Special Chapter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Cyrus, saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako nakapiring dito," tumatawang tanong ko sa asawa ko.

Sa loob ng isang taon naming pagsasama ay naging sobrang saya ko. Masarap kasama ang mga magulang ni Cyrus sa bahay. Ako na raw ang anak nilang babae dahil bumukod na si Caia simula ng manganak. Kung noon ay uhaw na uhaw ako sa pagmamahal ng magulang, ngayon ay sobra-sobra pa. Dalawang pares ng magulang ang nag-aalaga sa akin ngayon.

Minsan naman ay sinasama ako ni Cyrus sa kanyang trabaho at pagka-out nya ay mamamasyal kami at kakain ng kung ano-ano. Masarap talaga syang kasama at masarap din talaga sya. Ganoon pala ang ibig sabihin no'n sa mga nababasa ko.

Nag-init ang pisngi ko at bahagyang napangiti ng maalala ang mga maiinit na gabing pinag-saluhan namin ni Cyrus.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? At namumula ka pa? Anong iniisip mo?" tanong nya.

"Bakit naman ako mamumula?" Pinaypayan ko ang mukha ko ng aking kamay.

"Ewan ko, baka iniisip mo akong nakahubad," natatawang sabi nya.

"Ewan ko rin sayo. Matagal pa ba?" Ngumuso ako.

Inip na inip na ako at gusto ko ng malaman ang sorpresa nya. Lagi na lang siyang may paganito sa akin at talagang gustong-gusto ko naman.

"Nandito na tayo," sabi nya at hininto ang sasakyan.

Sa wakas!

Binuhat nya ako at isinakay sa aking wheelchair. Tinulak nya iyo kung saan. Hindi ko makita dahil nakapiring pa rin ako.

"Cyrus? Nasaan na ba tayo?" tanong ko.

"Ayan, sandali lang, Ganda," sabi nya at naramdaman kong lumayo sya sa akin.

"Cyrus?! Saan ka pupunta?! 'Wag mo akong iwan dito!" Hindi ko alam kung nasaan kami at nagsisisigaw pa ako rito.

"Nandito lang ako." Medyo malayo ang boses niya sa akin.

Naramdaman ko ulit syang lumapit sa akin at inalis na ang piring ko sa mata. Kinusot ko muna iyon bago iminulat. Natigilan ako ng makita kung saan ako dinala ni Cyrus.

"Surprise!" sabi ni Cyrus.

Napanganga ako at nagsimulang manubig ang mga mata ko nang mabasa ko kung nasaan kami.

Nasa isang State University kami. Ngayon lang ako nakapunta sa isang paaralan. Dati ay pangarap ko lang ito pero ngayon ay heto na. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng unibersidad, maraming estudyante ang labas-pasok sa paaralan. Ang iba ay nakatingin pa sa amin at nakangiti.

"Nagustuhan mo ba rito? Dito ako nagtapos. Masaya rito at friendly ang mga estudyante at faculty members," sabi ni Cyrus at hinaplos ang balikat ko.

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Salamat at dinala mo ako rito? Pero, bakit?" Kumunot ang noo ko.

Lumuhod sya sa harap ko. "Gusto kong ibigay sa iyo lahat ng pinagkait sa iyo noon. Nakita sa mga mata mo ang kagustuhan mong mag-aral noong kinuwento mo sa akin na hindi ka kailan man nakatungtong sa paaralan. Gusto kong mag-aral ka, hindi pa huli ang lahat. Naghanap ako ng paraan para makatungtong ka kaagad sa kolehiyo. Kailangang mo lang kumuha ng tatlong exam at mag-aral ng dalawang taon para payagan ka nilang magkapasok sa kolehiyo," sabi nya at inabot sa akin ang isang registration form.

Tinitigan ko iyon. Umaapaw ang emosyon sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.

"Cyrus, maraming salamat. Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo sa akin kasama na ito. Masaya ako sa sorpresa mong ito pero..." Tumingin ako sa kanya. "Pero hindi ko na gustong mag-aral. Oo noon siguro dahil sabik ako sa mundo, pero ngayon ay iba na. Simula nang ikasal ako sa iyo, gusto ko na lang alagaan ang pamilyang ito. Gusto kong ituon lahat ng atensyon at pagmamahal ko sa iyo. Matagal ko ng isinantabi ang mga pangarap ko noong bata pa ako dahil kasama ka na sa pangarap ko. Mahal kita, Cyrus at sobra kong na-appreciate lahat ng binibigay at ginagawa mo sa akin. Pero ito ay hindi ko matatanggap. Sana ayos lang sa iyo."

Binalik ko sa kanya ang form. Tinanggap nya iyon, ngumiti sya sa akin at hinaplos ang pisngi.

"Walang kaso iyon sa akin, kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Pero sana hindi ako ang naging dahilan kung bakit ayaw mo ng mag-aral. Hindi naman sigurong iniisip na magiging abala ka sa akin kapag nag-aaral ka na." Ngumuso siya.

Hinawakan ko ang kamay nya at umiling. "Pwede bang sa ibang lugar tayo mag-usap? May sasabihin akong mahalaga," sabi ko. Tumango sya at lumabas na kami ng university na isang beses ko pang sinulyapan.

Nagmaneho sya pabalik sa aming bayan at pumasok sa subdivision papunta sa bahay ng mga magulang ni Cyrus.

Naghanda na ako sa pagbaba dahil tanaw ko na ang bahay. Nagtaka ako nang lumampas ang sasakyan. Napalingon ako kay Cyrus.

"Nalagpasan na natin ang bahay nyo," sabi ko pero nginitian nya lang ako.

Huminto kami sa isang bungalow style na bahay. Halatang bago lang iyon dahil matingkad pa ang pintura ng bahay.

Bumaba si Cyrus at tinulungan nya rin akong makababa.

"Kanino bahay ito? Ang ganda!" sabi ko at hinawakan ang bakod ng bahay.

"Bahay natin. Another surprise. Surprise! Katherine!" Maligaya ang tinig niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Talagang bahay namin ito? Hindi ko alam.

"Cyrus, nagbibiro ka ba?" tanong ko. Nangilid ang luha ko.

"Hindi, 'no! Ang hirap ko kayang itinago sa iyo ito. Para sa iyo ito, may sarili na tayong bahay at komportable ka pang makakakilos dahil walang second floor," sabi nya.

Tumulo ang luha ko at niyakap sya nang mahigpit. "Salamat, Cyrus. Gustong-gusto ko ito. Sobrang saya ko ngayon araw na ito. Lagi mo na lang akong pinai-iyak sa saya," sabi ko at hinalikan ang labi nya.

"Walang anuman dahil tungkulin ko iyon bilang asawa mo. Gusto ko lagi kang masaya," sabi nya at dinala na ako sa loob ng bahay.

Talagang sinunod nya ang mga sinabi kong disenyo sa kanya tuwing nagtatanong sya sa akin. Pumasok kami sa master's bedroom at dito ko na rin balak sabihin sa kanya ang nalaman ko kaninang umaga. Kanina ko pa gustong sabihin sa kanya iyon pero para okupado siya ng ibang bagay. Ito naman pala ang dahilan.

"Cyrus, about nga pala doon sa sasabihin ko..." Hinila ko ang kamay niya.

"Oo nga pala, ano ba iyon?" Bumaling siya sa akin.

Huminga ako nang malalim at inilabas sa bulsa ko ang pregnancy test stick. Binigay ko iyon sa kanya.

"Buntis ako, Cyrus, kaya ko tinanggihan ang pag-aaral. Gusto kong alagaan ang baby ng buong oras ko. Ayokong maging katulad ko sya. Magkakaanak na tayo at sa tingin ko ay tama lang ang desisyon. Hindi na ito tungkol sa akin ngayon. It's about time to forget everything about me. Para na sa baby lahat ngayon. Magiging magulang na tayo," maligaya kong sabi.

Nakatulala lang si Cyrus sa binigay ko sa kanya. Walang reaksyon ang mukha.

Kumunot ang noo ko. "Cyrus, ayos ka lang? Ayaw mo pa ba ng baby? Hindi ka pa ba handa?"

Mabilis syang tumingin sa akin at sunod-sunod na tumulo ang luha nya. "Katherine, I'm sorry kung naging ganoon ang reaksyon ko. Sobrang saya ko ngayon at hindi ko alam kung paano mag-react. Magiging daddy na ako. Thank you, Katherine. I love you so much and our baby," sabi nya at yumuko sa may tiyan ko. Hinalikan nya iyon. Hinaplos ko ang buhok nya at tumulo na rin ang aking luha.

"Baby, I promise na aalagan ko kayo at mamahalin araw-araw at walang mintis ng mommy mo. Grow up well, okay? Take your time, little buddy. We will wait for you. I love you," sabi nya sa tiyan ko na wala pa namang umbok.

Hinalikan nya iyon at pagkatapos ang mga labi ko. Napatili ako at napakapit sa kanya ng buhatin nya ako sa kama. Panay lang ang hagikgik at maya-maya lang ay hindi na ako makapagsalita nang simulan niyang halikan ang lahat ng sulok ng katawan ko. Just like everytime he will make me feel how much he loves me, I can't help but to moan his name over and over again. We made love in our new house the whole morning. At nang dumating ang tanghalian ay nagpa-deliver na lang kami ng makakain at pagkatapos ay walang sawa na naman niya akong pinaligaya sa ibabaw ng sofa sa sala at pagkatapos ay sa kwarto ulit. The moments like this will be forever lingering in my mind. Hindi na imahinasyon lang, hindi na sa panaginip lang. Ang mga ligaya ko ay totoo na.

Alam kong marami pa kaming problema ni Cyrus, isa na roon ang lola nya. Hindi pa namin ito nakakausap at ngayong magkakaanak na kami ay gusto kong maging maayos ang lahat bago siya lumabas. This baby deserves all the happy things in the world. I will never let this child and our future children to be like me. Marami pa kaming haharapin sa na problema. At makakaya namin iyon basta magkasama kami. I know he will hold my hand always.

He is my miracle. The miracle that I once thought never exist.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro