Kabanata 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Complicated Situation

"If you are not comfortable being around him anymore, you can stop the therapy session," Zach suggested after telling him what happened earlier.

Hindi niya lang alam kung gaano ko kagustong tumigil na sa paglapit kay Zeno dahil ayoko na sa mga ginagawa niya sa akin. Was he expecting us to go back the way we used to be? Gusto niya ba na ganoon ulit kami sa kung ano ang relasyon namin noon? Hindi na kami babalik sa dati dahil wala na ang dating Yena na uhaw sa atensyon. 

Pero...

Nakikita ko ang improvement sa pagsasalita ko pagkatapos ng ilang session ng therapy na ginagawa niya. Ayokong matigil ang paggaling ko dahil malaking tulong sa akin ito. Gustuhin ko mang huwag nang magpakita o makipag-usap kay Zeno, aaminin ko na may maitutulong pa siya sa akin. Sabihin niyo na na user ako pero siya ang nag-offer at hindi ko lang matanggihan.

"Okay, what if sumama na lang ako sa 'yo tuwing may therapy ka?" 

Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon at kaagad akong tumutol. Hindi pwede, ang laking abala no'n sa kanya. Ang dami niyang trabaho at siya pa ang sumasalo sa mga report ko kapag nasa therapy ako. Feeling ko nga minsan ay naabuso ko na siya, hindi naman siya nagrereklamo pero ayoko namang sagarin.

"You don't want me there?" May pagdududa sa tono niya kaya kaagad akong nagpaliwanag.

"It's not l-like that. I am a-a burden to you alrea-dy," I simply answered because that were the only words I can say before I started to stutter too much again.

He pulled closer to him. Inalis niya ang ointment na nasa kamay ko na pinapahid ko sa mga allergies niya sa katawan. Ang tigas ng ulo, eh.

"Cupcake, how many should I tell you that you will never be a burden to me?" He sighed. "When you fall in love, all the things you will do to your loved ones are a pleasure to your heart and a soothing wind to your soul. Hindi mo maiisip na burden iyon sa 'yo kasi magagawan mo palagi ng paraan ang mga bagay para mapagbigyan ang mahal mo. And whenever see you happy with the things I do for you, you never know how my heart jumps in delight because I love you, and knowing that you are happy with me always makes me want to look forward." He kissed my forehead many times before letting me go.

Ako naman ay hindi matanggal ang ngiti sa labi habang pinagpapatuloy ang paglalagay ng ointment sa allergies niya. I made reasonable choices from the past that made me want to regret them all but I realized that maybe I was meant to chose them for me to choose better in the future. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para ibigay sa akin si Zach. Letting him in in my life is one of the best decision I have ever made. 

Nauna siyang nakatulog sa akin dahil na rin sa pagod niya sa buong araw na paggawa sa renovation ng Cloud Cafe and Flowers. May pasok pa siya bukas pero hindi man lang niya nagawang makapagpahinga. May pasok din naman ako bukas pero half day lang kasi nga may therapy ako. Dapat sasama ako sa kanya babyahe patungong Pangasinan pero sabi niya ay babalikan na lang niya ako. 

Kinumutan ko siya para hindi siya lamigin kasi nga nakatulog na nang nakahubad. Tumabi ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog at paggising ko ay wala na si Zach sa tabi ko. But he left a sticky note abive his pillow saying that he will fetch me later at Zeno's house. 

"Hindi ka ba talaga pwedeng mag-stay hanggang hapon. Feeling ko kasi bitin ang therapy kapag half day lang," sabi ni Zeno at sumulyap sa akin, naghihintay ng sagot.

"Hindi pwede," diretso kong sagot pero parang tunog galit. Bahala siya, sabing may trabaho pa ako.

"Okay, galit ka naman kaagad." Niligpit niya ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa niya. "For today, we will have your exam."

Kumunot ang noo ko. "Huh?" Ano kayang exam ang pinagsasasabi niya?

"Pupunta tayo sa labas para ma-test kung gaano ka na ka-confident sa speech ability mo. Minsan kasi nahihiya lang makipag-usap kaya hindi nakakapagsalita. Sa sobrang tagal na hindi nagsasalita dahil sa speech disorder, nahihiya na kapag naririnig ang sariling boses. Ganoon ka ba, cupcake?" Ngumisi siya sa akin.

Nag-init ang ulo ko. How dare he use that endearment?! Ang kapal talaga ng mukha at nakakadiri kapag siya ang nagsasabi no'n! Hindi bagay!

"Stop!" I protested.

Nagtaas siya ng kilay, hindi pa rin nawawala ang mapang-inis na ngisi. "Why? You don't like it? Do you prefer 'snail' instead?"

What is he trying to do now? 

Bumaba ang tingin niya sa braso ko kung saan nakasuot ang gold bracelet na bigay sa akin ni Zach noong first anniversary namin. Nawala ang ngiti niya at nag-igting ang panga.

"Where's my bracelet, Yena?" tanong niya. "Did you throw it away?" His voice sounded deep and disappointed.

Umiling ako. It was so hard for me to remove that bracelet on my arm, it took me months before I decided to finally remove it and hide it where I will never see that ever again. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pero ginusto ko na lang na kalimutan siya kaya ko nagawa. Hindi ko iyon itinapon dahil naisip kong isauli sa kanya iyon kung sakaling magkikita man ulit kami. I think this is the time to make everything about us as memories. 

"Good thing that you didn't throw it away. It was the first thing I bought using my own money that I gained because of my hard work in joining our school's basketball team and also being your monitor. Mahalaga iyon sa akin kaya masaya ako na kahit hindi mo na iyon suot ay nakatago pa rin sa 'yo 'yon," he said and gave me a sad smile. 

Kailan niya kaya matatanggap na there will be no swan and snail anymore. Baka sa pagpayag ko sa therapy na ito ay maisip niya na baka may pag-asa. 

"I'll give it b-back t-to you." There, I said.

"Yena, don't please. It was for you, it was a gift and you should not give it back to me." Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero mabilis ko iyong iniwas.

Hindi na ako umimik, buo na rin naman ang desisyon kahit ano pa ang sabihin niya. Kailangan ngayon pa lang ay sinusubukan niya nang tanggapin na hindi na maibabalik sa dati ang lahat. He left me without saying any word. He left hanging with so many questions. I deserve to be free and to be love properly because in the past, all I did was to please and to beg. Tapos na ako roon, ayoko na.

We went to a shopping mall, not just some shopping mall but the mall where we spent our first date. Dito niya ako dinala dahil may balak na naman siya, sa dinami-dami ba naman ng mall ay dito pa niya naisipang gawing ang exam ko.

Dinala niya rin ako sa kaparehong kainan kung saan kami kumain dati kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba ang ginagawa niya?

"You order our food, that's your first challenge," he said and gave me his card, and then winked at me.

Napairap ako. Sinabi niya ang gusto niya at saka sinamahan papunta sa cashier. Hindi naman ako nahihiya sa pagsasalita, nahihirapan lang talaga ako kaya hindi ko na inaabala ang sarili ko. Baka rin magalit sa akin ang kausap ko kung susubukan ko pa. Pero ngayon, medyo maayos naman na ako kaya pwede na.

"One C1, spicy, and one C2, not spicy," sabi ko sa cashier.

"Drinks niyo po, ma'am?"

"Cola," I answered and gave her Zeno's card.

Tumingin ako kay Zeno na nasa tabi ko lang. He gave me that proud smile, the one he used to give to me before when I achieve something. Umirap ako sa kanya at kinuha na ang order number at bumalik sa upuan namin.

Hindi na niya ako kailangang i-test dahil matagal na akong naturuan ni Zach na mag-order mag-isa. Kahit mahirap pa akong magsalita noon, mabuti na lang ay matiyaga rin ang mga staff ng kainan na pinupuntahan namin.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo naman kami sa arcade zone, kung saan din kami nagpunta noon. Nananadya nga talaga ang lalakeng ito.

"Why?" I asked him.

"Why?" Kumunot ang noo niya. "Ah, gusto ko lang pumasyal." Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

Pilit kong inalis 'yon pero hinila niya ako papalapit sa kanya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin, ang akala ko nga ay hahalikan niya ako at handa na sana akong sampalin siya pero mabuti na lang at hindi.

"Sige, magpumiglas ka pa d'yan. Hahalikan kita rito, torrid kiss," bulong niya.

Natakot ako, bumilis ang paghinga ko at pinagpawisan ako ng malamig. Ano ba ang ginagawa niya? Sigurado naman ako na hindi 'to kasama sa therapy ko. Bakit siya ganyan? May boyfriend na ako at fiancee na siya. Hindi dapat ganito, masasaktan si Zach.

Hindi naging maganda ang pakiramdam ko habang tumatagal kami rito. Gusto ko na lang umiwi, hindi ko maatim na ganitong dalawa ni Zeno habang nandoon ang boyfriend ko na walang kaalam-alam.

I thought of texting Zach while Zeno is busy playing basketball.

Ako:

Nasa mall ako, dinala ako ni Zeno dito. I don't know what to do. I wanna go home.

Zach:

Okay, cupcake. I'll tell Tito Vernon to fetch there. Hindi pa kita masusundo, I'm still in an important meeting. I'm sorry, cupcake.

Kinagat ko ang labi ko at tinago na ang cellphone ko. Binalik ko ang tingin ko kay Zeno na patapos na sa paglalaro. Wala akong alam sa susunod niyang gagawin, sumusunod na lang ako sa kanya tutal ay susunduin na rin naman ako ni daddy. 

"Yena, I can feel and I also know how much you hate me for leaving you without a word. But can we forget that just for this moment? Pag-uwi ko nga gusto na kaagad kitang maipasyal, 'yung mga pasalubong ko para sa 'yo ay nasa bahay pa at hindi ko maibigay dahil alam kong hindi mo 'yon tatanggapin dahil nga galit ka. Can we just forget everything from the past and start over again?" Hinila niya ako papalapit sa kanya at akmang hahalikan pero tinulak ko siya at malakas na nasampal.

"No, we can't!" Tinalikuran ko siya at nagtatakabo palabas ng mall. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa ginawa ko at sa pagtakbo ko nang mabilis.

Sakto namang paglabas ko ay nandoon na si daddy at parang ite-text pa yata ako. 

"Dad!" I called him. 

Binaba niya ang cellphone niya. Niyakap ko siya at mabilis na inayang umalis doon bago pa kami maabutan ni Zeno. Tanong pa siya nang tanong habang papunta kami sa kung saan naka-park ang sasakyan niya.

Nakahinga lang ako nang maluwang nang tuluyan kaming makaalis sa mall nang hindi nasusundan ni Zeno. 

"Hindi ko alam kung nangyari at ganyan ka na lang kaaligagang makalayo kay Zeno pero wala naman siguro siyang ginawa na labag sa loob mo, 'no?" tanong ni daddy habang nagmamaneho.

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa binatana ng kotse. Pinanood ko ang mga nadadaanan namin para malibang ko ang sarili ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga pinaggagagawa ko.

"Kahit pa gusto kong magalit sa batang iyon nang totoo, hindi naman ako naging bulag sa kung paano ka niya pahalagahan noon," sabi ni daddy at bumuntonghininga.

Can you be quiet, daddy? You are not helping me!

"Naalala ko noon na tuwing gabi bago ako makatulog ay tatawag pa iyon para kumustahin ka, kung tulog ka na ba o nakakain ka na ng hapunan. I saw his effort to take care of you kahit pa napakabata niyo pa at mahirap pa ang pagkakaroon ng seryosong relasyon. Hindi ko magawang magalit nang buo dahil alam ko na minahal ka niya ng totoo noon. Hindi ko lang gusto na bigla ka na lang niyang iniwan nang walang pasabi. Maybe he has reasons that you need to know eventually to at least have closure. Sana manatili kayong magkaibigan pagkatapos ng mga nangyari. I only want the best for you, at alam ko na iyon naman ang pipiliin mo para sa sarili mo." 

I didn't know that things will so complicated like this...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro