Kabanata 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Made To Be Broken

"Kayo na ba?" tanong ni daddy habang nakahalukipkip sa harapan namin ni Zeno. Palakad-lakad siya at hindi inaalis ang tingin sa amin.

"Y-yes!"

"No."

Halos sabay kaming nagsalita ni Zeno kaya napatingin siya sa akin at nanlaki pa ang mga mata. Tumango ako sa kanya.

"Ano?" Kumunot ang noo ni daddy, marahil hindi naintindihan ang sinagot namin.

Bumalik ang tingin sa kanya ni Zeno at alangang tumango. "Y-yes po, kami na po ni Yena!" Bahagyang lumapit sa akin si Zeno na may malaking ngiti sa labi na pakiramdam ko ay magtatagal hanggang mamaya.

Nasa may mahaba kasi kaming sofa at sa magkabilang-dulo kami nakaupo. Tumingin ako kay daddy na hindi ko alam kung nagagalit ba o ano, hindi naman kasi siya sumisigaw, tumatawa, naiinis, o kung ano pa man. 

"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" iritableng tanong ni daddy.

"Y-yest-ter-day," pagsisinungaling ko. Damn! Nakakainis naman kasi, ang ganda ng timing ni daddy. Sakto pa talaga kung kailan kami naghahalikan.

"Kahapon po, tito. Ngayon alam niyo na, hehehe!" Parang nang-aasar pa si Zeno sa tono niya.

"Hoy, lalake! Hindi dahil pinagkakatiwalaan kita sa anak ko, ibig sabihin na no'n ay pwede mo ng gawin ang gusto mong gawin sa kanya. Hindi kasama sa mga pwede mong gawin ang halik-halikan na lang ang anak ko," pangaral ni daddy at saka tumingin sa akin. Akmang ako naman ang sesermonan nang magsalita si Zeno.

"Si Yena naman po ang unang humalik, pinagbigyan ko ho siya." Tumingin pa sa siya sa akin. "Hindi ba, Yena? Pinapikit mo ako tapos bigla mo na lang akong hinalikan. Nagulat nga ako kasi may mga gano'n ka na pa lang iniisip--Aray!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang kinurot sa tagiliran. Nakakainis talaga! Bakit hindi na lang siyang manahimik at kailangan pa akong ilaglag sa daddy ko?!

"Yena, is that true? You initiated the kiss?" hindi makapaniwalang tanong ni daddy. 

Yumuko ako at tumango na lang. what's the point of denying it? Magmumukha pang sinungaling si Zeno tapos hindi na siya pagkakatiwalaan ni daddy kahit ako naman ang may kasalanan. 

"Goodness, anak ka nga talaga ni Serena!" bulalas niya at saka nasuklay gamit ang mga daliri ang buhok. "Okay, nangyari na at wala na akong magagawa pa. Basta, huwag na lang kayong hihigit pa sa halik. At hanggang sa labi lang, hindi na pwedeng bumaba. Nakakaintindihan ba tayo?" Tumaas ang boses ni daddy sensyales na kailangan namin siyang sundin at pakinggan.

"Yes po, tito. Huwag po kayong mag-aalala, aalagaan ko po si Yena kagaya ng ginagawa niyo sa kanya. Alam ko naman po ang limitasyon ko at kung hanggang saan pa lang ang karapatan ko kay Yena, mahalaga rin po ang tiwala niya at tiwala niyo po sa akin kaya hinding-hindi ko po iyon sisirain," Zeno stated sincerly. Ngayon ko lang siya narinig sa ganyang tono, iyong may prinisipyo at alam mong hindi basta-basta matitibag.

Sumilay na ang mga ngiti sa labi ni daddy at parang naginhawaan na rin ang loob niya nang marinig iyon mula kay Zeno. Iyon lang siguro ang hinihintay niyang marinig na mga salita. "It's good that we are on the same page. At ikaw naman, Yena, hindi porket na gano'n ang ginawa sa akin ng mommy mo noon, dapat mo nang gayahin."

Kumunot ang noo ko. Tinuka rin ni mommy si daddy noon? Siya rin ang unang sumunggab?

"Mana-mana talaga 'yon, tito," gatong pa ni Zeno na tuwang-tuwa sa nangyari.

Hindi pa ba siya matutuwa, naging girlfriend niya na ako bigla tapos nahalikan pa niya ako. Well, gusto ko na rin naman siyang maging boyfriend, gusto ko ring maranasang magkaroon ng high school romance kagaya ni Viana at Caeli, o ng iba pang normal na estudyante. 

'Ang saya mo, ah!' puna ko kay Zeno na pasipol-sipol pa habang naghahanda sa pag-uwi.

"Sino bang hindi magiging masaya? Girlfriend na kita tapos nag-kiss pa tayo kanina, approve pa ng daddy mo. Bihira ang mga ganitong oppurtunity kaya dapat magsaya ako." Humarap siya sa akin at saka hinalikan ang noo ko. "Uuwi na ako, maaga kang matulog kasi may pasok pa tayo bukas. Don't forget to dream about me. I love you," he whispered the last sentece on my ears.

'Love you too, with all the rain that pours in our sky.' I wrote and pointed to the window. It was raining already.

"Oh, shit! Kailangan ko na talagang umuwi, baka may mabasa sa bahay." Nagmamadali siya lumabas at sumakay sa kotse ni daddy.

Yakap-yakap ko ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang paglayo ng sasakyan. I didn't know it was possible to be happy and afraid simultaneously. I am happy because finally, I will no longer imagine what it feels like to have a special someone, I have Zeno already. And afraid because I was not sure how to handle a romantic relationship, baka magkamali ako at magsawa na lang sa akin si Zeno kagaya nang nangyari sa kanila ni Cindy.

Bumuntonghininga ako at inalis sa isip ko ang lahat ng pangamba. Nagsisimula pa lang kami ni Zeno, marami pa akong oras at pagkakataon para matuto. Wala namang magbabago sa amin, ganoon pa rin naman, may madadagdag lang na ibang bagay. Sa tagal na naming magkasama, ni minsan naman wala kaming hindi pinagkasunduan. We always find ways to understand each other, marami kaming pagkakaiba pero alam naming intindihin ang mga iyon.

Kinuha ko ang picture ni mommy na nasa study table ko at niyakap iyon. Kung nandito siguro siya, isa siya sa mga nanenermon sa akin ngayon dahil sa ginawa ko. 

Mommy, may boyfriend na po ako. Gwapo tapos sobrang kulit pero mabait naman. Nakahanap na rin po ako sa wakas ng taong mamahalin ako nang buo, iyong tanggap ako kahit hindi ako kahit may kapansan ako. Siguro, mommy, kasama mo na yung lola niya ngayon d'yan sa heaven, sana po magkasundo kayo.

Hindi ko pa alam kung ano pang surpresa ang naghihintay sa akin ngayon gayung marami pang natitirang oras para sa aking huling taon sa high school. Narinig ko na may prom pa kami, hindi ko na problema ang partner ko dahil meron naman na akong boyfriend. Kaya lang, hindi pa rin niya iyong binabanggit sa akin.

Tawa ako nang tawa kay Caeli dahil panay ang parinig niya kay Jude tungkol sa prom. Inaya na kasi ni Gael si Viana, samantalang kaming dalawa, ayun! Nganga pa rin! Walang paramdaman ang jowa ko. Nakikipagtawanan pa kay Jude.

"Yena!" tawag niya sa akin sa wakas.

Kanina pa ako naghihintay, tinatawanan ko na nga lang kahit pa sa loob-loob ko naiinip nan talaga ako.

"Akala mo ba hindi kita aayain?" tanong niya habang hawak ang kamay ko.

Marahan niyang sinuot ang isang silver-chained bracelet sa kaliwang braso ko, may design pa 'yon na isang snail.

Nanginig ang mga labi ko at nablangko ang isipan ko dahil ito ang unang beses na nakatanggap ng regalo nang walang okasyon. Umaapaw ang kasiyahan sa puso ko at lumulutang ang isipan ko, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o tititigan na lang ang bracelet.

"Hindi ka na pwedeng ayain ng iba, ha? Ako na ang partner mo sa prom. Ako lang ang pwedeng sumayaw sa 'yo roon. Sige, pwede si Gael at Jude pero hindi na pwede ang iba." Hinalikan niya ang braso ko kung saan niya sinuot ang bracelet. "Did you like it? I knew that it will suit you so well."

Imbes na sumagot sa kanya ay pinatakan ko ng isang mababaw na halik ang mga labi niya. Hindi na kailangan pa ng mga salita para lang malaman niya kung gaano ko nagustuhan ang regalo niya. I will never forget this moment where I received the most precious gift in my entire high school life.

Patago lang ang mga ganitong moments namin ni Zeno sa school, wala pa kasing nakakaalam na may something na sa amin kahit ang mga kaibigan namin. Gusto na rin namang ipagsabi ni Zeno para raw wala nang magkagusto pa sa akin o kaya magbalak na pumorma kaso ayaw ko nga, natatakot ako na baka na lang may sumabunot sa buhay ko. Hindi naman ako natatakot kung may lumapit na mga babae kay Zeno, magandang lalake siya at kilala pa sa buong school, wala akong magagawa kung maraming magkakagusto sa kanya.

"Ano ang isasagot mo kapag may nagtanong sa 'yo kung pwede kang ligawan?" tanong sa akin ni Zeno habang pauwi kami.

Tinaas ko ang whiteboard ko at pinakita sa kanya ang sagot ko. 'Study first, sorry.'

"Goods, pwede rin namang sabihin mo na na may boyfriend ka na, mas madali 'yon. Aalis kaagad sila." Tumaas-baba pa ang kilay niya sa suggestion niya.

"N-no!" Umiling ako at binilisan ang paglakad.

"Yena! Kinahihiya mo yata ako, eh!" Nakasimangot siya nang lingunin ko siya.

Huminto ako sa paglalakad at saka binalikan siya dahil nahuhuli siya sa akin. Dahil napakatangkad niya at hanggang leeg niya lang ako, kailangan ko pang mag-tiptoe para lang mahalikan siya. Halata ang pagkagulat sa mukha dahil sa ginawa ko pero napangiti na rin naman siya at tumingin pa sa palagid naming maraming naglalakad na tao at dumadaang sasakyan.

"Okay, hindi na tuloy. Kailan mo ba kasi balak ipagsabi na sa akin ka na?" Inakbayan niya na ako para hindi na ako makalayo sa kanya.

Nagkibit-balikat ako. Siguro kapag college na lang kami, doon sa bagong environment para hindi ako i-judge ng mga tao. Kapag kasi sa school namin ngayon, mapapatunayan ko sa mga taong nag-iisip na inagaw ko si Zeno kay Cindy na totoo nga ang binibintang nila. Sobra-sobrang pangungutya na naman ang mararansan ko.

Babalik na naman sa akin lahat ng mga masasakit na salita at pangyayari noong bata pa ako. Hindi ko kailanman makakalimutan noong unang beses akong ma-bully noong first year high school ako. Umuulan no'n, sobrang lakas na parang may bagyo kahit wala naman. 

Wala akong dalang payong o kahit na anong pangsangga sa malakas na ulan. Noong mga panahong 'yon, hindi pa ako hatid-sundo ni daddy para raw matuto ako kung paano bumyahe mag-isa. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa mga kaklase ko noon at bigla na lang nila akong tinulak sa putikan at nagsisigaw ng "Yena, pipi!"  tapos tumawa silang lahat. Sa lakas ng ulan at sobrang dumi ng katawan ko dahil sa putik, nabasa pa lahat ng gamit ko, umiyak na lang ako.

Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Naglakad na ako palabas ng campus na pinagtatawanan ng kahit sinong madaanan ko. Sinalubong ko ang malakas na ulan para lang makaalis doon. Ayaw pa akong isakay ng mga sasakyan dahil nga punong-puno ako ng putik at akala nila wala akong perang pamasahe. Wala akong choice kung hindi maglakad, kahit napakalayo ng school ko sa bahay namin, nilakad ko 'yon. Ang lakas ng ulan, lamig na lamig ako, wala man lang lumapit sa akin para tulungan ako. 

Gulat na gulat si daddy nang makauwi ako nang ganoon ang itsura. Kahit hirap akong magsalita ay naikwento ko sa kanya ang buong nangyari. Nilagnat ako nang isang linggo at panay din ang iyak ko. Galit na galit si daddy, sinugod niya yung school at kinuha lahat ng papeles ko para mai-transfer niya kaagad ako sa ibang school. Simula noon, lagi na niya akong hinahatid at sinusundo, kahit marami siyang ginagawa ay hindi siya papayag na hindi ako maihatid o masundo. Kaya iba ang pakiramdam ko tuwing umuulan, mabigat sa loob ko kasi naaalala ko 'yon. Hindi ko na kakayanin kung mauulit pa iyon ngayon.

"Nandito na po kami, tito!" sigaw ni Zeno nang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Magpahinga na kayo at nagluluto na ako. Yena, nandito na yung dress na susuotin mo sa prom niyo. Pati ang tuxedo na hinihiram mo, Zeno, nakalkal ko na. Sukat mo mamaya pagkatapos nating kumain," sabi ni daddy na abala sa kusina nang madatnan namin.

"Talaga po? Ayos! Salamat, tito." Kulang i-kiss ni Zeno si daddy sa sobrang excitement.

"Siya nga pala, naiwan mo 'yung cellphone mo kanina. May tumatawag at nate-text yata, panay ang tunog," sabi pa ni daddy kay Zeno.

"Mamaya ko na po 'yon aasikasuhin. Tulungan ko na po kayo d'yan!"

Pinabayaan ko na sila doon at pumasok na ako ng kwarto para makapagpalit ng damit. Napatakbo ako papunta sa kama ko nang makita ang kumikinang kong dress. Pinatong ko 'yon sa katawan ko at humarap sa salamin, gandang-ganda ako sa sarili ko, umikot-ikot pa ako. Ito ang unang prom na dadaluhan ko kaya kinakabahan ako pero excited din, sana maging memorable ang araw na iyon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakaupo na silang pareho at nakahanda na para kumain. Ako na naman ang pinag-trip-an nilang dalawa habang kumakain kaya panay na naman ang irap ko. Si daddy ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan namin para raw maisukat namin ang mga damit namin para sa prom.

Pinakita ko kay daddy ang silver bracelet na binigay sa akin ni Zeno. Parang bata ako na nalagyan ng star sa kamay sa pagmamalaki ko sa bigay ni Zeno.

"That's very nice of him. Bagay na bagay sa 'yo, anak. At halatang gustong-gusto mo rin," sabi ni daddy.

Pinuntahan ko na si Zeno sa sala para makita ang susuotin niyang tuxedo. Titig na titig siya sa hawak niyang cellphone at hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Nakakunot ang noo niya at parang ang laki ng problema nang bumuntonghininga siya.

Lumapit ako sa kanya para makita kung ano ang tinitingnan niya. It was a text message from his mother. Hindi ko na sana babasahin pero bigla akong na-curious nang mahagip ang salitang uuwi sa mensahe. Nanghina ang tuhod ko habang unti-untin binabasa ang laman ng mensahe na iyon. Gulat na napatingin sa akin si Zeno at mabilis itinago ang cellphone.

"Yena..." Inabot niya ako pero mabilis akong umiwas. 

Tumulo ang luha ko at tinulak ko siya palayo sa akin. Nangako siya! Nangako siya, eh!

"Yena, let me explain first." Hinuli niya ang kamay ko pero mabilis akong nakaiwas.

Nagtatakbo ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at malakas na pagkatok sa pinto. 

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. He promised me! That messaged just proved that promises are made to be broken.

Mrs. Bosco:

Zeno, we will come home this month to process your papers and everything you will need. Isasama ka na namin dito sa Canada para sama-sama na tayo, pasensya ka na, anak, kung ngayon lang. Mahal na mahak ka namin ng papa mo.

Zeno:

Yes, mama. I love you too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro