CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

AMARA'S POV

It's MONDAY!!

Oh my ghad! This is the day!

Ngayon ako susunduin para pumunta sa ERTUS academy. Kanina pa ako ready at hinihintay ko nalang ang sasakyang kukuha sa'kin.

Maaga akong gumising kanina at mabilis din akong naghanda at ngayo'y naka ayos na ako. Tanging ang sasakyan nalang ang kulang.

"Anak, Mag ingat ka doon ah? Maiiwan na mag isa si Mama pero wag kang magalala ah, Pupunta naman dito si Lea mamaya." Saad ni Mama. Si lea ay isa sa pinakamalalit kong pinsan, Close na close kami at ganoon din sila ni mama. Nginitian ko si mama at tinanguan bilang sagot.

"Ma, Wag ka rin pong magalala sa'kin doon ah? Magaling naman akong manuntok tsaka mabilis akong tumakbo," natatawa kong saad, Tumawa din si mama.

"Naku! Wag kang pasaway doon ah? unang beses mo mag aral sa isang mamahaling paaralan, dapat maayos ang records mo doon," Mahabang litana ni mama.

"Oo na ma, tatawag naman ako lagi eh," Pag sisigurado ko. Patuloy lang kaming nagkwentohan ni mama hanggang sa may narinig kaming busina ng sasakyan.

Kaagad akong lumabas ng bahay at tumambad sa'kin ang isang itim na sasakyang mag gintong nakaukit sa gilid nito "Ertus Academy".

Nakukuha agad atensyon mo sa nakasulat doon. Lumabas sa kotseng iyon ang isang lalaking may suot na uniporme na may nakalagay na logo ng paaralan.

"Maam? Are you Ms. Kweens?" Kaagad na tanong nito. Masaya ko siyang tinaguan at kaagad niya akong tinulungang buhatin ang mga maleta ko.

Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa loob at binuksan ang makina. Kumaway pa ako kay mama bago tuluyang umalis ang sinasakyan ko.

Habang bumabyahe, Panay ang tanong ko sa magmaneho, His name is Garry.

"Kuya Garry? Ilang oras po ang byahe?"

tumingin sa'kin si kuya Garry at ngumiti. "Tatlong oras po," Nahiya naman ako kaagad sa 'po' na ginamit niya.

"Ahh eh, Pwede po Amara nalang?"

"Okay po- Amara," Natawa naman ako doon.

"Matutulog lang po ako ah? maaga akong gumising eh," Sabi ko. Tumango siya sa'kin at deretsong tumingin sa daan.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang minuto lang ay tuluyan na akong nakatulog.

***

Nagising nalang ako nang malapit na kami sa paaralan. Sa labas palamang ng paaralan ay makikita mo na kaagad ang isang malaking logong may nakasulat ng pangalan ng paaralan.

It's beautiful.

Tinulungan akong buhatin ni kuya Garry ang mga gamit ko, Habang naglalakad kami papasok ay may mga estudyante kaming nadadaanan. They're looking at me like I'm a suspect of some kind of murder.

Nakakatakot silang tumingin kaya nailang ako. narating namin ang room ko nang nakayuko dahil sa mga matitigas nilang tingin sa'kin.

"Kuya Garry? Ganyan po ba talaga sila?" Tanong ko.

"Ganyan talaga sila sa mga bago, Iniisip kasi nila kung anong talent mo at saang classification ka nauuri."

"Ah ganoon po ba? Akala ko kasi pinagsasaksak na nila likod ko sa kanilang mga utak,"

Bahagya pa siyang natawa, "Ganyan talaga sila, masasanay karin,"

Narating namin ang magiging kwarto namin. It's enough for only one person kaya masaya ako dahil mag isa lang ako.

There's a bed, a kitchen and a dining area. may maliit ding sala. Maganda ang interior kahit maliit lang ang space. It was planned aesthetically.

Sa mga dumaang minuto ay nag ayos lang ako ng mga gamit ko at tinawagan si mama.

Kinamusta ko lang siya at panay ang sabi niyang okay lang at sinabi niya ring andoon na si Lea.

It's already 10 am and I need to go to the office, Kukunin ko lang ang uniporme ko at ang schedule ko. Kailangan ko ring magtanong about sa school.

Sa paglalakad ko ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad, Sa laki ng paaralang ito ay naligaw ako at ang tanging alam ko lang ay nandito ako sa isang mini plaza at nandito ako sa tabi ng isang fountain, Merong upuan sa paligid. Maganda ang ambiance dito, Yong mainit tapos medyo mahangin. Marami ring puno sa paligid.

Puno ng pawis ang noo ko dahil sa kaba, First time kong maglakwatsa dito sa loob ng paaralan at naligaw pa talaga ako.

This is not my thing! literally.

"Ahm miss? I saw you running around like crazy. Are you lost?" Saad ng lalaking nakasuot ng uniporme.

"Halata bang nawawala ako? Ah-eh. Pupunta sana ako sa Opisina ng principal eh," Saad ko kahit hiyang hiya na katawang lupa ko. Bahala na. Kailangan ko ng paraan, I need to communicate.

"So I'm right, You're indeed lost. Halika, samahan nalang kita.

Sumama ako sa kanya at ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng opisina ng principal namin.

"Here you go," Saad niya at ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang bulsa.

"Salamat!" Saad ko dahil kaagad din siyang umalis. Magaling first impression niya sa'kin.

I was about to knock on the door when it suddenly opened, Iniluwal doon ang isang lalaking nakasuot ng sombrero at may hawak na lapis. He is good-looking.

Matangos ilong, Maputi, thick eyebrows, long eyelashes and a pinkish lips. A definition of today's handsome.

Tiningnan niya ako at inirapan. Sungit!

Dahil nga may lahi akong demonyo mga wanfort ay umirap din ako sa kanya, Dzuh! lintik walang ganti.

Tumigil siya at tingnan ako na para bang may malaki akong kasalanan. "What did you just do?" Galit?

"Umirap po ako," Kahit demonyo ako ay gumagamit parin ako ng 'po' at 'opo'

"And why is that so?"sabi niya at inirapan nanamab ako lah? English is life but irap is lifer?

"Ha?" Kunware di ko narinig. Naiinis na siya sa itsura niya. Panay naman ang pigil ko sa tawa ko.

"Tch."

"Tsh ka din," Sabi ko at natatawang pumasok na sa loob ng opisina ni principal. Naiwan pa siyang naka tayo at nakakunot ang noo sa labas. Ano kaya ginawa non dito?

Pagpasok ko palang, tumambad sa'kin ang isang lalaking may hawak na guhit, Isang mukha pero di ko tuluyang nakita dahil nga itiniklop na ito kaagad ni principal.

"Good morning po!" I greeted him. He looked at me and then he smiled. Ang gwapo naman ng principal namin, Siguro nasa mid 30 na siya.

"Good morning! Ikaw ba si Amara? 'yong kinuha ng isa sa pinakamagaling gumuhit sa Aeurtus clan?" Tanong niya sa'kin. Sino bang sinasabi niyang magaling gumuhit sa Aeurtus clan?

"Ah-eh Opo, Ako po 'yon," Sabi ko at pasimpleng kinamot ang ulo ko. I'm shy.

"Okay, Sabi mo eh." Sabi niya at tumawa pa. "Here," dagdag niya at iniaabot sa'kin ang isang briefcase.

"Ano po ito?" Pera na ba 'to? nanalo ba ako? saan naman?

"Nandyan na ang uniporme mo, merong sapatos, ID and also credit card for purchasing foods on our cafeteria."

"Wow?!" Medyo mahina kong pagkasabi. Namangha talaga ako sa paaralang ito, Natakot nga lang sa first day dahil nawala.

"And there's also a set of Charcoal Pencil inside, Freebie ni madam," Saad niya. "Your class will start tommorow,"

"Ah, Okay po."

"Nasa Section Paint ka. Second second room ng Art department," Huli niyang sabi bago niya akong sinenyasang pwede na akong umalis.

***

Medyo naging pamilyar na rin ang loob ng paaralan sa'kin ngayon dahil sa nangyaring libutan ko kahapon, Nagkita kami ulit noong lalaking sinamahan ako sa opisina ng principal at niyaya niya ako ng tour sa paaralan.

Nagsimula kami sa plaza, kung saan kami unang nagkita. He first introduced his name. He is Viero from section Ballet at sinabi niya rin kung ano schedule niya.

We're not classmates pero may parts na sabay kaming pumapasok, It's on academic class. Monday to Wednesday is all about our talents ang ituturo and then Thursday to Friday is Academics which is I think I'll surpass.

Ngayon ay nagreready na ako para sa first day ko mamaya Kailangan kong magpabilib para hindi ako ibully, Kasi para sa'kin pag nasobraan na ang kabaitan na aaboso na kaya na bubully kana.

"This uniform is cute!" Excited na saad ko. Isa kasing skirt na kulay white na may Gold linings and then sa upper part ay isang long sleeve at may jacket na white din pero may logo sa likod kung saang department ka.

Mataas din ang medyas na nirequire sa'min at okay lang sa'kin dahil mas confident ako dahil hindi masyado exposed ang legs. Abot kasi hanggang ibabaw ng tuhod ang medyas kaya maganda tingan.

Ilang minuto pa akong nakaharap sa salamin bago tumayo at dumeretso sa cafeteria. Naka require kasi na pag morning dapat sa Cafeteria kami kakain, except kung may sakit ka or ayaw mong kumain.

Mag isa akong naglakad sa corridor namin at kaagad na nagtungo sa Cafeteria, Pagpasok na pagpasok ko ay kaagad akong nahiya dahil sa dami ng estudyante.

They all looked fabulous and rich-looking. Nahiya naman akong tagalibing lang ng baboy sa amin.

Tumungo ako kaagad sa mga nakadisplay na breakfast bundle nila, Merong 'Egg and Ham" "Egg and Hotdogs" "Chicken and Eggs" At marami pang iba.

I picked the "Egg and Hotdogs" 20 pesos lang yan kaya doon na ako sa mura. Ibinigay ko ang credit card na ibinigay ng principal sa'kin at iniswipe naman niya ito sa scanner.

After a few seconds ay ibinigay sa akin ang inorder kong pagkain. Takam na takam na akong kumain pero bago pa  ako makasubo ay kaagad na nakuha ang atensyon ko sa mga bulungang lumitaw sa paligid.

"A transferee?"

"She looked good on our uniform, but her dark skin tone doesn't fits in our school,"

"I'm taller than her,"

"Look! she looks like an idiot, Di ba niya alam na table yan ni Zenber?"

"Ow! this will be awesome! ayan na si Zenber!"

Inikot ko paningin ko at nagulat pa ako dahil halos lahat sila nakatingin sa'kin. Ulol niyo! Gutom ako! saksak ko sinyo hotdogs dito eh.

Nagpatuloy ang bulungan at ganoon din ako sa pagkain ko. lintik na ang walang kain.

Maya maya pa ay isang mainit na talampas sa mesa ko ang dumagongdong sa tenga ko.

Iniaangat ko ang paningin ko at bumungad sa'kin ang lalaking inirapan ako kahapon! This guy's looking for trouble!

"Continue eating," Weeh? Kakain talaga ako. nagsimula na rin siyang kumain, Kahit sa pagkain ang sosyal tingnan.

Pero bago paman ako makasubo ng pagkain ay isang malamig na tubig ang dumaloy sa ulo ko papunta sa likod ko.

Bitch! Malamig!!

"Tapos kana bang maligo? Parang di pa kasi." Sabi niya at kinuha pa ang kinakain kong hotdogs at isinubo niya bago umalis.

"Gago! Lintik walang ganti! humanda ka!" Sabi ko at tumayo na. Iniwan ko nalang ang natira kong pagkain at naisipan ko nalang na dumeretso sa unang klase ko.

I'm atill hungry! I need food.

"Looks like she doesn't know anything,"

"Wala daw siyang ligo sabi ni Zenber"

"Kakahiya naman,"

"I guess her first day is already ruined,"

Inirapan ko nalang sila with respect at umalis na.

Lintik kang Zenber ka! Kumakain ang tao paiinomin na kaagad ng tubig? Putchhaaa! basa na ako!

Ililibing kita kasama mga baboy sa barn namin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro