Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


So much

"B-Baka nakita nyang sinugod mo ako sa ospital kaya ganoon," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Siguradong alam ng pharmacist kung anong gamot ang mga binili ni Dickson.

"Baka nga," sabi nya at nagkibit-balikat.

Umayos na sya ng higa at hinila na rin ako para mayakap. Huminga ako nang malalim nang maniwala sya sa sinabi ko. Kung magtatanong pa siya ay baka masabi ko na ang totoo. Hindi ko naman ililihim sa kanya kung sana lang ay tanggap niya.

Nakatulog ako nang payapa dahil sa yakap nya. Gumising ako ng maaga dahil kailangan ko ng pumasok. Matatabunan na naman ako ng trabaho at ayoko ng ganoon. Ang hirap magbawas.

"Masasabunutan ako ni Deity kapag nalaman nyang pinagtrabaho na kita. Kailangan mo na ba talagang pumasok?" tanong ni Dickson at napakamot sa pisngi.

Hinarap ko sya. "Mayor ako, Dickson. Hindi pwedeng matagal akong mawala. 'Tsaka hindi naman mabigat ang trabahong gagawin ko. Magbabasa lang ng mga papeles, pipirma at uuwi na. That's it," sabi ko at nginitian sya.

"Okay, pero kapag inaway ako ni Deity, sasabihin ikaw ang nagpilit, ha?"

Nag-ok sign ako sa kanya. Ang laki-laking tao, takot na takot sa ate. Sabagay, siguro ay ganoon siya pinalaki. May mga alam kasi ako na porque babae ang panganay nila at sila ay lalake, hindi nila nirerespeto ang mga ate nila. Dickson is secretly a good person. Hindi mo malalaman ang kalooban niya kung hindi mo siya makakasama. Pagkarating namin sa munisipyo ay hinatid nya pa ako sa aking opisina.

"Mayor, ayos na po ang pakiramdam nyo?" tanong ng mga empleyado.

"Ayos na ako. Salamat sa pag-aalala," sabi ko at nginitian sila.

Nang masigurado ni Dickson na maayos na ako sa opisina, nakapagbilin na rin, at natawagan si Deity na ako ang nagpumilit na magtrabaho ay umalis na sya. Tambak ang papeles sa aking lamesa at hindi ko alam ang uunahin ko. Sinimulan ko sa pinakaunang dumating dito na puro project proposals ng mga SK Chairman na inaprubahan ko na.

Medyo nanibago pa ako sa aking pirma dahil Fuertez na ang gamit kong apelyido. Ilang beses kong inensayo ang pagpirma dahil baka magkamali ako at maiba. Pinagmasdan ko ang pirma ni Dicskon na nasa ibabaw ng pirma ko. Unang kita ko pa lang ay professional na ang dating. Bakit ang ganda niyang pumirma? Iyong sa akin parang hinalukay ng manok.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dickson na may mga dalang gamit sa trabaho.

Kumunot ang noo. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ang dami mong dala?" tanong ko at tumayo.

Nilapag nya ang kanyang mga dala sa bakanteng lamesa at kumuha ng upuan. "Dito ako magta-trabaho para mababantayan pa rin kita," sabi nya at sinimulan na nyang buklatin ang papeles niya na.

Kinilig ako, promise. Sweet gestures that made me feel that I am special will always  touch my heart.

Ngumiti ako sa sarili ko. Kapag hindi nya tinigil 'yan, siguradong magkaka-problema ako. Baka hindi na ako pumayag na pirmahan ang annulment para sa akin na lang siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa maabot ko ang kakaibang dokumento. Galing iyon sa imbestigador. Meron na siyang nalaman. Parang ang bilis naman yata.

Mabilis kong binuklat iyon. Mabilis din ang pagbasa ko sa mga nakasulat pero isa lang naintindihan ko.

He found them.

Napatayo ako sa sobrang pagka-excite. Napatingin naman si Dicskon.

"May problema ba?" tanong nya.

Umiling ako at umupo ulit. Lumapit sya kaya mabilis kong tinago ang dokumento.

"May gusto ka bang kainin? Inumin? Bibili ako," tanong nya.

Nag-isip ako at biglang naglaway nang maisip ang orange na itlog. Doon yata ako naglilihi, huwag naman sanang maging orange ang anak ko.

"Kwek-kwek," sabi ko. Tumango sya at lumabas na.

Nang masiguradong wala sya ay nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang private investigator.

"Good morning, ma'am. Natanggap nyo na ba ang pinadala kong dokumento?"

"Yes, totoo ba iyon? Hindi ka ba nagbibiro? Nahanap mo na ba talaga sila?" Punong-puno ng excitement ang boses ko dahil sa waka ay makikita ko na kung saan ako nanggaling.

"Totoo iyon, ma'am. I interviewed one of your sibling at sinabi nga nila na, your real parents died five days ago. I'm sorry, Ma'am," malungkot nyang sabi.

Nanghina ako bigla at nawala ang ngiti sa labi. Namatay sila ng hindi ko man lang nakikita. Hindi ko man lang sila napasalamatan at natanong kung bakit nila ako pinaampon. My excitement suddenly disappeared.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong niya nang mapansin ang pagkatahimik ko.

"Oo, pasensya na. Nagulat lang ako. Hindi ko man lang sila naabutan. Salamat."

Tumulo ang luha ko. Kahit hindi ko sila o nakasama buong buhay ko, pakiramdam ko may parte sa akin na namatay rin.

"No problem, Ma'am. Just doing my job. Tawagan nyo lang po ako kapag gusto nyo na silang puntahan," sabi ng imbestigador bago naputol ang tawag.

Sana pala noon ko pa ito ginawa. Nakita ko pa sana sila. I was blinded by fake love, na hindi ko na inisip na hanapin sila. Akala ko kuntento na ako sa kung anong kaya lang ibigay na atensyon ng mga umampon sa akin. Pero habang tumatagal ay nalalaman ko na ganito lang pala ako para sa kanila. Isang display para may maipagmalaki. Sobrang sama ng loob ko sa sarili ko.

"Nandito na ang kwek-kwek!" Malakas na sabi ni Dickson pagkapasok nya sa opisina. Mabilis kong pinunasan ang luha ko pero hindi iyon nakaligtas sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Kumunot ang noo niya.

Mabilis syang nakalapit sa akin at hinawakan ang mukha ko. Umiling ako at iniwas ang sarili sa kanya.

"What happened, Loren? May problema ka na naman at hindi ko na naman alam kung ano." Ngumuso siya at hinaplos ang pisngi ko na may luha.

Imbis na magsalita ay niyakap ko na lang sya nang mahigpit. I need it now. Umiyak ako sa kanyang balikat at sya naman ay hinayaan lang ako. Nang mahimasmasan ako ay doon lang ako humiwalay sa kanya.

"Thank you, ayos na ako." Tumango ako.

Kinuha ko ang binili nyang kwek-kwek at kinain iyon. Bumuntonghininga si Dickson at lumapit sa akin at kumuha ng kinakain ko.

"Akin yan!" sigaw ko sa kanya.

"Akin ka naman kaya akin din ito," sabi nya.

Nag-init ang pisngi at napasubo na lang ng kwek-kwek. Kainis ang lalakeng ito!

Uminom ako ng tubig pagkatapos kong kumain at babalik na sana sa pagta-trabaho ng tawagin nya ako.

"Loren!"

Nilingon ko sya at ngumiti.

"Yes?" tanong ko.

Kita ko ang pag-pula ng kanyang pisngi, napakamot pa sya sa kanyang batok. "Can I kiss you?"

Feeling ko, ako naman ang namula. Hindi ako nakapag-salita. Bakit nya ako gustong halikan?

Parang nabasa naman nya ang isip ko at kaagad nagsalita ng hindi ako umimik.

"I just miss your lips," sabi nya. Lalong nag-init ang mukha ko.

Tumango ako at ako na mismo ang lumapit sa kanya. "I miss your lips, too." sabi ko at hinalikan sya.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at pinalalim ang halik. Halos tumingkayad na ako para lang mahalikan sya nang maayos. Ang sarap nyang humalik. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.

"I have a bad timing."

Kaagad kaming naghiwalay ni Dickson at sabay kaming napatingin sa nag-salita.

"Deity? What are you doing here?" tanong ni Dickson.

Pumasok si Deity at umupo sa may sofa. "Binibisita ko lang si Loren. 'Tsaka tinitignan ko rin kung inaalagaan mo sya at mukha namang oo."

Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Wrong timing talaga sya.

"Bakit ang lansa dito? Nag-sex kayo, 'no?" tanong nya.

Mabilis akong umiling at gusto ko na lang kainin ako ng lupa. Nag-kiss lang kami, sa loob lang kami ng bahay nagse-sex. We both respect workplace manner.

"Tumigil ka nga, Deity! Kumain lang kami." sabi ni Dickson.

"Ng ano?" Nagtaas ng kilay si Deity.

Bakit ba ang green minded ng babaeng ito?

"Kwek-kwek at hindi kung ano man ang iniisip mo," naiinis na sagot ni Dickson.

Tumango-tango si Deity sa sagot ng kapatid. "Kung ganoon, pwedeng bilhan mo rin ako? Please, lil bro," sabi ni Deity.

Nagpaalam si Dickson at lumabas na para bumili.

"Looks like you have a thing to each other."

Nilingon ko si Deity at umiling sa sinabi nya. "I think, I am the only one who have a thing on your brother." Nagbaba ako ng tingin.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Are you in love with him?" naka-ngiting tanong nya.

Huminga ako nang malalim. "I don't know, basta masaya ako kapag kasama sya, gustong-gusto ko kapag inaalagaan nya ako, kapag hinahalikan nya ako, kapag nagtatalik kami, and I want him to stay with me always. At lagi kong pinapanalangin na ganun din ang gusto nya," sabi ko sa malungkot na tono.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang kalagayan mo? Malay mo, baka magbago ang isip nya."

Tumawa ako sa sinabi at umiling. "Ayoko namang gamitin ang baby para manatili sya. Gusto kong manatili sya dahil gusto nya," sabi ko.

Tumango sya at niyakap ako. "I am praying for your happiness, Loren. Alam kong kailangan mo ng taong mamahalin ka at mananatili sa tabi mo habang buhay. At gusto ko ang kapatid ko iyon. Para sa pamangkin ko at sayo," sabi nya at tinapik ang likod ko.

"Thank you. Thank you for accepting the baby, it means so much to me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro