Loading 37%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

THROWBACK

"Lucas," tawag ng isang lalaki sa isa pang lalaki na nakatayo sa harapan ng puntod kung saan nakalagay ang pangalan ni Albert. Katatapos lang ng libing ngunit hindi sila sumama. Inantay nilang mawala ang mga tao bago sila bumisita.

"Walang hiya ka!" bungad ni Lucas at sinuntok ang lalaking tumawag sakanya "Paano mo 'to nagawa sa kakambal ko?"

Pinunasan ng lalaki ang dugo sa gilid ng labi niya dahil sa pagsuntok sakanya bago nagsalita, "Sandali, Lucas. Let me explain."

Masamang tingin lang ang binigay sakanya ni Lucas. "Ano pang-ipapaliwang mo, Albert?"

"Okay." huminga muna nang malalim si Albert bago nagsimula "Hayaan mo muna akong magpanggap na patay at tulungan mo akong gawin iyon."

"Bakit naman?"

"Para sa kakambal mo na siyang totoong namatay. Alam kong matagal kayong nagkawakalay at gusto mong makabawi sakanya. Eto na 'to oh. Makakabawi ka na. Magpanggap ka bilang siya at simulan nating makaganti sa mga kaibigan namin na dahilan para mamatay siya."

"Teka, diba aksidente ang nangyari? Paanong mga kaibigan niyo ang may sala?"

"Hindi mo alam ang buong kwento, Lucas. Kaya makinig ka na lang sa akin at gawin mo lahat ng sasabihin ko."

"Sino ka para kontrolin ako? Paano kung ayaw ko?"

"Alam kong kriminal ka at pinaghahahanap ka ngayon ng batas. Pareho tayong kailangan magtago. Kailangan nating magpanggap sa ibang katauhan"



─────♡;

Hmm. Any thoughts?

04-19-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro