Kabanata 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Mahal

"Katherine, ilang araw ba kayo roon? Bakit sobrang dami mo namang ini-empake? Akala ko ba dalawang araw at isang gabi lang kayo doon?" tanong ni Ate Rizza habang pinapanood akong mag-impake na nakapamewang pa.

"Masyado na bang madami? Baka kasi magkulang ako ng damit. Pasensya na, ate, first time ko kasi," sabi ko at nagkamot ng ulo. Palagi ko namang first time.

"Okay na yan. 'Wag mo ng dagdagan." Tumangas siya. Isinara na nya ang bag at humarap sa akin. "Masaya ka, Katherine. Nagkaroon ng kulay ang mukha mo. Gumanda rin ang kutis mo."

"Kasi naarawan na ako, ate. Tsaka syempre in love." Humagikgik ako at nakagat ang labi pagkatapos. Talagang nakakaganda pala kapag may nagbago sa iyo. Lalo na kung magandang pagbabago. Gusto ko ang bagong ako ngayon.

"Naku! Halika na nga at naghihintay na ang prinsipe mo sa kanyang kaharian." Nilagay na niya ang bag ko sa aking kandunga at tinulak na palabas ang wheelchair ko.

Sa police station naghihintay sa akin si Cyrus. Komportable siyang nakaupo sa isang bench habang kausap ang kapwa niya pulis na naka-duty ngayon. Kaagad syang lumapit sa amin ni ate Rizza ng mapabaling sa amin. Kinuha nya ang aking bag at sya na rin ang nagtulak ng wheelchair ko. Nagpaalam kami kay Ate Rizza na marami pang bilin bago kami pinaalis.

Sa byahe ay panay ang tingin ko sa paligid. Dahil probinsya ang lugar namin ay puro bukid lang ang aming nadadaanan. May mga iilang bahay din at mga establishment na dati ay sa videos ko lang nakikita.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil mahaba na ang aming naging binyahe. Hindi na yata sakop ng bayan namin ito.

"Surprise," sabi nya at kumindat pa.

Nagkibit-balikat ako at binalik ang tingin sa kalsada. Napatuwid ako nang upo na may makitang parang dagat sa dinaraanan namin. Beach? Magdadagat kami?

"Cyrus?" Bumaling ako sa kanya. Ngumiti lang sya at ako naman ay hindi matanggal ang tingin sa dinaraanan.

Nakumpirma kong dagat nga iyon ng pumasok ang sinasakyan namin sa isang resort. P-in-ark nya ang sasakyan at lumabas. Inayos nya ang wheelchair ko at maingat ako binuhat para maiupo sa wheelchair. Inayos niya pa ang dress ko at nilagyan ng manipis na tela ang kandungan para siguro hanginin ang palda ko.

"Cyrus," tawag ko sa kanya pero hindi ko maalis ang tingin sa dagat. Dati ay sa mga litrato ko lang nakikita ang ganito ngayon ay nandito na ako.

"Maganda ba?" tanong ni Cyrus. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Cyrus ang ganda rito. Salamat," sabi ko at tiningala siya. Asul na asul ang tubig sa dagat at puti rin ang buhangin. Sobrang ganda. Hindi man ito ang pinakamagandang dagat sa buong mundo pero para sa akin ay sapat na ito. Para sa katulad kong pinagkaitan ng mundo ay sobra-sobra pa ito.

Tumungo na kami sa hotel at nag-check-in.

"Two rooms. Deluxe, please," sabi ni Cyrus sa receptionist.

Bakit dalawang kwarto pa ang kukuhanin niya? Tapos parehas pang malaki, hindi naman ako pwedeng mag-isa lang dahil kailangan ko palagi ng tulong.

"Cyrus, sinong tutuloy sa isang kwarto?"

"Tig-isa tay," sagot nya.

"Pwede naman sa isang kwarto na lang tayo. Masyadong magastos kung dalawa. Tsaka hindi ko ring kayang mag-isa sa isang kwarto, dapat may kasama ako," sabi ko at itinuro ang hita ko.

"Alright, are you sure? Ayos lang sa iyong kasama mo ako sa isang kwarto? Lalake ako, Katherine."

Tumango ako. "Bakit? May gagawin ka bang labag sa kalooban ko? Gagawan mo ako ng masama?" Nagtaas ako ng kilay.

Umiling siya. "No, wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan. I respect you a lot."

"It's okay, Cyrus. I trust you. Huwag kang mag-alala. I'm fine with everything, basta ikaw." Hinaplos ko ang kamay niyan

Tumango siya at bumaling sa receptionist. "Isa na lang pala, Miss."

Naalis ang pagkalito ng babae at tinanguan na kami. Nang matanggap namin ang susi ng kwarto, kaagad kong inayos ang mga damit namin. Kahit ito man lang ang magawa ko sa bakasyon naming ito.

"Ako na, Katherine," sabi ni Cyrus at pinigilan ako. Binuhat nya ako at dinala sa malambot na kama pagkatapos ay sya na ang nagtuloy ng ginagawa ko. Wala na akong nagawa dahil nilayo na niya sa akin ang mga bag namin.

"Cyrus, gusto ko na sa dagat," sabi ko habang pinapanood sya.

"Kakain muna tayo pagkatapos ay maliligo na." Nginitian niya ako.

Nang matapos sa ginagawa, tumayo sya at lumapit sa akin. Yumuko sya at inilapit ang mukha sa akin habang nakatukod ang mga kamay sa magkabilang-gilid ko. Kumurap ako dahil sa biglaang kilos niya at napaurong ng bahagya.

"You're so beautiful and you're mine. Right?" sabi nya at pinatakan ng isang halik ang labi ko.

"Yes, you are mine too, right?" sagot ko at ako naman ang humalik sa kanya ng dalawang beses. Ginaya ko ang ginawa niya. Hindi pwedeng siya lang ang sweet dito. Gusto kong mahawa kahit konti lang sa kanya.

Tumitig ako sa kanya at napansing may kakaiba. Parang may iniisip sya.

"May problema ba? You can tell me, I will listen." Hinaplos ko ang mukha niya.

Huminga sya nang malalim at umupo sa tabi ko. "Tumawag si lola sa akin kagabi. Nasa America sya at medyo nagulat ako sa pagtawag nya. She opened up something..." Tumingin sya sa akin. "About that arrange marriage thing. At sabi nga nya ay may babae syang gustong ipakasal sa akin." Umiling siya ng ilang beses. "Ayoko, Katherine kaya tumutol ako kay lola. Pero nagalit sya at sinabing sa oras na makauwi sya ay sisiguraduhin nyang ikakasal ako sa babaeng gusto nya." Nag-igting ang panga niya at kumuyom ang kamao.

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako ng paulit-ulit. "Ayokong ikasal sa iba, Katherine. Gusto ko sa iyo. Ikaw ang mahal ko." Seryoso ang mga mata niya at ramdam ko na totoong-totoo siya.

Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi nya. "It's okay. I'm sure naman ay maganda ang babaeng gusto ng lola mo para sa iyo. At siguradong mamahalin mo sya kagaya ng pagmamahal mo sa akin. O baka higit pa nga dahil perpekto siya at hindi kagaya ko."

Sigurado ako doon, Cyrus. Mabait si ate, hindi ka magsisisi. Matutunan nyong mahalin ang isa't isa. Perpekto sa pangin ko si ate, kung hindi ka man para sa akin ay mas gugustuhin ko na sa kanya na lang mapunta. At least, sigurado akong makukuha mo kung ano ang nararapat para sa iyo. You deserve her more, hindi ang kagaya ko lang.

"Ayaw mo ba akong maging asawa? Bakit pinapamigay mo ako?" nagtatampong sabi nya.

Ngumiti ako. "Gusto ko, lagi ko ngang ini-imagine na nasa isang bahay tayo at masayang nagsasama. Pero hindi naman ako magugustuhan ng pamilya mo. Kasi iisipin nilang baka hindi ako maging mabuting asawa..." Yumuko ako at tumitig sa binti ko.

"Katherine."

".. Baka hindi ko kayang bigyan ka ng anak..." Bumuntonghininga ako. Natatakot ako sa bagay na iyon. Pabigat na nga ako ay magiging walang silbing asawa pa ako.

"Katherine!" Tumaas ang boses niya.

"... At baka maging pasanin at maging pabigat lang ako sa buhay mo-"

"Katherine, tama na! Hindi totoo ang mga iyan." Tinaas niya ang mukha ko.

Niyakap ko sya para hindi makita ang pagtulo ng luha ko. Sinandal ko ang pisngi ko sa kanyang dibdib.

"As long as I want to keep you, alam kong darating ang araw na kukunin ka rin sa akin ng pagkakataon. Para pagbigyan lang ako sa matagal ko ng hinihiling." Pinunasan ko ang luha ko.

"Kuntento na ako na sa maikling pagkakataon na nasa tabi kita. Sobra na kung hihilingin ko pang maging pasanin mo habang-buhay." Hindi dapat ganoon ang maging buhay niya. Ayokong isipin na maghihirap lang siya dahil sa akin.

Iniangat nya ang mukha ko at pinunasan ang luha. "Katherine.."

"Mahal kita, Cyrus," sabi ko at ngumiti.

"Katherine naman, pinapaiyak mo ako. Bakit ka ganyan?" Suminghot siya at saka tumawa kahit na lumuluha.

"Subukan mo munang kilalanin ang sinasabi ng lola mo, baka magustuhan mo rin sya. Siguro maganda sya, matalino, nakapagtapos sa isang magandang unibersidad, sexy at hindi lumpo. Ano naman ang laban ko roon? Ni hindi ako nakatapos kahit elementary, wala akong maipagmamalaki, kahit sariling magulang ko ikinahihiya ako. Paano pa kaya kapag iniharap ako sa mga matataas na tao? Siguradong pagtatawanan nila ako," sabi ko at tumawa.

"Katherine, hindi ba nangako ako sa iyo na tutulungan kita, ayaw mo na ba ngayong tulungan kita?" Kumunot ang noo niya.

Gusto ko, Cyrus. Gusto kong kumawala na sa kulungang bahay na iyon. Pero, masasaktan ang ate ko na walang ibang ginawa kung hindi mahalin ako.

"Masyadong makasarili ang hiling kong iyon kaya 'wag mo ng alalahanin iyon. Ayos lang ako."

Hinalikan nya ako nang malalim, gumanti ako. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagtanggap ko sa katotohanang panaginip lang ito at malapit ng matapos.

Nang maghiwalay kami ay nginitian ko sya. "Tara na, gusto ko ng magbeach. Gutom na rin ako."

"Ganda, ikaw lang ang pakakasalan ko. Kahit magalit pa sa akin si lola, gagawin ko ang ginawa ni daddy noon. Kung kailangang itanan kita ay gagawin ko. Ipaglalaban kita basta hindi ka bibitiw sa akin. Mahal kita, Katherine."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro