Chapter 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Kidnapped: The flower girl


THIRD PERSON


"Na locate niyo na ba ang lugar nito?!"  halos sumigaw na sa kaba ang binatang pulis na si SPO Theo habang inaasikaso ang biglaang kasong hawak ngayon ng kanyang team.

"Hindi pa, mahina ang signal ng phone nito... ang hirap i track." ang sagot naman ng binatang pulis na si SPO Fernando.

"Tawagan niyo agad ako kapag nahanap niyo na, Timothy! Bok! Sumama kayo sa'kin." ang sigaw naman ng dalagang pulis-- Officer Valdez habang minamadali niyang inaayos ang kanyang kasuotan at kagamitang kakailanganin nito.

Kinalampag nito ng napakalakas ang mesa sa kwarto. Nagulat ang mga kasamahan nito. "Mag-iisang oras nang nawawala ang biktima. Huwag na'ting hayaang matagalan pa tayo dito!" malakas na sigaw ng Officer at tumango tango naman ang mga kasama.

"Kung gayon ay magtrabaho na tayo!"

Kasalukuyang nagtatrabaho ngayon ang Team ng dalagang pulis sa isang kidnapping incident kaugnay sa dalagang tumawag sa telepono ng dalagang officer. Na report ito sa pulisya at dahil sa mismong dalagang officer ito tumawag ay nabigay sa kanila ang operasyon ngayon.

"Siguraduhin niyong naka-connect kami sa inyo dito. Tara na!" paalala ng dalagang pulis sa mga kasamahan.

Si SPO Theo, SPO Fernando, SPO Adriel ang naatasang maiwan at magbigay ng impormasyon, sa mga susugod naman na sina SPO Valdez, kasama pa ang dalawang si SPO Young, PO1 Bolokboc.

Akmang lalabas na sa pintuan ang tatlong pulis ng tumayo at pigilan sila ng binatang pulis--- Officer Castillo.

"Sasama ako." mariing sabi ni Officer Castillo sa tatlo.

Wala nang nagawa ang dalagang pulis at sumang-ayon na lamang sa binatang pulis, dahil ayaw niyang may ibang isipin ito ngayon maliban sa nanganganib na biktima ngayon.

Sabay-sabay na bumaba ang apat na pulis sa Headquarters. Sa kabilang dako naman, natatanaw ni Inspector Bernardo ang pangyayari at ngumiting sumaludo sa kanyang inaanak, binigay ng Inspector ang buong tiwala sa dalaga.

Pinaharurot ni Officer Bok ng napakabilis ang kotse at inilagay ang siren sa labas. May takot at saya ang nararamdaman ng bagohang pulis; Takot dahil hindi niya mawari ang pwedeng kalabasan ng operasyon at baka magresulta ito ng pagkabigo; Saya dahil sa tanang buhay niya ay may operasyon itong mahahawakan.

Samantalang nakaupo naman sa likod ng kanang bahagi ang binatang pulis na si Officer Young, wala na itong maramdaman dahil natural na lamang sa kanya ang ganitong pangyayari, ang kaisa-isang inaalala niya lamang ay ang kaligtasan ng biktima at ang dalaga pulis

Nakaupo naman sa tabi ng binata ang isa pang binatang pulis--- Officer Castillo, na walang ginawa kun'di ang ayusin ang mga gamit niya dahil hindi na niya magawang mag-ayos pa sa Headquarters sa kadahilanang nakisabit lamang ito sa mga kasamahan niya. Maya't-maya rin ang pagsulyap nito sa dalaga na walang humpay na kinakausap sa maliit na earpiece na komokonekta sa dalawang kasamahang pulis nitong na sa Headquarters.

"Oh! Ang bahay ng abductor. kasalukuyan itong nakatira sa Tandang Sora San Isidro St. 205." pagbibigay ng impormasyon ng binatang pulis--- Officer Fernando dito sa dalaga.

"Narinig niyo iyon?" lumingon ang dalaga sa mga kasama, tumango naman ang tatlong pulis sa kanya. Dahil lahat silang nasa team ay konektado sa linya ng bawat isa. Kinakailangan ng pagsasama-sama ng impormasyon upang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagtutulungan.

"DOON TAYO BOK!" malakas na sigaw ng dalaga.

Dahil sa kadahilanang naputol ang tawag mula sa biktima ay bumabase na muna ngayon ng impormasyon ang Team sa na-report na CCTV kung saan mapapanood ang pagdukot ng isang lalaki papasakay kasama ang dalagang tahimik na nagmumuni-muni sa daan.

Nakuha ng team ang mukha ng lalaki at agad naman itong na identified ng kompyuter ng Headquarters.

"Wala pa rin bang balita sa tawag?" tanong ng dalaga sa kabilang linya.

"Wala pa, ni hindi ko magawang kontakin ito." pagtugon ni Officer Theo.

"Basta huwag mong tigilan, mag-iisang oras pa lang naman itong nawawala... mahahanap pa natin siya." wika ng dalaga.




Mabilis na bumaba ang team ng marating nila ang lugar kung saan ito naninirahan. Ang lugar ay isang malaking compound kaya naman pagbaba ng mga pulis ay nagkagulo ang mga taong naroroon. Tumila na rin kasi ang malakas na ulan at malamang balik tambay na naman ang mga tao sa labas.

Nagpaputok ng dalawang beses ang dalagang officer. "MANAHIMIK KAYO! UMUWI KAYO SA KANYA-KANYANG PAMAMAHAY NINYO KUNG AYAW NIYONG MADAMAY DITO!" malakas na sigaw ng dalaga. Ilang sandali pa ay nagkandarapang umalis ang mga tao sa daanan ng mga pulis na nag-siuwian na rin sa kani-kanilang bahay.

Agad na tumakbo ang apat na pulis sa kinaroronan ng bahay ng kriminal. Nang makarating sila sa harapan ay sinuri ni Officer Young ang nasa loob ng bakod nito.

"Clear." ani ng binatang pulis saka naman sumingit ang dalaga at marahas nitong sinipa ang kahoy na bakod papasok sa loob ng bahay.

Paghakbang ng isang paa ng dalaga sa loob ay naramdaman agad nito ang katahimikan.

Lumingon ang dalaga sa mga kasamahan. "Maghiwa-hiwalay tayo, icheck niyo ang dapat na tingnan dito sa loob. Mag-iingat kayo." order ng dalaga at tumango naman ng tatlo.

Nagsimula na silang magkanya-kanya. Si Officer Bok ay naglakad papunta sa kusina, wala naman itong nakitang kakaiba dahil kung tutuusin normal lang ang ayos ng kusina. Binuksan niya ang lahat ng cabinet at ang fridge. "Clear dito sa kusina." ang sabi niya sa linya.

Samantalang tumungo naman si Officer Castillo sa isang maliit na kwarto, naka-pwestong maigi ang baril nito't dahan-dahan niyang binuksan ang silid. Napahinga ng malalim ang binata ng wala itong nakitang kakaiba. "Clear dito sa isang kwarto."

Sinuri rin ng binatang pulis--- Officer Young ang C.R at ang labas kung saan may maliit na balkonahe ito. Tanging mga bakal, at yero lamang ang nakita ng binata. "Clear dito sa labas ng balkonahe." ani ng binata, muli itong nagsalita. "Aerin, na saan ka?"

"Paakyat." ang sagot ng dalagang pulis sa tanong ng binata. Dahil mayroon itong dalawang palapag. Ang dalagang pulis ay papaakyat na rin ito sa taas. Inikot-ikot nito ang baril sa lahat ng sulok pero walang kahina-hinala. Unti unting binuksan ng dalaga ang isa pang kwarto at tumambad sa kanya ang napakaraming tuwalyang sira-sirang nagkalat sa sahig.

Nagtatakang pinagsisipa ng dalaga ang mga tela at sinuri ang mga cabinet at mesa nito. Binuksan niya isa-isa at nang mapansin nito ang isang maliit na mesa na may mga nagkalat na letrato ay napamura na lamang ito sa gulat.

"Tangina." bulong nito.

Agad itong tumakbo pababa at pinuntahan ang mga kasama.

"Ano yang hawak mo?" ang tanong ni Officer Castillo, pagtukoy sa mga letratong hawak ng dalagang officer.

Inilahad nito sa mga kasamahan niya. "Mukhang notorious kriminal ang hinahabol natin," tugon ng dalaga.

"Jusko! Ang daming babae! P-pinatay ba niya lahat ito?!" sigaw naman ni Officer Bok habang pinagmamasdan ang nga letratong may mga babaeng nakahandusay sa sahig na wala ng buhay.

"He-hello! Ate! Ate!"

Nanlaki ang mata ng dalaga ng marinig nito bigla ang boses ng biktima sa linya.

"Aerin! Na connect namin ang telepono! Nasa linya na ulit ang biktima. Umalis na kayo riyan!" sigaw ni Officer Fernando, na kasalukuyang naman tinatrack ang telepono ng dalaga ni Officer Theo.

"Wala ang hinahanap niyo sa bahay niya. Nasa Sanga Subdivisio---" naputol ang sasabihing impormasyon ni Officer Theo ng muling nagsalita ang biktima.

"Paparating na siya ate! Ate nahihirapan na po ako..." mahinang bulong ng biktima sa tawag.

"Lara. Hinahanap ka na namin, na saan ka ba ngayon? Ha? Kausapin mo ako ng maayos, sabihin mo sa'kin ang lahat ng nakikita mo ngayo---"

Muling nawala ang tawag.

"Aerin! Pumunta na kayo sa Sanga Subdivision ngayon na!" muling wika sa kabilang linya ni Officer Theo.

Agad namang tumakbo papalabas ang Team at pinaandar na ulit ang kotse ni Officer Bok.

Habang na sa biyahe na ang team ay nakuha na rin ng dalaga ang tracking location na ipinasa ng binatang pulis-- Officer Theo sa teleponong hawak ng dalaga. Papunta na sila sa nasabing lugar ng pulis. Medyo may kalayuan ang lugar pero kung kukunin ang daan gamit ang siren mapapabilis ang kanilang biyahe.

"Aerin, ang kriminal... meron pa itong bahay na tinitirhan, kung saan na locate ang devices ng biktima." wika ni Officer Fernando.

"Doon ba sa Village? Ilang bahay ba ang meron ang lalaking iyon ha?" pagtatanong ng dalaga sa kabilang linya.

"Base sa information nito, dalawang address lang ang nakalagay na tinitirhan nito. Baka doon sa village niya dinala ang biktima." turan naman ng binata sa dalaga.

"Officer Valdez, pwede ko ba tingnan ulit ang mga letrato?" napatingin ang dalaga kay Officer Castillo, na naghihintay sa igagalaw ng dalaga. Agad namang tumugon ang dalaga at inilahad nito ang mga letrato.

"Anong titingnan mo?" dala ng kuryosidad ng dalaga, nagtanong ito sa binatang pulis.

"Wala. Naalala ko lang ang mga biktima nito, mga menor de edad na babae at may pagkakatulad ang mga ito... May mga kakaibang disenyo ng gupit ito sa buhok at nagkalat sa sahig ang mga 'to." tugon naman ni Officer Castillo dito.

Tumango naman ang dalaga. "Oo ayan nga ang napansin ko kanina."

Naramdaman ng binatang pulis--- Officer Young na nagkakaunawaan ang dalawa sa kanyang harapan kaya naisip nitong kunin ang atensyon ng dalaga. "Aerin. Mag-ready na tayo." aniya sa dalaga.

Napatango naman ang dalagang pulis ng mapansin ang tracker na papalapit na sila sa lugar. Pumasok ang sasakyan sa village at itinuro ng dalaga ang direksyon dito kay Officer Bok.

Huminto ang kotse sa harapan ng isang palapag na puting bahay. Kahit na tahimik ang paligid sa lugar ay dahan dahan pa rin kumilos ang team na pinangunahan ng dalaga.

"Ako ang mauuna. Sesenyas ako." ang sabi ng dalagang officer at maingat niyang binuksan ang gate. Luminga linga ito sa paligid habang tutok ang baril nito sa hawakan. Marahas niyang sinipa ang pintuan ng bahay at bumulaga ulit sa kanya ang nakakabinging katahimikan.

"Fernando, tahimik ang lugar..." ani ng dalaga sa linya.

"Pero ang tracker nandiyan pa rin." sagot ni Officer Fernando.

Nagmadali sinundan naman ang direkyson ang sinasabing tracker nito pero pagbukas ng dalaga sa isang kwarto, tanging isang telepono at madugong sahig ang nakita niya.

Nanginginig na kinuha ng dalaga ang telepono. "Nandito ang telepono ng biktima." aniya sa linya. Kumuha naman ito isang sample na dugo sa sahig at saka niya inamoy. "Sariwa pa ang dugo, palaga'y ko ay nandirito pa sila at hindi nakakalayo." mahinang bulong ng dalaga.

"Aerin! Walang tao dito!" lumingon ang dalaga kay Officer Young. Nagtatakang tumayo naman ang dalaga at lumabas ng silid.

"Anong ibig niyong sabihin?! Halughugin niyo ulit ang bahay!" ma-awtoridad na utos nang dalaga pero ang mga paa ng mga binatang pulis ay tila namanhid at hindi na kayang gumalaw.

"Mag-tatatlong oras ng nawawala ang biktima. Aerin." saad ni Officer Young.

"At anong pinaparating mo ngayon?" seryosong tanong ng dalaga dito.

"Tumigil na tayo." turan ng binata.

Humalakhak ng tawa ang dalaga. "Nagpapatawa ka ba? Hangga't walang bangkay! Walang titigil!" nagingiligid na sa galit ang dalaga sa pangyayari. Ang tanging direksyon para masagip ang biktima ay tuluyan ng nawala.

Napasandal sa inis ang dalaga. Pinipigilan nito ang pag-iyak dahil hindi pa oras, at hindi kinakailangan.

"Sandali. Wala ba kayong napapansin?" umangat ang ulo ng dalaga sa biglang tanong ng binatang pulis--- Officer Castillo. Hawak-hawak nito ang limang blower habang ipinapakita sa mga kasamahan.

"Tingnan niyo ang mga letratong nakuha ni Officer Valdez..." sumunod ang dalaga sa sinabi ng Officer Castillo. Umangat ulit ang ulo nito at inilibot ang tingin sa loob ng bahay. Muli itong bumalik sa mga letrato.

Sa surpresa ng dalaga ay hindi niya napigilan ang mapatayo dito. "Fernando... May business ba ang kriminal?" tanong ng dalaga sa kabilang linya.

"Oo. May ari ito ng isang salon pero matagal na itong nagsara. Bakit?" tugon ni Officer Fernando.

"Hanapin mo ang address ng salon ngayon din!" mabilis na utos ng dalaga.

Tumingin ang dalaga sa mga kasama. Pansin niya ang pagtataka sa mga mukha ng kasamang pulis kaya minabuting magpaliwanag na muna ito ng mabilis.

"Wala sa dalawang bahay ng kriminal ang bata, kun'di sa lumang salon natin ito mahahanap." wala man itong pruweba pero malakas ang kutob ng dalagang pulis na naroroon na nga ang hinahanap na biktima.

Kung susuriin ang mga letratong nakuha ng dalaga. Makikita dito ang halos pitong bangkay ng menor de edad na nakahandusay sa isang sahig, nagpupunit ang mga damit at bawat buhok ng biktima ay may kanya kanyang disenyo ng gupit; nagkalat rin sa sahig ang mga iba't ibang klase ng gunting na kung susuriin hindi pangkaraniwan ang mga ito, at tanging mga professional lamang sa buhok ang marunong na gamitin ito.

At sa pangalawang bahay, napansin ng binatang pulis--- Officer Castillo ang ilang dosenang blower, shampoos at mga pampaganda ng isang babae sa salon. Kaya pala may saysay ang mga nagkalat na twalyang nakita ng dalagang pulis sa silid nito.

Akala ng dalaga ay pinaglalaruan niya lamang ang bawat buhok ng mga bata bago ito patayin, pero sa likod nito naroroon pa ang isang pagkakakilanlan ng kriminal.

"Aerin, sa Juan St. Naroon ang dating salon nito, pero ang problema... wala itong address number at tanging lugar lamang ang nahanap ko." pagbibigay ng impormasyon ni Officer Fernando sa dalaga.

"Pabayaan mo... Bok dalian mo na." utos ng dalaga at tumango naman ang driver ng kotse.




6:15 PM

Papalubog na ang araw ng makarating sila sa kalyeng sinasabi ng binatang pulis--- Officer Fernando. Kasalukuyang nakatayo ngayon ang apat na pulis sa maaliwalas at tahimik na daan. Mababakas na sa kanila ang pagod at gutom.

Dahil gabi na, nasa kanya-kanyang bahay na ang mga tao at isa-isang nagsasarahan ang mga tindahan dito sa kalye.

"Kailangan na nating mahanap ang salon na iyon, lawakan niyo ang mga mata at teinga niyo, sabihin niyo ang lahat ng galaw ninyo dahil naririnig naman din natin ang isa't-isa." ani ng dalaga sa tatlong binatang pulis. Dahil sa kalyeng kinatatayuan nila ngayon, maraming mga makikipot na daan at kinakailangan ulit nilang maghiwa-hiwalay para agad na mahanap ang lugar na pinagtataguan ng kriminal.

Sa huling pagkakataon na magkakasama sila ay sumaludo ang dalaga sa harapan nila. Ngumiti ito. "Huwag niyong hahayaang mapunta kayo sa kapahamakan, siguraduhin niyong ligtas kayo... mag-iingat kayo." sa sandaling ito ay naunang nang humakbang papunta sa isang daan ang dalaga.

"Mag-iingat ka rin." isang malamig na boses ang narinig sa linya. Saglit na natigilan ang dalaga ng marinig nito ang pamilyar na boses ng binatang si Officer Castillo.

Hindi na ito lumingon pa at nagpatuloy sa paglakad. Samantalang ang tatlo naman ay naghiwa-hiwalay na rin.


6:45 PM

Tahimik na tinatahak ng dalaga ang isang daan habang hinahanap ang lugar, bawat paggalaw na kanyang naririnig ay mabilis nitong itinututok ang baril at flashlight na hawak niya.

"Wala akong mahanap dito Ma'am." rinig ang boses ni Officer  Bok sa linya.

"Okay. Ikaw Timothy, kamusta diyan?" tanong naman ng dalagang pulis.

"Sa ngayon hindi ko rin mahanap. Ikaw ba diyan?" ibinalik ang tanong ng binata sa dalaga.

"Wala pa rin... Kamusta diyan Officer Castillo?" tanong naman ng dalaga sa isa pang binata.

"Hindi ko parin nahahana---"

Biglang nabitawan ng dalagang officer ang flashlight na hawak nito ng may isang estrangherong  nakabangga sa kanya sa likod.

"Pasensya." ang sabi ng estranghero sa dalaga na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin ito. Bigla niyang naramdaman ang kilabot sa kanyang katawan ng marinig niya ang kakaibang boses nito.

Inangat nito ang ulo niya upang tingnan ang estranghero pero bago pa makita ng dalaga ang mukha ng tao ay napansin na niya lamang na naglalakad na ito sa isang makipot na daan sa kaliwa.

"Aerin? Okay ka lang ba diyan?" tanong ni Officer Young sa dalaga.

Inayos ng dalaga ang mic sa teinga nito. "Oo, nabangga lang."

"Sandali." natigilan ang dalaga ng mapansin niya ang kakaibang amoy ng estranghero kanina.

"Ano? Nahanap mo na ba? Na saan ka?!" hindi naman mapakali ang binatang pulis--- Officer Young sa pag-aalala sa dalaga.

Sa kabilang banda naman ay pilit na inaalala ng dalaga ang kakaibang amoy na kanyang napansin sa estranghero. Hindi ito typical na pabango; mabagsik at malakas ang amoy... katulad ng.

"SHIT!" napamura na ang dalaga at tumakbo ng napakabilis sa kaninang dinaanan ng estranghero.

Hindi pwedeng magkamali ang dalaga sa pamilyar na amoy ng treatment shampoo na madalas na ginagamit sa salon.

Tumigil ang dalaga sa isang abandonadong gusali. Gamit ang flashlight ay inilawan nito papataas at nanlaki ang mga mata nito sa kanyang nakita.

"Nahanap ko na." bulong ng dalaga.

"Aerin! Na saan ka ngayon?! Huwag ka munang susugod hintayin mo kami!" malakas na pagsigaw ni Officer Young.

"Sumunod na lamang kayo." ang huling sinabi ng dalaga sa linya at humakbang na papaakyat sa lunga ng kriminal.

Bumibilis ang tibok ng puso ng dalaga habang papapalapit ito sa lugar. Sumilip ang dalaga ng kaunti sa salamin at napansin niya ang isang maliit na ilaw sa pinakadulo ng loob ng abandonadong salon.

Mahigpit na hinawakan ang dalaga ang baril at dahan dahan na nitong binuksan ang pintuan. Kabado niyang iginala ang tingin sa bawat sulok ng loob, nang makarating ito sa may maliit na ilaw ay laking gulat niyang nakita ang biktimang may tapis sa bibig--- tinatayang limang hakbang ang layo nila sa isa't-isa.

Walang humpay na umiiling ang biktima sa dalagang pulis na para bang may gustong iparating ang galaw nito sa Officer. Nababalutan na nang dugo at puno na rin ito ng pasa sa mukha ang biktima.

Hahakbang na sana ang dalagang pulis sa kinatatayuan ng biktima nang biglang humarap ito sa kanyang likuran at malakas na pinaputukan ng bala ang kidnapper.

Natamaan ng dalaga ang kaliwang braso ng kidnapper dahilan para mabitawan nito ang itak na kanyang hawak. Tumakbo agad ang dalagang pulis sa biktima at minamadaling tinanggal ang lubid na nakatali sa mga kamay at paa nito.

Napayakap sa takot ang biktima sa dalaga, hindi na mapigil ang kanyang pag-iyak.

"Kaya mo pa bang maglakad? Kailangan na nating umalis dito." ang sabi ng dalagang pulis sa biktima.

"Kung makakaalis kayo!" sabay na lumingon ang dalawa sa ngayo'y nakatayong lalaki, nakuha pa nitong tumayo ng matulid sa kabila ng tama nito sa braso.

"Sumuko ka na kun'di, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta ng dalagang pulis sa kidnapper pero imbes na matakot ito ay ngumisi pa sa dalaga.

"Talaga? Bago mo magawa ang gusto mo. Sama-sama na tayong sasabog dito." turan ng kidnapper at ipinakita ang bomb remote control na hawak nito.

Humakbang papalapit sa kanila ang kidnapper, napapaatras ang dalagang pulis pero nanatiling matatag ang baril nitong nakatutok sa lalaki.

"Alam mo bang may gandang taglay ka rin, Officer? Kung pwede nga lang ikaw na lang ang dinukot ko at pinahirapan ko sa sarap." ang sambit ng kidnapper sa dalagang pulis.

"Sorry, hindi kita papatulan." tugon ng dalagang pulis saka niya mabilis na kinuha ang patalim at itinapon ito sa tiyan ng lalaki, nang mawalan ito nang pokus ay sinipa ng dalaga ang remote control dahilan upang tumilapon ito sa sahig.

"Lumabas ka na!" sigaw niya sa biktima, "Ate! Lumabas na po tayo!" hinila na ng biktima ang dalaga papalabas pero ang dalagang pulis ay linapitan pa ang kidnapper... Inabot nito ang remote control.

Tumingin ang dalaga sa biktima. "Hindi, tatrabahuhin ko pa ang lalaking ito... Lumabas ka na!" sigaw ng dalaga sa biktima.

"AHHHHH!" napasigaw ng malakas ang biktima ng biglang ihampas ng lalaki ang malaking flower vase sa dalagang pulis.

Naramdaman ng dalaga ang hapdi at umuugong na sakit nito sa ulo. Samantala, hindi pa nagpa-awat ang lalaki at kinuwelyuhan pa ang dalagang pulis.

"Hay nako. Masyado nang marami ang naililibing ko, dumagdag ka pa." bulong ng kidnapper sa dalaga.

Pinilit na inabot ng lalaki ang baril ng Officer at akmang ipuputok na nito sa dalaga ng biglang bumukas ang pintuan na nagpatigil sa lahat.

Sunod-sunod na nagpaulan ng putok ng baril si Officer Castillo. Muling natamaan ang kidnapper sa tiyan dahilan upang mapahiga ito sa sahig.

Pinilit ng dalaga na imulat ang mga mata nito at tingnan ang isang lalaking naaninag ng kanyang mga mata.

Napangiti ito ng tuluyan nang naging malinaw ang itsura ng lalaki.

"Ilabas mo na siya." pagsasalita muli ng dalagang pulis dito.

Tumakbo ang binata sa nakahandusay na dalaga. "Tara na. Ilalabas ko na kayo rito."

"Hindi! Ilabas mo muna siya!" turan nang dalaga sa binata.

Sa kabila ng unti-unting pagkahilo ng dalaga ay nagpupumilit pa rin itong itinatayo ang kanyang katawan.

"Tara na." hinawakan na ng binata ang beywang ng dalaga para alalayan ito pero marahas na bumitaw ang dalaga.

"ANG SABI KO ILABAS MO NA SIYA!" pagtukoy ng dalaga sa biktima na mukhang nawawala na sa katinuan dahil sa pangyayari.

"Hindi kita iiwan---" hindi na pinatapos ng dalaga ang salita ng binata.

"Susunod ako." ang tanging sabi ng dalaga at pinagtulakan na papalabas ang binata kasama ang biktima.


"ILABAS MO NA SIYA!"


Nakuha nang makatayo ng dalaga ng biglang may pumigil sa paa nito. Sa gulat niya ay nahulog ang remote control sa sahig at mabilis na inagaw ng kidnapper sa dalaga. Pinilit ng dalaga ang sarili na makatakbo papalabas.


Sa pagbaba naman ng binata buhat-buhat ang biktima ay tuluyang nagpakawala ng ingay sa malakas na pagsabog sa ikatlong palapag ng gusali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro