Kabanata 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Paraan

Umiling ako. "Lola, ayoko pong ikasal," sabi ko. Ayokong ikasal sa lalakeng hindi si Cyrus.

Napahinto si lola sa pagkain at matalim akong tinignan. "At bakit naman? Iniisip ko lang ang magiging kinabukasan mo, ang lakas naman ng loob mong tumanggi."

"Lola, please. Ayoko pong maikasal sa taong hindi ko naman kilala." Papayag lang ako kung Cyrus ang lalakeng iyon. Pero imposible...

Umiling si lola at pinagpatuloy ang pagkain. "Kung 'yan lang problema mo ay hindi ako papayag na hindi ka maikasal. Tignan mo ang ate mo, nagkagustuhan kaagad sila ni Cyrus."

"Pero lola, hindi ko naman po kailangan ng asawa," mahina kong sabi dahil alam kong hindi ko na mababago ang isip ni lola. Kaya naman pala...

Binagsak ni lola ang kanyang mga kubyertos. "Nakapagdesisyon na ako, Katherine! Ikakasal ka sa ayaw at gusto mo!" sabi nya at umalis na sa dining room.

"It's okay, Katherine. I'm sure magugustuhan mo ang mapapangasawa mo. Kilalanin mo muna sya ng mabuti, malay mo magustuhan mo sya," sabi ni ate at ngumiti.

"Pero hindi mo ako kagaya, ate. Ikaw, kahit sinong lalake magugustuhan ka. Pero ako, bihira lang ang lalakeng gugustuhin ako at alam kong hindi ko na iyon mahahanap kahit kailan." Dahil nasa iyon na siya at hindi ko na mabawi.

Nawala ang ngiti ni ate.

"Katherine, pasensya na kung wala kaming nagawa sa desisyon ng lola mo. Hindi namin sya kayang pigilan sa mga desisyon nya at hindi ko alam kung bakit biglaan ang kagustuhan nyang magpakasal ka," sabi ni papa.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "It's okay po. Tapos na po akong kumain. Babalik na po ako sa kwarto."

Hindi ko na napigilan ang luha ko habang pabalik sa kwarto.

Ayokong makasal kung hindi lang rin kay Cyrus...

Humiga ako sa kama at tinitigan ang singsing na hanggang ngayon ay nakasuot pa rin sa akin, mabuti na lang ay naibalik ito sa akin ni Mang Lino bilang kapalit daw kasi sinira niya ang wheelchair ko. Sya lang ang lalaking gusto kong pakasalan, sana maging mabait ang tadhana sa akin kahit isang beses pa. Gusto kong kami na lang ni Cyrus.

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili.

Pumasok si ate at umupo sa harapan ko. "Anong gusto mong palabasin kanina? Na inagaw ko sa iyo si Cyrus?"

Umiling ako. "Wala akong sinasabing ganyan, ate."

"Pero ganoon ang gusto mong sabihin. Kung magpasalamat ka na lang sa akin dahil makakalabas ka na ng kulungan mo." Umirap siya.

Tinignan ko sya ng masama. "Kung ganoon, ikaw ang dahilan ng biglaang desisyon ni lola na ipakasal ako. Well, salamat ate, lalo mong ginawang miserable ang buhay ko."

Ngumisi sya at tumayo. "Hindi mo lang matanggap na sa akin ikakasal si Cyrus, swerte ko. E, ikaw, sinumpa ka ng panahon. Lumpo ka na nga, malas ka pa," sabi nya at tuluyan ng umalis. Napanganga ako sa inasal niya. Dahil lang sa isang lalake ay nagawa niya akong talikuran.

Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang inis. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si ate, wala akong balak agawin pa si Cyrus. Matagal ko na siyang sinukuan.

Bakit? Anong kasalanan ko sa kanya? Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito?

Pumasok si lola sa kwarto at inabutan akong umiiyak.

"Anong iniiyak-iyak mo dyan? Napaka-arte mo!"

Hindi ako umimik dahil hindi rin naman sya makikinig sa mga sasabihin ko.

"Dahil sa request ng ate mo, maaari kang tumulong sa preparation ng kasal nya. Sa kasal mo naman ay hindi na kailangang pagkagastusan dahil wala namang magaganap na salo-salo at civil wedding lang naman." Umirap siya ng isang beses.

Tumango ako. Kahit kasal ko wala man lang effort. Kahit cake man lang sana ay maligaya na ako.

"Katherine, umayos ka. Tulungan mo ang ate mo. 'Wag mo syang ipapahiya lalong-lalo na ako. Naiintindihan mo ba?" Tumaas ang isang kilay niya.

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Opo, lola."

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo," sabi nya bago umalis.

Natawa ako sa sarili ko. Ang galing ko umarte. Nababaliw na yata ako! Sana nga tuluyan na lang akong mabaliw dahil hindi ko rin naman gustong mabuhay sa ganitong reyalidad.

Hindi ako nakatulog sa sobrang bigat ng nararamdaman. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro ay sasabay na lang ako, wala naman akong magagawa. Hindi ko alam kung maganda bang nagkakilala kami ni Cyrus o hindi na lang.

"Katherine, sasama ka ngayon sa food tasting para sa kasal ko," sabi ni ate na malaki ang ngiti pagkapasok nya sa kwarto ko.

"Hindi ba dapat kayong dalawa ni Cyrus ang magkasama," mahinahon kong sambit.

"Actually, kasama sya. Gusto lang kitang isama for your opinion. Kaya maghanda ka," sabi nya at umalis na.

Huminga ako nang malalim at naghanda. At least, makakalabas ako ng bahay at makikita ko pa si Cyrus. Siguro kapag nakita ko sya ay gagaan na ang pakiramdam ko. Hinintay namin ni ate Klarissa si Cyrus dahil ang sasakyan nya ang gagamitin.

Sinalubong sya ng yakap ni ate. Nag-iwas ako ng tingin. Nang matapos sila ay ngumiti ako sa kanya pero sinimangutan nya lang ako. Sungit naman! Dapat maging magkaibigan pa rin kami kasi magiging pamilya na rin naman kami kapag ikinasal na sila ni ate.

"Cy, okay lang ba isama natin si Katherine?" tanong ni ate habang nakakapit kay Cyrus na parang linta.

"Sure," sabi ni Cyrus at lumapit sa akin para buhatin ako.

Inupo nya ako sa backseat tapos sinunod ang wheelchair.

"Alam na alam mo ang gagawin, ah. Siguro ay marami na kayong napuntahan ni Katherine noong tumatakas pa sya," sabi ni ate sumakay na rin sa front seat.

Bumyahe kami ng twenty minutes para makarating sa restaurant. Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng isang waiter at inalalayan kami papunta sa aming destinasyon.

Nahuhuli pa ako dahil hirap ako sa paggulong ng wheelchair ko. Huminto si Cyrus at nilingon ako. Lumapit sya sa akin kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Kailan mo ng tulong?" tanong nya.

Umiling ako pero pumunta pa rin sya sa likuran ko para itulak ang wheelchair ko.

"Sinungaling ka talaga," mahinang sabi nya at nagpatuloy na kami sa paglakad.

Pagkarating namin sa lugar ay nandoon na si ate na masama ang tingin sa akin.

"Ang tagal nyo," sabi nya at hinila na si Cyrus.

Nasa isang tabi lang ako at pinagmamasdan ang paligid. Ngumingiwi ako tuwing nakikita kong sinusubuan ni ate si Cyrus ng pagkain. Kinikilabutan ako pero alam kong mas mahirap ito kay Cyrus dahil halata sa mukha nya na ayaw nya sa ginagawa ni ate. Hindi ko mapigilan ang matawa tuwing nakikita syang napipilitan lang sa ginagawa ni ate.

Maya-maya ay tinawag na ako ni ate para tikman daw ang dessert. Akala ko sinasama nya lang ako para panoorin sila ni Cyrus.

Tinikman ko lahat pero wala akong nagustuhan.

"Ano sa tingin mo ang masarap, Katherine?" tanong ni ate.

Si Cyrus, sino pa ba?

Natawa ako sa naisip.

"Wala akong nagustuhan," pag-amin ko.

"What?" sabi ni ate at nagtaas ng kilay.

"Ako rin wala akong nagustuhan," sabi ni Cyrus kaya napatingin ako sa kanya.

"Ganon ba? Eh, ano bang gusto mo? Pwede tayong mag-request," malambing na sabi ni ate. Napairap ako sa hangin. Ang landi pala ng ate ko!

"Banana rotti," sabi ni Cyrus na nagpagulat sa akin.

Nanatiling akong nakayuko at lihim na nakangiti. Banana rotti!

"Ano iyon?" takang tanong ni ate.

"'Yun ang gusto kong dessert." Hindi talaga siya magpapatalo. Talagang pinanindigan ang banana rotti!

"S-Sure, irerequest natin. Don't worry." Halatang litong-lito pa si ate.

May sinabi ang isang waiter na kung ano kay ate kaya umalis sya at naiwan kami ni Cyrus. Pumunta sya sa may bintana ng restaurant kaya sumunod ako.

"Cyrus," tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon.

Huminga ako nang malalim at pinapatuloy ang pagsasalita. "Congratulations sa kasal mo. Ako rin ikakasal na," sabi ko kaya napalingon sya.

Inabot ko sa kanya ang invitation na ginawa ko kagabi. Kinuha nya iyon at binasa.

"Mauuna ako sa inyo ni ate, sa katapusan na. Dalawang linggo mula ngayon," sabi ko.

"Sinong pakakasalan mo? Walang nakalagay dito," tanong nya habang kunot na kunot ang noo.

Umiling ako at yumuko. "Hindi ko alam, hindi ko kilala. Sinabi lang sa akin lola kahapon. Punta ka, ha? Kahit ano lang isuot mo, civil wedding lang naman at walang reception."

Tumalikod sya sa akin. "Magpapakasal ka sa hindi mo kilala? Anong mangyayari sa iyo?" tanong nya.

"Ayos lang, wala naman akong magagawa tsaka baka mabait naman siguro ang pakakasalan ko. 'Wag lang sana syang mananakit dahil hindi ako makakalaban," sabi ko tsaka tumawa pero luha namang tumulo sa mga mata.

Tumingin ulit sa akin si Cyrus at nilapitan nya ako nang makitang nagpupunas ako ng luha. Umupo sya para magpantay ang tingin namin.

"Katherine," tawag nya.

"Gusto ko nandoon ka kasi ikaw lang ang may pakialam sa akin. Kapag nandoon ka, feeling ko magiging maayos ako. Please, pumunta ka." Hinawakan ko ang kamay niya. Bumuhos ang luha ko kaya niyakap nya ako. "Kasi Cyrus, natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Ang sikip ng dibdib ko," sabi ko at niyakap sya nang mahigpit.

Ngayon, kahit umiiyak ako ay napakagaan ng pakiramdam ko.

"Shh, 'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan. Hindi ka ikakasal kahit kanino kung ayaw mo." Hinaplos niya ang likod ko.

Kumalas sya sa yakap at pinunasan ang luha ko. "Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Naiintindihan mo ba?" sabi nya habang bakas din sa mga mata nya ang pag-iyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro