Kabanata 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Ipaglalaban

Mataas ang sikat ng araw at medyo masakit sa balat pero hindi ako napigilan ang pagnanais na makaligo sa dagat. Sa may mababaw na parte lang ako dahil iyon lang ang abot ko at hindi naman ako marunong lumangoy. Malalakas ang mga alon at doon pa lang ay natutuwa na ako.

"Ayaw mo bang sumilong muna? Namumula na ang balat mo," sabi ni Cyrus na nasa tabi ko at nakasasaw rin ang katawan sa tubig. May hawak pa siyang maliit na payong para kahit papaano ay hindi direktang tumatama ang sikat ng araw sa balat ko.

"Okay lang, naglagay ka naman ng sunscreen sa likod ko, hindi ba? Ayos lang ako." sabi ko at sinabuyan sya ng tubig sa mukha.

"Katherine!" sigaw nya at napakit dahil nalagyan ng maalat na tubig ang mga mata. Kinusot niya iyon at binaba muna sandali ang payong.

Tumawa ako naglaro na lang sa tubig. Napatingin ako sa kanya ng bahagya syang lumapit sa akin at hinawakan ang bewang ko.

"Tara doon sa mas malalim," sabi nya at bahagya akong inangat.

"Ayoko, baka lunurin mo ako," pabirong sabi ko at kumapit sa balikat niya.

"Bakit ko naman gagawin iyon? E 'di, nawalan ako ng girlfriend na maganda. Halika na, magtiwala ka sa akin. Malamig at mas malinaw ang tubig banda roon," sabi nya at binuhat ako at nagsimula na syang maglakad palayo sa pampang.

Nang makarating kami sa hanggang dibdib nyang parte ng dagat, ramdam ko ang lamig na sinasabi nya pero dahil nakadikit ako sa kanya kahit papaano ay naiinitan pa rin ang katawan ko. Binasa niya ang balikat ko ng tubig para maalis ang mga buhangin na nandoon.

"Ano? Mas masarap dito?" tanong nya.

Tumango ako at pinapatuloy nya pagbasa sa likod ko ng malamig na tubig. Pagkatapos ang balikat ko naman, bumaba ang tingin nya sa dibdib ko na masyadong expose para sa akin dahil hindi ako sanay dahil naka-bikini top lang ako. Hindi pa ako nakapagsuot ng mga ganitong sexy na damit. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin.

"'Wag mo ngang tingnan 'yan. Nakakahiya, hindi sexy," sabi ko at tinakpan ang dibdib.

"O, bakit? Maganda naman, bakit mo tinatakpan?" sabi nya at pilit na inaalis ang kamay kong nakatakip.

"Cyrus!" saway ko sa kanya at ngumuso. Hindi naman kaya maganda. Maliit lang mga iyon. Ang alam ko ay gusto ng mga lalake ang mga malalaki.

Napapikit ako nang bigla nya akong halikan ng mariin sa labi. Napayakap ang mga kamay ko sa batok nya at mas lalo pang diniin ang halik. May kakaiba ngayon dahil mas sabik ang mga halik niya, parang may hinahanap.

Mabilis syang lumayo at kita ko ang pagpula ng kanyang tenga at dibdib. "Balik na nga tayo doon sa cottage. Baka kung ano pa ang mangyari sa atin dito," sabi nya at nagsimula ng maglakad pabalik.

"Ayaw mo ba?" tukso ko sa kanya. Syempre nagbibiro lang ako dahil hindi pa naman ako handa sa ganoong bagay.

"Eh, ikaw gusto mo na ba? Hindi pwedeng ako lang ang may gusto. Mas maganda kung ramdam nating dalawa ang sarap," bulong nya sa tenga ko kaya nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Eh, paano kung gusto ko na ngayon? Ano? Gagawin na ba natin?" Hinamon ko siya.

"Hindi pa rin, dapat kasal muna tayo." Ngumiti siya, walang halong kahit na ano. Purong ngiti lang.

Natunaw ang puso ko sa sinabi nya. At bigla ring nakaramdam ng sakit sa dahilang hindi kami aabot sa ganoon. Hanggang dito lang kami, swerte na ngang boyfriend ko siya ngayon. Imposible na yatang maging asawa ko pa siya.

"Eh, hindi naman tayo ikakasal, paano natin magagawa iyon?" Nagtaas ako ng kilay.

Nakaahon na kami at mabilis syang nagtungo sa aming cottage. Binaba nya ako sa kamang gawa sa kawayan, pagkatapos ay binalutan ako ng kumot. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Nakasimangot lang sya habang pinupunasan ng tuyong tuwalya ang buhok ko.

"Cyrus?" tawag ko at hinuli ang mga tingin niya.

Huminga sya nang malalim at bumaling sa akin. "Ayokong isipin muna iyan ngayon. Gusto ko masaya lang tayo ngayon. Dapat pala hindi ko muna sinabi sa iyo para hindi mo na iyon iniisip." Kumunot ang noo niya pero kaagad ding nawala dahil may naisip yatang gawin. Tumalikod sya sa akin. "Sakay ka sa likod ko, may pupuntahan tayo."

Sinunod ko ang sinabi nya. Pinalupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg. Hawak niya ang dalawang binti ko at binuhat ako sa likod niya. Pumunta kami sa bilihan ng mga souvenirs at pagkain. Maraming tao pero may isang stall na pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Ano iyon? Parang masaya yata ang mga tao roon." Nginuso ko ang isang stall na panay ang hiyawan ng mga tao.

Lumapit kami at nakitang isang marrigae booth iyon. May couple na ikinakasal ng isang lalaki nakadamit pang-pari. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Pumalakpak rin ko nang mag-kiss ang bagong kasal.

"Pakasal tayo," sabi ni Cyrus.

"Huh?" Nangingiti ako dahil laro-laro lang naman ang kasal na iyon.

Lumapit kami sa isang babaeng naglilista yata ng gustong maikasal.

"Magpapalista po kayo, sir? Ma'am?" tanong ng babae.

Tumango si Cyrus. "Oo, may bayad ba?"

"Donation lang po, sir, pero kung gusto nyo po ng may singsing at marriage contract ay magdagdag po kayo ng 150 pesos," sabi ng babae.

"Sige, magpapakasal kami," sabi ni Cyrus at nag-abot ng pera.

"Pakakasalan mo naman ako, hindi ba?" tanong nya sa akin. Hindi niya makita ang mukha ko dahil nasa likod niya ako.

Ngumiti ako at tumango, mas yumakap pa ako sa kanya. Tinawag na kami at humarap na sa pari. Iniupo ako ni Cyrus sa isang upuan at humarap sa akin.

"Simulan na natin. Cyrus, tinatanggap mo ba si Katherine, bilang iyong kabiyak at nangangakong magsasama habang buhay? Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, at tanging kamatayan lang ang tanging makapaghihiwalay?"

Nakatingin lang si Cyrus sa mga mata ko bago sumagot. "Opo."

Bumaling sa akin ang pari. "Katherine, tinatanggap mo ba si Cyrus bilang kabiyak at nangangakong magsasama habang buhay? Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, at tanging kamatayan lang ang tanging makapaghihiwalay?"

Natawa ako bago sumagot. "Opo."

Iniabot sa amin ang mga singsing at sinuot namin iyon sa isa't isa. Lumahod pa si Cyrus para mapantayan ako. Nagngingitian kami habang sinusuot ang mga singsing. Kahit hindi naman totoo ito ay tuwang-tuwa ako. Naranasan ko ring maikasal at kay Cyrus pa.

"Ngayon ay ganap na kayong mag-asawa. Cyrus, maaari mo nang halikan ang iyong mahal na asawa."

Inayos ni Cyrus ang pagkakatindig at hinawakan ang magkabilang-pisngi ko. Hinalikan nya ako sa harap ng maraming tao. Pumalakpak ang mga nanonood.

Naghiwalay ang mga labi namin at nginitian ang isa't isa. "Asawa na kita ngayon, paano ba iyan?" sabi nya at nagtaas-baba ang mga kilay.

Pabiro ko syang sinampal  at tumawa.
"Anong gusto mo? Honeymoon?" Kinagat ko ang labi ko at nag-init ang pisngi ko.

"Pwede," sabi nya bago dumating ang babaeng may dala ng pekeng marriage contract na pipirmahan namin.

Sa pagbalik namin sa hotel room namin, akala ko ay talagang magha-honeymoon na kami. Naligo ako at nagpalit ng komportableng damit.

Nahiga ako sa kama katabi ni Cyrus. Nakapikit ang mga mata nya pero alam kong gising sya.

"O, akala ko ba magha-honeymoon na tayo?" tanong ko at bahagyang tumawa. Ang sarap niya kasing inisin. Hindi pa rin naman ako handa.

Dinilat nya ang mga mata at tumingin sa akin. "Joke lang iyon, tsaka hindi naman tayo totoong kasal." Umupo sya at niyakap ako. "Gusto ko lang patunayan sa iyo na, pakakasalan kita kahit anong mangyari. Hindi naman ganoon lang ang habol ko sa iyo. Ang gusto kong mapatunayan sa iyo ay kahit mahirap ang sitwasyon natin, kahit ayaw man ng buong mundo sa kung anong meron tayo, mamahalin pa rin kita at ihaharap sa Panginoon ng walang pagsisisi at takot."

Naluha ako sa sinabi nya kaya naman ako na ang humalik sa kanya. Ano bang ginawa ko para bigyan ako ng isang Cyrus Aganon? Bumabawi na ba ang Diyos sa akin? Ito na ba ang paraan niya para maalis na sa akin ang pag-iisip na unfair ang mundo?

"Mahal kita, Katherine. Kahit sandaling panahon pa lang tayong nagkasama hindi ko na kayang malayo sa iyo. Siguro ay alam ng puso ko na ikaw ang nawawalang parte ko." Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya kung nasaan ang malakas na tumitibok ang puso niya.

"Ako din, Cyrus. Mahal din kita. Sana ay pagbigyan tayo sa gusto nating mangyari. Sana hindi tayo magkahiwalay."

Sana pagbigyan ang ng Diyos sa hiling ko. Sana ako na lang ang ipakasal sa kanya ni lola, kahit mawala na lahat ng mayroon ako, wag lang si Cyrus. Hindi ko yata kayang panoorin na hinihintay nya sa altar si ate, habang ako ay isa lang sa mga nanonood.

"Pagdating ni lola ay sasabihin kong hindi ako magpapakasal kung hindi lang ikaw ang hihintayin ko sa simbahan. Ipaglalaban kita, Katherine. 'Wag mo lang akong bibitawan. Huwag na huwag mong iisipin na titigil ako sa oras na talikuran mo ako. Kahit magtago ka ay babaliktarin ko ang mundo para lang mahanap ka."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro