Kabanata 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Butterflies

Walang nakaalam sa mga kaibigan namin sa nangyari sa lola ni Zeno. Nang pumasok nga kami kinabukasan ay parang hindi man lang siya namatayan. Sinabayan ko na nga lang ang gusto niya. He was laughing and trying his best to win the game but I know he by the end of the day, when he get home, his loneliness will consume him again.

"Tatlong araw lang naman ibuburol si lola, nagpadala na rin ang mga magulang ko ng pampalibing niya. Wala naman kaming hihintayin na kamag-anak," sabi ni Zeno habang binabantayan ang katawan ng lola niya.

'Hindi uuwi ang parents mo?' I wrote.

"Hindi, ipapadala na lang daw nila yung perang ipamamasahe nila. Yun lang naman ang alam nilang kailangan namin, pera lang yata ang akala nilang habol namin sa kanila. Alam kong mahalaga ang pera pero mas mas mahalaga ang presence nila rito. Hindi man lang sila umuwi para sana kahit sila na lang ang makakita kay lola." May hinanakit ang pagtugon niya at ramdam ko ang galit na nararamdaman niya sa sarili niyang mga magulang.

'You hate them now?'

Natigilan siya sa tanong ko, nakita ko sa mga mata niya na nalito siya. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tanong ko dahil panay ang buka at pagsara ng bibig niya. Sa huli ay bumuntonghininga siya. "I don't want to but they are pushing me to. Magulang ko sila, naiintindihan ko na may mga sakripisyo sila para sa akin pero siguro naman sapat na ang halos labinlimang taon na hindi sila umuuwi para makaipon. Naiisip ko na nga na baka ayaw na nga talaga nilang bumalik. Baka masaya na sila roon at naiisip lang nila na may anak silang naiwan dito at tanging pera lang ang kailangan ko para magkaroon ng maayos na buhay. Napaka-unfair naman nila kung ganoon nga."

'What if they ask you to come with them?' Hindi iyon malabong mangyari. Kung may pakialam talaga sila kay Zeno, malamang dumaan na rin sa isip nila na isama na lang siya sa ibang bansa at doon mag-umpisa ng panibagong buhay.

"Ayoko, Yena. Nandito ang buhay ko at mga mga mahal ko sa buhay. Nandito ang mga taong nagmamahal sa akin kaya bakita ako pupunta sa lugar na wala man lang akong kakampi. Mahirap magsimula ulit kaya bakit ko iiwan ang buhay kung saan ako komportable at masaya?"

Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko yata kakayanin na makita siyang umaalis, he is my one of my closest friends. May feelings na rin ako sa kanya na unang beses kong maramdaman sa buong buhay ko. Kagaya niya, mahihirapan na ulit akong mag-isa kapag nawala siya. Kahit na mayroon ng Viana, Caeli, Jude, at Gael, iba pa rin si Zeno. 

"T'saka paano kita magiging girlfriend kung aalis ako, eh 'di naagaw ka ni Caleb. Ang lakas pa naman ng loob no'n, muntik pa akong nagkaroon ng karibal. Buti na lang kasangga ko si Tito Vernon." Bumalik na ang mapaglarong ngisi niya sa mga labi. Hindi ko na-realize na nakaka-miss din pala ang pagiging pilyo niya. Hindi pala bagay kay Zeno ang pagiging malungkot.

'You planned it, don't you? Gusto mong makaka-close si daddy para mabakuran ako.' I jokingly wrote.

"Hindi naman, unang kita ko kasi sa daddy parang ang astig niyang ama. Yung iba kasing tatay, nagagalit na kapag matagal na naghihintay sa anak. Yung iba ayaw nila na pinaghihintay sila, dapat nandoon ka na pagkarating nila. Ang daddy mo, kahit matagal siya roon, hindi siya naiinip at nagrereklamo. Nakikipagkwentuhan pa siya sa amin. Bigla akong napatanong kung ganoon kaya ang tatay ko kung kasama ko siya ngayon, astig din kaya siya?" Natawa siya. "Masyado na yata akong nagiging sad boy. Hayaan mo na, malungkot talaga ang buhay ako."

'You don't look sad when I first met you, I like that and I also like when you don't afraid to show me how vulnerable you are. And daddy wouldn't mind having a son as long as it's you.'

Totoo naman iyon, sino ba ang ama na ayaw ng lalakeng anak. Kung nabubuhay lang si mommy, malamang hindi sila titigil ni daddy sa pag-aanak hanggang sa walang lumalabas na lalake. Nakikita ko na iba talaga ang saya ni daddy tuwing magkasama sila ni Zeno kaya ganoon na lang ang tiwala niya sa lalake kahit hindi niya naman ito kaano-ano, nararanasan niya kasing maging ama sa isang anak na lalake.

"Gusto mong maging daddy ko rin ang daddy mo? Gusto mong maging magkapatid tayo?" Tumaas ang kilay niya. Hinahamon yata ako nito, hindi pa nga nanliligaw.

'Ayokong maging kapatid ka. Son-in-law ni daddy ang pwedeng way.' Maski ako ay natawa sa sinulat ko. Nakakainis talaga, nahahawa na yata ako ng kalandian kay Zeno.

"After college, Yena. Huwag kang mag-alala, pakakasalan kita kaagad. Hindi ako papayag na hindi tayo magkakatuluyan. Marami mang dumaang ibang tao sa buhay natin, I will make sure that by the end of our lives, our hands will be holding each other." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa sobrang kilig. Ganito pala 'yon, parang nawawala sa kontrol lahat ng organs mo at hindi mo naiisip kung ano ang dapat na reaksyon. The happiness comes out naturally. I never thought that I will experience this kind of high school romance. Naririnig ko lang ang words na high school sweethearts pero ngayon, ako mismo ang nakakaranas no'n. Indeed, this is the most memorable years of my school life. Bihira ang mga nambu-bully sa akin ngayon at may mga nanliligaw pa sa akin. 

'Si Caleb lang ba ang alam mong may gusto sa akin?' 

Nagulat ako nang mapairap siya bigla. "Why do you have to ask? Bakit may balak ka pang magpaligaw sa iba?"

'Ayaw mo ng competitio--'

Hindi ko na natapos ang sinusulat ko nang hablutin niya ang papel na sinusulatan ko at hinagis sa isang sulok ng bahay. Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya. Inis na inis talaga siya sa mga lalakeng umaaligid sa akin.

"Ayoko ng kahit ano, Yena. Ang anak ni Vernon at Serena ay para kay Zeno lang, hindi kay Caleb, kay Ryan, kay Leon, at kay Marcus!"

So, meron nga at talagang binanggit pa niya ang mga pangalan. Ang alam ko si Leon at Marcus ay kasamahan nila sa baskteball team. Si Ryan ang hindi ko kilala, sino 'yon? At paano kaya sila nagkagusto sa akin.

"Kung pwede ka lang itago sa bulsa ko kapag nasa school tayo. Si Leon sabi niya ang cute mo raw, tinanong pa sa akin kung totoong pangalan mo raw ba yung Yena, bagay na bagay daw kasi sa 'yo. Nakakainis talaga! Gusto ko siyang suntukin! Si Marcus naman pinakita pa sa akin 'yung picture mo noong nasa art exhibit ka, balak pa niyang gawing wallpaper ng cellphone niya. Sarap ipakain sa kanya yung bola." Pulang-pula ang mukha niya at hingal na hingal rin siya sa dire-diretsong pagkwento.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagagalit pa siya sa mga 'yon kahit naman ang laki ng lamang niya sa mga 'yon. Hindi ko na nga napapansin ang ibang mga lalake dahil sa kanya lang palagi nakatingin ang mga mata ko. Kapag wala naman siya, siya lang ang hinahanap-hanap ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Baliw na yata ako.

"Naiinis ako kasi pwede mo silang magustuhan once na makalapit sila sa 'yo at makilala mo sila. Pwedeng-pwede mo akong ipagpalit kay Marcus kasi matalino 'yon at magaling pang maggitara at kumanta. Buong rin ang pamilya at hindi kagaya ko na sad boy na nga, bobo pa at walang future." Nag-iwas siya ng tingin. "Insecure ako, sobra! Kapalit-palit at kaiwan-iwan kasi ako."

"I-ikaw a-an-ang gu-gus-t-to k-ko," pinilit kong sabihin kahit nahihiya ako at nahihirapan. Siya lang 'tong isip nang isip ng kung ano-ano. Wala naman akong balak tumingin sa iba kahit pa sabihin na higit sa kanya ang mga lalakeng iyon.

Kumalma siya nang marinig ang sinabi ko. Nawala na ang pamumula ng mukha niya at sumilay na sa labi niya ang matamis na ngiti. "Your eyes may find others attractive but your heart will only look for me, right?"

Tumango ako. Hinawakan ko ang kamay niya, pinagsiklop ko ang daliri namin.

"Lola, kung nakikita mo 'to at kung nandyan ka na sa langit, pakisabi kay Lord na i-reserve na niya si Yena sa akin."

Hay naku, Zeno. Ligawan mo muna kasi ako bago ang lahat. Ako ang naiinip, eh! Alam ko na nga ang isasagot ko kahit hindi ka pa nagtatanong.

Nang mailibing ang lola ni Zeno ay hindi pa kami kaagad nakauwi ng bahay ni daddy. Sinamahan muna namin si Zeno sa bahay niya ng dalawang araw para maglinis. Nilabhan ko ang mga damit niyang marurumi habang sila ni daddy ay inayos ang mga naiwang gamit ng lola niya para maipamigay o maitapon, dapat daw kasi walang matitirang gamit ang namatay na sa loob ng bahay.

"Ako na ang bahala d'yan, Yena. Hindi ka na dapat naglaba, baka masugat ang kamay mo sa sabon." Pilit akong pinapalayo ni Zeno sa washing machine.

"Hay naku, Zeno. Hayaan mo na 'yang si Yena. Mag-aaway lang kayo kapag kinontra mo pa ang gusto niyang gawin. Suportahan mo na lang o kaya tulungan mo, magkakasundo pa kayo," sabi ni daddy nang madaanan kami.

Ang ending ay kaming dalawa na ang naglaba. Akala ko mapapabilis ang trabaho ko pero mas lalo lang pa lang tatagal. Ang kulit nitong si Zeno, pinaglalaruan ang mga bula kaya naman basang-basa kaming pareho. Panay ang kurot at hampas ko sa kanya para magtigil na siya pero wala, ang tigas talaga ng ulo.

"Ang KJ mo naman, minsan ka lang maglalaba rito sa bahay kaya dapat sulitin ko na. Parang mag-asawa tuloy tayo." Binulong niya pa ang huling pangungusap niya baka kasi marinig ni daddy. Takot din pala ang isang 'to.

Pagkatapos ng dalawang araw ay bumalik na kami sa bahay namin. Si Zeno naman ngayon ang halos araw-araw na nandoon, siya pa nga minsan ang kasabay kong pumapasok kasi nakitulog siya sa bahay. Siya na rin ang madalas na naghahatid sa akin pauwi at makikikain ng hapunan. Kapag umalis si daddy tuwing weekends, kaming dalawa ang nagbabantay sa flower shop. Siya raw ang security guard.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko, Yena? Araw-araw na tayong magkasama." Natawa pa siya sa sarili niyang tanong.

Sa totoo lang, hindi talaga, eh! Ewan ko ba, mas naiinis nga ako kapag matagal kaming hindi nagkikita. Gustong-gusto ko rin siyang pinapanood kapag tinutulungan niya si daddy sa pagbubuhat ng mga bagong bulaklak na nakalagay pa sa mga malalaking lalagyan. Wala siyag suot na pang-itaas at kitang-kita ko ang mga muscles niya na pawisan pa. Lalo na yung abs na nag-e-exist pala talaga sa katawan ng mga lalake.

Nakakainis lang na nahuli ako ni daddy na nakakanganga pa habang pinapanood si Zeno. Kainis, panay tuloy ang tukso sa akin. Si Zeno naman palaging clueless, pinagpapantasyahan ko na ang katawan niya, hindi pamrin niya alam.

Bigla kong napatay ang telebisyon nang maghalikan ang dalawang tao sa palabas. Takang napatingin sa akin si Zeno pero nagkibit-balikat na lang din at tinuloy ang pagkain ng meryenda.

"Okay ka lang? May gusto ko bang gawin?" tanong niya.

Napansin niya siguro na panay ang buntonghininga ko.

Meron akong gustong maranasan pero nakakahiya na ako pa talaga ang nakakaisip no'n. Ako pa talaga na babaeng walang karanasan ang gustong makaranas makahalik. Damn!

Hinarap ko si Zeno at matamis siyang nginitian. Tumango ako sa tanong niya.

"Oh, ano 'yon? Gawin na natin habang walang customer." Tinabi niya ang kinakain at saka uminom ng tubig.

My hands and forehead are sweating, grabe rin ang lakas ng pintig ng puso ko. It is now or never, gusto ko na makuha ang first kiss ko at gusto ko kay Zeno ko 'yon maranasan. Siya naman ang first love ko kaya siya rin ang first kiss ko.

Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang dalawa kong kamay at mabilis ding inalis 'yon. Tinuro ko siya para gayahin ang ginawa ko.

"You want me to cover my eyes?" tanong niya na tinanguan ko. "Okay." Nagkibit-balikat siya at ginawa ang gusto ko.

Nang magawa na niya iyon ay mabagal akong lumapit sa kanya. Panay pa ang buntonghininga ko. Pumikit ako at dahan-dahan kong pinagdikit ang mga labi namin. Sandali lang 'yon at kaagad din akong lumayo. Halos wala mang isang segundo ang halik na 'yon pero naiwan sa mga labi ko ang lambot ng labi niya.

Lalayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin at paupuin sa kandungan niya. Pinalupot niya ang isang braso sa bewang ko at ang isang kamay niya ay nasa may batok ko. Gulat na gulat ako at habol-habol ko ang hininga ko.

"So, my girl wants to learn how to kiss. You should have told me para hindi ka na nagnakaw ng halik sa akin." He smirked. Pinatakan niya ng isang halik ang labi ko kagaya ng ginawa ko kanina. "That was a smack."

Bahagya kong naibuka ang labi ko para sana kumuha ng hangin pero sinakop na naman niya iyon ng mga labi niya. This kiss wasn't not a peck or a smack anymore. Gumalaw ang labi niya, humahagod 'yon sa mga labi ko at hindi ko na namalayan na ginagawa ko na rin iyon. Sumabay na ako sa galaw ng labi niya.

"That was a passionate kiss," he said after he left my probably so red lips now.

Ang akala ko ay tapos pero napasinghap ako nang hatakin niya ang batok ko at walang babalang hinalikan na lang ako ulit. This time I feel like he is going to eat my whole mouth. Pakiramdam ko ka nga ay nanggigil siya dahil humihigpit ang hawak niya sa bewang ko. Nagkakapalitan na yata kami ng laway dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin.

"That was a torrid kiss." He chuckled and wipe the side of my mouth.

Oh, that's why.

Hindi pa ako nakakabawi ay muli na naman niya akong hinalikan. Akala ko nga ay passionate kiss lang ulit ang gagawin niya pero napakapit ako sa braso niya nang pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at pinalaruan ang dila ko. Damn, what is this?!

Nang hindi ko kayanin ang halik na iyon ay naitulak ko siya at napahawak sa dibdib ko na pakiramdam ko ay sasabog na anumang oras.

"That was a French kiss. So, which one is your favorite?" Inayos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo at pagkatapos ay ang dulo ng ilong ko.

I answered him using my lips. Yeah, I love the passionate one. 

"So, ganyan pala ang ginagawa niyo kapag wala ako?"

Bigla akong napatayo dahil sa gulat at  parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makitang nakatayo si daddy sa malapit sa pinto ng flower shop, huling-huli ang pagtutukaan namin ni Zeno. Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro