Chapter 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Last smile


FLASHBACK  2014

AERIN


"Class Dismissed."

Pagkasabing-pagkasabi ni Sir ay agad na nagliparan papalabas ang mga kaklase ko, syempre nakisama rin ako. HAHAHA

Dumeretso na ako papalabas ng campus, wala naman din akong magawa dito dahil sa malamang mag-isa ako, hindi kasi pumasok yung dalawa sa last period. Iyong iba naman may inaasikaso.

Yeah. Lonely as ever.

Wala akong balak umuwi ng maaga ngayon. It's still 11 AM masyado pang maaga, balak ko rin naman pumunta sa mall para bilhan ng regalo si Ellies. Ngayong araw kasi ang birthday niya and she invited me---only me sa dinner nilang mag-ina. 5PM magkikita kami sa intersection. Nahiya na raw siya sa akin kaya ililibre niya ako. HAHAHA She's still working actually.

Dinampot ako ang isang bulaklak na nasa lupa, sa hindi ako nagkakamali isa itong white sampaguita.

Hinawakan ko ito ng maigi at binilang ang petals niya. The flower's still completed.

Soooo...

"He loves me, he loves me not... he loves me, he loves me not... he loves me, he loves me not... he loves me---"

Natigil ang pagpipitas ko sa bulaklak ng bigla-bigla na lamang susulpot sa harapan ko ang isang maitim na kotse, alam ko na kung sino ang may-ari.

"He loves me."

"Hey! Sinong he loves me riyan! May umamin ba sa'yong gusto ka niya?!" malakas na sigaw nitong si Adriel.

Napatingin ako sa kanya, bakas dito ang inis at hindi maipintang selos sa mukha.

Natatawa ako. Putek.

Gaga. Ikaw 'yon!

Malakas na binusinahan ang kotseng nasa likod ni Adriel. Mukha na itong galit kaya minadali ko nang sumakay sa loob ng kotse nito.

"Seatbelt." aniya. "Uuwi ka na ba?" he asked.

Nilagay ko ang seatbelt at ibinaba muna ang mga gamit ko sa backseat ng sasakyan.

"Hindi pa. Ikaw ba?" turan ko.

"Nope. Hinintay lang kita, you want to go somewhere?"

"Actually dadaan ako sa mall, remember Ellies? Birthday niya ngayon right? Bibilhan ko siya ng gift."

Tumango ito. "Okay! Bilhan natin ang bestfriend mo ng gifts kahit hindi niya ako gusto para sa'yo. HAHAHA" biglang biro niya.

Kinurot ko ito sabay na pinalo. "Baliw ka ba. Hindi naman sa ganon, concerned lang sa'kin kaibigan ko. Di naman siya katulad nina Cindy na agad tukso tukso! HAHAHA" ang sagot ko naman.

Yup. Nabanggit ko kay Adriel ang sinabi sa akin dati ni Ellies. Wala naman daw sa kanya 'yon, di naman niya raw ako sasaktan. EWWWW. LANDEE.

Kapag kasama ko si Adriel, nagpapansinan naman silang dalawa ni Ellies. 'Di nga lang talaga close.

Napatingin ako dito ng walang pasabi niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Pinisil-pisil niya ito at biglang hinalikan.

Aba! Ngiti-ngiti pa ang loko!

HINDI KAMI. OKAY? We're still on a dating process. Hanggang makatapos ng College. HAHA! I've already told him about my dad's rule. He's fine with it. Makakapaghintay naman daw siya.

EWWWWW. ANG LANDE ULET.

"Hey, anong kukunin mo sa college?" he suddenly asked.

"We're planning Kace to get a Doctor Degree. Ikaw ba?"

"Engineer, I want to be engineer... Payag naman si Mama." he answered.

"What about your Dad?"

Tumingin ito saglit sa'kin. "I told you my dad is dead."

"Wala ba siyang nasabi sa'yo about sa pag-aaral mo before he died."

He just move his head aside.

Hindi na ako nagsalita pa, he's like that. He didn't want to talk about his dad, though from what he said... He's dead.

But not for me, I was always talking about my oh so called family to him. Atleast kahit hindi pa niya mame-meet sina kuya and dad. He already have a background. Hindi naman siya mahihirapan kay mama, basta tiisin niya lang pagsusungit nito. HAHAHA

"Hey,"

Tumingin ako sa kanya.

"Yes?"

"Saan ka pala mag-aaral sa college? Dito rin ba?" he asked as he still looking at the road.

Umiling ako. "No, nag-apply ako sa AUE. Ikaw ba, saan ka papasok?"

"Saan mo ba ako gustong mag-aral?" tanong niya.

"Ewan ko sa'yo, bahala ka. 'Di ko na problema 'yon."

"Gusto ko ring pumasok sa AUE, para naman parati kitang nakikita." aniya.

"Alam mo, kahit magkaiba man tayo ng papasukan, 'di ko na kasalanan kung maghanap ka ng iba." pag-iinarte ko. Acting lang 'yan, pakinggan natin sasabihin niya.

"What was that? Are you just acting jealous? Like I said. I don't need any other woman," he looked at me. "I just need you, only you."

Hinampas ko ito. "YUCK! MASYADO KANG CHEESY DIYAN! BAWAS-BAWAS MINSAN HA!"

Nagpa-puppy eyes bigla ito saka ngumuso, "Gusto mo?"

Tumango-tango ito.

"Okay!"

"Ouch! A-aray naman! Masakit ha!" reklamo nito habang pinag-kukurot at hampas ko ito.

Humalakhak na lang ako sa tawa habang tinitingnan ito.

Maybe we're just a typical teenagers couples, but we're genuinely happy.






Nang makarating na kami sa Mall, agad na naghanap ng parking space ang kasama ko, medyo natagalan pa kami dahil lunchtime ngayon at maraming mga taong nagsisipuntahan na sa mall.

Bumaba na kami nang mapark na nito ang sasakyan, iniwan ko na muna ang mga iilang gamit ko roon at nagdala na lamang ng wallet.

Inaya niya akong kumain muna pero ang sabi ko mamaya na lang at mamimili na muna ako, sigurado niyan puno rin ang mga fastfood chain. Kainan time e. Ayokong makipagsiksikan sa pilahan, feel me?

Tumungo kami sa isang clothing brand.

"Uy! Bagay sa'yo to!" sambit ng kasama ko sabay pakita ng isang yellow green na pangmatandang outfit.

"Bagay ko 'yan? Tingnan mo nga. Pang matanda na yan! Wala kang sense of fashion no? Pati lipstick nang mama mo pinipili mo pang environmental. HAHAHAHA" iniwan ko ito at naglakad papunta sa section ng make up brand din nila. Rinig ko pa ang pagtatanggol nito sa fashion niya, 'di ko lang daw ma appreciated ang mga arts and colors. HAHAHA

Ewan ko dito jusko.

"Hi ma'am. Try niyo po itong bagong shade namin, bagay po sa labi ninyo." ang sabi ng isang saleslady sa akin.

"Oh? Talaga ate? Pwede po patingin." kinuha nito ang isang lipstick sa isang stante, "Ma'am. Labi niyo po." aniya, sumunod naman ako dito at bahangyang umawang ang bibig.

Nang mailagay na niya ito ay tinulak ako papunta sa isang salamin. "O 'diba ma'am! Bagay sa inyo! Try niyo na ma'am."

"Oo kuku---"

"Anong bagay dito?" biglang sumulpot ang kasama kong si Adriel.

"Oh! Yung labi mo, ba't kumikinang?" aniya habang tinuturo ang bibig ko.

"Bagay sa kanya 'diba, sir?" tanong naman ng saleslady sa kanya.

Dahan-dahan itong tumango habang napapako ang tingin sa akin.

"Mas bagay ang labi ko sa'yo." hirit niya.

Leche.

"YIEEEEE! Sige ma'am ibabalot ko lang po ito." paalam ng saleslady habang kinikilig ito.

"Ano 'yon ha? Baka anong isipin ni ate sa sinabi mo!" singhal ko pero tinawanan lamang niya ako.

Pinulupot nito ang braso niya sa leeg ko at yinakap-akap. "Bakit? Hinalikan na naman din kita diba?... o baka inaakit mo niyan ako sa labi mo?" biglang bulong niya.

Sinipa ko agad ito para makalayo sa'kin. Pakiramdam ko ay uminit bigla sa paligid.

At dahil wala akong mahanap ng matinong damit, matapos kong mabili ang lipstick kanina ay hinila ko ang kasama ko sa isang jewelry shop. Bumili na lamang ako ng dalawang gold bracelet dito, one for her and one for me. 'Diba! Parang friendship bracelet na rin naming dalawa.

Naglalakad na kami ulit papunta sa lugar kung saan pwede kaming makakain.

"Magugustuhan kaya niya 'to?" tanong ko.

"Oo naman. Besides pareho pa kayo, she'll be happy." aniya.

Humarap ako dito. "Ikaw ba? Kailan birthday mo? Hindi mo sinasabi sa akin." sa dami raming pinag-uusapan sa buhay, 'yong personal details namin 'di namin makuhang mapag-usapan.

"Oh! Ayun! Wala nang halos kumakain sa greenwich, doon na lang tayo. Tara!" hindi na nito nakuhang tumugon pa sa tanong ko ng biglang nagmamadali itong tumakbo at hinila ako sa loob ng kainan.

Pinahanap na niya lang ako ng upuan at siya ang pumila sa counter. Ilang minuto lang ay nakita ko na 'tong naglalakad bit-bit ang tray ng pagkain.

Tahimik kong kinain ang order nito at hindi nagpa-istorbo sa kanya. Kilala na ako nito, kapag gutom ako. Kain lang walang dada.

"Mabuti na lang pala dinamihan ko ang order ko." aniya habang ngumingiti ito.

Inirapan ko lang ito at sinubo ng buo ang isang chicken part dito. Shit! Ang sarap! Juicy-ing juicy! LINTEK! HAHAHA

Mag-aala una na ng hapon ng mapagpasyahan na naming umuwi. Iidlip na muna ako sa bahay at pupunta pa saglit sa flower shop para kunin ang mga bulaklak na hiningi ko kay Manang Cora.

"Text mo'ko mamaya kapag kasama mo na si Ellies ha." biglang sabi ni Adriel.

"Aba. Gusto updated!"

"Of course. Delikado na. Baka may umaligid-ligid diyan! HAHAH" aniya.

Tinawanan ko na lang ito at tahimik na itinuon ang atensyon sa daan. Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang village namin.

Huminto ito sa harapan ng guard house. Hindi naman ito pwedeng pumasok at baka mapansin ako ng ibang mga tao sa neighborhood. Baka agad na makasumbong dito kay Papa. HAHA.

"Mag-iingat ka mamaya." paalala nito habang dinudungaw ako sa bintana.

"Oo. Mag-iingat ka. Salamat!" paalam ko at nakangiting kumakaway sa kanya.

Nasa labas pa lang ako ng gate ay dinig na dinig ko na ang boses ni Mama kausap si kuya. Agaran akong napatakbo sa loob.


"OMG Kuya!!!" inagaw ko ang telepono kay mama.

"Oh! Aerin! Kamusta na? Lapit na graduation mo ah." sagot ni kuya. Naka-uniporme siya ng pang-sundalo habang tagaktak ang pawis nito sa mukha at leeg. Nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang mukha nitong pagod na pagod, 'yong mga mata niya hindi na kasing sigla noon, may mga galos na rin ito sa labi.

"Kuya... Ayos ka lang ba diyan?"

"Syempre naman, pagod lang ako. Kaya 'wag kang mag-alala diyan, atupagin mo pag-aaral mo. Promise sa graduation babalik ako at isasabit ko sa'yo ang self portrait na ginawa ko sa'yo." ngumiti ito sa akin pero ramdam kong hindi ito sincere.

"Oo nga. Alalahanin mo Papa mo baka palayasin ka na dito." biglang biro ni Mama at nagtatawanan naman silang dalawa ni kuya.

"O basta sa graduation ha. Balik ka na dito, mahigit 6 months ka nang wala!" pagmamaktol ko.

"Promise talaa---"

"OMG! Suot mo iyong gift ko! 'Diba ang ganda?" komento ko sa kanya ng nakita kong suot-suot nito ang pitong ipinadala ko sa kanya dati. Personal built in pa 'yan at ipinaukit ko rin ang pangalan ni Kuya Adey sa likod.

"In fairness bumabagay sa mga uniporme ko." ani Kuya Adey.


"Aerin! Magbihis ka na aalis na niyan ako." biglang tawag sa'kin ni Manang na mukhang nasa labas ng kusina.

"Opo!"

"Oh, sasama ka sa kanya sa shop?" tanong naman ni Mama.

"Opo, may binilin kasi ako sa kanya na flowers saka po pala birthday ni Ellies ngayon inaya niya po akong mag dinner. Baka gumabi po ako ng uwi."

"O basta siguraduhin mong wag kang pagagabi, buti na lang saktong nasa Manila Papa mo ngayon." ani Mama.

Agad kong hinalikan si Mama. "Thank you ma! Nakuha kita ngayon! HAHAHA"

Hindi ko na nagawa pang makatulog dahil napahaba ang pag-uusap namin ni kuya, ilang sandali pa ay nagpaalam na ito, kaya naman agad na akong umakyat para makapagbihis na. Pinauna ko na si Manang Cora at mag-isa na lang akong magta-tricyle.

Di nagtagal ay nakapagbihis na ako at nagpaalam na kay Mama na nanonood ng TV. Simple lang ang sinuot kong damit; Black highwaist pants, gray croptop, 1 inch blach sandals. Nagdala rin ako ng maliit na sling bag at syempre 'yong paper bag kung saan nandodoon ang gift ko, in advance ko nang suotin ang braclet ipapakita ko na lang sa kanya mamaya.

Nagtawag na ako ng tricycle sa labas, bumiyahe na kami papunta sa palengke. Chineck ko ang mukha ko sa salamin ng tricycle. Mabuti na lang at bumagay sa'kin ang lipstick na binili ko kanina.

"Diyan na lang po manong." ang sabi ko at agad itong inabutan ng bayad.

Pumasok agad ako sa shop at nadatnan kong naggugupit ng bulaklak ang nag-iisang staff dito.

"Oh Aerin. Kukunin mo na ba?" pumasok mula sa labas si Manang.

Tumango ako. "Opo, naka-ayos na po ba?"

"Oo dito sumunod sa'kin." sabi ni Manang kaya sumunod din naman ako sa kanya. Lumabas kami at napansin ko kaagad ang dilaw na tulips na naka-arranged sa basket.

"Wow Manang, ang ganda po." tanging sabi ko at hinaplos-haplos ang mga bulaklak.

"'Diba kaarawan ng kaibigan mo? Iyan ang naisip kong ibigay mong bulaklak. Pagmamahal sa kaibigan." wika niya. Itinali nito ang isang pulang ribbon sa hawakan sabay na iniabot sa'kin.

"Thank you po talaga!" sigaw ko at mabilis itong yinakap.

"Ayan. Ang ganda mo kapag nakangiti. Nagliliwanag ka." hinawakan nito ang mga buhok ko.

I smiled. I'm actually happy, sana magustuhan talaga ni Ellies ito.

Nagpaalam na ako kay Manang at nauna nang lumabas. Naghihintay ako ng jeep sa may gilid ng simbahan ng bigla may white na van ang tumigil at hinatak ako papasok.

"Wag! Huwag niyo po akong saktan!" nagpupumiglas ako sa mga kamay nila, hindi ko naman maaninag ang mga mukha nila dahil agad na nakatakip ang mata ko.

Kinakabahan ako.

"Please po! Maawa po kayo! Wala naman pong laman ang organs ko! Fats lahat to! Mamamatay din po ang pagbibigyan niyo ng organs ko. Please! Parang a---"


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"HHAHAHAHAHAHAHHAHAAH"


Natigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses nila.

Inis kong inalis ang tela sa mata ko at nakita silang humahagalpak sa tawa.

"Nakakatawa ba 'yon?" nakapameywang na tanong ko sa kanila.

Nagtatawanan at naghahampasan pa rin sila at di ako pinapansin.

"SASAGOT KAYO O TATAWAG AKO NG PULIS?!"

Napalingon sila sa akin. Ngayon ko lang napansin na kasama ang lahat ng boys pati na si Adriel na nasa pinakalikod.

Bahagya akong nakatayo malapit sa bintana. Habang sila chill na nakaupo at umiinom ng hindi ko alam kung anong pangalan ng alak.

Natatawang hinawakan ni Cindy ang braso ko. "Sis, relax. Mag-enjoy tayo ngayon okay?" aniya.

Inabot naman sa'kin ni Apple ang isang basong alak pero tinabig ko ito.

Pinagmasdan ko ang paligid sa loob. Unang-una sa lahat. MAKALAT. May mga chips at pagkain nagsisihulugan na sa sahig dahil malamang sa malamang umaandar ang lecheng sasakyan, may mga alak at wine rin na masayang iniinom nila.

"Para saan ito?" I asked. I'm still standing in front of them.

"God. Of course para sa birthday bebe boy mong si Adriel! Happy birthday Adriel!" tugon ni Cindy at humarap siya saglit dito.

"Oh! Look! May gifts and flowers na dala si Aerin oh! YIEEE!" tinukso-tukso nila kami nang mapansin ni Johann ang mga hawak ko.

Agad ko itong iniwas sa kanila.

"Sorry na bessy okay? Naisip lang namin ni Cindy gawin 'to. Well benefits to all of us! Cheers!" wika ni Apple.

So silang dalawa ang may pakana? At anong pinagsasabi nilang birthday?

Siniko ko sila at maingat na pinuntahan itong si Adriel. Nang makalapit ako sa kanya ay inalalayan niya ako.

"Anong pinagsasabi nila?" I immediately asked him.

"Birthday ko ngayon... And I'm sorry hindi ko alam na gagawin nila ito." he reasoned out.

"Why didn't you tell me?!" malakas na sigaw ko, I'm not mad well a little bit, pero kailangan kong mag-adjust sa loob dahil ang iingay nila!

"I wanted to tell you, pero nagkataon na pareho kami ng birthday ng kaibigan mo. So I decided na bukas ko na lang sabihin sa'yo about this birthday thing of mine... I know your spending your day to your friend and I don't want to ruin it... I'm already happy na nakasama ka kanina." dire-diretsong paliwanag niya.

Napa-sapo na lamang ako sa noo, humarap ako sa kanya at inalis ang bracelet na suot ko at inilapat sa kamay niya.

"You didn't tell me na birthday mo, I don't have a gift. So, I'm giving this to you."

"No! Sa iyo yan, I can't have th---"

"I'm giving what its mine to you." I let out my frustrations and gave him a smile. I don't want to ruin this day. It's a special day of my two important people in my life.

"Aerin! Adriel!" inabutan kami ni Clint ng dalawang basong may alak.

Sabay-sabay nilang itinaas ito, tumingin ako kay Adriel. Ngumiti na lamang ako sa kanya wala nang nagawa kun'di ang makisabay.

"Cheers!" pagkasigaw nila ay agad kong itinapon sa sahig ang alak. Pasensya na sa maglilinis nito.




Napakurap ako. I took me a minutes para maimulagat ko ang aking mga mata ng maayos. I notice myself na nakasandal ako sa natutulog din na si Adriel.

Napamura ako ng biglang pumasok sa isipan ko si Ellies. I look at my watch, It's already quarter to 6. SHIT.

Tiningnan ko ang phone ko. Puno na nang text at missedcalls ni Ellies.

Maingat kong ginalaw ang katawan ko papalabas ng van, lahat sila ay mahimbing na natutulog, nakapark ang sasakyan malapit sa intersection kaya makakahabol pa ako kay Ellies.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Adriel at nagmadali na papalabas, mabuti na lamang din ay hindi nagkalukot-lukot at nasira ang mga regalo ko.

"Ellies! Na saan ka na? Sorry talaga may biglaang nangyare! HUHUHU"

"Gaga ang tagal mo e. Nauna na ako pero halos kakaalis pa lang ng bus na sinasakyan ko, nandoon na rin kasi si Mama, walang kasama. Habol ka nalang ha!" dinig kong sabi nito.

Hawak ko pa rin ang telepono habang lumilipat ng daan.

"Oo pasakay na niyan ako ng bus. Hahabol ako, sorry talaga sa paghihintay."

"O basta mag-ingat ka, kakaalis ko pa lang naman baka nakikita mo pa bus ko niy---"

Natahimik ako ng marinig ko ang biglang malakas na kaluskos sa telepono.

"Ellies! Anong ingay 'yon?! Ayos ka lang ba?! Ellies!" hindi ko na mapigilan ang paglakas ng boses ko.


"Jusko! Iyong bus at truck!"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"


Unti-unti kong nilingon ang mga taong gulat na gulat ngayon habang pinagmamasdan ang isang bus at truck na nagsalpukan sa daan.

"Ellies please sumagot ka. Gusto kong marinig ang boses mo!"

Wala na akong marinig. Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Tumakbo ako ng napakabilis sa bus na ilang metro ang layo sa'kin, nagkalasak-lasak na rin ito ngayon.

Sana hindi. Mali ako. Please sana kahit dito lang mali ako. Please.

"TABI! TUMABI KAYO!" sigaw ko sa mga taong walang ginawa kun'di ang mag video sa nangyayari.

"KUNG WALA KAYONG MAITUTULONG! LUMAYAS KAYO DITO PLEASE TIGILAN NIYO ANG PAGKUHA NG VIDEO!" napaatras ang mga tao ng biglang itapon ko sa kanila ang isang malaking salamin na nasira rin sa pagtapon ko.

Dumating ang mga sandamakmak na pulis at ang dalawa ay agad akong hinarang.

"Miss. Ang mabuti pa umalis ka na muna dito." anila.

"Kuya please. May titingnan lang ako oh! Kapag wala yung hinahanap ko dito promise magpapasalamat pa ako ng malaki sa inyo."

Marahas nila ako inilayo, pero dahil mapilit ako ay kinagat ko ang makabilaang kamay nila para makawala.

Nagmamadali akong tumakbo sa bus. Nang makarating ako dito ay umalingngawngaw ang mga sigawan na tulong mga tao sa loob. Nasa labas pa rin ako at hindi ko magawang makapasok sa loob dahil nagkalat ang mga bubog at bakal.

"Ellies! Ellies nandito ka ba?! Please Ellies! Kung nandito ka man sumagot ka!" sigaw ko, pero wala akong narinig na tugon dito.

Nanginginig kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang telepono ni Ellies.

Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko bigla ang nagri-ring na telepono sa loob ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin, pinakiramdaman ang tunog dito.

"ELLIES!" malakas na tawag ko ng makita ko siyang nakahandusay sa kabila habang nababalot ng dugo ang katawan nito.

"Tumabi ka riyan bata!" itinulak ako ng isa kakadating lamang na doctor at iilang mga nurse.

Dahan-dahan nilang binuhat ang walang malay na si Ellies at ipinasok agad sa ambulansya.

Hinabol ko ang kaninang doctor at hinawakan ang braso niya. "Doc, please iligtas niyo po ang kaibigan ko... Parang awa niyo na po."

Bigla akong hinila ng doctor at ipinasok sa ambulansya, "Bantayan mo ang kaibigan mo." aniya at tumakbo pa sa iba pang mga nasa aksidente.

Napatingin ako sa walang malay na si Ellies. Ang isang kasama kong nurse ay nilalagyan ito ng mga patusok tusok sa katawan.

Hindi ko magawang lapitan ito dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang panginig ng katawan ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang ambulansya at dali-daling hinila ang katawan ni Ellies at tinakbo ito papasok sa hospital.

Tumatakbo akong sumunod sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Ellies. "Ellies... Please please lumaban ka okay?" pumitas ako ng isang bulaklak na hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin. Ipinahawak ko sa kanya ito at tuluyan na siyang ipinasok sa OR.

The door eventually close. Nanghihinang napasandal na lang ako sa pader. Running my palms over my face.

I'm scared. Hindi na gumagana ng maayos ang pag-iisip ko. Please please let Ellies survived.

Napa-angat ang ulo ko ng bigla-biglang nagsisitakbuhan ang mga nurse papalabas at papasok. Sumingit ako at tumakbo papasok.

"Defibllator; 200 Joules!"

Hinawakan kong mahigpit ang kamay nito habang ang doctor ay walang humpay na binibigyan ito ng shock.

"Doc! Please! Please! Iligtas niyo po siya!" malakas na sigaw ko dito.

Nanlalabo na ang mga mata ko sa mga luhang walang tigil na bumabagsak ngayon.

I frozed when I notice Ellies hands are responding. Naramdaman ko ang paghawak niya rin sa palad ko. Pinilit niyang imulat ang mga mata niya... At tumingin sa'kin.

She smile. She smiled at me. "A--A-aerin." she tried to say my name... and yet her eyes starting to close again.

And then suddenly, her heart beats stop.

Tanging ang tunog ng pag-flatline ng monitor ang maririnig sa paligid.

Ang bulaklak na hawak ng palad nito ay tuluyan na niyang nabitawan.

Tila namanhid ang buong katawan ko. Napapikit na lamang ang mga mata ko at hindi na maawat ang pagbagsak ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, natulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang taong nasa harapan ko.

Hindi ko matanggap na sa mga oras na ito, binawian na nang buhay ang pinakamamahal kong kaibigan.


"Time of death... 6:43 PM."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro