Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The hint


AERIN


Kinabukasan.

Maaga akong pumunta sa Headquarters kasama si Bok. Walang pag-aalinlangan ay dumeretso kaagad ako kay Fernando.

"Sigurado ka bang siya yung nakita mo?" tanong ni Fernando.

"Oo. Hindi ako pwedeng magkamali, isa siya sa mga bodyguard ni Colonel Young. Kaya pala pamilyar sa'kin ang litrato sa picture nagkita na rin kami noon dito, remember noong biglaang dumalaw si Colonel dito." I explained it to him.

Umupo ito at kinalikot na ang computer. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi natin makita ang personal data nito. Mahigpit si Colonel sa mga tao niya, hindi ko naman inisip na pati sa isang simpleng bodyguard ga-gwardiyahin niya." ani Fernando.

"Kailangan na natin malaman ang pangalan niya."

Hindi ito tumugon bagkus ay inumpisahan na nito ang pagbukas sa privacy data ng mga pulisya. I saw him enter Mr. Young's name in the PC and eventually, some various people in his camp appeared.

"Aerin." lumingon ako dito na mukhang seryoso ang mukha.

Linapitan ko siya at nagulat sa nakita ko. "Ayan! Siya ang lalaking 'yan! Anong pangalan!"

"Jeffrey Pamintuan, 29 years old, Highschool Graduate, Mag-isa itong naninirahan sa condo unit nito malapit sa Tandang sora." Fernando said.

Dinukot ko ang phone at pinicturan ang information sa desktop. Pinirint ko ang formal picture nito.

"Aerin..." lumingon ako dito kay Fernsndo, nakatuon pa rin ang atensyon sa PC. "May record ito sa Police Department District V1. Nireklamo ito dahil sa panggugulo sa isang Bar."

Saglit kong sinuri ang records nito. "Ako na bahala. I'll just call you when I have something to look for ... I'll take Bok with me." saad ko. "Na saan ang manok na 'yon?" I asked as I notice he's not inside in this room.

"Baka nasa baba na. Tara na." naunang lumabas itong si Fernando, nang maitago ko na ang printed picture ng lalaki sa jacket na suot ko ay sumunod na ako dito. When we got off the ground floor we found Bok having a nice talking with Theo.

"Officer!" kumaway itong si Bok ng makita ako.

"Ubusin mo na 'yan, mahaba-haba trabaho na'tin ngayon." I said as we approached them.

Inayos ko ng mabuti ang belt na suot-suot ko at chineck ang mga nakalagay dito. Taser, Baton, Handcuffs, Flashlights, Radio at ang baril.

"Look who's here. Officer." lumingon ako dito kay Chief Perez na kakapasok lamang. Sumaludo ako.

"Akala ko ba na sa leave ka?" nakapamulsa ito habang kalmadong nakatingin sa'kin.

"Yes. I'm on leave, binisita ko lang mga kasamahan ko dito."

"Ganitong kaaga? You're on leave pero bakit kumpleto mga gamit mo sa belt." he looked at what I was wearing. I was trying to hide them in my jacket, but he still saw it.

"Safety first." tipid na sagot ko.

"Chief!" sabay kami lumingon sa sigaw na narinig namin, nakita ko ang dalawang kakapasok lamang din sa Headquarters. Sumaludo kami sa isa't-isa.

"Natasha, buti nandito ka? Engineer! Kamusta na." Chief Perez said.

"Ayos naman po." Adriel answered.

"May irereport lang kami dito kay Inspector, babalik din naman kami ni Engineer sa site." nakangiting sagot ni bruha.

Ibinalik ni Chief ang tingin sa'kin. "Saktong-sakto, papaalis na rin si Officer Valdez. Pwede niyo na siyang isabay." magiliw nitong tinapik ang balikat ko.

Napairap na lamang ako habang tinitignan sila. Magsindi nga ako ng lighter dito para masunog ang mga plastic?

"Pwede rin, kaso pakihintay lang muna officer, may gagawin pa kami sa taas." dagdag ni Natasha.

"No thanks. Take your time together." sagot ko. Lumingon ako dito kay Bok.

"Tara na."

Before I finally got out of their way, I needed to deal with Engineer first. "Hindi ako makakapunta sa site ngayon, may aasikasuhin ako." walang ganang sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at nag-walk out na sa harapan nila.

UMAGANG-UMAGA SINISIRA ARAW KO.

"Taray mo ma'am ha!" pagbibiro ng kasama ko.






"Lola ganda, pamilyar ba sa'yo tong mukhang ito?"

"Medyo, 'diba ito yung lalaking dumadalaw kay teacher?"

Pinagmasdan ko si Bok na kinakausap ngayon ang isang grupo ng kababaihang magkakasama ngayon habang nagwawalis sa maliit na garden dito sa harapan ng apartment na siya ring tinuluyan ng yumaong si Jane.

"Oo nga 'diba? Siya yong lalaking mukhang mayaman!" rinig kong sagot naman ng isa.

I went upstairs to the 3rd floor where Jane's room was. Chineck ko ang nag-iisang CCTV sa floor, basag ito at mukha ngang sira na. Nagtanong ako kanina sa tagapamahala ng apartment at nasabi sa'kin tanging sa 3rd floor lang ang may sirang CCTV.

Inikot ko ang paningin sa paligid.

Saan ko nga ba 'to makikita.

Umangat ang tingin ko sa kabilang building na nakatayo sa tabi ng apartment, sinundan ng tingin ko ang ikatlong palapag nito at napansin ko ang umiikot nitong CCTV.

Boom!

Tumakbo ako ng mabilis pababa, tinawag ko itong si Bok at mabilis na sumunod sa'kin. "Ma'am! May nahanap ba kayo?"

"Oo." tipid kong sagot habang tumatakbo.

Nang makapasok na kami sa tabing building nito ay napag-alaman kong isa itong rented stall building. Dumaan kami sa hagdan na nasa gilid ng building. Pagkarating namin sa ikatlong palapag ay tinanaw ko ang apartment nitong si Jane, hinanap ko ang CCTV ng isang stall dito. Tinansya ko ang posibilidad na pwedeng makuha ng CCTV.

"Do you just see what I see, Bok?" I asked him whom standing beside me.

"Alin ma'am? Yung building?" anito.

"Tingnan mong maigi." itinuro ko ang CCTV dito at ang kwarto sa kabilang building ni Jane.

"Samgyupsal ang dito doon naman apartment!" sagot nito.

Kinurot ko ito. "Tigil tigilan mo'ko, mamaya ka kumain!" suway ko.

Pumasok ako sa loob ng kainan at linapitan ang isang staff dito. "Yes po? Table for two?"

"No no. Hindi kami naparito para kumain." pinakita ko ang ID.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" tanong ng staff.

"Kailangan kong tingnan ang CCTV ninyo dito sa labas."

"Dito po." aniya.

I followed the staff and took me to the manager, who showed me the video footage of their CCTV. Kinuha ko ang mouse at tinawagan ang patay gutom na kasama ko. Ni-reply ko ang video magmula July.

Noong unang araw ng July hanggang sa July 15 ay mag-isa lang pumapasok itong si Jane habang may kausap ito sa telepono. Nang dumating na sa July 17 hanggang sa July 28 may kasa-kasama na itong lalaking kasabay nitong pumapasok sa loob. Muli kong nireply ang araw kung saan kinabukasan din natagpuang naghihinalo itong si Jane.

Maghahapon na. Mag-isang pumasok ang lalaki sa apartment, samantalang masaya namang sinalubong ito ni Jane. Sandali kong pinause ang video, zinoom ko ang hawak-hawak ng lalaki. Isang brand ng mga gamot.

"Ma'am!" napatakip ng bibig ang kasama ko.

Tumikhim na lang ako at hiningi ang copy ng CCTV nila. Finorward ko ang lahat kay Fernando na nasa Headquarters ngayon.

Before we went down we thanked them for their help, and as we got back to the car I turned on the earpiece.

"I-save mo lahat ng isesend kong video or kahit na ano, tayo-tayo lang muna ang dapat na makaalam." sabi ko sa kabilang linya.

"Oo." Fernando answered.

"Makakaalis ka ba ngayon?"

"Oo, bakit?"

"Gusto kong pumunta ka sa Hospital kung saan na admit si Jane, icheck mo ang CCTV ng room nito."

Kahit sinabi na sa akin ni Inspector Martin na may investigation ng nangyari, hindi ako naniniwala.

Paniniwalaan ko lang ang nakikita ng mga mata ko.

"Saka pala, pakiforward sa'kin ang address nang bar na sinabi mo kanina, papunta na kami doon."

"Sige, ichecheck ko ulit... Aalis na rin ako."

And Fernando ended the call.

Halos isang oras ang binyahe namin marating lang ang sinasabing bar ni Fernando. We just walked in and parked the car in the distance at the bar. When we got there, we saw the closed sign of the bar.

Sumilip-silip itong si Bok sa salamin, "Mukhang sarado nga ma'am."

Linapit ko na rin ang tingin dito. "Imposible, may ilaw na nakabukas oh." turo ko sa loob.

"Anong ginagawa niyo dito."

Lumingon kami sa nakakapangilabot na boses mula sa likod. Napalunok itong si Bok. "Ma'am, balik na lang kaya tayo bukas?" bulong niya.

Kinuha ko ang ID at ipinakita sa lalaking halos kasize na katawan ni Dwayne Johnson.

Pinilit kong maging matigas sa harapan nito. Nakakaloka built ng katawan.

"Legal kami dito." mabilis niyang sagot.

"Alam ko, may imbestigasyon akong ginagawa at makakatulong ang bar na'to sa'kin."

"Sumunod kayo." aniya.

Tahimik kaming sumunod dito na tinungo ang likod ng Bar. Nang makarating kami dito ay napansin agad namin ang mga dancers at mga baklang abala sa pag-memake up.

"AHHHHH! MGA BAKLA MAY RAID!"

Napatakip ako ng teinga ng biglang sumigaw ng napakalakas ng isang bakla, everyone was in shock and hurried to fix their things.

"MANAHIMIK KAYO!" an old woman suddenly shouted. Tiningnan niya kaming dalawa ni Bok.

"Umayos kayo, may mga pulis sa harapan ninyo." aniya at sabay-sabay namang humarap sa'min ang mga bakla.


"ISADORA!"

"Yes madam?"


"Kayo nang bahala sa mga bisita." saad ng matandang babae at dumeretso sa paglabas, sumunod sa kanya ang lalaking aka Dwayne Johnson ang katawan.

As soon as the two of them left, we were immediately surrounded by these gays. "Gandara Park ha!" maharot na sabi ng isa habang sinusuklay nito ang buhok ko.

Lumingon ako kay Bok na ngayo'y pinapalibutan din ng iba. Natatawa ako sa biglaang ekspresyon nito. Jusko parang bata.

"HOY MGA JUTAY TABI-TABI NGA KAYO RIYAN!" sumigaw ang kaninang tinawag ng matanda na pagkakaalala ko ay Isadora.

"What can I help you?" maarte nitong inilahad ang kamay.

"NAGSALITA ANG HINDI JUTAY! HAHAHAA" pinagtawanan nila ito ay kinurot-kurot.

"PAKYUKERS KEYO!" galit itong nagmura sa kanila, bigla ako nitong hinila papasok sa loob ng bar.

Tumahimik ang paligid pagkapasok namin sa loob, nanatili pa ring nakapatay ang mga iilang ilaw at sakto lang sa isang ilaw para maaninang ko ang nasa loob.

He sat down at the table and took two glasses, poured him some beer. "Pwede ko bang malaman kung bakit nandito ang isang pulis?"

Kinuha ko ang picture ng lalaki. "Time is running out, kaya hindi ko na patatagalin pa." kinuha ko ang basong may alak at nilagok ito. "Gusto kong malaman at makita ang CCTV footage ninyo sa nangyaring gulo noong nakaraang dalawang linggo. Natatandaan mo ba siya?"

Hindi niya ako sinagot. Muli itong uninom ng alak.

"LAYLA!!!" malakas na sumigaw itong si Isadora.

Napalingon ako sa tunog ng yabag ng paa. Naagaw ng atensyon ko ang 6 inches high heels nito at kumikinang na legs. SHOCKS!

To my surprise I spilled the wine on my mouth. "Bakla yung make up ko!!!" rinig kong reklamo ni Isadora.

"LOUIE?!"

"OMG! AERIN VALDEZ?!"

Tumayo ako dito at nagmadaling yumakap dito. "Omg! Kamusta ka na!"

"Ayos lang ako!" pasigaw na sagot ko, kumawala ako sa yakap. "Totoo ba 'tong nakikita ng mga mata ko ngayon?"

Tumango ito. "Haler! Ang dakilang Louie, ngayon si LAYLA na!"

"Grabe bakit? Ehh kababaero mo noon!" hindi pa rin ako makapaniwala, itong baklang kaharap ko... si Louie na crush ng bayan noon!

"Mas bet ko na yung hotdog e." sabay kaming natawa.

"Gaga ka."

"Reunion lang ang peg?" sabay kaming lumingon dito kay Isadora.
I laughed when I suddenly remembered why I was here. Masyado akong na carried away sa revelation ngayon! HAHA!

Bumalik kami sa upuan. "Ano pala pakay mo dit---" hindi natapos ni Loui- este Layla. Gulat na namang tumingin ito sa'kin. "Totoo din ba 'tong nakikita ko? May ts-tsapa ka? Ibig sabihin, pulis ka?!"

"Oo." nahihiya kong sabi.

"Gaga ka ba?! Akala ko nag-doctor ka!"

"Change is better." sagot ko na lang.

Itinuon ko muli ang isip ko sa ginagawa, in-explain ko ng maayos sa kanilang dalawa ang pakay ko kaya agad nila akong dinala sa security area nila't ipinakita ang video footage sa gulong nangyari last month sa club.

Pinanood ko ng maayos ang video. Dahil malinaw at maliwanag ang video. Hindi ako nahirapang panoorin ito. Nasa loob ng bar itong si Jane kausap ang isang di kilalang lalaki, seryoso lang ang mukha nito habang kausap ang lalaki. Ilang minuto ang lumipas ng bigla biglang lumitaw sa video itong si Jeffrey at galit na pinagsusuntok ang lalaki.

"Naku ayan na pinaka bet kong part sis! Galit na galit ang legal man!" komento ni Layla.

"Bakit ano ba kwento dito?" pagtatanong ko.

"Sabi sabi nag-cheat daw itong si girl kay boy, ayun naaktuhan kaya nagwala si boy!" pagkukwento ni Isadora.

"Pero alam niyo ba sabi ni baklang Rafa, paglabas daw nila umiiyak daw si boy at yinayakap si girl. Parang mala-Titanic ang peg nila!" dagdag ni Layla.


Napasagot ako ng wala sa oras ng marinig kong tumutunog ang teleponong hawak ko.

"Hello Hello." boses ni Fernando.

"Yes ano 'yon?"

"Aerin, may sasabihin ako..."

"What is it?" I asked.

"Iyong CCTV footage ni Jane sa room nito dito sa hospital, sira. Blackout."

"Ano?!"


Hindi ko napigilan ang sariling sumigaw sa gulat dito. Tiningnan ako ng dalawang kasama ko. "Ayos ka lang ba sis?" tanong ni Louie.

I nodded. "May problema lang... Isadora, pwede ko bang mahingi ng copy itong video?"

"Oo naman." pagpayag ni Isadora.

Muli akong nagsalita dito sa earpiece "Fernando, kailangan natin magkita." sabi ko sa kabilang linya.

"Sige sa HQ na lang."

Nang makuha ko na ang hinihingi ko dito ay nagpaalam na ako sa kanila.

"Balik ka dito ha, sagot ko na alak mo!" wika ni Louie.

"Oo naman! Sasama ko buong kapulisan! HAHAHA"

"Sige ba! Daming daks non!" humalakhak ito. "Selfie nga muna tayo," pinuwesto nito ang front cam. Pa cute kaming nag-post dito. Click!

"Hoy isave mo number ko ha, tatawagan kita kapag may nagrerape sa'kin. HAHAHA"

"Ayaw mo ba yun? HAHAHA"

"SLIGHT? HAHAHAHA"

Louie and I ended our conversation when I was pulled out by Bok, who was trembling as his clothes were full of lipstick. Mukhang pinagpiyestahan ng mga bakla! Haha!

Bumiyahe na kami pabalik sa HQ. Mag-aalas dos din nang makarating kami dito, sinalubong kaagad ako nitong si Fernando at Theo.

"Nandiyan ba sila?" tanong ko kay Fernando, pagtukoy kay Chief Perez at mga alagad nito.

"Wala. May inasikaso." sagot nito.

"Tara sa itaas." aya ko at sabay-sabay kaming umakyat.

Sakto pagkapasok namin sa loob ay walang tao, ni-lock ko ang pinto.
I walked over to the table. I looked out of wonder at Fernando and Theo.

"What is this?" gulat kong pinagmasdan ang sandamakmak na pagkain sa table.

"Naku Sir! Kumpleto lutong bahay! Menudo, Adobo, Bulalo at Chopsuey, may Chicken joy pa! Sa wakas!" masiglang wika ni Bok.

"Alam naming pagod kayo at kilala ka naming hindi man lang iniinda ang gutom. Kaya tikman niyo naman mga specialty ko. HAHAHA" ani Theo.

Alam na rin pala ni Theo ang ginagawa naming pag-iimbestiga, in explain na nang maayos ni Fernando dito at maaasahan daw namin ang tulong niya.

"Hoy, ikaw lang nagluto riyan pero ako gumastos!" sita ni Fernando.

Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa at sama-sama naming nilamutak ang pagkain.

Matapos ang mahaba habang pakikidigmaan namin sa pagkain ay sumalampak kami sa kanya-kanya naming desk, pwera lang kay Bok na mahimbing nang natutulog ngayon sa kabusugan.

"Ikaw Theo, ang sarap mong magluto 'bat di ka na lang nag-chef ha." wika ko dito.

Natawa ito. "Okay lang naman ang pulis, nagagawa ko naman pareho ang gusto ko." aniya habang kinakalikut nito ang ngipin gamit ang toothpick.

"Nga pala Aerin, kamusta ang paglibot niyo kanina?" pagtatanong ni Fernando.

Umayos ako ng upo at inihanda na ang dalawang kamay ko sa pagkukwento, sinimulan ko sa apartment ni Jane at sa CCTV ng katabing building na may samgyupsal, gamot na dala-dala ni Jeffrey. Sumunod ay doon sa bar na kung saan nabanggit ko din ang batchmate kong gwapo noon pero maganda na ngayon.

"Bet ko 'yon ha! Next time punta tayo diyan!" pagsingit si Theo.

Balik tayo sa kwento. Nakuha nang CCTV ang pananapak ni Jeffrey at sinabi ang kwentong mala Legal Wife ang datingan.

"Ano! Masarap ba ha! Masarap ba ang asawa ko!" nag-iinit ko nang tiningnan itong si Theo na singitero nang araw ngayon.

"Kung titignan siya ang pinaka prime suspect natin ngayon." Tumayo itong si Fernando habang malalim na nag-iisip. "Nagkaroon ng away ang dalawang magkasintahan dahil may iba ang isa, at dahil alam ng lalaki na may sakit ang babae sa puso gumanti ito sa gamot na dala dala nito... Kinabukasan lamang nakita nang nakahandusay ang katawan ng babae. Sa madaling salita, selos ang pinaka ugat nito!" biglang sigaw ni Fernando.

Napatango-tango kami ni Theo dito.

"Pero nakapagtataka lang, kung bakit blackout ang CCTV sa hospital." biglang hirit ni Theo.

Napa-isip ako. May point siya, sa dinami-dami ng pwedeng masira o ma black out man, bakit sa taong mamamatay pa?

"... Pero may isa pa akong dapat ipahanap sa inyo. Ang lalaking kausap ni Jane sa bar, kailangan natin siyang makilala." dagdag ko at tumango naman ang dalawang si Theo at Fernando.

Naramdaman ko ang biglang pagpikit ng talukap ng mga mata ko. Ilang segundo kong inikot ang paligid, yumuko ako at ipinatong ang ulo sa table...




"Aerin, gising na."

Nanlalambot kong inangat ang ulo ko, tiningnan ko itong si Fernando.

"Gabi na, umuwi ka na." wika niya.

Napatayo ako ng wala sa oras, "7PM NA?!" sigaw ko habang chinecheck ang oras.

Tumango ito. "Oo kaya kailangan mo nang umuwi, isundo mo na lang yang tulog mo sa inyo." aniya. "Oh, nauna na si Bok, iniwan na sa'yo yung susi." itinapon nito ang susi sa desk ko at naglakad na ito papalabas.

Takte. Mukhang napahaba ang tulog ko. 'bat 'di man lang nila ako ginising!

Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang 20 missed calls ni Bree. Shit.

Nagmadali akong bumaba at hinanap ang kotse, It tooks me 20 minutes para makarating sa condo, may lecheng traffic kaya natagalan ang biyahe.

Pinark ko sa harapan ang kotse, nagmamadali ako---

"Ay traffic!" sa gulat ko ay kung ano ano na lang lumalabas sa bibig ko.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko kay Adriel na nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Gustong ibigay sa'yo ni Mang Isko ito, birthday niya ngayon naghanda ng kaunti." ibinigay niya sa'kin ang plastic na bitbit nito.

"S-S-Salamat."

Kanina pa ba siya naghihintay dito?

"Sige, bukas na lang ulit." I said.

Dumeretso na lang ang tingin ko sa daan at pumasok na sa loob.


Napahawak ako sa dibdib ko, leche ba't ka kumakabog? Leche.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro