Loading 36%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPG: T L K S H D
✁____________

Lahat ay nagising nang tuluyan sa tili ni Jake at nagulat din sa nakita.

"Ano ba yan, Jake? Kalalaking tao kung makatili-" reklamo ni Chrisy

"Teka, buhay ka?" gulat na tanong ni Jun

"Oo naman, duh. Wait," napatingin si Chrisy sa sarili "Eww. Ano 'to? Anong prank 'to?"

Lumapit si Shy kay Chrisy at kinuha ang illustration board.

"Anong nangyayari?" tanong ni Pipo na kabababa lang ng hagdan. Katabi niya si Cathy na buhat ang kanilang anak. Nakasunod naman sakanila si Gelou na bumababa ng hagdan.

"Ganito rin yung dati. Yung nakita ko sa lapida ni Albert. Pareho yung penmanship." sabi ni Shy habang pinapakita ang illustration board

"So buhay si Albert?" tanong ni Cedric

"Posible-" bago pa man matuloy ni Shy ang sasabihin ay pinutol na ito ni Pipo "Imposible! Nandun tayo nung libing niya."

"Pero naka-cremate na siya nung binurol at nilibing siya." Shy

"Kasi masyado nang na-damage yung katawan niya dahil sa car accident." Pipo

"Hindi natin siya mismong nakita! Baka buhay pa siya!" Shy

"Shy, tumigil ka na nga. Wala na siya, okay? Nababaliw ka nanaman sakanya." Chrisy

"Sige nga. Paano mo 'to i-eexplain?" sabi ni Shy habang pinapakita yung hawak niyang illustration

"May nangti-trip lang talaga sa atin." Chrisy

Nagkibitbalikat si Shy at hinagis ang hawak sa lapag "Nararamdaman kong buhay si Albert."



─────♡;

04-18-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro