

Yun ang message niya. Napahampas na lang ako sa noo ko dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko. Mag deactivate muna kaya ako? Pero sayang naman, hayaan na nga sila.

Pumunta naman ako sa friend request dahil may apat yun na notification. Pagpindot ko ay nagulat ako dahil si Justin de Dios, Ken Suson, Josh Cullen Santos at Stell Ajero ang nag add friend sa akin. Kaagad ko yung in-accept pero siyempre hindi mawawala ang screenshot.

Bakit kaya hindi ako in-add ni Pablo? Nakanguso naman ako habang tinitingnan ang facebook account niya.

Pumunta naman ako sa instagram dahil paniguradong may update sila do'n at hindi nga ako nagkamali dahil mayro'n nga silang update and guess what? They following me.

Shit, kung sa facebook apat sila, sa instagram naman tatlo lang sila, ang tamad naman nitong Pablo at Ken. Grabe.

Pero super thankful na ako doon dahil isipin mo mga sikat sila ha tapos ganito oa mangyayari, ako na 'to eh, wala akong karapatang magreklamo.

Nang matapos maligo si ate Xi-Anne ay sabay na kaming bumaba para umorder ng kakain namin for breakfast. Habang inihahanda naman yun ay naglakad-lakad muna kami sa beach kung saan naliligo ang lima.

Yung hotel kasi na 'to ay mayroon beach resort kung saan pwedeng-pwede ka talagang maligo, wala pa masiyadong araw kaya g na g maligo ang lima.

Kita ko ang saya nila habang naliligo dahil inaasar nila si Josh, mabuti na lang marunong na lumangoy si Josh haha. Tawa lang sila ng tawa.

Nang makita naman kami ni Stell ay kumaway siya sa amin kaya kumaway na lang din ako dahil lumingon silang lahat sa gawi namin.

Napahinga ako ng maluwag habang nakangiting nakatingin sa kanila. Subrang daming nangyari. Isa sa mga pangarap ko ang natupad na. Ang makita at mahawakan silang lima.

My forever boyfriends.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro