Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Announcement


PRESENT

AERIN


Napabalikwas ako bigla ng maramdaman ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ouch." napadaing ako sa sakit ng makita ko ang kamay kong may nakatusok dito.

What the!

"Why am I here?" I suddenly asked myself when I saw a familiar atmosphere given by a hospital facilities.

"You fainted yesterday."

Lumingon ako sa boses, and I saw Adriel preparing some coffee on the right side of table.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked. Inayos ko ang upo sa kama at nag-indian sit.

"Hindi ka pa man nakakarating kay Ellies agad ka nang nahimatay. Hanggang ngayon pa rin ba?" he suddenly said. Naglakad ito papalapit sa'kin at umupo sa harapan ko.

"I don't know what your talking about, where's Kace? He's with me right?"

Humigop ito ng kape. "Yes, but he left you on me."

"Don't worry, I can handle my self. You can leave me." sabi ko at bumalik ulit sa pagkakahiga.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." I heard him said. Naghintay lang ako sa pagsara ng pinto pero wala akong narinig na lumabas ang ungas na'to.

Pasimple kong kinapa ang phone ko pero lintek! Na saan ba 'yon? At bakit ba kasi nahimatay pa ako?! LECHE!

"It's on your right side." dinig kong sabi niya. I search my phone on the right side. Nandito nga.

I looked at my phone. I saw Kace text. "Please 'wag maging matigas ang puso---- este ulo sa kanya. Be good." Isa pa 'to! Ano ba at bakit bigla-bigla na lang itong nang-iiwan sa ere?!

Inis kong tinapon ang phone ko sa upuan. Napatayo ako ng bigla kong maalalang...

"Wait! Nasa Pampanga pa rin ba tayo?" I asked him. Siya naman ang nakatalikod sa akin habang nakadungaw sa bintana.

"Oo. Maya-maya, aalis na rin tayo." aniya.

I turned around and looked for something to eat. Dahan-dahan akong tumayo at inabot ang biscuits na nasa mesa.

"Does my Mom know I'm here?" habang abala ako sa pagnguya sa kinakain ko ay nagtanong na ako dito.

"No. Just Ellies' mom, Kace and Me." aniya, nanatili pa rin itong nakatalikod sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito.

"Ahh."

Wala na akong masabi e! 'Ah' na lang, siya na mag-adjust.

"It's the second time I saw you visited her grave." biglang sabi niya. Humarap ito sa akin at dumeretso nang tingin.

"Why do you care?" umiwas ako sa tensyong dala ng mga mata nito. Hindi ako makapag-isip kapag napagmamasdan ko ang mga mata nitong puno ng lungkot.

"If you still blame yourself about what happened. Stop it already, your over reacting." Adriel said.

Wow!

I raised my eyebrows. "Please. Don't act as if you care."

"I care." he murmured.

"Oh. Please SPO Castillo, your just my colleagues. Nothing more, nothing less."

"Is it?" nakita kong humakbang ito ng isang beses sa harapan ko.

"Makapagbihis na nga!" sigaw ko at nagmadaling pumasok sa comfort room. Tiningnan ko ang laman ng paper bag, I saw a jeans, plain shirt, tig-iisang pack ng panties at bra?! With different sizes pa ha!

Don't tell me siya bumili nito?

SHIT! AHHHHHHH!




We sat in his car quietly as we made our way back to Manila.

Alas-onse na ng umaga at malapit ng magtanghali. Mabuti na lang mabilis ang biyahe at nasa Caloocan na kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko ang ungas na'to ngayon.

At dahil kasama ko nga ito, paniguradong nabubulok na naman ang laway ko, wala na akong halos magawa kun'di ang mag plants vs zombie dito na naka-install sa phone ko.

Ibinababa ko na nga ang brightness nang phone para mapigilan ang pag-ubos ng baterya nito. Ang malupit kasi 15 percent na lang! O 'diba! Lalo na talaga mabuburo ang laway ko bibig ko.

Gustuhin ko man i-contact si Timothy o kung sino pa man na kilala ko pero di ko maiwasang mag-alala, mas mabuti na rin naman ito at least kilala ko naman ang kasama ko. Syempre he's my former senior high batch mate, at hindi ko maitatangging may pinagsamahan naman--- na pinagsisihan ko.

"Naiinip ka na ba?" napintig ang teinga ko sa biglaang pagsasalita nitong si Adriel.

Wow! After 2 straight hours bumuka rin ang bibig!

"Hindi naman." NAPAKASINUNGALING MONG BATA KA! INIP NA INIP KA NA SABIHIN MO SA KANYA!

"Okay." bumalik ulit siya sa pagmamaneho.

AYAN! AYAN! WALA NA!

Inilibot ko ang tingin sa loob, nagba-bakasakaling may mahanap akong pwedeng paglaruan. Pero leche WALA. Walang kagamit-gamit ang kotse nito!

Grrrrr.

Naramdaman ko bigla ang tunog ng mga babies ko.

Grrrrr.

Haluh. Nagugutom na ba kayo?

Grrrrr.

Hinawakan kong mahigpit ang tiyan at baka sakaling mapigilan ko ito. Please huwag ngayon, na sa kalagitnaan tayo ng gyera!

GRRRRRRR!

Lumingon na sa akin ang kasama ko, seryoso ang mukha pero may pagpigil sa tawa nito.

Leche.

"Hehe." tanging sabi ko at ngumiti-ngiti dito.

Dinala ako ng kasama ko sa isang fastfood chain. Wala pa rin nagsasalita sa amin. All I know is that he turned right before we got to the highway and was looking for something to eat.

Umorder na ang kasama ko samantalang ako ay naghintay na lamang sa table sa kanya. Wala na akong magawa kun'di ang pitik-pitikan ang mga daliri ko para naman mawala sa isipan ko ang nagugutom ako. Ngayon ko lang kasi naisip na tanging biscuits lang ang nakain ko, nakalimutan kong kainin ang binili nitong pagkain!!! HUHUHU

Ilang sandali pa ay dumating na ito bit-bit ang mga pagkain. Siya na mismo naghain sa table. Medyo nahihiya ko pang kinuha ang manok with rice dito pero nang matikman ko na ito ay nawala na ang hiya ko.

Peste ang sarap!

Wala pa rin nagsasalita sa amin. Tahimik lang din ito sa pagkain. Nang matapos kong kainin ang rice, kinuha ko naman ang isang burger dito, lahat kasi ng order dalawa so malamang tig-isa kami. Hehehe

Nyam! Nyam! Nyam!

Matapos lang nang mahigit isang oras ay naisipan na niyang tumayo, kain lang ako ng kain pero siya tahimik lang habang cellphone ng cellphone.

I just quietly followed his steps, back to the parking lot.

Nang biglang...

Maagaw ng pansin ko ang isang grupo ng high school students na nagkukumpulan malapit sa isang makipot na daan sa kabila.

Naglakad ako papalapit dito at hindi na muna nilingunan ang kasama ko. Lumipat ako ng daan at pinuntahan sila. Walang gaanong dumaraang tao at sasakyan dito kaya tahimik.


"Sabi nang! Ibigay mo sa'min ang baon mo!"

"Papalag ka pa?! TUMAYO KA!"


Habang papalapit na ako ay naririnig ko na ang malalakas na sigaw nila, napansin ko ang isang lalaking na sa lupa na walang tigil nilang pinagtatadyakan


"M-maawa na kayo, wala talaga akong pera ngayon."

"Edi manghingi ka ng maraming pera sa mama mong bayaran! Bigyan mo kaming pera!"

"Ayaw talaga brad. Sampolan mo nga! HAHAHA"


Muli nilang pinagtatadyakan ang kaninang lalaki, habang pinagtatawanan pa nila ito.

Napa-iling na lamang ako ng tumambad sa'kin ang ganitong eksena. Mga walang hiya.

"Hoy mga bata."

Sabay na lumingon sa'kin ang mga ito na may pagtataka sa kanilang mukha.

"Ate naliligaw ka ba? Ayon yung main road. 'Di dito." lapit sa akin ng isa na mukhang leader nila ng grupo. Umakto-akto pa itong maangas sa harapan ko.

TSK!

"Actually di naman ako naliligaw, Totoy, baka kayo? May klasi pa ata kayo." ang sabi ko naman at nabigla siya sa tinawag ko dito. Nilagpasan ko ang bata at pinuntahan ang lalaking nakadapa pa rin sa lupa.

Marahas ko itong hinatak at pinatayo. "Hay nakong bata ka. 'Bat di ka tumatayo riyan? Linisin mo nga damit mo!" singhal ko. Nanginginig itong sumunod sa akin at pumunta sa likod ko.

"Miss, huwag kang makielam dito, usapang mga bata ito." ang sabi naman ng isa pang lalaki. Kung bibilangin may bilang silang lima, anim kasama na ang batang nasa likod ko.

"Hoy bata lumayo ka dito." bulong ko sa lalaking nasa likod ko habang unti-unti nila akong pinapalibutan.

"Maayos akong nakikiusap sa inyo na bumalik sa eskwelahan ninyo, huwag niyong hayaang magkaroon pa tayo ng problema." ang sabi ko pero nakatanggap lang ako ng ngisi at tawa nila.

"Miss, natatakot ka ba? Ikaw kasi napaka-pakelamera mo." ang sabi naman ng isa na kulang na lang itangay na ng hangin dahil sa kapayatan.

"Hoy Babalu bago ka magmayabang sa harapan ko, siguraduhin mong may lakas ka ha! Baka isang sipa ko lang sa'yo tumilapon ka na!" humalakhak ako sa tawa, samantalang sila ay naiinis na.

Tiningnan ko ulit ang isa pa nilang kasama. "Jusko, ikaw din. Make sure na madadala mo katawan mo ha! Baka sa huli buhat-buhat pa kita, mabigat ka." turan ko naman sa isang batang kalakihan ng katawan.

Biglang nag-seryoso ang mga mukha nila at sumugod sa'kin ang kaninang pinagtripan kong patpatin. Nakaiwas ako sa sunod-sunod na suntok niya, nang ako naman ay isang malakas na suntok ang naigawad ko ay napahiga na ito sa lupa.

Hindi pa natapos at sumugod din ang isa pa, sinubukan akong suntukin pero agad kong nakuha ang kamao nito at tinadiyak na pinakamamahal niyang itlog. Dumaing ito sa sakit at itinulak ang isa niyang kasamahan papunta sa kinatatayuan ko.

"Hoy bata. Kung ako sa'yo huwag mo nang subukan. Masasaktan ka lang." preskong sabi ko pero hindi ito nakinig at sumugod pa rin.

Umiwas ako sa suntok nito at gayon din ang nagawa niya. "Aba! May lakas ka pa! Hanga rin ako sa'yo." puri ko habang nakatinginan pa rin kami sa isa't isa. Ngumisi lang ito sa akin at muling nanugod. Pero sa huli dumapa rin ito sa suntok ko.

Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang lakas ng sipa sa'kin mula sa likod. Lumingon ako dito at nakita ang isa pa. "Ayos ka rin ha! Napaka-alerto mo." wika ko at sumugod ng suntok dito, nakaiwas ito sa suntok ko at halos magbunyi na siya sa saya.

"ANO KA. KALA MO GANON LANG AKO KAHINA? HAHAHAH" humalakhak ito.

"Huwag kang dada ng dada riyan!" sigaw ko at ipinaikot ang sarili ko sabay na itinaas ng kahaba-haba ang isang legs ko at nagpakawala ng malakas na sipa na tumama sa makinis nitong mukha. Pinahid nito ang kanyang ilong at halos mamatay na sa gulat nang makita niyang nagdurugo ito.

Inunat-unat ko ang magkabilang braso ko. "Ayan ba kaya niyo? Mag-aral muna kayo ng mabuti at saka kayo magpalaki ng muscles! Ang hihina niyong sumuntok!" sigaw ko sa kanila.

Napansin kong halos lahat sila ay napuruhan ko na, pero may isa pa.

"Aerin!"

Nanlaki ang mata ko habang nakikita ko ngayon ang patalim --- ilang dangkal lang ang layo nito sa'king tiyan.

Napatingin ako sa braso ng lalaking pinipigilan ang patalim sa kamay ng bata.

"Adriel."

"TABI!" sigaw niya sa'kin at automatic na sumunod ang katawan ko sa utos niya.

Nagulat ako ng biglang nagpakawala  ng malakas na sipa si Adriel na tumama sa kamay ng batang may hawak ng patalim, dahilan para tumilapon ang kutsilyo. Muli itong sumipa sa dibdib ng bata dahilan para mapaupo at dumaing sa sakit ang estudyante.

Ang limang batang estudyante ngayon ay nasa lupa na at dumadaing na sa sakit.




"Maraming salamat sa pagbisita Officer Valdez! Sa'yo rin Officer!" bago kami tuluyang lumabas sa Police Station ay magiliw na nagpaalam sa amin ang ibang pulis dito.

We just nodded to them and continued to get in the car.

"Sandali. Gusto mo bang ako na lang ang magdrive?" I asked him.

"Kinakaawaan mo ba ako dahil sa maliit na hiwa ko sa kamay?" natatawang sagot niya at umiiling na pumasok sa sasakyan.

At dahil matigas din ang ulo niya, ano pa nga ba! Edi sige! Ikaw na di nasasaktan!

Padabog akong umupo sa front seat at nanahimik na lamang.

We're traveling again, after we brought the young students we met earlier in the Police Station.

Pinag-stay sila sa presinto hanggang mamayang gabi. Tatawagan na lamang din nila ang mga magulang ng mga bata.

Sa hindi ko naman inaasahan, may hiwa pala ang ungas na'to kanina habang pinipigilan nito ang patalim sa kinaroronan ko. Inasikaso naman siya ng ibang pulis at nabigyan na ng gamot. 'Di ko naman din maiwasang hindi mag-alala, dahil sa kagagahan ko ay nadamay pa siya.

Napahinga ako ng malalim saka ko itinukod ang aking mga siko sa bintana, habang tinitingala ang madilim na langit sa labas.

Makumlimlim na naman. Madilim na ang paligid kahit na ala-una palang ng hapon, malakas-lakas din ang hangin. Mukhang nagbabadya ang malakas na ulan.

"May tinake-out akong pagkain diyan." I heard him talked.

Infairness alerto rin ang isang 'to.

Tumango na lamang ako dito at itinuon ang tingin sa labas. Ibinaba ko ng tuluyan ang window ng sasakyan at inilabas ng kaunti ang mga palad ko, naramdaman ko ang unti-unti pagpatak ng ulan.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang lamig na dala nito sa'king palad.

Dahan-dahang pumipikit ang talukap ng mata ko, hindi ko namamalayang dinadalaw na ako ng antok.


"Kuya! Huwag mo'kong iwan! Please!"

Napalingon ako sa batang babaeng naghihigpis ng iyak habang hawak hawak ang katawan ng tinatawag nitong kuya.

Nag-aalala ako sa batang babaeng hindi maawat ang pagluha. Gusto kong lapitan ito pero nanlalaki ang mata kong nakikita ang sariling napupuno ng dugo sa katawan.

"Please don't die!!!"


Minulagat ko ang aking mga mata, napahawak ako sa dibdib kong hindi mapigil sa pagtibok. Nanghihina akong napahawak sa tuhod ko.

Shit! What was that?

"Nightmare?" bulong ng katabi kong si Adriel.

Nightmare? Eh hindi ko pa nga nararamdaman ang tulog ko e!

Nilagok ko ang isang bottled water mula sa paper bag. Tiningnan ko ang lugar at nasa kahabaan na kami ng highway, pero hindi kami umuusad dahil sa matinding traffic at mukhang bumaha ang daan dito. Lalong lumalakas ang ulan.

"Anong oras tayo makakarating nito." I murmured. Saglit kong sinulyapan ang kasama ko, tahimik lang ito habang nakatingin sa daan, ginagalaw galaw din nito ang mga daliri niya sa manibela, marahil ay nababagot na rin ito.

Umangat ang ulo ko sa isang malaking TV na nasa gilid ng highway. May balitang lumitaw sa TV, isang aksidente sa isang lugar sa Pasay, dahilan? Malakas na pag-ulan.

Kasabay ng pag-usad ng daan ay ang paglitaw naman bigla sa screen ang mukha ni Colonel Young. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko sa screen ang nakasulat na news.


Dalagang pulis na anak ni Lieutenant Valdez ay nakatakdang ikasal sa binatang anak ni Colonel Young.


Sunod na lumitaw ay ang dalawang picture namin ni Timothy.

"Tangina." napamura ako sa gulat.

What the hell are they talking about?

Napalingon ako sa kasama ko, nagtama ang mga mata namin pero agad rin itong umiwas ng tumunog ang telepono nito at lumitaw sa screen ang tumatawag na si Cindy.

Shit! Nakalimutan ko, sila pala ang dapat kong alalahanin ngayon. Na-broadcast na sa news ang pesteng trabaho ko!

"Huwag mong sagutin." I said. Hindi niya sinagot pero lumitaw naman ang pangalan ni Apple, sumunod si Clint, at halos lahat sila at tumatawag sa telepono ni Adriel. Chineck ko ang phone kong nakacharge at napuno na rin ng missed calls nina Cindy.

Shit! Shit! Shit!

"Dalian mo na." seryosong turan ko sa kasama ko at pinaharurot na ng napakabilis ang kotse.

Binlock ko ang mga number nina Cindy at sunubukan tawagan si Papa, pero hindi ito sumasagot.

It took us about an hour to get to Headquarters. Hindi paman ako nakakapasok ay tinambakan na agad ako ng tanong mga kapwa ko pulis.

Sa inis ko sa kanila ay kinuha ko ang flower vase at itinapon sa harapan nila. "Pwede? Bilang pulis. Tantanan niyo muna ako." matalim na sabi ko at mukhang nakuha naman nila.

Umakyat ako sa room namin at hinanap si Timothy. Nang magtama ang mga mata namin ay agad kong hinila ang coat na suot niya.

"What happened? Bakit magkasama kayo ng lalaking 'yon?" Timothy asked.

"At 'yon pa ang inaalala mo? Hindi mo pa ba nakita ang news?! They're talking about us getting married!" I shouted.

"Don't worry, hindi naman nila iyon tototohanin... I'll talk to dad." nagtamlay bigla ang boses nito, pinigilan ko ang braso niya bago pa niya ako talikuran.

"And now what?" he asked.

"I'm sorry, I know you also don't want this... Let's talk both to ---"

Kinapa ko ang tumutunog kong phone. Inis kong sinagot ito. Hindi ba binlock ko na ang mga number nila? Paanong may ibang number na naman?! AISH

"Hel---"

"Ate! Ate! Tulungan niyo po ako!"

Kinabahan ako sa sinabi ng caller, inilayo ko saglit ang telepono at sinenyasan si Timothy.

"Sino ka? At paa---"

"Ate ako po ito! Nagtitinda ng bulaklak... Ate please. Iligtas niyo po ako." narinig ko ang mahinang paghikbi nito.

"Sandali. Ano bang nangyari sa'yo? Nasaan ka?"


"Hindi ko po alam ate, basta ang alam ko, b-bigla na lamang niya po akong dinukot."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro