Kabanata 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Sagot

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, at nang luminaw ang paningin ko ay nalaman kong nasa ospital ako. Ano nga ulig ginagawa ko sa ospital? Bakit sorbrang liwanag. Ang sakit sa mata. Ilang minuto pa akong nakatulala at nakatitig sa kisame at napadapo ang kamay ko sa tiyan ko. Napabangon bigla ng maalala kung ano ang sitwasyon ko. Ang baby ko!

"Loren, 'wag ka munang bumangon," sabi ni Deity na nagbabantay pala sa akin.

"Ang baby ko? Anong nangyari? Okay lang ba sya?" tanong ko habang hinihiga nya ako.

"Yes, calm down. You're baby is okay," sabi nya. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Napahinga ako nang malalim. Thank God!

"Si Dickson, nalaman nya ba?" tanong ko ulit at hinaplos ang sinapupunan.

Umiling sya. "Buti nandito ako at napigilan ko ang doktor sa pagsabi. Umalis sya sandali para bilihin ang mga gamot na pinabili ko. You need to be careful, Loren," sabi nya at may kinuha sa isang paper bag.

Pinakita nya sa akin ang suot kong panty kanina. May konting dugo roon, konting-konti lang at dahil nga pula ang suot kong panty kanina ay hindi mo mahahalata kaagad kung hindi mo titigan ng mabuti. Kinabahan ako.

"Ano ibig nyan? Bakit may dugo?"

Bumuntonghininga sya. "Dinugo ka, Loren. You need to be more careful, mahina ang kapit ng baby. Kapag nagputuloy ito baka mawala ang baby mo. Please, reduce your stress," malungkot na sabi nya.

Tumango ako at ngumiti kahit may luha na lumandas mula sa mga mata ko. I didn't know and I don't know what to do anymore. Napahawak ako sa puson ko na may maliit na pa lang umbok.

I'm sorry, baby. Hindi na ito mauulit, pangako. I'm sorry kung nasaktan ka ni mommy.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Dickson na may dalang plastic na may lamang mga gamot. Magkasalubong ang kilay nya habang nakatingin sa akin. Anong problema nya? Galit ba siya sa akin? Hindi ba dapat ako ang galit?

"Maiwan ko muna kayo, Loren," sabi ni Deity at tinapik ang braso ng kapatid. May binulong pa sya na hindi ko na narinig.

Pagkalabas ni Deity ay pareho kaming tahimik. Galit ba sya talaga? Umupo sya sa tabi ko at pinagmasdan ang mukha ko.

"Are you okay? Wala bang masakit sa iyo?" tanong nya at hinaplos ang pisngi ko. I feel comfort in his touch, pakiramdam ko ligtas ako.

"I'm okay. Don't worry." sabi ko at hinawakan ang kamay nyang humahaplos sa pisngi ko.

"Hindi ko maiwasan, Loren. Lalo na nung nakita kong walang labang kang ginagahasa ng gagong iyon. Nanggigil ako sa galit." sabi nya at nanginig ang kanyang mga braso.

Ako naman ang humaplos sa pisngi nya. "Thank you dahil dumating ka, niligtas mo ako. Siguro kung hindi ka dumating baka kung ano nang nangyari sa akin. I was scared." sabi ko at hindi ko na napigilan ang luha ko.

Hindi ako natatakot para sa sarili kung hindi para sa baby.

Niyakap nya ako at hinaplos ang aking buhok.

"Ligtas ka na ngayon, wag ka ng mag-alala hindi na sya makakalapit sa iyo. He will never touch you again. Nag-iinit ang ulo ko tuwing naalala ko at nai-imagine ang mga parteng hinawakan at hinalikan niya sa iyo. Where did his dirty mouth kiss you?" sabi nya at hinalikan ang ulo ko.

Niyakap ko sya pabalik. Mahigpit na parang ayoko na syang pakawalan. I want to him stay with me forever.

"He sucked your favorite nipples. Can you wipe them for me?" sabi ko at hinaplos ang dibdib niya.

Nag-igting ang mga braso niya at saka kumalas sa aking yakap. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Kinalas niya ang akong suot na hospital gown pati na rin ang bra. Nakita ko ang pamumula ng mga nipples ko at may maliit pang cut na gawa siguro ng ngipin ng hayop na France na iyon.

Nagsalubong ang kilay niya at marahang pinunasan ang dalawang nipples ko. Nakanguso niya habang ginagawa iyon at ako naman ay pinapanood lang siya. Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang mga iyon at nakangit akong tiningnan.

"They will be okay now, saan pa?" Sinuot na niya ulit ang bra ko.

Tinuro ko pa ang leeg at ang labi ko, pati ang hita ko na pinaghahawakan ni France. He wiped them, then kissed it afterwards, kagaya ng ginawa niya kanina. It feels like he is kissing the wounds that France made.

Nang matapos siya ay bumalik siya sa pagkakayakap sa akin. I closed my eyes and found comfort in silence. Ilang minuto kaming tahimik bago sya nagsalita.

"Bakit nga pala nandoon ang gagong iyon? Ang lakas naman ng loob nya! Sya ba ang sinasabi mong lalaking ka-date mo noon?" tanong nya.

Mabilis akong umiling. "Nandoon sya kasi gusto nyang singilin ang isang taon ng utang ng mga magulang ko sa kanya. Pero iba yata ang inalok na bayad ng mga magulang ko," sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Ano raw ang kabayaran?" Sinulyapan niya ako.

Tumingin ako sa kanya. "Ako."

Dumilim ang mukha nya at humigpit ang yakap nya sa akin.  "Kaya ba ang kapal ng mukha nyang pagsamantalahan ka? Asawa kita, hindi ako papayag na saktan o angkinin ka ng iba. Kailangan kong kausapin ang mga magulang mo. Hindi nila pwedeng gawin sa iyo ito."

Napangiti ako. I like him, I really do. What can I do to make him stay with me?

"Paano kung hindi na tayo mag-asawa? Malaya na ang magulang kong ipagkasundo ako kahit sa kaninong lalaki," sabi ko at sumibol ang sakit sa dibdib ko.

"I will never let you go kung ganoon nga," sabi nya at tumawa.

Malungkot akong ngumiti. "Nagbibiro ka,"

"Of course."

I know he will never stay. May naghihintay sa kanya.

Inihiga nya ako sa kama at pinaunan sa kanyang dibdib. Alam nyang gusto ko ang posisyong ito. Hinaplos nya ang buhok at paminsan-minsan ay humahalik rin sa aking ulo.

Tiningala ko sya nang tumigil sya sa paghaplos. Tulog na pala. Ang bilis naman! Sinundot ko ng gamit ang aking hintuturo ang kanyang makinis na pisngi.

"Dickson," tawag ko pero hindi sya sumagot dahil patay na sa tulog.

Pinagmasdan ko na lang ang gwapo nyang mukha. Kung lalaki man ang anak namin, sana makuha nya lahat ng katangian ng daddy nya, except ang kahiligan nito sa sex. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Kung hindi ko man makuha ang apelyido niya para sa anak namin, kahit man lang ang itsura niya.

Kinaumagahan na ako na-discharged. Absent muna ako sa trabaho at buti na lang ay hindi kumalat sa buong bayan ang nangyari sa akin. Ang alam lang nila ay sinugod ako sa ospital dahil nagkasakit ako. Binisita pa ako ni Deity sa bahay at binilinan na inumin ang pampakapit na binili ni Dickson. Natawa ako nang ma-realize na hindi nya alam kung para saan talaga ang mga binili nyang gamot para sa akin.

Todo bilin rin si Deity kay Dickson na alagaan ako at wag pasasamain ang loob. Kung maari lang ay buhatin nya ako para hindi na ako maglakad. Natawa na lang ako. Hindi naman iyon pwede.

"Bilin pa sa akin ni ate na 'wag kitang ipagluto ng sinigang. May allergy ka ba sa sinigang?" tanong ni Dickson habang kumakain kami ng hapunan.

Hindi ako nag-react. Lihim na lang akong natatawa.

"At isa pa, ha? Galit na galit sya sa akin nang makita ka nyang naghuhugas ng pinggan! Hindi ko naman iyon kasalanan. Tsaka may malala ka bang sakit para hindi ka na magtrabaho?" Kinalabit niya pa ako.

Tuloy lang sya sa pagsasalita habang ako ay nakikinig lang. Patapos na akong kumain at sya ay hindi pa nakakalahati ang nasa kanyang plato.

"At bakit sya ang alalang-alala sa iyo. OB-Gyne sya at hindi general physician. Anong alam nya sa kalagayan mo?" sabi nya pa at umismid.

Natawa ako sa reaksyon nya. Wala talaga syang kaalam-alam. Naubos ko na ang pagkain at ininom ko na ang natitirang tubig sa aking baso.

"Finished!" I announced.

Hinintay ko syang matapos kumain at inalalayan na ako papuntang kwarto. Umalis sya sandali para kuhanin ang iinomin kong vitamins at gatas.

Kinapa ko ang maliit na umbok sa aking puson. Hinaplos ko iyon at ngumiti. Hindi na ako makapaghintay na makita sya. Umayos ako ng pumasok si Dickson dala ang mga kinuha nya. Pinainom nya muna sa akin ang mga gamot bago inabot ang gatas. Gusto kong iluwa ang gatas na ito dahil ang pangit ng lasa, parang malansa. Pero para kay baby, sige lang!

"Loren, anong brand nga pala nyang gatas mo? Paubos na kasi, mago-grocery ako bukas." Nagtaas ng kilay si Dickson.

Kaagad akong kinabahan. Patay! Hindi nya pwedeng malaman. Siguradong magtataka sya kung bakit maternity milk ang iniinom ko.

"A-Ah, ako na lang ang bibili. Medyo mahirap kasing hanapin ang brand. Kaya ako na lang, wag ka nang mag-alala." Alangan akong ngumiti.

Tumango lang sya at humiga na sa tabi ko.

"Meron pa pala akong nakalimutang sabihin," sabi nya bago tuluyang mahiga.

"Ano iyon?"

Lalo yata akong kinabahan.

"Noong binili ko iyang mga gamot mo, ang lungkot ng tingin sa akin ng pharmacist. Yung para akong namatayan. Pagkatapos, sabi nya bago ako umalis, ingatan ko daw ang misis ko. Bakit sya ganoon? Para saan ba talaga ang gamot na iniinom mo, Loren? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong nya na hindi ko masagot-sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro