Kabanata 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


I have

Pagkauwi namin sa bahay ay nandoon ang mga magulang ni Cyrus pati ang lola nya. Kasama rin nila ang isa pang kaibigan ni lola at isang di-kilalang lalake.

"Cyrus, Klarissa! Nandito na kayo! Kumusta ang inyong lakad?" tanong ni lola at niyakap silang dalawa.

Bumaling sa akin si lola ang ngumiti. "I have a suprise for you Katherine," sabi nya at tinulak na ang wheelchair ko sa mga bisita.

"Katherine!" sabi ni tita Amanda at niyakap ako.

Nagulat sila mama at papa sa reaksyon ng ginang. "Sabi ko na nga ba ikaw ang mapapangasawa ng anak ko. Kaya pala minamadali nya," sabi nya at tumayo ng maayos. Nilapitan sya ni tito Calixto. Nagbago ang masaya nyang mukha at kumunot ang noo.

Tumingin ulit sya sa akin. "Hindi ikaw?" tanong nya. Umiling ako at tinuro si ate Klarissa.

Yumuko sya. "Pasensya na, masyado lang akong natuwa," sabi nya at pumunta na kay ate para bumati. Nahiya pa siya pero bakas sa boses ang pagkadismaya.

"So, Katherine, ito si Donya Constancia at ang kanyang apong si Miguel ang sinabi kong mapapangasawa mo," sabi ni lola at nilapit ako sa dalawa.

"Hello po," sabi ko at kinamayan ang matanda.

Inabot ko ang kamay ko kay Miguel pero tinawanan nya lang iyon. Humarap sya sa lola nya.

"Ito ba ang sinasabi mong parusa, lola?! Pag-aalagain mo ako ng lumpo?! Kaya pala abot na lang ang pananakot mo sa akin na hindi ko makukuha ang mana ko sa iyo kapag hindi ako nagpakasal. Kaya naman pala," sabi nya at tumingin sa akin na parang nandidiri pero napangisi rin kalaunan.

"Miguel!" tawag ng lola nya.

Nanginig ako sa takot nang mabilis syang lumapit sa akin. Hinawakan nya ang wheelchair sa magkabilang dulo at tumingin sa akin.

"Sigurduhin mo lang na kayang mong magbuntis ng hindi lumpong kagaya mo dahil iyon lang ang magiging pakinabang mo sa akin," sabi nya at tinignan ang kabuuan ko. Dumako ang isang kamay nya sa hita ko at lumandas iyon pataas. Bago pa ako sumigaw para humingi ng tulong ay kinuwelyuhan na sya ni Cyrus at inaangat.

"Wala kang respeto sa babae," sabi ni Cyrus habang nakahawak pa rin sa kwelyo ni Miguel.

"'Wag mo kang pakialam dahil magiging asawa ko sya! Sino ka ba? Tsaka anong pakialam mo?!" sigaw ni Miguel at inalis ang kamay ni Cyrus sa kanyang damit.

Lumapit si ate kay Cyrus at hinawakan ang kamay nito. "Cy, calm down."

Inalis ni Cyrus ang kamay ni ate at lumapit kay Miguel. Ngumisi ang isa at tumingin ng malagkit kay ate.

"Kung gusto mo ay palit na lang tayo ng mapapangasawa? Tutal ay mas gusto mo naman yata sa lumpo," sabi ni Miguel.

"No way! Ayoko sa iyo!" sabi ni ate at kumapit kay Cyrus.

"Sige, akin si Katherine," sabi ni Cyrus kaya napatingin ako sa kanya.

"Cyrus!" sabay naming sabi ni ate pero sa akin sya tumingin.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "I'm okay," mahinang sabi ko kaya natigilan sya.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Umiling siya at pinakalma na ang sarili.

Hinila ni Donya Constancia ang kanyang apo palayo sa amin habang si Cyrus naman ay hinila ni ate patungo kila tito Calixto at tita Amanda.

Lumapit sa akin si lola. "Nakita mo ang gulong dinala mo dito. Saglit ka pa lang sa labas ng aking pamamahay ay ganito na ang nangyari. Ayusin mo, Katherine," sabi nya.

"Opo, lola. Pasensya na po," sabi ko.

Lumayo na sya sa akin at nilapitan ang mga bisita. Naiwan akong mag-isa na pilit sinasabi sa sarili na 'magiging maayos din ang lahat.' Ayos lang ako, ayos lang lahat ng ito. Hindi ko kailangang mag-alala. Mawawala rin ang takot.

Huminga ako nang malalim at pumunta na sa dining room dahil magtatanghalian na. Pumunta na rin ang iba at pumwesto na. Katabi ko si Miguel habang katapat ko naman si Cyrus at katabi nya si ate. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at kinuha na ang kubyertos. Nagsimula na kaming kumain. Maingay dahil panay ang kwentuhan nila tungkol sa kasal nila ate at Cyrus. Puro sa kanila lang dahil mas mahalaga iyon kesa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni lola para mapapayag si Donya Constancia na ipakasal sa akin ang apo niyang lalake. Hindi naman siguro basta-basta lang papayag ang kahit sino.

Napaigtad ako nang dumapo ang isang kamay ni Miguel sa hita ko. Hinayaan ko iyon dahil ayokong gumawa naman ng gulo. Papagalitan na naman ako ni lola at baka masabihan pa akong maarte. Magiging asawa ko na rin naman si Miguel kaya ayos lang. Ayos lang talaga...

Hindi na ako makakain nang maayos dahil panay ang galaw ng kamay pataas sa hita ko. Pinigilan ko ang luha ko at sinubukan na lang kumain.

"Katherine?" tawag ni Cyrus.

Tumingin ako sa kanya at sinubukang ngumiti.

"Ayos ka lang?" tanong nya.

Tumango ako kahit hindi. Sana mapansin nyang minomolestya na ako ng manyak na Miguel na ito.

Tumingin sya kay Miguel at tumingin pabalik sa akin. Nalaglag ang kutsara nya. Nawala sya sa paningin ko na g pulutin nya iyon.

Nasamid ako ng umangat ang kamay ni Miguel. Malapit na iyon doon at wala akong magawa kung hindi tignan sya ng masama. Nakangisi lang sya habang nakatingin sa kanyang pagkain.

Parehas kaming napatalon ng biglang marahas na gumalaw ang lamesa at natapon ang mga inumin. Napatayo si Miguel at lihim akong nagpasalamat dahil natanggal na ang kamay nya.

"Sorry. Pasensya na," sabi ni Cyrus at lumapit sa akin at inilayo ako sa lamesa. Nagkatitigan muna sila ni Miguel ng masama bago nya ako pinunta sa aking kwarto.

Tinawag pa sya nila ate pero parang hindi nya iyon narinig. Pinasok nya ako sa kwarto.

"Magbihis ka," sabi nya at lumabas ng kwarto ko at isinara ang pinto.

Ngumiti ako at kumuha ng isang simpleng damit.

Sya ba ang gumawa no'n sa lamesa? Nalaman nya kaya ang ginawa sa akin ni Miguel?

Nang matapos akong magbihis ay sinubukan ko syang tawagin kung nasa labas pa ba sya ng kwarto ko.

"Cyrus? Tapos na ako. Nandyan ka pa ba?"

Bumukas ang pinto at pumasok sya. Inilock nya iyon at binuhat ako papuntang kama.

"Cyrus?"

Tumingin sya sa akin ng may galit sa mukha. "Bakit?" Iritado rin ang boses niya kaya nakagat ko ang labi ko.

"S-Salamat..." dahil niligtas mo ako.

"Bakit hindi ka nagsalita? Bakit hinayaan mong hipuan ka nya? Katherine? Gusto mo ba ang ginagawa nya sa iyo?" tanong nya.

Umiling ako at hinayaan ang luha kong tumulo. "Ayoko, Cyrus. Ayoko. Gusto ko syang pigilan pero alam kong magkakagulo na naman. Gusto kong maging maayos ang lahat dahil sa wakas ay hinahayaan na ako ni lola na makita ng tao. Ayoko syang magalit at bawiin ang lahat."

"Pero, anong kabayaran no'n? Ang sarili mo? Hahayaan mong hipuan ka ng lalakeng 'yon para lang manatili ka? That's bullshit, Katherine!"  Tumayo sya at ginulo ang sariling buhok. "Kung ngayon pa lang ay ganyan na ang ginagawa nya, paano pa kaya kapag kasal na kayo? Lahat kaya na nyang gawin sa iyo. Pwede ka na nyang saktan, Katherine! Hahayaan mo pa ring makasal ka sa kanya? Gagawin niya ang mga bagay na lapag sa kalooban mo. You will be more miserable than being locked in this room. Mas gusto ko na lang nandito ka, kahit papaano ay panatag ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mababalitaan kong may ginawa sa iyo ang Miguel na iyo. Katherine, ikaw ang dahilan ng mga pangamba ko. Please, don't do this."

Ngumiti ako. "Wala naman akong magagawa, ito ang gusto ng buong pamilya ko. Siguro ay may makukuha ring malaki ang pamilya ko kapag naikasal kami. Ito lang ang magagawa ko para sa kanila, Cyrus. Ito lang ang kaya kong gawin."

Tumingin sya sa akin ng masama. "Ang ibenta ang sarili mo? If this family really loves you, they will never do this to you. Nakakalakad ka sana ngayon at nagkaroon ng masayang buhay sa labas. Hindi sana ganito ang lahat, Katherine. Ayokong mapabilang sa mga taong naging bulag at bingi na lang sa sitwasyon mo. I want to do something for you. I want to make you feel safe and worthy."

Ngumiti kahit na tumutulo ang mga luha. I am very lucky. Napakaswerte ko dahil nakilala ko si Cyrus. Hindi dapat ako magsisisi na nakilala ko siya. At hanggang ganoon na lang siguro kami. Para kahit sandali ay maramdaman kong mahalaga ako. "Magiging maayos lang ako, Cyrus. 'Wag mo akong alalahanin. Malapit na rin ang kasal mo kaya doon mo na lang ituon ang sarili mo. I will be happy for you. Take care of my ate. Love her more than you love me."

Lumapit sya sa akin at tinignan ako sa mata. "Katherine, please, 'wag mong gawin ito. We can run away if you want."

Hinawakan ko ang kamay nya. "Cyrus, I'm sorry. But I have to, hindi natin pwedeng takbuhan ang lahat ng ito. Hindi tayo magiging masaya. Hahabulin lang tayo nito kaya mas mabuting tanggapin na lang natin ang kapalaran natin. Tanggap ko na ganito lang talaga ang para sa akin. Na pinanganak ako para maging malungkot habang buhay. Thank you for making me happy even just for a while. I will never forget you, my love."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro