Kabanata 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Maghihintay

"Katherine, may susuot ka na ba para sa kasal mo?" tanong ni ate pagkapasok nya sa kwarto ko kinabukasan. Hindi ko alam kung mabait na ba talaga siya sa akin o nagkukunwari lang siya. Parang hindi ko na kasi siya kilala. O baka hindi ko naman talaga siya kilala.

Umiling ako. "Magtitingin na lang ako sa mga damit ko. Pwede na siguro iyon," sagot ko.

"Hindi iyon pwede, dapat maganda ka sa iyong special day," sabi nya at inalalayan ako paupo sa aking wheelchair. "Ako rin ay bibili ng magandang dress para sa aking civil wedding. Kaya bibilhan na rin kita," sabo pa niya at nagtungo na kami sa labas kung saan nag-aabang si Cyrus.

Ngumiti ako sa kanya at ganoon din ang ginawa nya. Sa tingin ko ay mas maayos na kami ngayon dahil sa pag-uusap namin noong nakaraan. Hindi naman siguro masamang umasa na tototohanin nga niya ang mga sinabi niyang ililigtas niya ako. Isinakay na nya ako sa kanyang sasakyan, maingat ang pag-angat niya sa akin at mas mabagal kumpara sa dati. Nagtaka ako pero hindi na ako nagsalita, nagkibit-balikat na lang ako, hinintay namin siyang makasakay ni ate at bumyahe na kami sa patungo sa isang kilalang mall.

Si Cyrus ang nagtutulak ng wheelchair ko habang si ate ay nauuna sa paglakad, magbagal ang paglakad ni Cyrus na pa lang nasa parke kami. Gusto ko siyang lingunin at itanong kung may problema ba pero hindi ko na ginawa. Baka bigyan pa ng malisya ni ate.

Pumasok si ate sa isang boutique, ganoon din ang ginawa namin. Wala naman akong alam sa mga ganitong bagay kaya bahala na si ate kung anong gagawin niya sa akin. Hindi rin naman kasi ako natutuwang ikakasal na ako.

Puno ng mga magagandang damit ang lugar na alam kong mamahalin. Pinakita sa akin ni ate ang isang long sleeves na white dress na may mga nakatahing makikintab na bato. Kumuha pa sya ng isang short sleeves at isang sleeveless na may medyo malalim ang cut sa bandang dibdib.

"Kailangan ba talagang magsuot sya ng ganito?" tanong ni Cyrus at kinuha sa kamay ni ate ang sexy'ng dress.

"Bakit? Ayos naman, bagay sa kanya ito. Dapat maganda sya sa kanyang special day. Tabi ka nga dyan," sabi ni ate at kinuha ang damit sa kamay ni Cyrus.

Pumunta kami sa fitting room at binigay nya sa akin ang tatlong damit. Pinaka-una kong sinukat ang long sleeves. Medyo nahirapan pa ako dahil sa zipper sa likod. Lumabas ako ng fitting room para ipakita sa kanila.

"Ayos lang ba?" nahihiyang tanong ko.

Tumingin ako kay ate na tumatango-tango at kay Cyrus na walang reaksyon.

"Pwede na," sabi ni ate at nilapitan ako. "Pero sa tingin ko mas bagay mo ang maikli lang ang sleeves para hindi ka magmukhang manang." Tumango-tango siya at pinapasok ulit ako sa fitting room.

Nang matapos ako ay lumabas muli ako para magpakita sa kanila. This time yung short sleeves naman ang isinuot ko.

"Hmm, pwede!" sabi ni ate at pumalakpak.

Tumingin ako kay Cyrus na nakaupo at tumango sa akin.

"Try mo na iyong isa. Sigurado akong iyon talaga ang bagay mo," sabi ni ate at ngumisi pa. Hindi ko na nagugustuhan kung anong nangyayari.

"'Yung sexy? 'Wag na iyon ate. Hindi ako sanay magsuot ng ganoon, ito na lang," sabi ko bago nya isara ang pinto ng fitting room.

"Katherine, minsan mo lang naman isusuot iyon. Tsaka papalitan naman natin kung hindi mo bagay. Sige na!" sabi nya at sinara na ang pinto.

Huminga ako na g malalim at naghubad na ng damit. Pati bra ko ay inalis ko dahil para sa akin sobrang lalim ng cut. Siguro para sa iba ay normal lang ito, pero sa akin hindi. Bakit kasi kailangan pa ng ganito? Ayaw kong magsuot ng mga ganitong damit. Hindi bagay sa akin at isa pa, hindi ako komportable.

Buti na lang at may padding ang damit na ito kaya okay lang na walang bra. Lumabas ako ng fitting room habang takip-takip ang dibdib. Nakakahiya, baka sabihin ng mga tao trying hard ako.

"Katherine, alis mo yung kamay mo dyan," sabi ni ate at tinanggal ang kamay kong nakatakip.

"Ate, nakakahiya," bulong ko sa kanya.

"Ano ka ba?" sabi nya at binaba ang kamay ko.

Lumayo sya at tinitigan ako. Pumalakpak sya at ngumiti. "Perfect! Ayan ang kukunin natin."

Tumingin ako kay Cyrus na nakatayo na at nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Nagustuhan niya ba ang suot ko? Maganda pa sa paningin niya na ganito ang suot ko?

Nagbihis na ako at binayaran na ni ate ang damit. Naiwan kami ni Cyrus, parehas kaming tahimik kaya nagsalita ako.

"Maganda ba sa akin ang binili ni ate? Hindi ako sanay mag-suot ng ganoon, maganda rin naman ang naunang dalawa. Sana ay isa na lang doon, hindi ko bagay maging sexy," sabi ko at kinamot ang batok.

Tumingin sya sa akin. "Maganda ka kahit anong suotin mo. Pero aaminin kong mas lalo kang gumanda sa huling damit," sabi nya. "But you should eat more, kapag tayo na ang mag-asawa ay araw-araw tayong kakain."

Nag-init ang mga pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Si Cyrus talaga! Galawang playboy! Bakit ako ang iniisip niyang asawa niya? Dapat si ate!

"Tumigil ka nga!" sabi ko kaya natawa sya.

Bumalik na si ate kaya lumabas na kami ng boutique na iyon.

"Ah, ate? May nabili ka na ba para sa iyo?" tanong ko.

"Yes, nagtingin ako habang nagsusukat. And Cy, approved it," sagot nya. Tumango ako.

Pumasok kami sa isang salon. Sinalubong kami ng isang staff at binati si ate.

"Ma'am Klarissa, nice to see you again." sabi ng babaeng staff na mukhang may-ari yata ng salon. I don't know, hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito, eh.

Nagbeso silang dalawa at tumingin sa babae. Ngumiti ako habang tinitigan nya ang kabuuan ko.

"At sino naman itong mga ito?" tanong nito.

"Ah, Mama, this is Katherine, my friend. And this handsome guy is Cyrus, my fiance. Katherine, Cyrus, this is Mama Victoria, my stylist," sabi ni ate at kumapit kay Cyrus. Hindi na ako nagulat na kaibigan lang ang pakilala sa akin ni ate. Hindi naman kasi niya ako mukhang kapatid at baka magkaroon pa ng maraming tanong kung sasabihin niyang kapatid niya ako.

"Nice to meet you po," sabi ko at ngumiti. Hindi man lang ako pinansin dahil nakatingin sa dalawa.

"I heard na malapit na nga ang kasal nyo. Congratulations!" sabi ni Victoria at yinakap si ate.

"Thank you, Mama."

Nagkamustahan pa sila ng ilang minuto bago nagtanong si Victoria.

"So, ano nga pala ang ipapagawa mo?"
"Not me, my friend Katherine. Gusto kong i-make-over mo sya, iyong tipong hindi sya makilala," sabi ni ate.

"Ay, I like that. Then, let's start." sabi ni Victoria at iniharap ako sa salamin.

Umupo naman sila ate at Cyrus sa sofa. Ngumiti ako kay Cyrus habang seryoso syang nakatingin sa akin.

"Ano bang ayos ang gusto mo, hija?" tanong ni Victoria. Tumingin ako sa kanya gamit ang repleksyon nya sa salamin.

"Iyong pangkasal po sana na babagay sa akin," sagot ko.

"Bakit iyon naman ang gusto mo? May dadaluhan ka bang kasal o ikakasal ka?"  usisa niya pa.

"Ikakasal po ako sa katupasan ng buwan. Gusto ko lang pong makita kung anong itsura ko kapag ikakasal na." Ngumiti ako.

Tumango sya at sinimulan na akong ayusan. Umabot yata ng limang oras ang pag-aayos, nakatulog pa yata ako bago nya sabihing tapos na.

"Ayan, perfect! Ang ganda mo na! Siguradong maglalaway ang groom mo," sabi ni Victoria.

"Salamat po." Tumango ako sa kanya.

Tinitigan ko sa salamin ang sarili ko. Ang ganda ko nga! Itinaas ang buhok sa magandang paraan habang may iilang nakalalag at nakakulot. Simple lang ang make-up at gustong-gusto ko. Okay na sana kung si Cyrus lang ang groom ko. Siya ang gusto kong maglaway sa akin. Ano kayang magiging itsura niya kapag nakita niya akong nakaayos ng ganito?

In your dreams, Katherine. Hindi iyon mangyayari.

Parang kanina lang ay sinasaway ko pa si Cyrus sa pag-iisip na ako ang mapapangasawa niya. Ganoon din pala ako.

Nagbayad na si ate at lumabas ng salon. Huminto kami sa isang bahagi ng mall na may mga food stalls.

"Nag-iba ang itsura mo, Katherine. Hindi ka na mukhang manang. Manggigigil sa iyo ang groom mo, I'm sure," sabi ni ate tsaka umalis para magtungo sa rest room.

Nilingon ko si Cyrus na naglakad patungo sa bilihan ng cotton candy. Bumili sya ng pa-heart shape at binigay sa akin.

"Salamat," sabi ko at kinain na ang cotton candy kahit ayokong sirain ang design.

Tumingin ako sa kanya nang umupo sya sa harap ko upang magpantay kami.

"Maganda ba ako? Bagay ba sa akin ang ayos ko?" tanong ko sa kanya.

Hinaplos nya ang buhok ko at ngumiti. "Hindi ka naman naging pangit sa paningin ko kahit kailan. Ang ganda mo, kaya hindi ako papayag na hindi ako ang maghihintay sa iyo sa altar."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro