Chapter 33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Then and Now


THIRD PERSON


9:00 PM

Lumalalim na ang gabi pero ang ingay sa kapaligiran ay palakas lamang ng palakas. Kasalukuyan ng napapalibutan ng mga pulis, bumbero, ambulansya, ang sumabog na gusali. Wala pa ring humpay na umaalingawngaw sa paligid ang ingay ng siren.

Dahan-dahan namang inilalabas papalabas sa gusali ang dalagang pulis na nagtamo ng maraming sugat. Bukot sa nagdudugo nitong ulo sa paghampas ng kidnapper sa kanya ay napuno rin ng mga galos at hindi makuhang magalaw ng dalaga ang kanyang kaliwang braso sa kadahilanang nahulog sa kanya ang malaking piraso ng nasirang bato ng gusali. Laking pasalamat na lamang ay nagawang makalayo ng dalaga bago pa sumabog ang bomba sa lugar. Samantalang ang kidnapper ay natagpuang wala ng buhay.

"Aerin! Aerin! Stay awake okay?!" kinakabahang sabi ng binatang pulis--- Officer Young habang pinagmamasdan nito ang dalagang nababalot ng dugo sa kanyang katawan. Mahigpit niyang hinahawakan ang palad ng dalaga papasakay sa ambulansya.

"K-kamusta ang biktima?" tanong ng dalaga.

"She's fine! Don't worry about her! Worry about yourself!" nainis ang binata sa inakto ng dalaga. Imbes na ang sarili nito ang isipin, inalala pa niya ang iba.

"Sir. Idadala na ho namin siya sa hospital." sumingit ang isang nurse sa kanilang usapan. Bumitaw ang magkahawak na kamay ng dalawang pulis. Ngumiti na lamang ang dalaga sa binata habang unti-unting nagsasara ang pintuan ng ambulansya.

Napahinga ng malalim ang binatang pulis at lumingon sa gusali. Sa nangyaring pagsabog ay nakuhang  masira ang ikatlong palapag ng gusali kung na saan pinangyarihan ng aksidente. Lakas pasalamat na lamang ay nagawa pang makatalon ng dalaga papalayo sa lugar ng bomba, pero kung sumabag ito malapit sa dalaga paniguradong delikado ang kalagayan nito.

Samantala, hindi pa rin tumitigil ang mga bumbero sa pagpatay sa umuusok na may kakaunti pang nasusunog sa ibang parte ng gusali.

Napalingon ang binatang pulis sa binatang tahimik na tinatanaw rin ang gusali. Napansin nito ang maliliit na galos at hiwa sa katawan ng binata.

Nakapamulsa itong humakbang papalapit sa binatang pulis --- Officer Castillo. Iniabot nito ang maliit na band aid sa kanya.

"Salamat." sambit ni Officer Castillo sa binata.

"Thank you for saving, Aerin." biglang wika ni Officer Young.

Pareho nang nakatingala ang dalawa sa kalangitan.

"... but I will not give her up on you." dagdag pa ni Officer Young.

Humarap sa kanya si Officer Castillo at binigyan niya lamang ito ng isang ngiti, tinapik nito ang braso ng binata at tahimik na lumisan na sa lugar.


AERIN


"Anak, kainin mo na ito at 'wag kang papagutom." I heard my mom's talking to me. Nakita kong inihahapag nito ang mga pagkain sa kalapit kong table.

I continue watching on the news.

"Are you really proud now? You're all over the news." aniya.

In off ko ang tv at humarap sa kanya.
"Proud? No." sabi ko at nagsimula ng kumain.

"Susunduin ka mamaya ni Timothy and what's the name of the other one?" nalilitong sabi nito.

"It's Bree, Ma." I answered.

Another day passed and I'm still here stuck in the hospital, but gladly I recoverd fast. It took me a week to stay in this boring place. I can do nothing but to watch television all day! And hilariously, I didn't know I was being aired in the news. Well ang pinakatatago kong lihim sa iba nalantad na. Wala ka nga talagang maitatago dahil lalabas at lalabas ang lahat.

Maingat akong tumayo para abutin ang nakacharge kong phone. "Hey! Hey! I said don't move! Ang hirap mo naman kausap, Aerin!" sinita ako ni Mama at agad na naupo muli sa kama.

"Ma. I can walk, hindi naman napuruhan ang paa ko... Look, it's my right arm that's injured, not my legs." I reasoned out sabay na itinuro ang right arm kong nababalutan ng puting tela. Well, my arm is still aching from the big brick fall on me, but I can handle it on my own, my mom is just overanxious.

It's been 6 days since my mom arrived here from Pampanga. All those days I'm with her in this room, and what I expected from a mom? She always scold me. -_-

"Huwag mong kalimutan i-take lahat ng medicine mo, call me when you have some urgent problem." ang sabi pa ni Mama habang inaayos na ang mga gamit niya. It's time for her to get back on Pampanga today and as for me? Well it's a hell out of discharged day! FINALLY!

Ito na ang araw para tuluyan na akong makalaya dito sa building!

Masyado nang nagagalak sa akin ang pangyayari at palagi ko na lamang napapasyalan ang lugar na ito. It gives me goosebumps actually.

Bumukas ang pintuan and I saw Timothy. Nagmano muna ito kay Mama at pumunta sa pwesto ko,

"Hindi pa ako patay." komento ko sa mga bulaklak na dala nito.

He smirked. "Don't worry isang truck ipapadala ko kapag nakahimlay ka na. HAHAHA" tumawa ito ng malakas. Kinuha ko naman ang unan at inihampas ito sa kanya.

Natahimik ito. "Okay! Sorry! HAHAHAHA." he surrender as if he was defeated by me. "Those pink flowers are from Bolokboc." turo niya sa isang basket na bulaklak.

Speaking of Bolokboc, 'di na ako binibisita ng manok na yun ah!

"... and those yellow flowers are from Fernando." he added.

I heard from Timothy na abala si Fernando at Theo ngayon dahil sa nangyaring insidente, while Timothy and Officer Castillo are the ones who's in charged of the victim. Nalaman kong na discharged na ito sa hospital and luckily, hindi naman ito gaano nagtamo ng kalakihang mga sugat, karamihan ay mga pasa sa katawan nito.

Tumango ako at muling bumalik sa pagkakahiga. Napansin kong kinuha ni Timothy ang isang bucket ng chicken joy at kinain ito sa harapan ko.

Sinipa ko ang braso niya. "Hanggang kailan talaga e no! Ubusin mo na 'yan!" sita ko sa kanya at tinawanan lang ako.

Pumasok ang isang nurse bit-bit ang isang wheelchair.

"Thank you!" nagpasalamat si Mama dito at inayos na ang binigay ng nurse.

"Anak, magbihis ka na at aalis na tayo... nandoon na ang papa mo." sabi ni Mama.

Tumango na lamang ako at walang ganang pumasok ako sa wash room.

Napahilamos ako sa mukha at tumingin sa salamin. Namamangha kong hinawakan ang mukha ko... wow is this really me? I mean how is this possible na naging ganito bigla ang takbo ng buhay ko?

I shrugged.

Wake up, Aerin. This is reality.

Change is a part of you.

I carefully lean on Timothy's arm as I sat down on the wheelchair. Ready na ang lahat at kasalukuyan na kaming papalabas sa kwarto. Hindi na ako nagprotesta pa sa gusto ni Mama na gumamit ng wheelchair dahil hindi naman ito magtatagal at aalis din ako dito. Uuwi rin naman si Mama mamaya, hindi na niya malalaman pa kung inalis ku man ito at hindi na gamitin. WAHAHAHA

Timothy was walking behind me pushing my wheelchair. We stopped at the nurse desk at naghintay kay Mama na nagbayad ng hospital bills ko.

"Susmaryosep! Ang laki ng bill mo, yung mga sweldo mo ibigay mo sa'kin ngayon ha!" paglabas ni Mama ay agad akong sinermunan.

Natawa ako. "Ma, sweldo ko nga 'di ko mapagkasya-kasya! Marami ka pa ngang pera sa'kin. HAHAHAH" biro ko kay Mama.

I heard Timothy's laughing behind my back. "Tita, you don't know your daughter but actually she has a lot of debts on us."

Aba! Laglagan ah!

Nagpatuloy na kami sa paglabas. 15 minutes ang ginugol namin sa pagsakay sa kotse. Pahirapan dahil ayaw ni Mamang umalis ako sa wheelchair. Ending? Binuhat ako ni Timothy kasama ang isang guard dito sa hospital. Ayun! Wala akong nagawa kun'di ang tanggapin ang mga walang kwentang reklamo ni Timothy.

Bago pa umalis ang kotse ay dumungaw ako sa binata saka kumaway kay Kace na nakatayo ngayon sa balcony ng ikalawang palapag ng building.

"BYE!!!"




Paghakbang pa lang namin sa ground floor ng Headquarters ay bumulaga sa amin ang biglaang pa surprise ng mga ka pulisya ko. May pa-baloons at banner pa silang nalalaman ah!

"Maligayang pagbabalik, Officer Valdez!" Theo greeted me and gave me a piece of red rose, hindi ako nakakibo ng mabilis nitong kinuha ang dalawang kamay ko at saglit na isinayaw sa gitna na tulak-tulak naman ni Bok ang wheelchair.

Natatawa kaming tumigil. "Baliw talaga kayo!"

"Aerin!!!" lumingon ako sa matinis na boses ni Bree. Biglaan itong tumalon sa harapan ko, at akmang papabuhat na ito ng pinigilan siya ng mga braso ni Timothy. Ngumuso si Timothy kay Bree sa bandage ng kamay ko.

"AHHHH! OMG. Did you know na gustong-gusto kong maging ganito? Paralisa walang magawa. HAHAHAH" napaatras ako ng kaunti sa sinabi ni Bree. Nasasaniban na ba ang babaitang ito? Sinong tao ang gustong ng ganitong kalagayan ha.

"Welcome back." nakangiting sabi naman ni Fernando. Lumuhod ito sa harapan ko. "Napapadalas ka na sa hospital ha. Hinay-hinay." pagbibiro niya.

Masayang binati pa ako ng ibang mga kasamahan ko sa Headquarters. Matapos ang ilang minuto ay hindi ko na mabalanse ang sandamakmak na bulaklak at regalo nila sa akin.

Pakiramdam ko nga ay masaya pa silang nadala ako sa hospital, kung makapag effort jusko galanteng galante!

I smirked. Mukhang mapapadalas ako sa hospital! HAHAHA CHAROT LANG.

"Asan na nga iyan, dalhin ko na muna sa kotse ko." nagkusa na si Timothy at kinuha ang mga dala dala ko, naiwan kami ni Mama sa taas. We were going to Dad who's waiting in the conference room.

Tatlong beses na kumatok si Mama saka niya binuksan ang pintuan. Nadatnan namin itong tahimik na nagbabasa.

"Papa." itinulak ulit ni Mama ang wheelchair at tumungo kami kay Dad, humalik si Mama sa pisngi ni Dad. Tahimik naman akong sumunod dito at saka na nagmano sa kanya.

Inalalayan ako ni Mama at umupo kaming dalawa sa harapan nito.

"I'm glad na gumaling ka na." panimula ni Papa.

"Thank yo---"

"So, sa susunod baka kabaong na kita makikita?" he then continue.

"Papa!" sumingit si Mama sa usapan.

"What? I'm just stating the possibilities. You know your daughter more than me... Look, she acts as if she has a lot of lives to live." wika ni Papa.

"I'm just doing my job dad."

"Yes, doing your job as a TEAM! Not just on your own!" he shouted. "Pasalamat na lang tayo at nahanap ka kaagad ni Officer Castillo, kung hindi baka pinaglalamayan ka na ngayon!"

"Papa!" napatayo sa galit si Mama. Pinigilan nito ang sarili niyang mga palad para sampalin si Dad.

"Please. I'm sorry if I acted that way." I said. Lumingon silang dalawa sa akin. "I just only need your trust, in that way... I can do anything on my job... Dad." I heard my own voice cracking, controlling my tears.

"I know it's dangerous. I was scared too. Honestly, I thought I'll be gone dead, but thinking of that person in danger and those people who are trusting me... It gives me hope." naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Mama. Pinahid ko ang mukha ko at maayos na tumingin kay Papa.

"Dad... Let me live by myself. Let me be free from your life." I said. He looked at me with a confused face.

"Don't meddle on my own marriage, Dad."

And now he gets it.

Biglaan lang na pumasok sa isipan ko iyon kaya hindi ko na papalagpasin pa ngayo'y kausap ko na siya.

"That's not the case. Colonel and I  thought you and Timothy like each other. Isn't it?" he said.

"No! He's my bestfriend dad. That's ridiculous!"

"What wrong with that? He's been on your side for almost 5 years! Don't you have any feelings to him? He's a good man, Aerin." dagdag pa ni dad.

I nodded. "Yes, Timothy is a good man.  But we're just really friends. Ask him, he'll answer what I had just said to you right now." saad ko. "So please... Dad for a daughter. Do me this favor, I know your doing this for joining the powers of the both of you... I mean Mr. Young."

"... And now your lecturing me. I know what I'm doing. I know what is good for you." pagpatuloy ni Papa.

I was trying, I was trying to control my temper to him, I was worried na makita ni Mama ang ganitong usapan namin at nag-alala ako na pati sa araw na ito, mauuwi na naman ito sa away, pero hindi ko talaga kaya.

"DAD! DON'T PLEASE." napasigaw ako, nagulat si Mama sa inasal ko. And again you did it again and again.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at tumayo na, umalis na ako sa nakakairitang wheelchair.

I was about to open the doorknob when dad shouted. "Diyan ka magaling! Walking out again ang again and again! You ask me to free you? Why don't you free yourself from yourself first! Para naman matauhan ka na!"

Tumakbo na ako papalabas. Hindi na ako lumingon sa mga taong kumakausap sa akin.

I saw Timothy and Bree walking towards to me.

"Oh! Nasaan si tita?" pagtatanong ni Bree.

"Upstairs." tipid kong sagot.

"Where's Lieutenant Ta---" hindi ko na pinatapos si Timothy at hinatak na silang dalawa papalabas.  "Let's go home."




"Ma'am! Tikman mo po nitong chocolate ang sarap!"

"Hoy! Manok! Kay Aerin yan wag mong kakainin!"

"Pare! Huwag na matigas ulo, maiinis lang sa'yo ang loveydabs ko."

"EWWWW. KADIRI KA."

Tahimik lang ako habang bumabiyahe na papauwi sa condo.  Hindi ko na kinikibuan ang mga kasama ko. Hindi lang dalawa kun'di lima ang mga kasama ko ngayon sa kotse, nakisabit na naman kasi ang dalawa na si Theo at Bok, at syempre hahatakin rin nila itong si Fernando.

Pagdating namin sa building ay agad na akong bumaba, hindi ko na sila hinintay, na ibinababa ngayon ang mga pagkaing pinamili nina Theo. Wala na ako sa mood at kailangan ko na talagang magpahinga, papabayaan ko na lamang sila sa kung anong gustong gawin nila sa condo.

Humabol sila sa papasarang elevator.

"Nakita niyo iyon?! Galing 'diba? Nabuksan ulit. HAHAHAH" rinig kong sabi ni Bok.

"Gago. O eto? Alam mo bang pindutin ang mga 'to? HAHAHA" boses naman ni Theo ang naririnig ko.

Jusko. Sa kanilang dalawa pa lang ay nakukuha nang masira ang eardrums ko, papaano pa kaya kung magsasama sila nina Clint at Johann? AHHHHH! MAKUKUHA KO NANG MABALIW NON.

Pagbukas ng elevator ay dire-diretso na akong naglakad. I looked at Bree who pulled my right arm suddenly.

"Ah... Aerin. May sasabihin sana ako sa'yo..." she said. Stuttering.

"What is it?"

"Iyong mga... Ano kasi e. Nan---" hindi natuloy ang sasabihin ni Bree ng umakbay na naman sa kanya si Theo.

"Naku, Aerin. Huwag mo nang pansinin ito, tara na at pumasok na tayo." masiglang wika ni Theo.

Pagpindot ko ng passcode ko sa pintuan ay inunahan na ako papasok nina Bok. Nagtataka naman ako ng mapansin kong tumigil sila at nakatuon ang tingin sa sala.

"Oh. Napano kayo? May multo ba kayong nak---"

No one moved. I didn't moved. We we're all surprise--- No! I was the one that surprise the most! What the hell is going on here.

"Aerin..." Cindy said as she walk towards to me.

Pinatigil ko ito sa paglapit at tumingin dito kay Bree.

I smell something fishy. Kaya ba niya ako pinipigilan kanina dahil ito ang gusto niyang sabihin?

"I'm sorry, hindi ko agad na sabi. They told me they we're your friends so I insist na maghintay na lang sila dito dahil uuwi ka na rin naman ngayon." Bree explained.

Tumango ako.

Binalik ko ang tingin sa kanila. I saw them again; Deon, Clint, Johann, Cindy, Apple and even Adriel ay nandirito rin.

WOW.

What is this kind of a scene?

THEN AND NOW FRIENDS? HAHAHAHAHAHA

Napahilamos ako ng mukha saka tumingin sa kanila. "If you are all here to question me about my work, please... I'm not in a mood." saad ko at humakbang na papasok sa kwarto.

"Are you still mad to us?" I heard Cindy's voice.

Tumingin ako sa kanya. "Why would I be mad? Dapat nga kayo ang magalit sa akin. 'Diba?"

"Kaya ba nilihim mo sa amin ito dahil hindi mo na kami kayang pagkatiwalaan... dahil lamang sa nangyari kay Ellies?!" Cindy shouted.

"Please. Don't you even talk about her like that, she's my friend." mariing sabi ko.

Tumalikod na ulit ako ng muli itong nagsalita.

"At ano ba kami sa iyo? Kaibigan mo rin kami, Aerin! Kaibigan rin namin si Elles! Pero ikaw mismo naglalagay ng linya sa ating lahat! Sinisisi mo pa rin kami sa nangyari sa pinakamamahal mong kaibiga--"

"Oo! Sinisisi ko kayong lahat! Sinisisi ko ang sarili ko! Kung simula pa lang ay nakinig na ako sa kanya, hindi na nangyari iyon! Hindi na siya nawala! Hindi na siya namatay!" I shouted, angrily.

PAK!

I was surprised by the sudden slapped landed on my face. I looked at Cindy na hindi na maawat ang sarili nito sa pagluha.

"Ikaw na lang ang hindi nakakausad, Aerin. Pakawalan mo na ang sarili mo sa nakaraan." biglang sabi ni Apple.

I was quiet. I turned my gaze to the people who were here. Their eyes speak only one thing. Pity.

They pity me.

I immediately run outside. I don't want them to see me crying.

Huminto ako sa pagtakbo at napasandal na lamang sa railings ng hagdan sa exit door. Walang tigil kong pinahid ang mga luhang pumapatak sa aking mukha.

Hindi ko sinasadya, I didn't want that to happened. Hindi ko gustong makita ang kaibigan kong nasasaktan, hindi ko rin ginusto ang mga binitawan kong salita! But they provoke me.


"Sorry."


Nahinto ako sa pag-iyak ng makarinig ako ng boses. Lumingon ako sa lalaking nakahood na balot na balot ang katawan.

Kinuha nito ang nahulog na phone sa harapan ko. Saglit na sumagi ang mga mata nito sa'king paningin.

Natigilan ako.

"Sandali!" bago pa ito makalayo ay pinigilan ko na ang lalaki.

Bahagya nitong iniharap ang katawan at mukha nito sa'kin. Naghihintay sa sasabihin ko.

"An----"

Napayuko ako at dinukot ang phone kong nag-riring.

Timothy's calling...

In end ko ang call, muli kong inagat ang ulo ko pero ang lalaking kaninang nasa harapan ko ay naglaho na.

Patakbo akong lumabas at pumunta sa parking lot.

Nagtataka akong napaisip.


He looks familiar.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro