7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Matapos naming kumain ay may sumunod sa aming Van, they held us in their condo's. Naunang ihatid si Stell na unang nadaanan ang condo niya, next naman ay si Ken, sumunod ay si Josh.

Dahil medyo malayo si Pablo ay kami muna si ate Xi-Anne ang inihatid bago si Justin. Lahat naman sila ay nagpaalam sa akin, I'm so thankful dahil hindi nila pinaparamdam sa akin na out of place ako. Minsan lang talaga magsalita si Pablo kaya ang ackwards for us. Lalo na nung nalaman nilang fan na fan ako ni Pablo.

"Dalawa naman ang kuwarto dito sa condo ko, pwede kang dito na muna." Binigay niya sa akin yung susi nun.

"Thank you po talaga ate Xi-Anne."

"Sus, ano ka ba? Baka next month aalis din ako dito dahil may pinagawa akong sarili kong bahay, dahil binili ko naman 'to para sa akim, ikaw na munang gagamit, ang babayaran mo lang naman ay ang tubig at kuryente." Sagot niya naman.

"Talaga te? Parang nakakahiya naman." Nakangirit kong sagot.

"Alam mo, magpahinga ka na lang muna," tinulak niya ako papasok sa kuwarto. "Bukas na lang tayo mag-usap about the apartment, anyway kailangan maaga tayo bukas sa studio and sa IZ office." Dagdag niya oa bago isara ang pinto.

Hayst. Paano ko nakayanan lahat nang yun? Paano ako nakapagpigil? Sa subrang hiya ko sa kanila gusto ko na lang nagpakain sa lupa ng buhay.

Dahil na rik siguro sa pagod ay mabilis akong nalatulog matapos kong maglinis ng sarili ko.

Kinabukasan ay maaga akong nakagising, hindi ko alam kung bakit, nauna pa akong magising kaysa sa alarm ko. Hinanap ko ang cellphone ko sa lamesa na katabi ng kama ko, hindi ko pa yun makita.

"Nasaan kana ba? Android na android ka na nga lang mawawala ka pa." Habang busy ako sa paghahanap ay siya namang pagtawag sa akin ni ate Xi-Anne.

"Jai, gising ka na ba? May almusal na dito."

"Opo ate," sagot ko naman, nang makita ko na ang cellphone ko ay lumabas na ako at hinanap kaagad ang cr para maghilamos.

Paglabas ko ng cr ay dumeritso kaagad ako sa kusina, nakita ko namam si ate Xi-Anne na naghahanda na ng pagkain namin.

Nakakahiya.

"Kumain na muna tayo, nga pala nag text sa akin si Kuya Yani kagabi, excited na siyang makita ka." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Totoo po? Kinakabahan na naman ako," sagot ko naman. "Panibagong araw na naman at makikita ko na naman sila, parang hindi pa rin ako makapaniwala na after ilang years akong fan girl ng SB19, nandito ako at makakatrabaho ko pa sila."

"Hahaha, normal lang yan, araw-araw mo na silang makikita, magsasawa ka din sa mukha nila-"

"Ay hindi ate, yung kuwarto ko sa bahay puno ng picture nila, hinding-hindi ako magsasawa." Mabilis kong sagot.

"Sinasabi ko sa'yo, magsasawa ka hahaha." Umupo na siya at nagsimula na kaming kumain habang nagku-kuwentuhan about sa boys.

Puro ako tanong sa kaniya kung ano ba yung nangyari dati, year 2019, ang dami niyang kuweto pero yung iba ay hindi pa daw pwede e-share kaya naiintindihan ko naman yun.

After naming kumain ay nag asikaso na kami, sabi kasi ni ate Xi-Anne dadaanan kami ni Justin.

Habang naliligo si ate Xi-Anne ay ako naman ay naghintay dito sa veranda niya. Kita dito ang iba't ibang building na matataas. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa Manila, akala ko mananatili na ako sa Palawan habang buhay eh.

Ilang minuto ang nakalipas ay may narinig akong nag doorbell. Dahil nasa cr pa si ate Xi-Anne ay ako na ang nag bukas.

Halos tumalon ang puso ko ng makita ko si Justin na subrang tangkad. Hanggang balikat niya lang ata ako eh.

"Good morning, Jai, ready na ba kayo?"

Mukha ba akong ready Jah?

Napatitig lang ako sa kaniya ng marinig ko ang boses niya, para akong na estatwa dito sa kinatatayuan ko.

"Jai?"

"A-Ah... A-Ano... W-Wala pa, nasa cr pa si ate Xi eh, wala pa din akong ligo." Nahihiya kong sagot.

"Mukha nga, tingnan mo yang buhok mo, ang gulo pa haha." Hiyang-hiya naman akong tumalikod sa kaniya at naglakad papasok, siya naman ang angsara ng pinto at tuluyang pumasok sa loob.

Nang matapos si ate Xi-Anne ay kaagad akong pumasok sa cr.

"Nakakahiya." Bulong ko sa kaniya. Natawa lang siya at hindi na ako pinansin.

Pagpasok ko ng cr ay doon ako nagtatatalon. Oh my god, yung idol ko nakita akong madungis, nakita akong walang ayos, hindi pwede yun, paano na 'to?

Dahil hindi ako pwedeng magpatagal-tagal ay mabilis lang ako naligo, pero sinigurado kong mabango ako at maayos. Hindi dapat makita ng ibang member yung nakita ni Justin kanina, lalong-lalo na si Pablo, magpapalamon talaga ako sa lupa ng wala sa oras.

After namin mag-ayos ni ate Xi-Anne ay nagulat siya ng tumingin sa akin.

"Ganiyan lang ayos mo? Hindi kana magma-make up?" Tanong niya, pati si Justin ay napatingin din sa akin.

"Hindi ako sanay eh, pulbo na lang." Nakangirit kong sagot.

"Sus, ilalapit kita kay Stell, siguradong masasanay ka mag make up." Natatawang sabi ni Justin na mabilis ko namang inilingan.

Natawa lang silang dalawa bago kami lumabas ng condo, sumakay kami ng elevator pababa at dumeritso sa kotse ni Jah.

"Nando'n na daw sila, excited silang lahat na makita ka." Natatawang sabi ni ate Xi-Anne.

"Kinakabahan ako ate," nahihiya kong sagot. "Pwede bang mag back out?" Natawa naman silang dalawa sa akin.

"Sa panahon na 'to, hindi pwede ang mahina, hindi ka tutulungan ng hiya mo na yan." Sabi ni Justin.

Napasimangot na lang ako dahil doon, tama naman siya, hindi talaga ako tutulungan ng hiya kong 'to, kaya kailangan kong harapin sila, at least kahit papaaano alam ko ang nangyayari sa buhay nila. Ang laki nga nag advantage ko sa ibang A'tin out there na gusto ring makalapit sa kanila, ako naman itong nilalapitan na nga nila, nahihiya pa.

I need to face my fear. Huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro