Chapter 6 ~semi-night-out

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




[ LAINERRY ESCAMILLA ]



"Are you okay?." He suddenly ask. Then I remembered when we meet in the rooftop. Sana iyon ang iniisip niyang dahilan kaya nawawala ako sa sarili. Not him who occupied my mind.

"Uhhm. Now. Oo naman. I'm alright." Putol-putol kong sagot. Medyo okay naman sana ako kung hindi siya nagtanong. Tuloy naalala ko na hindi pa pala ako okay. I'm trying to fix my broken heart. But I know time is the only medicine can heal it.

"So. It's good to know your name. Lainerry.."

"Escamilla". Putol ko. "But, maybe it's cool if we stay being a stranger?". I suggested dahil naalala ko lang iyong pinag-usapan namin sa rooftop.

"It's impossible because we known each other names. And no one say it's forbidden to meet a stranger. Unless if you're still a kid." He against what I saying earlier and he trick me of his funny words.

"Agreed." Of course dahil gusto ko naman lumabas sa mundo ko kahit papaano kaya I  decided to give him a chance to talk to me kahit ngayong gabi lang. Busy naman ang mga bago kong kaibigan kaya ayos na rin na may kausap ako at alam ko naman na hindi magagalit si Kuya kung kakalimutan ko muna siya saglit.

"You want to go out with me?." He's asking.

"Huuh?." Oh! My gosh! I'm excited.

"I mean, gusto mo lumabas saglit? Ang ingay dito sa loob." At na-mis-interpret ko naman. Paglilinaw niya at tumango na lang ako. My God Lainerry! You're expecting too much. Fine. Lalabas lang pala eh. Medyo naiingayan na rin talaga ako kaya sige.

He beckon me to go out pero hindi pa ako nakakatayo ay hinawakan niya ang braso ko at inalalayan ang side ng bewang ko na ikinaigtad ko. What the heck. I feel hot because of his palm in my waist. Ganito ba siya sa mga babae? Apaka gentleman naman ni Kuya. Namalayan ko na lang na dahan-dahan na akong naglalakad palabas ng gate habang kasabay siya. Binitawan niya ako kanina pagkatayo ko dahil medyo lumayo ako siguro nahalata niya. Hanggang sa makarating kami sa may gilid ng kalsada. Hinawakan niya ulit ang braso ko dahil medyo natutumba ako kanina. Nakailang kopita ba ako ng wine. Meyo makirot ng konte ang sentido ko. Hawak niya pa rin ang braso ko kaya hindi ako mapakali. Buti hindi ako nakikita ni Kuya Noel. Saan kaya siya nagpark baka isumbong niya ako kay Daddy.

"Sorry." Sambit niya. Ramdam niyang awkward na ako.

"You like coffee? May alam akong shop malapit lang dito." Tiningnan ko muna ang wristwatch na suot ko. Past 11 pa lang naman. Meron pa akong isang oras dahil 12 midnight ang binigay ko sa sarili ko para umuwi. Cinderella ako ngayong gabi.

"Sure. Sige." I agree. Pero mukhang mahihirapan ako sa high heels ko. Ang taas pa naman. Sana makita niya na nahihirapan ako para iback-ride niya ako. 'Weeew! Ano bang iniisip ko. Landi-landi ng isip ko eh'.

"Laine...?." Nagising ako ng imahinasyon ko na nakaback-ride ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

Hala. Hindi kaya iniisip niya na easy-to-get ako? Sumama agad ako sa kanya na lumabas ng ganitong oras at parang wala man lang katao-tao sa kalyeng ito. Pero nagulat ako ng hatakin niya ang braso ko palapit sa kanya. I thought he's about to kiss me pero namanhid ako ng may sumaging hangin sa likod ko dahil sa mabilis at humaharurot na motorsiklo. Nakita ko naman na medyo malayo sa akin pero over protective naman siya. Ito talaga eh. Ganito yung mga moves sa Kdrama na pinapanood ko.

"Ayos ka lang?." Tanong niya agad habang nakahawak pa siya sa braso at likod ko para hindi ako matumba. Hindi ako nakasagot dahil sa posisyon namin kaya tumikhim siya at umayos naman ako ng tayo habang kinakabahan pa at the same time kumakalabog ang dibdib ko. Galing niya tumayming ng pagkakataon.

"Sorry., salamat." Saad ko.

"Be careful." Sabi niya. At tahimik na kami naglakad patungo sa coffee shop.

"Sinabi ko na yan sa'yo noong unang pagkikita natin sa park. Hindi ko akalain na sa pangalawa ay sasabihin ko ulit." Wala sa loob na sabi niya. Grabe ayaw niya kalimutan ang mga yugtong iyon. At talagang hindi niya ako nakalimutan kahit ilang saglit lang naman ang pangyayaring iyon.

"You're.. Uhhmm it looks like you want to bite me huh." Nasamid ako sa sinabi niya kahit hindi pa naman ako umiinom ng kape. Nakarating na pala kami sa coffee shop at nahihintay ng order. Ano naman kaya ang ginawa ko.

"Anong sinabi mo?." Paglilinaw ko baka may ginawa akong hindi naayon sa suot ko.

"I know you heard it kaya ka nagreact ng ganyan. Half an hour ka na kase nakatitig sa akin." Napatingin ulit ako sa suot kong relo. 11:20 pa lang naman. Hindi pa nga kami kalahating oras lumabas. Sinungaling.

"You're belong to freshmen right? " Pag iiba niya ng usapan. Buti marunong siya makiramdam na kanina pa ako nahihiya sa sarili ko. Kainis nadadala ako sa mga kilos at sinasabi ng lalaking ito.

"Oo." I answered shortly.

"I'm sophomore. BM. How bout you?."

"BM too."

"Really. That was great. You like business.?."  Nasa stage na ba kami nang 'getting-to-know-each-other?. My mind shout.

"I do like sometimes. But I need to."

"Seems you just forcing yourself." He has a hint. At tama siya I ordered my self to like it because that's where I'm going. A business woman.

"Akala ko hindi mo ako naalala." He change the topic.

"Why? Nakilala naman kita agad kanina."

"Ilang beses na kitang nakasalubong pero hindi mo ko nakikita. Lagpas hangang Cubao ang mga titig mo." Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Ay oo. Ibig sabihin dito siya nag-aaral kaya nakikita niya na ako simula pa lang ng klase.

"Sorry something in my mind lang siguro." Aminado naman ako na hindi talaga ako friendly. Siguro sila yung nakakasalubong namin na gustong makipagkilala pero iniiwasan ko sila at tanging sila Mairi ang naiiwan para makipag-usap sa kanila. Well,  I'm not expecting na dito siya nag-aaral kung alam ko lang eh di sana ako ang naghanap sa kanya dahil gusto ko rin naman siyang makilala.

"Kumusta na?." He suddenly ask at nagflash-back naman ang incident sa rooftop na naabutan niya akong umiiyak.

"I'm fine. Soon I'll be fine." I answered in hesitant. Oo magiging okay lang naman ang lahat dahil gugustuhin ko iyon na maging okay ako.

"Of course. Claim it. All problems are surmountable. You'll be fine Laine.."

Then I feel at ease. Parang napakagaan niya kausap dahil nawawala unti-unti ang pait sa puso ko na parang kahapon lang ay nilulunod na ako. In the rooftop naging okay rin ako noon ng mag-usap kami. Hindi siya mabigat sa pakiramdam kasama katulad nila Daddy na parang pasan ko ang mundo pag nakikita ko pa lang sila.

"I said. I'm Matthias." Biglang sabi niya.

"So?." Pagtataka ko.

"Why you didn't mention it? I thought you forget." Nagtatampo siya kunwari. Naiilang lang ako tawagin siya dahil wala namang pagkakataon para mabanggit ko ang pangalan niya.

"Never mind. Tagasaan ka?." Sasabihin ko ba ang address ko? Pupuntahan niya ako?

"I'm from Laguna. But my Dad bought a house here in Marikina." I answered a safest way. Sigurado akong hindi naman address ang tinatanong niya.

"Saan dito? Kaya pala hindi ka pamilyar sa akin. Kase dito na ako lumaki at pamilyar na sa akin lahat ng tao dito, well sa mukha lang naman."

"Malapit lang sa River Bank ang bahay namin. Sa Alveza Subdivision."

"Ah. There. Tanaw lang pala mula sa rooftop na pinuntahan mo. Kaya pala alam mo 'yon. Ako medyo malayo ang sa amin. Boundary na nang Cainta."Saad niya.

"Hindi ko alam saan iyon." Saad ko. Totoo naman na hindi ko alam dahil hindi pa ako nakakapag-ikot sa mga lugar dito. Tanging park at abandonadong building pa lang ang nararating ko. Hindi pa nga ako nakakapaglibot sa mga mall dito eh.

"I'll take you there sometime If you ..." Then my heart jumps. Ano ito? May pang-apat pa bang pagkikita at may binabalak siya about tomorrow? Oh my! Can't take this kilig anymore. Anyway siguradong araw-araw ko siya makikita dahil same lang ang school namin at pati ang kurso na kinukuha.

"I think we need to leave." Putol ko pa sa sasabihin niya dahil baka hindi ko na kayahin pa at kurutin ko na ang maliit at patay na nunal sa may labi niya na kadistract-distract sa paningin ko.

"Sure. Balik na tayo baka hinahanap ka na nila." He said. Bumalik na kami sa venue ng party na nangangatog na ang binti ko dahil sa taas ng sandal na suot ko. Hindi niya man lang ako ibili ng bandage or disposable slippers. Ganoon rin yung napapanood ko sa mga drama eh para kiligin ang bidang babae. Wala. Wala siyang ganoong galawan. Pagkapasok namin ng gate ay bigla akong huminto. Parang nanakit na talaga ang paa ko.

"Uwi na ako. Ikaw na lang dumiritso sa loob. Pakisabi na rin sa mga kaibigan ko na nauna na akong umuwi. Okay lang?." Masakit na talaga ang sa may likod ng paa ko.

"Sure. Hatid na kita." Suggest niya.

"Hindi na. May naghihintay na sasakyan.."

"Uhh. Okay I get it." At naglakad na ulit ako palabas na siya namang paglitaw ni Kuya Noel. Kanina hindi ko siya nakita dito bakit ngayon nandito na agad siya. Nakita ko ang   flat sandals ko na bitbit ni Kuya Noel. Buti pa ito may pakiramdam.

"Uwi na po tayo." Sabi ko sa driver ko at kinuha ko ang bitbit na sandals niya. Lumingon pa ako sa pinanggalingan ko ngunit wala na si Matthias doon. Siguro pumasok na siya sa loob.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro