Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The Mask Man


AERIN


Panibagong araw na naman. Kasalukuyan ako ngayong naghihintay dito kay Jackie sa pinapasukang paaralan nito.

"Ma'am! Pasok na po kayo sa loob!" muli akong inaya ni kuya guard papasok sa loob ng school, nasa labas lamang kasi ako at prenteng nakaupo sa loob ng kotse. Nakabukas naman ang bintana kaya hindi gaanong maiinit.

"Ma'am! Sige na! Mainit diyan." isinara ko na ang binabasa kong libro, at dahil payag naman ang guard. Pinaandar ko ang kotse papasok sa malaking gate ng school.

Nakangiting kumakaway sa akin si manong guard habang wala itong tigil sa pagsaludo. Kanina pa ito hindi mapakali at tingin ng tingin sa'kin. Ngayon pa lamang daw ito nakakita ng babaeng pulis.

I got out of the car and looked around the school. Maganda ang structure ng labas, dito pa lang hindi na maikakailang mamahalin ang pag-aaral dito.

Naglibot-libot na muna ako sa paaralan. 15 minutes pa naman bago ang labasan ni Jackie.

Do you wonder why am I here? Well, I don't even know too. Basta kanina pa ako hindi mapakali sa Headquarters at pilit na pumapasok sa isipan ko ang mga binitawan na salita ni Jackie noong nakaraang araw. Hindi rin ako makapag-focus dahil sa nalaman ko kahapon tungkol kay Pamintuan. Hindi ko rin alam ang gagawin ko doon.

If he's not the criminal, does that mean the criminal is still outside?

AISHHHH!

"Wow! Ang cool!" I heard a young man looking at me.

Taas noo pa rin akong naglakad, batid kong pinagtitinginan na ako ng mga batang estudyante dito sa hallway.

"Hello po! Pulis po ba talaga kayo ate?" nakangiting lapit naman ng isang batang babae sa harapan ko. Pansin ko ang pangiti-ngiti nito at hindi maipinta sa mukha niya ang pagkahanga.

Nakangiti akong tumango bilang tugon sa kanya.

Lalo itong namangha at nanlalaki ang mga mata nito, kilig na kilig itong bumalik sa mga kasama niya.

Ngumisi ako. Anong nakakahanga sa trabaho ko.

Paglabas ko sa hallway ay tumungo na ako sa room ni Jackie. I passed through a large part of the garden here.

Humangin ng napakalakas dahilan para mapapikit ako at dinama ito.

Dumaan ang isang grupo ng magkakakaibigan sa harapan ko, masaya silang nag-aasaran at nagtatatakbo.

Napapangiti ako habang inaalalang wala nang mas sasarap pa sa buhay kun'di ang pagiging bata. Wala kang iniisip na problema; kain, laro, tulog, aral lang umiikot ang buhay mo.

I wish I was a kid again.

Hinaplos ko sa mga palad ko ang mga bulaklak na isinasayaw ng hangin. Buhay na buhay ang mga 'to at mukhang inaalagaan ng mabuti.

I suddenly remember Manang Cora. How is she and how's the flower shop doing?

"Officer." napalingon ako sa batang babaeng nakatayo sa harapan ko, bitbit nito ang makakapal na libro at bag niya.

"Jackie!" I walked towards to her and helped her with the books.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong nito.

"Sinusundo ka."

"May kailangan po ba kayo?" she asked.

We continued walking out.

"Gusto mo bang tingnan natin ang pagkamatay ng Papa mo?" biglang wika ko dito dahilan para magulat ito.

She did not hesitate and immediately agreed.

Sumakay na kami sa kotse at bumiyahe na papunta sa pinaggalingan ng aksidente. Alam kong ikakagalit ni Papa ang mga gagawin ko pero, inuudyok ako ng loob kong sundin ito.

"Why did you change your mind?" Jackie asked who seated in front seat beside me.

"Wala. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo."

"Really? Hindi mo naman kailangan mag-alala. I can handle myself." aniya.

Bahagya akong natawa, "Talaga ba? That's exactly the line I said when I was young. Your still 16, hindi mo pa alam kung paano umikot ang mundo."

"'Your too young' iyan naman parati ang sinasabi ninyong matanda sa aming mga bata. But actually I don't believe on that saying, kung gusto mong gawin ang isang bagay that doesn't concerned your age. The only matter is that... alam mong wala kang naaapakang tao. Your happy being you." saglit kong inalis ang tingin sa daan at sinulyapan. She looked straight ahead as I realized how serious her face was.

Sa murang edad nito, bukas na ang mga mata at teinga niya sa mundo. Maybe that's what we're different. I was sugar coated by the words of the people back then. But her? She's already a strong girl, at hindi ko iyon maitatanggi.

Pinarada ko ang kotse sa isang convenience store, naglakad na lamang kaming dalawa papunta sa pinanggalingan ng aksidente. I check the surrounding. Dahil intersection ang daan dito paniguradong may mga bukas na CCTV sa mga ibang building na nakatayo malapit dito.

"Saan mo banda nakita ang lalaking tinutukoy mo?" I asked Jackie na tahimik ngayon.

"Doon. Malapit sa dulo ng bridge." tinuro nito ang tulay at ang pwesto kung saan niya napansin ang lalaki.

Bago ako pumunta dito ay naglakad na muna ako sa gitna ng intersection road. Hindi ako mabusinahan ng mga sasakyan dahil agad naman nilang mapapansin ang unipormeng suot suot ko.

Nang makita ko na ang hinahanap ko ay sinenyasang ko na sundan ako ni Jackie. Umakyat kami sa isang building na nasa tapat ng intersection, bukas ang CCTV nito at paniguradong kuha niya ang buong pangyayari dahil nasasakupan nito ang malaking parte ng daan.

"Hi ma'am! Magpaparebond ka ba?" bungad sa amin ng isang bakla, sa palapag pa lang ito ay isang salon.

Umiling ako.

"Napakaganda naman ng junakis ninyo te! Manang-mana sa'yo! Eto pa ipapaayos mo?" aniya habang hinahawak hawakan si Jackie.

Pakunwari kong inilabas ang baril ko, sakto lang para makita niya. "Nasa imbestigasyon kami kaya sana may maitutulong ka." I said in a serious tone. Her face telling me she's scared so I got the response I wanted.

"Of course what can I help you! Pasok kayo sa pinakamamahal kong shop! Hoy mga bakla! Tabi-tabi kayo riyan, uupo sina madam." aniya habang pinapalayas ang mga ibang kasamahan nito sa loob.

"Hindi naman kami magtatagal, kailangan ko lang makita ang CCTV ninyo noong nakaraang araw." ang sabi ko sabay tingin kay Jackie.

"What is the stare?" Jackie suddenly asked.

"Gusto mo bang makita ang video? Pwede mo namang hindi panoorin." wika ko pero ngumiti lang ito sa'kin at sumunod sa babae.

"Maiwan ko na kayo ha! Pagdalhan ko kayo ng juice!" paalam nito at iniwan kaming dalawa sa maliit na pwesto kung saan nakalagay ang PC.

Hinawakan ko ang mouse at hinanap na ang video footage.

Hinanap ko ang video file sa araw ng aksidente. Ki-nlick ko ang play button.

At the beginning of the video. In the morning, the cars were running smoothly and there was no problem. Nang dumating sa hapon. Ang tatlong sasakyang na sa aksidente ay lumitaw na. Maaliwalas ang daan at tanging sila lang ang makikita. Kung susundin ang inri cross, ang dalawang kotse ay nanggagaling sa left side papunta sana sa right side, nauuna ang kotse nina Dr. David kasunod ang isa pa, pero bago pa makalipat ang kotse nina Jackie ay bigla na lamang nagpagewang-gewang ang sasakyan at lumitaw bigla ang isang truck na nangggaling sa south side, mukhang may problema rin ang isang ito.

Makakalipat na sana ang kotse nina Jackie sa kabila pero ang truck ay dumere-deretso at natamaan ang ang dalawang sasakyan. Dahil sa lakas ng impact sumama ang kotse nina Dr. David sa truck at tumilapon ito malapit sa bridge ng north side. Gulong-gulo rin ang driver ng isa pang kotse kaya natamaan din ito sa isang poste. Mukhang pinigilan naman din ng driver ng truck ang pagdausdos ng sasakyan at pinatamaan din nito sa isang construction site building at hindi inaasahang napatumba ito.

Tumahimik ang paligid. Tanging pag-usok ng mga sasakyan ang mapapansin.

Napapikit ako, pinipilit na alisin ang nakakatakot na pangyayaring nakita ko ngayon.

"Are we done? Labas na po tayo." pag-aaya ni Jackie. Sinundan ko ito na tahimik lang sa paglabas. Nagpasalamat ako sa babaeng may-ari ng salon. Tumungo na kami pababa.

"Where are you going?" pagtatanong ko sa kasama ko ng mapansin kong pabalik ito sa sasakyan.

May pagtataka sa kanyang mukha.

"We're not done." ang turan ko at pumunta sa isa pang pakay ko ngayon.


I heard my phone ringing. I saw Kace on the screen.

"Ano?"

"Hindi ka ba talaga sasama?"

"Hindi, may inaasikaso ako."

"Will be back tommorrow. Birthday ni Tita, hinahanap ka."

"Kapag pumunta ako, siguradong madadalaw ko sila. Si Ellies... Ayoko."

"Aerin. Plea---"

Ibinaba ko ang tawag, ibinalik ko sa bulsa ang telepono.


"Who's that?" tanong ng katabi ko.

"Wala. Kaibigan ko lang."

I just continued walking when my companion suddenly spoke.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglakad nang biglang magsalita ang kasama ko.

"You just received a call from your friend, but right now you seemed anxious. Is that really your friend?" pagkomento ni Jackie.

Tinawanan ko na lamang ito hindi na lamang nagsalita pa.

Masyadong mapanuri ang babaeng ito. Delikado pala itong kasama, baka lahat na lang na kasama ko mabasa niya. HAHAHA

Ito kasing si Kace kanina pa ako tinatadtad ng text at ngayon tinawagan naman niya ako. Birthday na kasi ngayon ni Tita--- Mama ni Ellies at balak niya itong puntahan. Well, sa pagkakaalam ko bawat birthday naman ni tita e dumadalaw itong si Kace, nakakasama nila si Ellies.

"Are you really fine?" she asked.

Napatingin ulit ako dito. "Oh. Oo, tara akyat na---

"We're almost there." biglang wika ng kasama ko.

I didn't notice na nasa pangalawang palapag ng building na kami, nakatayo sa balkonahe sa labas.

"Ma'am? May maitutulong po ba kami?" linapitan kami ng isang guard dito sa harapan, pwesto pala ito ng isang bangko.

"Sir, pwede po bang matingnan ang CCTV ninyo dito?" pagtukoy ko sa kanilang CCTV sa labas. Saktong-sakto ito dahil nakaharap ito sa kabilang daan at makikita ko ng maayos ang lalaking sinasabi ni Jackie.

"Opo! Pwedeng pwede po!" malugod nila kaming pinapasok sa loob, pumunta ito sa maliit na kwarto ng security area at ibinigay sa amin ang pahintulot na gawin ang gusto naming gawin dito.

Hindi ko na sinayang pa ang oras at tiningnan na ang footage.

Nang i-play ko ang video ay nakita ko ang paglakad namin papalapit sa nahagip sa video na kotse ni Dr. David. Ilang sandali pa ay may isang monterong sasakyan ang tumigil sa kabilang daan, at lumabas ang isang naka-mask na estrangherong lalaki. Nang mapansin kong nasagip na namin si Jackie ay inalis ng lalaki ang kanyang mask at ngumiti?

Anong...

"That's him! Siya ang lalaking 'yon!" komento ni Jackie.

Zinoom ko ang video pero nag-e-error ito. Hindi ko tuloy makita ng maayos ang mukha nito, pero ang hugis at pangangatawan niya, pamilyar.

Minabuti na naming lumabas na dito dahil nakita ko na rin ang hinahanap ko.

Nagbabiyahe na kami ulit ni Jackie at ihahatid ko na ito sa hotel na tinutuluyan niya ngayon, nabanggit sakin na kasama niya panandalian ang kuya niyang doctor rin, may mga bodyguards din silang kasama.

May balak din naman ako kaya tumungo ako sa lugar ng bata. Gusto ko ring makita ang CCTV footage ng hotel dahil sabi sa kwento ni Jackie. Nakita niya ang iisang lalaki sa parking lot ng hotel at sa mismong aksidente.

"Hindi ka pa ba gutom?" she suddenly asked.

Speaking of gutom. Mag-a-ala una na pala at wala pang laman ang tiyan ko. In fairness naman at hindi ito kumukulog. TIBAY AH!

"Hindi. Kumain ako kanina." ang sabi ko na lamang.




When we arrived at the hotel ay agad kaming naghiwalay, sinundo si Jackie ng dalawang bodyguards at ako naman ay tumungo na sa security area ng hotel. Sinabihan naman niya akong pupuntahan niya ako doon.

Sumaludo sa akin ang guard at magiliw akong pinapasok, sinamahan pa nga niya ako papunta sa SA. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito at tanging pangtango, ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya.

Pagdating namin dito ay agad akong in-entertain ng mga workers. Pinaliwanag ko sa isang lalaki dito ang pakay ko, dinala naman niya ako sa isang PC.

"Wala na po ba kayong kailangan ma'am?" aniya.

Umiling ako. "Wala na. Salamat."

As I was looking for the date of the videos it was just a minutes when  Jackie arrived.

"Sakto, eto yon hindi ba?" tanong ko at ipinakita sa kanya ang video.

"Oo, 'yan nga."

Umupo kaming pareho, ki-nlick ang play at tahimik na nanood.

Dahil marami ang parking lot dito sa hotel ay hinanap ko ang sinasabi ni Jackie. Ang PL5 kung saan naka-park ang sasakyan ni Dr. David noong nakaraang araw ng aksidente.

Mapapanood sa video na normal lang sa una, may mga taong sumasakay sa kani-kanilang kotse at umaalis ito. Lumipas ang ilang sandali ay may isang lalaking naka-mask at naka-cap ang paligid-ligid sa mga nakaparadang kotse.

Di nagtagal ay bigla itong huminto sa kotse ni Dr. David at yumuko? Napansin ko ang hawak nitong isang bakal.

Muli nitong iniikot-ikot ang tingin sa paligid. Napahawak sa braso ko ang katabi ko ng biglang tumingin sa amin ang lalaki. Naglakad ito papalapit at... Sinira ang CCTV.




Headquarters

"Ma'am! Paabot naman ng toyo diyan sa tabi mo!"

Inabot ko ito kay Bok.

"Thank you!"

I drank the water in the glass and went back to my desk.

Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Timothy na enjoy sa pagkain kasama sina Bok at Fernando.

Nasa Headquarters na ulit ako, matapos kong masaksihan ng mga mata ko ang ganoong pangyayari ay lalo lang gumulo ang pinakamamahal kong utak.

Kung pinatay si Dr. David, sino naman ang papatay sa kanya?

Teka sandali.

Nabanggit ni Dr. David ang ama ko bago ito mawala. Ibig sabihin ay magkakilala---

"Officer Castillo! Nandito na mga bulaklak mo!"

Direktang umangat ang ulo ko sa narinig ko, nakita ko si Theo na kakapasok lang, bitbit ang isang bouquet ng white roses.

"Ikaw Adriel ha! May nililigawan ka ba?" rinig kong tanong ni Theo sa katabi ko.

"Hindi. Sa kakilala ko iyan." sagot naman ng isa.

"Sus! Indenial pa. Grupo tayo dito kaya dapat walang sikre-sikreto, 'diba?!" mukhang hindi naniwala itong si Theo. Ako rin naman hindi ako naniniwala.

Napaiwas ako ng tingin ng ma-realized kong nakituon na ang atensyon ko sa kanila.

PUTEK! HUWAG KA NGANG CHISMOSA AERIN!

TEKA! 'DI NAMAN AKO CHISMOSA! NATURAL LANG NA MARINIG KO ANG PINAG-UUSAPAN NILA.

HINDI AKO CHISMOSA!

DAHIL WALA NAMAN AKONG PAKIEALAM!


"Aerin!"


"AH? OHH?"

Shit. Lumulutang na ang isip mo! Wala atang talab ang pagkakape ko ah!

Tiningnan ko si Timothy na nakatayo sa harapan ko, muli kong ibinalik ang tingin sa nag-uusap kanina at wala na sila?

Aba.

"Hey. Are you listening?" Timothy said.

"Ah... Ano nga kasi 'yon?"

"I said. Kace is here, he's looking for you. Kanina pa siya naghihintay sa baba... Go meet him." aniya at bumalik sa desk nito.

Lumabas ako at hinanap sa baba si Kace. Nakita ko itong tahimik na nakaupo malapit sa Info Desk.

"Akala ko ba aalis ka?" I asked him. Umupo ako sa tabi niya.

"Oo, makakahabol pa naman ako. It's still Quarter to 2. Mabilis lang ang biyahe." aniya.

I simply crossed my arms. "Okay. Mag-iingat ka." I said.

Napatayo ito. "Are you really not coming?"

Umiling ako

"Don't you even think it's time to see her after so so many years? She's your friend, Aerin." may pagkainis na sa tono nito.

"Sa tingin mo ba kinalimutan ko na siya? Even if gustong gusto ko na 'yon kalimutan. I can't... She's my friend. My old love friend."

"Okay, if ayaw mo talaga. Hindi na kita pipilitin." wika ni Kace. "Aalis na ako." paalam niya.

Sinundan ko na lamang ito sa tingin, at tuluyan na itong nakalabas.

Huminga ako ng napaka-lalim lalim.

I actually missed her, I really do... But.

I immediately run outside. Hinanap ko sa paningin ko si Kace pero wala ni anino nito sa laba---

"Changing minds?" huminto ang isang kotse sa harapan ko.

I can't stop smiling when I saw Kace inside the car.

I didn't even think twice, and decided to go with him.

Maybe... Maybe this time. It will not be painful anymore to see her.






I was a sleepy ride, and I slept over two hours! Matapos kong kainin ang take out na pagkain ni Kace sa sasakyan ay dinalaw na ako ng antok. Mabuti nalang malumanay ang driver kong nagddrive. HAHA

We're already in Clark. Ilang minuto na lang ay mararating na namin ang Angeles. Kace told me na nandoon na raw si Tita, dumaan din daw saglit sina Cindy at ang tropa sa lugar.

Napadungaw ako sa bintana. Mahangin at masigla pa ang araw.

Eventually, narating na namin ang lugar. Bumaba kami at binitbit tig-isa ang dalawang basket na bulaklak na dala ni Kace.

Habang papalapit kami dito ay hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na kumakabog sa puso ko.

"Adriel."

I stopped when we saw him walking towards to us.

Anong ginagawa niya dito?

How did he...

He just gave a Kace smile and continue walking away from us. He didn't even gave a glance on me.

Napailing ako. Huwag niyang sabihing pinuntahan niya rin ito... At ang mga bulaklak na tinutukoy ni Theo ay para sa kanya? Kay Ellies?

Kumabog na nang napakabilis ang puso ko nang marating na namin ang lugar.

I thought the pain would be gone once I came here.

But it's not.

I felt the eagerly pain in my chest...


When I saw Tita laying on the ground, sitting beside on the grave of my friend Ellies.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro