Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The Way We Are Meant

"I did not expect that Zach would allow you to accept my offer," Zeno said while examining my whole mouth, especially my tongue.

Kahit naman ako ay nagulat din. Iniisip lang niya siguro ang kapakanan ko, the offer is too tempting even my jealous boyfriend couldn't resist it.

"Yena, since you don't have any problem aside from your stuttering, there's a strong possibility that you can talk properly with proper therapy sessions." Hinawakan niya ang balikat ako. "Hindi naman ako papayag na hindi, I am doctor because of you. You may not be my first patient but I always dream that this day will come."

How ironic, isn't it? He dreamed for this day would come pero hindi man lang niya naisipang umuwi kung hindi pa namatay si Cha. He will be happily married on the other side of the world and forget us for real. Wala naman na akong pakialam kung hindi na siya bumalik o kahit wala siyang natupad ni isa sa mga pangako niya, nasasaktan lang ako para kay Cha, ang last wish niya kasi ay makumpleto kaming barkada bago man lang siya mawala.

"Cloud Cafe and Flowers will open soon, cupcake!" Zach excitedly said.

Yup! Malapit nang matapos ang renovation ng shop. 

"Ay, wow naman! Ang cute!" 

Napangiti ako nang marinig si Viana. Kabuwanan na niya next month pero gala pa rin nang gala. Sapo niya ang tiyan habang tinitingnan ang ipininta kong disensyo na ipininta ko sa pader. Sinabay ko talaga ang itsura ng Cafe sa mga nauusong style ngayon sa mga kabataan, 'yung aesthetic. Pinagtatawanan nga ako ni Zach dahil feeling teenager daw ako.

"Tito Vernon, punta raw po si mommy mamaya rito!" sabi ni Gael sa daddy ko na tumutulong sa pagpipintura.

"Ah, sige! Para siguro sa mga dadalhin kong bulaklak sa event niya," sagot naman ni daddy at napakamot pa sa batok.

Nagkatinginan kami ni Gael, tumango lang siya at ngumiti. Mukhang may aabangan talaga kaming Senior Citizen wedding. Wala namang masama dahil may mga asim pa naman talaga ang mga magulang namin.

"Hi, everyone!" 

Nagulat kami sa pagdating ni Altheya, hindi naman kasi namin inaasahan. Saan kaya galing ang babaeng ito?

"Dumaan na ako kasi galing akong kulungan, you know? Dinalaw si mister." Tumawa pa siya, loka-loka talaga. "Hi, Attorney Veda and Mrs. Veda! Hello, Engineer Zach and Architect Yena! Hello po, poging Tito Vernon!"

Hininto muna namin ang pagpipintura para maasikaso ang mga kaibigan naming dumating. Wala si Jude dahil busy sa mga trabaho niya, naaawa nga ako roon dahil nililibang ang sarili dahil laging naaalala si Cha. Kapag may pagkakataon ay binibisita namin siya at nililinisan ang bahay niya.

"How's the therapy with Doc Bosco, Yena?" tanong ni Gael sa akin habang naghahanda ako ng meryenda.

"Good!" At least naman ngayon ay hindi na ako nauutal sa paisa-isang word. Malaki rin ang tulong ng pagkanta namin ni Zach dahil kapag lyrics ng kanta ay bihira akong mautal. May pag-asa pa rin pala akong gumaling kahit na matanda na ako.

"I heard na nandito ang fiancee niya, pinakilala na ba niya?" tanong ni Viana sa akin.

Umiling ako. Baka imaginary lang 'yon fiancee niya, wala naman akong nakikita nagpupunta ako sa bahay nila.

"Hi, guys! Nandito na kami ni Jude, hindi man kayo nag-aaya! Tingnan mo, nandito pala kayong lahat," sabi ng kararating lang na si Zeno na nakaakbay pa kay Jude.

"Inistorbo niya ako sa trabaho kaya wala akong magawa kung hindi sumama," depensa ni Jude na kaagad naupo sa tabi ni Gael.

"Parang gumagawa lang ng excuse para makapunta rito kina Yena," bulong ni Altheya na alam kong narinig ni Zeno.

Paano ba 'to? Balak ko pa man ding matapos ang kabilang part ng dingding ngayon, nagsidatingan naman ang mga ito. Lumapit sa amin si Zach na may dalang isang pitsel ng juice. Nakita ko namang bahagyang nawala ang ngiti niya nang makita si Zeno. Ito na naman tayo! Bakit ba kasi ayaw maglubay nitong si Zeno?

"Cupcake, tuloy ko lang ang pag-paint. Iwan muna kita rito," bilin sa akin ni Zach at saka nagpaalam sa mga kaibigan ko.

Hindi naman kasi masyadong close sa kanila si Zach. Nagkakausap din naman sila pero hindi 'yung sobra-sobra, tsaka wala naman akong problema doon, gustong-gusto naman ng mga kaibigan ko si Zach para sa akin. Nakita raw kasi nila ang improvement ko noong naging kami. Hindi na raw ako kalungkot at madalas pa nilang nakangiting mag-isa, at wala pa nga raw akong speech therapy na dinadaluhan ay nag-improve raw ang pagsasalita. Bihira na kasi akong gumamit ng whiteboard ngayon.

"Ang sweet talaga ng boyfriend mo, Yena! Hindi pa kayo kinakasal pero may joint investment na kayo, mukhang ayaw ka nang pakawalan!" Tumawa si Viana at sinapo ang tiyan. "Magpakasal na kaya kayo! Hindi ka pa ba inaaya o tinatanong about marriage?"

Syempre, hindi ko sasabihin na minsan na akong tinanong ni Zach tungkol sa pagpapakasal. Hindi pa kami handa, alam niya 'yon kaya hindi pa niya ako maaya. Konti pa lang ang ipon namin at wala pa kaming mga sariling properties. Although may mga plano na kami sa konting pera na ipon namin, hanggang hindi pa natutupad ang mga iyon, wala munang kasalan.

"Mukhang busy yata kayo, Yena. Sorry, hindi kami nagsabi bago pumunta. Hayaan mo na kami rito para magawa mo na ang trabaho mo o baka may maitulong kami?" Gael insisted.

Naisip ko bigla na may gamit pa pala kaming hindi naayos at sobrang bibigat ng mga iyon, hindi kayang biglain ni Zach at ni daddy. Kaya naman ay tinanguan ko ang offer ni Gael at inaya sila sa Flower shop slash cafe na hindi pa talaga gawa.

Napatayo si Zach mula sa pagpipintura nang makitang kasama ko ang mga lalake kong kaibigan. Si Jude at Zeno ay nagsisunuran kay attorney. Tinuro ko sa kanilang tatlo ang mga gamit na nakatambak lang sa isang gilid, ilalagay kasi ang mga iyon sa likod ng bahay. Pipiliin pa ang mga itatapon at ang mga itatabi. Karamihan sa mga iyon ay ang mga paintings ko na inipon ni daddy kaya malamang ay itatabi ang mga iyon.

"Buti at tutulong sila?" salubong sa akin ni Zach.

Kinabit ko ang apron ko para magpatuloy sa pagpipinta. Napatingin ako sa boyfriend ko na wala ng saplot pang-itaas at tanging apron lang ang humaharang sa harapang bahagi ng katawan niya. Kita ko pa nga ang abs niya at ang nipples niya kapag nakatigilid siya. Sarap talagang panggigilan lalo na at amoy baby talaga siya. Hindi siya gumagamit ng kahit anong matapang na perfurme at baby powder lang ang nagpapabango sa kanya. Kahit ang natural scent niya ay sobrang lakas ng dating sa akin.

"Nag-alis na ako ng damit kasi baka masira lahat ng damit ko dahil sa pintura saka ang init pa," paliwanag niya, siguro napansin ang pagtitig ko.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang pintura na nasa noo niya. Ewan ko ba kung bakit nag-volunteer pa itong tumulong sa pagpipintura, hindi nga maganda ang reaksyon ng balat niya sa kahit anong klaseng pintura kapag nalalagyan kahit konti lang, namumula tapos nagpapantal pa. Sinabihan ko naman siya na huwag nang hahawak ng pintura at sa ibang bagay na lang tumulong kung gusto niya talaga, wala eh! Makulit! at naghubad pa talaga.

"Kulit mo!" bulong ko sa tenga niya at pabirong piningot 'yon.

"Things I will willingly do for love," he said at akmang hahalikan ako nang may kumalabog sa likuran namin.

Sabay kaming napalingon doon at nakitang si Zeno pala ang nandoon. Ngumiti siya at nagkibit-balikat. Pinulot niya ang nalaglag na isang tabla.

"Sorry, nabitawan ko. Naistorbo ko ba kayo?" tanong niya at saka malokong ngumiti.

"Hindi, ayos lang. Mamaya ko na lang hahalikan ang girlfriend ko kapag kaming dalawa sa kwarto niya," sagot ni Zach na halatang nang-iinis.

Nakita ko pa ang pag-igting ng panga ni Zeno pero ngumisi. "Ah, gano'n ba? Kunin ko lang 'to." Tinuro niya ang mga hinahakot na gamit at mabilis na umalis.

Bumalik ang tingin ko kay Zach at kinurot siya sa braso. Sinabihan ko na nga siya na hangga't maaari ay huwag nang papatulan si Zeno dahil mag-aaway lang sila. Alam ko ang mga pinaggagagawa ni Zeno, hindi ako manhid sa mga pinapakita ng mga kilos niya. Hindi ko lang talaga siya maintindihan kasi may fiancee siya at may boyfriend na ako.

"Nananadya, eh! Laplapin kaya kita sa harapan niya para magtigil na," seryosong sabi niya at saka ngumuso. "May boyfriend ka na kaya at nandito pa ako, oh!"

Natawa ako sa sinabi niya, talagang nanggigigil pa sa bawat sa salita, eh. Hindi ko tuloy mapigilan na kurutin ang pisngi niya. Pogi-pogi tapos seloso.

Pinagpatuloy namin ang pagpipinta, si daddy ay umalis para mag-deliver ng mga flowers. Si Viana at Altheya ay nasa living room at nagkukwentuhan. Ang dami namin dito sa bahay ngayon at feeling ko magrereklamo na naman si daddy sa dami ng lulutuin niya. Ano kaya ang magagawa niya? Siya lang ang masarap magluto rito.

"Ayan, tapos na!" Nag-inat si Zach nang mapintahan ang huling bahagi ng pader. Bukas ay ang kabila naman dahil wala na ang mga nakatambak na gamit.

Nagpaalam ako sa boyfriend ko na pupuntahan lang ang mga lalake sa likuran para makita kung ayos ba ang ginawa nila. Hindi ko muna sinilip 'yung mga nasa living room at dumiretso na sa stock room sa likod ng bahay namin.

May mga kalabog akong naririnig kaya tinungo ko 'yon. Si Zeno lang ang nakita kong nandoon at sinasalansan ang mga paintings ko.  Sa sobrang abala niya ay hindi man lang niya napansin ang pagdating ko. Nakaharap tuloy sa akin ang malapad niyang likod, hindi na siya moreno, pumuti na ang balat niya dahil siguro sa pananatili sa ibang bansa.

Tumikhim ako para mapansin niya ang presensya ko. Agad naman siyang napalingon at ngumiti nang makita ako. Humarap siya sa akin, exposing his perfectly toned body. Palihim kong binilang abs niya, napangiti ako nang palihim nang malamang mas marami ang sa boyfriend ko.

"Tama ba ang ginawa ko? Hiniwalay ko ang mga paintings mo, baka kasi masira," sabi niya at tinuro ang mga ginawa.

"Thank you," mahina kong usal at nilapitan ang mga painting ko para maiwasan ang nakakailang na katawan niyang nakabalandra sa mga mata ko.

"You are improving a lot, therapies are doing well for you," he said and went near me.

Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko siya sa likod ko. Mali yata ang desisyon kong magpunta rito, dapat sinama ko na lang si Zach. 

"Napansin ko na konti na lang ang mga bago mong painting, hindi kagaya noong kasama mo ako. Halos araw-araw may bago kang drawing sa sketch pad mo, madalas ako pa ang subject? Did you lose your inspiration?" I heard him chuckled.

Ano ba ang gusto niyang palabasin? Na lalabas lang ang talento ko kapag siya ang kasama ko at hindi si Zach? Ganyan ba ang tingin niya sa akin?

Oo, totoo 'yon na naging konti ang mga bago kong paintings ngayon, hindi kagaya noong bata ako pero hindi iyon dahil nawala siya. Nagbago ang priorities ko, hindi na ganoon karami ang time ko para makapagpinta nang maayos. May trabaho na ako at iba ang demand nito sa oras ko. Dahil kay Zach bilang partner ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para kumuha ng mga projects. Hindi ko tinanggihan ang mga inaalok sa akin hanggang kaya  pa ng oras ko dahil iyon ang sabi ni Zach sa akin. Hindi naman na ako ganoon ka-focus sa pagpipinta, ang dami ko namang projects na naipatayo na. Iyon ang hindi alam ni Zeno kaya minamaliit na niya si Zach sa buhay ko.

Umiling ako sa kanya para mapakita ang hindi ko pagsang-ayon sa sinabi niya. 

"Did your boyfriend know our past? That I am the man who took your first kiss, first dance, first date? That I am the man who became your first boyfriend?" tanong niya at hinaplos ang braso ko.

Umiwas ako at tumango. Oo naman, wala akong tinago kay Zach na kahit na ano. Alam niya ang lahat ng nangyari sa amin ni Zeno noon kaya ganoon na lang siya ka-insecure. Kung sana ay mas nauna kong nakilala si Zach, malamang ay hindi ko kailanman pipiliin si Zeno. Tanga kasi ako noon. At siguradong sasabihin ko rin kay Zach at nangyari ngayon dahil dapat lang na malaman niya, he is my boyfriend after all.

"Yena? Nandito ka?" 

Kapwa naming narinig ang boses ni Zach sa labas. Imbis na pakawalan ako ay mas hinigpitan pa ni Zeno ang pagkakahawak sa akin. Ang akala niya yata ay mapipigilan niya ako dahil doon. 

"Zach!" sigaw ko at pumiglas kay Zeno.

Bumukas ang pinto ng stock room. Kumunot ang noo ni Zach nang makita kami ni Zeno. Inipon ko ang buong lakas ko para maitulak palayo si Zeno at makatakbo kay Zach.

"What happened?" tanong niya nang maikulong ako sa bisig niya.

I'll tell him everything later. He doesn't deserve to be left out. He has too much trust in me and I couldn't afford to break it...

Maybe Zeno got a lot of my first when it comes to relationships, but Zach made me realize the true essence of love and everything that comes with it. 

Zeno is the boy who came into my life to make me experience shallow love, but Zach is the man who made my heart beat again and filled it with love that never doubts and always stays.

I know that this is not yet the end but I do hope that destiny will make me choose who's the best for me...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro