6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"First time mong sasakay sa airplane?" Natatawang tanong sa akin ni Stell.

"O-Oo." Nahihiya kong sagot. Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Pablo at Justin. Lalo tuloy akong nahiya.

"Hayaan mo, ako naman katabi mo eh, at saka wag kang matakot, masasanay ka rin sa susunod dahil hindi lang ito ang unang sasakay ka sa eroplano." Sagot sa akin ni Stell.

Tumango na lang ako at tumahimik. Nahihiya pa rin talaga ako lalo na kay Pablo.

"Kanina pa kayo tawa ng tawa diyang dalawa, ano ba yang tinatawanan nyo?" Napatingin kami kay Ken ng magsalita siya, nakatingin siya ngayon kay Pablo at Justin. May ipinakita si Justin sa cellphone niya at pati si Ken ay natawa na rin, kaya ngayon tatlo na sila ang tumatawa.

Si Josh naman ay busy sa cellphone dahil kausap niya ang kaniya Mama. Si ate Xi-Anne naman ay busy rin sa cellphone niya dahil may kausap rin, kaya kami lang ni Stell ang nag-uusap.

Akala ko pa naman ako ang tinatawanan nila.

Nang bigyan kami ng signal na pwede ng sumakay sa eroplano ay kabadong-kabado ako habang naglalakad. Pinakita ko yung tickets ko at sumunod na kay Stell papasok ng eroplano.

Inalalayan niya akong ilagay ang gamit ko sa taas bago ako umupo sa upuan malapit sa bintana. Nang matapos naman siya ay umupo na rin siya. Sa harapan namin ay si ate Xi-Anne at si Josh. Sa likod naman namin ay si Pablo at Justin, si Ken naman ay katapat ni ate Xi-Anne.

"Kinakabahan ka pa rin?" Tanong sa akin ni ate Xi-Anne.

"Medyo po." Sagot ko naman. Tumango naman siya at umayos na ng upo.

Nakatingin lang ako sa bintana habang hindi pa umaandar ang airplane. Mahigpit ang hawak ko sa upuan ng makitang umaangat na paunti-unti ang airplane.

"Makinig ka na lang ng music." Inilagay ni Stell ang isa niyang earpuds sa tenga ko.

The music played and it's Liham by SB19. Ang galing talaga magsulat ni Pablo ng awit, kahit na para sa nga A'tin ang liham pero parang may deep meaning pa talaga siya.

Nakatingin lang ako sa harapan dahil sa kaba, natatawa naman si Stell dito sa tabi ko pero hindi niya pinapahalata dahil siguro ayaw niya akong ma offend.

Hanggang sa nasanay na ako, hindi na ako masiyadong kinakabahan, pero patuloy pa rin ang pagtugtog ng music sa earpuds na nasa akin.

Nanatili akong kalamado hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Jai, Jai, gising na Jai, nandito na tayo." Bahagya kong kinusot ang mga mata ko dahil sa antok.

Si Stell pala yung nang gigising sa akin.

"Mukhang napasarap ang tulog ni Jai ah?" Natatawang sabi naman ni Justin.

Binaba ni Stell ang maleta ko, habang ang iba naman ay hawak-hawak na nila. Nang matapos kami sa pag-aayos ng mga gamit namin ay bumaba na kami sa eroplano.

"Kain muna tayo, nagugutom na ako eh."  Reklamo ni Stell, bigla namang kumalam ang tiyan ko at nakakahiya man pero narinig yun ni Pablo. Napatingin kasi siya sa akin at mahinang tumawa.

"Mukhang gutom na rin ang alaga ko, tara na." Hiyang-hiya akong sumunod sa kanila. Si Pablo lang naman nakarinig nun di ba?

"Sandaling lumayo ng kaunti si Ken dahil tumawag ang kaniyang Mama at Papa. Kasabay ko naman si Stell habang si Justin naman at si ate Xi-Anne. May hawak na camera si Justin kaya hindi ako lumalapit sa kanila, hindi pa ako pwedeng magpakita.

Grabe pa naman mag-imbestiga ang mga A'tin, nalalaman lahat.

Habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan ay nagpapahuli lang ako dahil nagv-vlog sila. Sinabayan naman ako ni Ken na kausap pa rin ang magulang niya. Nang makalapit siya sa akin ay ngumiti siya pero hindi siya nagpa-una or nagpahuli, talagang sinabayan ako.

"Hoy Stell, magpakita ka, puro mukha ko na naman nasa vlog natin." Natatawang sabi ni Justin habang nasa mukha niya nakatutok ang camera.

Bahagya naman akong natawa dahil ano na naman kayang kalalabasan ang vlog nilang 'to?

"Si Ken nga doon oh hindi nagpapakita," lumingon namam silang lahat sa akin.

"Ay, may ipapakilala ako guy-"

"Justin, di pa pwede." Pigil sa kaniya ni ate Xi-Anne.

"Ay gano'n? Sayang naman." Sagot naman ng bunso, nakanguso siyang bumalik sa paglalakad at nagpatuloy sa pagsasalita, minsan naman ay sumisingit si Pablo sa camera.

"Ako na nga ang hahawak." Kinuha ni Stell ang camera at siya naman itong nagkwento.

"Diyan na lang siguro tayo kumain?" Turo ni Ken sa isang fancy restaurant. Wow, yamanin na talaga sila. Nahihiya na naman ako buti na lang binigay sa akin ni boss yung huling sahod ko kaya may pambayad ako.

Pagkarating namin sa loob ay nagpahuli si Stell.

"Ken, ikaw na magpaalam dito." Inabot sa kaniya ni Stell ang camera at siya namang kinuha ng isa.

"By guys, next time ulit, this is your boy Ken." Then he cover the camera and turn it off.

Hinintay ko lang siyang matapos para makadaan na ako, pina-una niya akong pumasok sa loob kaya nginitian ko siya.

"Dito kana Jai." Hinila ni Justin yung upuan sa pagitan nila ni Pablo, kahit nahihiya ay pumunta ako doon.

"Thank you." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Hiyang-hiya ka naman, wag kana mahiya, kami lang 'to oh." Natatawang sabi ni Josh.

"Anong 'kami lang 'to' SB19 po kayo, p-pop king, hindi basta-basta artist, paanong hindi ako mahihiya?" Sagot ko naman sa kaniya.

"Masasnay ka din." Sagot naman ni Pablo.

Matapos um-order ni ate Xi-Anne para sa aming lahat ay bumalik na siya sa puwesto niya katabi ni Stell.

"Pau, may meeting ka bukas ng 8 am." Sabi ni ate Xi-Anne.

"Yeah, I know." Sagot naman ng isa.

"Ken, matuto kang mag-seen sa gc ha, baka ikaw na naman ang iba ang suot sa event natin bukas." Sabi ni Stell.

"May event tayo bukas?" Tanong ni Pablo.

"Ay hala, di nag seen sa gc." Bawi naman ni Ken.

Pinipigilan kong tumuwa dahil doon. Shocks HAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro