Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The Doctor, the Officer


AERIN


"Tita naman 150 na lang, last tawad ko na 'yan."

"Hindi pwede, 150 na puhunan namin diyan, mahal karne ngayon bilhin mo na 'yan... 180 sige."

"150!..."

"175..."

"150!..."

"170..."

Siniko ko na ang kasama kong si Bree na hindi matinag-tinag sa pagtawad. "Ano ka ba, naghahanap buhay din yung tao oh." wika ko, "Tita kunin na namin 'yang manok." sabi ko at saka na nag-abot ng bayad dito.

"Salamat Ganda!" rinig kong sigaw nito ng maglakad lakad na ulit kami.

"Sus! Gusto mo lang matawag na 'Ganda' e!" natatawang sabi ni Bree.

"Duhhh. Natural na sa'kin ang gandang taglay ko, nakakahiya nga't tinatawag pa ako ng 'Maganda'."

"Hay jusko! Wala ka naman make up ngayon, pero bakit ang kapal ng mukha mo?" biglang turan nito.

"Mangga kayo riyan! Mangga kayo riyan!"

"Uy ayun mangga!" kumaripas agad ito ng takbo ng mapansin niyang gagantihan ko ito, hindi pasalita kun'di sa pisikal.

Galing galing talaga ng babaeng to!

Muli ko na lang din inikot ang paningin ko sa mga nakahilerang paninda. Araw ng sabado ngayon, at parehong pahinga day namin ni Bree kaya pasikat pa lamang ng araw kanina ay agad na akong hinatak papalabas para makapag-tiangge raw kami dito sa kalapit na barangay.

Kasalukuyan kaming namimili ng pwede naming mai-stock sa fridge, namili ito ng mga ready to prito na hotdogs, tocino, longganisa at bacon. O 'diba! Nakakahaba ng buhay mga kinakain namin. May mga karne rin itong binili na sumabak pa sa matinding tawaran game. Hindi ko nga alam kung bakit ang galing-galing tumawad ng babaeng 'to, 'di ko naman din ito masisisi dahil sariling pera na namin ang pinangaggasta. Naki-independent na rin ang bruha.

Samantala, namili naman ako ng kilo kilong mga prutas, hindi para sa'min kun'di para kay Mrs. Manalo, and since the child is still admitted in the hospital, I was planning to visit them today.

"Aerin! Tingnan mo 'tong mga clip ang gaganda oh!" biglang tawag sa'kin ni Bree. Linapitan ko ito na nakatayo ngayon at iniikot-ikot ang tingin sa mga nakadisplay na pang-ipit.

"Hoy 'di ka na bata." sita ko.

"Baliw ka ba, kahit 'di na bata kailangan pa rin ng ipit 'no." aniya habang sinusukat ang kulay violet na headband.

"Hurry up."

"Alam mo ikaw, 'di ko alam kung naging maganda ba highschool days mo... 'wag mo sabihing hindi ka nagsuot-suot ng ganito dati!" rinig ko sabi nito.

"Busy ako sa pag-aaral, 'di ko inaatupag mga ganyang pakeme-keme sa buhok."

"Alam ko, kaya 'di na nakakapagtaka 'bat di ka nagka-boyfriend... I try mo nga 'to." Bree pulled me out and placed a pink clip on my ear.

"Ayan! Bagay mo naman pala e!" ani Bree.

"Oo ma'am, maganda po sa inyo, walang biro!" the shop owner commented.

"Aba! Ako kanina pa nagsusukat dito 'di mo man lang ako pinuri! Kayo talaga bias kayo." natatawang reklamo bigla ni Bree na nag-iinarte ngayon.

Inalis ko ang clip na isinuot nito, "Go buy that, let's go home and let's get the breakfast ready."

Tumalikod na ako dito at tumuloy na sa paglakad, di naman kalayuan ang barangay na ito sa building namin. Walking distance lang.

"Fried chicken iluto ko gusto mo?" rinig kong sabi ni Bree na kasunod ko lamang sa paglakad.

"Oo, 'wag mo na damihan. Itlog magprito ka rin."

"Aye aye officer!" masiglang wika nito, napansin ko ang headband na suot niya.

"You really bought that, huh."

"Syempre, bagay e."

Nang makarating na kami sa building ay agad ito tumakbo papasok sa loob, "Sunod na lang ako ha!" I shouted. I turned to Nanay Pressie who was busy cooking.

"Good morning po, Nay."

"Oh, nag-ttiangge ata kayo?" tanong ni Nay Pressie.

"Opo. Namili ng pwedeng makain... Para saan po 'yan?" tanong ko naman ng mapansin ko ang malalaking kahon sa loob.

"Eto? Mga biscuits, pupunta kasi kami ngayon ni Cardo sa orphanage, may misa." sagot nito. Tumigil ang isang tricycle sa harapan at nakita ko si Mang Cardo ang nagmamaneho nito. "Magandang umaga po!" nakangiti kong bati dito.

"Dito na at bitbitin mo na mga kahon! Tapusin ko lang niluluto ko." sabi ni Nay dito sa kay Mang Cardo na naglalakad na papalapit dito.

"Magandang umaga rin, Aerin." pabalik na bati sa'kin ni Mang Cardo sabay na knuha nito ang mga kahon at isinakay sa sasakyan, si Nay Pressie naman ay nagmadaling tinapos ang ginagawa nito. "Ipamimigay ko rin ito sa mga bata."

"Asan Nay isara ko na yung nasa likod." turan ko at tinulungan na ito sa pagsasara.

When we finished and closed the shop, she rushed to the tricycle. "Mauna na kami, Aerin!!" paalam nito.

Kumaway ako dito. "Ingat po kayo!"

Nang mawala na ito sa paningin ko ay pumasok na rin ako sa loob, nadatnan ko si Bree na may kausap sa telepono habang nagluluto.

"Oo, mamaya na lang. Kakain na kami!" sigaw nito sa kabilang linya.

"Hoy Aerin, tumawag sa'kin si Timothy sunduin mo raw siya mamaya sa Headquarters ninyo." aniya.

"Bakit?"

"Ewan ko doon. Basta gusto niya sunduin mo raw siya." inilagay nito ang piniritong itlog, kinuha ko naman ang kanin sa rice cooker. "Wala nang magawa 'yon sa buhay, wala na rin atang balak bumalik sa trabaho non." I commented.

"Kahit 'di na magtrabaho ang lokong 'yon, mayaman na. 'Di na problema ang pera." tumayo ulit ito at kinuha ang kakaluto lang na manok.

I just laughed and ate quietly, we talked for a few minutes when I decided to take a bath first.

Kinuha ko ang twalya na nakasampay sa balcony, tumungo na ako sa shower at minadaling maglinis ng katawan.

When I got out of the shower room, I noticed Bree was looking for something in her cabinet.

"What are you doing?"

"AISH! Itong lecheng boss ko pinapapasok ako sa opisina, may ime-meet daw kaming client. Nakakainis naman! Gusto kong matulog ng maghapon ngayon e!" pagdadabog nito at walang pasintabi ay naghubad ito sa harapan ko, pwera lang sa undies nito.

"Gaga ka ba! 'di ka magbihis doon!"

"Ano ka ba, 'wag ka ma insecure sa boobs ko, alam kong mas malaki yang sa'yo." Bree suddenly said.

WHAAATT?!!!

"AISH! ANG MANYAK MONG BABAE KA!" pinagtatapon ko ito ng unan, hindi rin ito nagpahuli at gumanti rin.

Natawa na lang ako sa pinanggagagawa naming dalawa.




"Bye!!!"

Nilagay ko na ang seatbelt at binuhay na ang makina ng kotse ko. Kasalukuyan na akong bumabiyahe papunta sa hospital, kakahiwalay pa lang namin ni Bree na kakasakay lang din ng Taxi. Hindi naman kami pwedeng magsabay dahil ibang ruta ang dadaanan nito.

Dinukot ko saglit ang phone ng maramdamang nag-vibrate ito.

Magbibigay ka na ba ng warrant search kay Pamintuan?

Fernando asked in his text.

Bumuntong hininga na lamang ako at ibinalik ang phone ko, I don't want to think about it right now. I need to rest my mind first.

But if I were to ask, I didn't want to have search seizures on him, gusto kong makapag-usap kami ng personal, at kapag hindi maganda ang resulta doon ako magbibigay ng warrant of arrest sa kanya, iniisip ko pa kung papaano dahil tauhan ito ni Colonel. Delikado dahil baka madamay ko pa siya and I knew the outcome would not be good.

Ilang minuto ang lumipas ng marating ko na ang nasabing Arizona Hospital, pinark ko ang kotse at binitbit na papalabas ang mga prutas na dala-dala ko.

Suddenly, the guard stopped me at the entrance. With his lips he pointed out on my waist.

"Trabaho sir." sagot ko sa tinuturo nitong baril na dala-dala ko. I even showed my ID to him, para wala ng mahaba habang usapan.

"Magandang hapon po Ma'am!" bati nito at sumaludo.

Tumango na lang ako sa kanya at pumunta na sa nasabing room ng mag-ina.

Tatlong beses akong kumatok, bumukas ang pintuan at nakita ko si Mrs. Manalo.

Namilog ang mga mata nito at dali dali akong yinakap. "Officer! Kamusta na ho kayo... pasensya na po kayo sa nagawa ko, nadala lamang po ako ng---" I stopped her from explaining, 'cause I felt it would not take a while for her to cry again.

"Ayos lang po ako. 'wag niyo na pong isipin 'yon." saad ko at ipinakita ang tumutuyong hiwa sa leeg ko. "Dinalhan ko po kayo ng mga prutas." inabot ko ang mga dala-dala ko at umupo sa tabi ng anak nitong mahimbing na natutulog.

"Kamusta na ho siya?" pagtatanong ko. Inikot ko ang paningin sa mga iilang nakatusok sa katawan ng bata.

"Okay na siya... pero minsan hindi niya mapigilan ang sarili niyang mawala sa sarili, umiiyak lang siya ng umiiyak." hinawakan nito ang kamay ng anak at pinahid pahid ang mukha nito.

"Huwag ho kayong mag-alala. Gagaling din po ang anak ninyo." nakangiting wika ko.

"Maraming salamat talaga sa inyo Officer, tatanawin ko po ng utang na loob ang ginawa niyo pong kabutian sa'min." tumayo ito sa pagkakaupo at kinuha ang isang basang bimpo.

"Pero sabi ng doctor, kung pwede ay dito na muna ang bata para ma monitor nila ang kalagayan niya," dugtong nito.

We both looked to the door when we heard a sudden knock.

"Hello? Mrs. Manalo? Pwede ka po ba namin makausap?" saad ng isang nurse na kakapasok lang.

Tumingin ako kay Mrs. Manalo na itinigil ang pagpunas sa bata. "Ako na lang po bahala diyan." kinuha ko ang bimpo at tumulong sa paglilinis sa bata.

"Sandali lang Officer," paalam nito at sumunod dito sa nurse.

Pinagmasdan ko ang bata habang patuloy ako sa paglilinis sa kamay at mukha nito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dito. Maaliwalas na ang mukha nito, at lumaki-laki na rin ang katawan niya. "Magpakatatag ka," bulong ko, alam kong hindi naman din niya ako maririnig pero may tiwala ako sa kanya o sa bawat taong kinakayang labanan ang kahit ano mang problema.

Napatingin ako sa tunog na narinig ko, nakita ko ang phone ni Mrs. Manalo na nagriring. Kinuha ko ito sandaling hinanap ito sa labas, nang makita ko itong kausap ang dalawang nurse ay naglakad na ako papunta dito.


"Mrs. Manalo. Kahit down payment lang po ay wala po kayong maibigay?"

"Pasensya na... Pero walang-wala talaga ako ngayon."


Napatalikod ako ng marinig ko ang usapan nila. I ended the call and returned to the room.

Nang maramdaman kong bumukas ang pintuan ay tumingin ako dito.

"Pasensya na sa paghihintay, sinabihan lang ako ni, Doc." she said.

"Okay lang po..." pinagmasdan ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon nito. "May tumatawag po pala sa inyo kanina." sabi ko.

Nagpatay-malisya na lamang ako at ayokong pag-usapan ang kaninang narinig ko. Ang mabuti pa itanong ko na lamang ang dati ko pang gustong malaman dito. "May gusto sana po akong itanong sa inyo, noong ini-imbestigahan ko ho kayo, bakit wala pong nakalagay na may anak po kayong dalawa?"

Natigilan ito. "Ayun ba? Ayaw kasing ipa-rehistro ng lalaking 'yon ang anak ko." pilit itong ngumiti.

Tumayo na ako at hindi na nagtanong pa. "Mauna na po ako ha. Balitaan niyo po agad ako kapag lalabas na po kayo dito."

As soon as I said goodbye, I immediately went to the nurse who spoke with her. Nalaman kong ni barya raw ay hindi pa ito nakakapagbigay, umabot na kasing 100k ang bills nila dito sa hospital at kailangan nila ng down payment.

"Can you just talk to me about their bills," sabi ko dito sabay na binigay ang card ko. "I'll pay their bills here, just contact me on my number."

"Sigurado po ba kayo ma'am?"

I nodded.

Pagkatapos kong makapagbayad dito ay tumungo na ako palabas para puntahan na itong si Timothy sa HQ. When I got to the parking lot, my phone suddenly went ringing.

"What?"

"Sunduin mo'ko mamaya! HUHUHU" reklamo ni Bree sa kabilang linya.

"O bakit anong nangyari?"

"Ang dami kasing pinapa-uwing scripts ng leche kong boss. Ayoko namang mag-biyahe at baka mawala ko kahit isang papel dito." rinig ko pa rin sa kabilang linya ang pabubusit nito.

"Oo na, susund---"


"Tangina mo! Ibalik mo cellphone ko!!!"


Automatic na lumingon ang ulo ko sa sigaw ng isang babae, napatingin ako sa lalaking kumakaripas ngayon ng takbo habang hawak-hawak nito sa kaliwang kamay niya ang phone.

"Hoy! Narini---"

Pinatay ko ang tawag.

Without a moment of hesitation I followed the man who was now running faster, nang mapansin niyang humahabol ako dito ay mas lalo niyang binilisan ng pagtakbo.

When we got out of the parking lot he turned his way on an abandoned building. Kinuha ko ang isang di kalakihang kahoy na nagkalat sa loob, gamit ang malakas na pwersa ng kamay ko ay itinapon ko ito at sapul sa ulo ng lalaki.

Napadaing ito sa sakit at saglit na huminto.

"Hoy! Ibalik mo na 'yang phone na yan, huwag mo na'kong pagurin pa! Tumigil ka na!" sigaw ko habang hinahabol ang hininga.

Dumeretso ito ng tayo. "Miss, kung ako sa'yo umalis ka na lang. Sayang ka, maganda ka pa naman ayaw kitang saktan." ngumisi ito sabay na kumuha ng mahabang bakal.

I laughed. "Did you just threatened me?"

Tumakbo ito papalapit sa'kin at pinuwesto sa kamay nito ang bakal na kinuha niya sa sahig.

Nakaiwas ako sa hampas nito, mabilis akong yumuko at malakas na sinipa ang dibdib nito. Napatumba ko ito at nanghihinang tumayo. "Ibang klase ka naman pala." muli itong nagtangkang suntukin ako.

Muli akong nakaiwas.

"AISH! ANG HINA MO NAMAN! YAN BA PINAGMAMALAKI MO?!" I shouted to him, and he got even more annoyed.

AYAN! GANYAN!

He, again tried to punch me, pero nang makaiwas ulit ako dito ay agad ko nang hinatak ang kaliwang braso nito at pinulot ang isang babasaging bote.

"AHHHHHHH! SHIT! MAY DUGO! AHHH!" umalingangaw ang pag-daing nito ng inihampas ko ang bote sa ulo nito. Nagdudugo ngayon ang kaliwang teinga nito at halos mahimatay na ito sa takot.

"Ikaw naman kasi, ang hirap mong kausap. Kapag sinabi kong tigil. TIGIL." matigas na sabi ko at pinosasan na ito. "Hindi ka naman mamamatay diyan, e kung ito ang ginamit ko, baka maghinalo ka na riyan." hinawi ko ang jacket at pinakita ang nakasakbit na bagay sa beywang ko. Pinigilan ko ang matawa dito dahil sa grabeng pagmumutla nito sa mukha.

Gulat itong napatitig sa'kin. "PULIS KA?!"

BLAGGG!

"HOY! HOY! GUMISING KA RIYAN! HINDI KITA BUBUHATIN!" sigaw ko ng bigla itong mahimatay.

"AISH DAY OFF KO NGAYON! BWISIT!" inis ko itong sinipa.

"Aerin?"

I was startled by the sudden voice I heard. I slowly turn around.

"KACE?!"




"May balak ka bang sabihin sa'min?"

Inagat ko ang ulo ko dito, diretso lang ang tingin sa'kin habang pinapakalma ni Kace ang sarili niya.

"Oo. Sasabihin ko naman sa inyo."

Napahilamos ito ng mukha. "My God Aerin! Kung 'di ko lang din siguro hinabol ang lalaking 'yon, 'di kita makikita at 'di ko malalaman yang tinatago mo!" napasigaw sa inis si Kace.

"Sorry," yumuko ako dahil sa kahihiyan.

"Ano, ako pa lang ba nakaalaam sa trabaho mo? Ano yong writer at editor na pinagsasabi mo sa'min ha? Gawa-gawa lang?" bulaslas na pagtatanong niya.

Tumango ako. "Si Adriel alam na rin niya, katulad sa'yo biglaan ko ring na meet si Layl--este Louie."

"You don't have to lie on us, Aerin." mshinang bulong niya.

I looked at him. "I'm sorry, sorry talaga." iyan na lamang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Huwag mong hayaang ako pa ang magsabi sa kanila." saad nito.

"Doc! Tawag ka na po sa office!"

Lumingon ang kasama ko sa babaeng nurse na nakatayo rin ngayon, ilang hakbang malayo sa'min.

"Mag-uusap tayo sa susunod." seryosong wika nito at bumalik na sa trabaho.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari ngayon.

Chineck ko ang text mula kay Timothy, pinapapunta na ako sa Headquarters.

Lumabas na ulit ako sa hospital, saglit akong tumigil sa harapan nito at inagat ang tingin dito.

Sa dinami-dami ba namang hospital, bakit dito pa siya malilipat?

Umiling na lang ako at pumunta na sa kotse. Binilisan ko na ang pagmamaneho dahil susunduin ko rin pala itong si Bree.

Naku! Ginawa akong driver!

Maaliwalas ang daan, walang traffic kaya halos 30 minutes lang ang naging biyahe ko. Pagkarating ko sa Headquarters ay agad nang hinanap ng mga mata ko si Timothy.

"Oh! Officer Valdez!" lumingon ako sa boses ng isa naming kasamahan.

Gulat akong napatitig sa kasama nito.

"What? Why are you in uniform?"

He just smiled at me.

"Meet our new member! SPO Timothy Young!"

TANGINANG BALBON


ANONG KAGAGAHAN TO.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro