Special Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Hindi ka ba nangangawit?"

Umiling siya.

"Pang-ilang beses mo ng tinanong 'yan? Ayos lang ako, Cyrus." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. I glanced at her little baby bump; it was her 3rd month in pregnancy.

Ngayon ang pangalawang beses na pupunta kami kay Dr. Deity para magpa-check-up. Ang desisyon kong tumira sa sarili naming bahay ay nabago nang sabihin niya sa akin ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi ko iyon inaasahan at ayoko rin maramdaman niya na hindi pa ako handang maging isang magulang, lalo pa at may sarili rin siyang mga pangamba.

"Huwag mo sanang masamain, Katherine, pero si Dr. Deity na mismo ang nagsabi na kahit sa ikaanim na buwan ka na ng iyong pagbubuntis bumalik maliban na lang kung may komplikasyon kang nararamdaman. You are worrying too much," sabi ko at sinulyapan siya.

Bumuntonghininga siya. "Gusto ko lang masiguro na maayos lang lahat sa kanya. Baka may mali at hindi ko pa alam."

Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin. Medyo pagod ako dahil magdamag ako sa duty at lumiban ako sa trabaho para mapagbigyan siya sa gusto niya.

"Napapagod ka na ba? Pagod ka na ba sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko.

Hindi ako kumibo at humanap ng pwedeng mapagtabihan ng sasakyan. Hininto ko ang kotse sa ilalim ng isang malaking puno at hinarap siya.

"Pagod ako sa trabaho, hindi dahil sa iyo, Katherine," matapat kong sabi.

"S-Sorry, dapat hindi na kita inabala pa. Sana pinapahinga na lang kita. Bakit hindi mo sinabi?" Tumingin siya sa akin, may munting luha sa mga mata.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Minsan ay gusto ko na ring dumaing pero alam kong mas mahirap ang kalagayan niya.

"I'm alright. Ikaw ang inaalala ko, what makes you so worried? Bakit masyado kang nag-aalala na baka merong mali sa anak natin?" tanong ko.

Hindi siya sumagot kaagad, pinagmasdan ko siya. Yumuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Katherine?" tawag ko sa kanya.

"N-Natatakot ako na baka maging katulad niya ako," mahinang sabi niya na nagpawala sa mga iniinda ko.

"Katherine..." Bulong ko at marahan siyang hinila palapit sa akin.

"Natatakot ako, Cyrus, na baka maging lumpo rin siya kagaya ko. Ayokong matulad siya sa akin, hindi ko yata maaatim na maranasan niya ang mga naranasan kong hirap. Hindi siya pwedeng maging kagaya ko kaya gusto ko laging nasisiguro na ayos lang siya palagi. Patawad kung pati ikaw ay nadadamay pa sa mga pag-aalala ko." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Hindi ko alam na ganito kalalim ang mga iniisip niya. I never thought something like that. Ang masigurong ayos lang naman ang bata sa sinapupunan niya at wala kahit anong komplikasyon ay ayos na ako, hindi ko alam na ganito kahirap para kay Katherine ang magbuntis.

"Kung ano man ang naranasan mo noon ay hinding-hindi niya dadanasin dahil ikaw ang ina niya. Alam kong poprotektahan mo siya at mamahalin. Hindi tayo katulad ng mga magulang mo noon, hindi natin siya pababayaan kagaya ng ginawa nila sayo kaya ka tuluyang nalumpo. Sisikapin natin na hindi niya makuha ang kapansanan mo pero kung sakali man ay hindi naman mababago ang pagmamahal natin sa kanya. Nakikita ko ngayon pa lang na mahal na mahal na siya ng mga tao sa paligid niya. Lalong-lalo na ng kanyang ina," sabi ko at sinapo ang magkabila niyang pisngi.

"Cyrus, laging alam mo kung paano mapapagaan ang loob ko. Mahal kita, hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako na ibinigay ka sa akin ng Diyos. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mabuti para ibigay ka sa isang lumpong kagaya ko," sabi niya kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha.

"Ikaw ang laging mabuti, Katherine. Ako dapat ang laging magpasalamat at binigyan ako ng pagkakataon upang makilala at mahalin ka." Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong.

"Hindi ba kailanman sumagi sa isip mo kung bakit ka binigyan ng isang pasanin imbes na perpektong babae?" Tinagilid niya ang kanyang ulo.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko nakikita na isa kang pasanin. You are an angel, Katherine. Aanhin ko ang perpektong babae kung wala namang itong tunay na pagmamahal. You are perfect, Katherine. You are maybe flawed outside but your pure loving heart makes you a perfect person that every man and woman must be jealous of. I love you, kahit nakapikit ako ay ikaw pa rin ang pipiliin ko. Dahil puso ko ang pumili sayo hindi ang mga mata ko."

Lalo siyang umiyak at nataranta ako. Hindi ko alam kung paano siya pahintuin. May nasabi ba akong mali?

"Katherine, may nasabi ba akong mali?" Inangat ko ang nakayuko niyang mukha.

Narinig ko ang pagtawa niya habang pinupunasan ang mga luha. "Ang ganda ng sinabi mo. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak kesa matuwa."

Tears of Joy...

Ngumiti ako at hinalikan ang buong mukha niya. Nang mapakalma ko na siya ay pinagana ko na ang sasakyan.

"Cyrus, huwag na lang tayong tumuloy kay Dr. Deity," sabi niya at tumingin sa akin.

"Are you sure? Ayaw mo ng magpa-check-up?" Nagtaas ako ng kilay.

Umiling siya. "Ayos lang naman si baby, paranoid lang talaga ako. Umiwi na lang tayo para makapaghinga ka na."

Now, I just realize that, Katherine always needs an assurance. Sa mga bagong pangyayari sa buhay niya ay kailangang may magsabi sa kanya na magiging maayos lang ang lahat at walang mangyayaring masama. Sa pagbubuntis niya ay akala kong puro saya na lang ang mararamdaman niya pero mali ako.

Sa nangyari ngayon ay mas lalo kong nakilala ang asawa ko. Marami pa rin siyang takot at pangamba, at kailangan nandoon ako para alisin iyon. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako nasa tabi niya at asawa pa niya. She needs someone who can always reminds her that nothing could go wrong as long as she is always positive. Sanay siya na palaging may nangyayaring hindi maganda sa kanya kaya siguro ganoon na lang takot niya.

"O kaya naman, punta tayo ng bayan para makapasyal ka naman. Palagi ka na lang nasa bahay. Hindi na kita napapasyal kagaya ng dati." Sinimulan kong iliko ang sasakyan pabalik sa aming bayan.

"Wala namang kaso iyon sa akin, palagi naman akong nalilibang sa bahay dahil sa mga magulang mo pero gusto ko ring pumasyal," sabi niya at ngumiti.

Tumango ako, bahala na kung makita ako ni Chief na namamasyal lang!

Hininto ko sa harapan ng munisipyo ang sasakyan. Inayos ko muna ang kanyang wheelchair bago binuksan ang pinto ng passenger seat.

"T-Teka lang, Cyrus."

Napahinto ako...

"Nandyan ba si Loren?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Oo, dahil siya ang Mayor," sagot ko.

"Uwi na lang tayo," sabi niya at kinabit na ulit ang seatbelt.

Huminga ako nang malalim, hindi ko alam kung bakit naging ganito ang asal niya nang malaman na nandito si Loren, hanggang sa maalala ko kung anong nangyari noong huli silang nagkita ni Loren.

"Katherine, it's alright. Hindi ka ulit niya sasaktan. Nandito na ako, hindi na kita iiwan." I kissed the back of her hand.

"Cyrus!"

Sabay kaming napatingin sa kung sino man ang tumawag sa akin. Si Loren.

Humigpit ang hawak ni Katherine sa kamay ko habang papalapit si Loren na galing sa loob ng munisipyo.

"Loren, sandali lang..." Sinubukan ko pang pigilan si Loren sa paglapit pero nahuli na ako.

"Hello, Katherine. Mabuti at nagkita ulit tayo. Matagal ko nang gustong makita ka ulit, kasi gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko sayo noon," sabi ni Loren at lumapit pa sa asawa ko na nasa loob pa rin ng kotse.

"You are scaring her, Loren," matigas na sabi ko.

"Sana mapatawad mo ako, hindi ko gustong gawin iyon. Wala sa isip ko pero kusa na lang ginawa ng katawan ko dahil matindi ang nararamdaman kong galit at selos. Galit dahil hindi ako makapayag na sa isang lumpo lang mauuwi si Cyrus, naawa ako sa kanya dahil baka mahirapan siya sayo, hindi niya iyon deserve. Selos dahil, mawawalan na naman ako ng kaibigan..." Mapait siyang ngumiti at yumuko.

Nagulat ako, alam ko naman na kami lang ang kaibigan ni Loren. Si Harry, Dickson, at ako. Walang ibang tao ang nakakatiis o kahit gusto man lang siyang kaibiganin.

"Hindi naman ako mawawala. Kaibigan mo pa rin naman ako, Loren." Niligawan ko siya noon pero hindi niya ako hinayaan. Siguro dahil sa pangamba niya.

"Mali ako, hindi dapat ako ang nagdedesyon para sa mga kaibigan ko. Nakikita kong masaya sayo si Cyrus, sana alagaan mo siya. Mali ako sa mga naisip ko sayo noon, sana mapatawad mo ako. Ayos lang kung ayaw mo akong patawarin." Nilapit niya ang mukha sa asawa ko. "Sampalin mo ako para makaganti ka, hindi ako magagalit." Nakapikit pa siya.

Sa una ay nakakatitig lang si Katherine. Pero nang itinaas niya ang kamay niya ay bumilis ang paghinga ko, mananampal si Katherine?

Napangiti ako at bahagyang natawa ng pitikin lang niya ang noo ni Loren na nagulat rin sa ginawa niya. Sabi ko na, hindi niya magagawang manampal...

"'Yon lang? Ayaw mo talaga akong sampalin?" takang tanong ni Loren.

Umiling si Katherine. "Kapag sinampal kita, wala na rin akong pinagkaiba sa iyo. Pinapatawad na kita. Alam kong kung paano mo pinapahalagahan si Cyrus. Nagpapasalamat ako na may kaibigan siya na kagaya mo. Sana maging magkaibigan din tayo," sabi niya na kinalambot ng puso ko.

"S-Sure, salamat at pinatawad mo na ako. Hindi ko na iyon uulitin pangako. Congratulations sa pagbubuntis mo," sabi ni Loren.

Ngumiti si Katherine, tinulungan ko na siyang makasakay sa kanyang wheelchair.

"Akala ko nakakatakot talaga si Loren, mabait pala siya," sabi niya sa akin habang hinihintay namin ang in-order naming lugaw.

"Ganoon lang talaga siya sa ibang tao kaya walang masyadong kaibigan. Pero mabait talaga siya," sagot ko.

"Parehas kami, walang maraming kaibigan. Ikaw ang unang taong naging kaibigan ko maliban kay ate," sabi niya at nilingon si Loren na nagbabayad ng pagkain namin.

"You will gain many friends, Katherine. True friends, I should say. A kind a heart always finds a true friend. Hindi man marami pero totoo. Huwag kang mag-alala." Hinaplos ko ang kamay niya.

"Sana si baby rin marami siyang maging kaibigan. I will let him or her play outside para marami siyang maging kaibigan, para hindi siya malungkot. Lagi ko siyang sasamahan sa school at tuturuan ng maraming bagay para hindi siya kagaya ko," mahina niyang sabi.

"I wish our children will inherit their mother's good heart, though." I smiled at her.

She smiled at me too.

You don't know, my love, how much I adore your soul and heart. I wish I can have a little bit of your kindness and love. Kahit hindi na lang pala sa akin, sa mga magiging anak na lang natin, so they will grow up as a beautiful person like you...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro