Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Her Identity


PRESENT

AERIN


"Alam mo. Punong-puno na talaga ako sa pesteng boss kong 'yon! Tambakan pa naman ako ng napakaraming in e-edit! Tatlong araw lang palugid niya para tapusin ko lahat 'to?! Naku naku! Kapag ako hindi nakapag-pigil sasabihin ko talaga kay ma'am na isang sirena ang pinaka-mamahal niyang anak!" Bree said without stopping.

Inis na inis na rin nitong inaayos ang katambak na mga papeles sa sahig --- malamang sa malamang mga manuscripts na naman ang mga 'yon.

I took the remaining coffee in my cup and sat down on the floor near her. "Ayan ka na naman. Sumbong sumbong ka diyan pero kapag nginitian ka na ng boss mong bakla tumitiklop ka na! Aysus! Bree wag ako! Kay manong guard ka na lang maglabas nang sama ng loob mo!" I said and I could not laugh at it.

"At sino naman nag-sabing tumitiklop ako ha?! As if naman naga-gwapuhan ako dun!" pagtanggi ni Bree.

"Oops. I did not say anything." sabi ko at mabilis na inilagan ang librong itatapon niya sa'kin.

"Napaka supportive mo namang kaibigan Aerin! Damang-dama ko!" sigaw nito habang naka-kunot ang noo nito.

I stood up and reached the folder at the top of the cabinet. "Oo! Napaka-ganda mong supporter. HAHAHA!" and she again throws me a book.

Umiling na lang ako dito at umupo malapit sa bintana ng condo na tinutuluyan naming dalawa ni Bree.

"By the way, kamusta naman doon sa Pampanga? Wala kapang naik-kwento sa'kin kung anong ganap don." tanong nito ng hindi inaalis ang atensyon sa laptop na abala sa pagta-type. Pansin ko rin ang pagbaba ng makapal na salamin nito sa mukha niya.

"When did you last check your eyes up?"

"Last month pa ata? Hindi ako sure. Bakit mo natanong?" Bree said.

"Why don't you just use contact lenses."

"Ayoko. Hindi ako sanay." diretsong sagot nito at hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa laptop.

Napailing ako. "Kaya hindi ka maporma-pormahan nitong si Theo e!" turan ko at naagaw ko ang tingin nito.

"Mygoodness Aerin! Naririnig mo ba sinasabi mo? Like duhhhh. Wala sa list ko ang magkaroon ng relasyon sa tulad niyang pulis!" aniya.

"O bakit ba? Ang gwapo kaya ni Theo! Mabait, masipag, magalang, matalino at higit sa lahat masarap magluto!" pagpuri ko dito habang siya naman ay walang ginawa kun'di ang takpan ang teinga nito.

Matapos akong magsalita ay tinaasan ako nito ng kilay. "You know what? Kaya ayoko pumatol sa mga pulis dahil problema lang ibibigay niyan! Liligawan ka, magiging kayo, papakasalan ka, magkakaanak kayo tapos bigla may emergency at kailangan siya sa trabaho, maghihintay ka sa pag uwi niya tapos nabalitaan mo na lang pala namatay na siya. O anong mangyayari pagkatapos? Maiiwan sayo mga anak niyo at sayo na lahat ng pasanin sa mundo! Jusko hindi ko pinangarap 'yon Aerin." sunod-sunod na sabi nito with matching galaw-galaw pa nang palad nito na parang dinedemostrate nito ang bawat pangyayari.

Pinigilan kong matawa dito at binigyan siya ng slow clap na lalong ikina-inis nito.

Ihahagis na niya sana ulit ang libro nito nang mabilis akong makatakbo papalabas ng condo. Bago ko tuluyang isara ang pinto at narinig ko pa ang pag-aalburuto nito. Haha!

Hay naku Bree.

Inayos ko na lang ang damit ko at napagdesisyonan na munang magpahangin sa labas. I need air and Bree needs air too. She might just be more annoyed because of me. HAHA!

Naglakad ako patungo sa elevator at kaagad na pin-ress ang ground floor.

Napatingin ako sa relo ko at mag a-alas diyes na pala ng gabi.

"Excuse me miss." the guy said as he entered inside the elevator. He stood behind me and I can feel his presence that this weird guy is staring at me.

Hindi ko naman itong matingnan ng maayos dahil naka face mask ito.

Hinayaan ko na lang siya at mabilis na lang akong naglakad ng iluwa na kami ng elevator.

I immediately embraced my body as I felt the cold air outside.
Naninibago pa rin ako dahil tatlong buwan pa lang kami dito sa Quezon City ni Bree. Na-tiyempo kasing pareho kaming nilipat ng mga boss namin sa trabaho kaya nakapag decide kaming ibenta na iyong condo unit namin sa Pasay at maghanap ng bago dito.

Napabuntong hininga ako at dinama ang malakas na hangin sa paligid. Malalim na ang gabi pero masigla pa rin ang kulay dito sa lugar dahil sa mga pa keme nilang colorful lights nila sa daan, may mga bukas pang establishment pero kakaunti na lamang ang mga tao at sasakyan na dumaraan.

"O Aerin! Bakit gising ka pa! Nakung bata ka. Matulog kana't magpahinga." rinig kong panenermon sa'kin ni Nanay Pressie habang naglilinis ito sa stall nilang burger machine sa gilid ng condominium tinutuluyan namin.

I went near at Nanay Pressie. "Mainit ulo ng kasama ko nay."

"Ikaw talagang bata ka. Pinainit mo na naman ang ulo no'n."

"Nagkakabiruan lang po kami e." natatawa kong sabi. "Ang aga niyo po atang magsasara ngayon nay?" dugtong na tanong ko.

"Oo. May sakit kasi Cardo kaya aalalayan ko na muna siya sa bahay." sagot ni nanay.

Inagaw ko ang buhat-buhat nitong mga patties at inilagay sa fridge. "Umuwi na kayo nay, ako na lang po magsasara dito."

"Ay naku 'wag na apo. Kaya ko naman at mabilis naman 'to. Bumalik ka na sa taas at matulog." aniya habang pinupunasan ang kanyang mukha.

Nasa edad 56 na si Nanay Pressie kaya hindi ko mapigilan ang mag-alala dito lalo na't wala silang tigil na magtrabaho ng kanyang asawa na si Mang Cardo. Wala naman silang anak dahil hindi sila binayayaan ng may kapal, pero pinili pa rin nilang magbanat ng buto dahil tumutulong sila sa mga bata sa Orphanage malapit dito. Sa tatlong buwan kong pamamalagi dito ay kaagad na naging komportable ang pakikitungo ko sa kanila dahil sa alaga na binibigay nila sa amin ni Bree. Madalas kasi kaming pagluto ni Nanay Pressie dahil wala sa amin ni Bree ang magaling sa kusina. HAHA!

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

Bree texted me.

Hoy! Yung boyfriend mo nagwawala na naman dito!

Oh shoot!

What is he doing here?!

"O? Anong problema apo?" tanong ni Nay Pressie. Nahalata siguro nito ang pag-iiba kong ekspresyon sa mukha.

"Ito kasing si Timothy lasing na naman. Wala na namang magawa sa buhay at nanggugulo na naman sa taas."

"Puntahan muna apo baka may problema naman ang batang 'yan."

"Salamat nay ah." sabi ko at isang ngiti ang isinagot nito.

Bago ako umalis ay binuhat ko na muna lahat ng mga gamit ni Nay Pressie sa loob, kailangan na niya lamang i-lock ito at umuwi na.

After I said goodbye to Nay Pressie. I immediately run towards inside the building. Nang makarating ako sa sixth floor ay kaagad akong nagtungo sa room namin.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa'kin ang hinayupak na si Timothy. He turned to look at me and hurriedly hugged me.

"Baby naman! Kanina pa kita hinihintay! Saan ka ba nanggaling!" He said while pouting his lips.

Tss. Stupid jerk.

Inilayo ko siya sa pagkakayakap. "Oy Tim! Ano na naman bang pumasok sa kokote mo't naglasing ka na naman!" bulyaw ko dito at sinenyasan ko si Bree na tulungan ako sa pag-alalay sa kanya papunta sa sala namin dito.

Pero bago pa namin siya maiangat ay marahas nitong inalis ang kamay namin sa kanya at nagbaby face pouting siya sa harapan ko?!

Putek!

"Baby kase e. Are you still mad at me? I've stopped you naman for making a scene in that freaking party e! Babyyyyyy!"

At kailan pa ito naging conyo?!

Takang tumingin sa akin si Bree na para bang naghihintay nang isasagot ko.

Umiling na lang ako para wala nang mapag-usapan pa.

"You're drunk Timoth---" he cut my words.

"Babyyyyyyy!!! I'm sorryyyy!!!" and again. Nag-hysterical naman siya ngayon dito sa floor.

"Grabeng kalasingan 'yan ah." rinig kong sabi ni Bree habang nakapameywang sa tabi ko.

"Ewan ko ba diyan. Nagpapaka baliw na naman." sabi ko na lang. Ayoko nang maalala 'yon kaya ilock na ang bibig at tapon susi na.

Nagulat kami ng bigla na naman itong tumayo at humarap sa amin. "Look. It's not my fault na gumawa kang gulo doon okay? Like duhhh! That man your talking about? Tss! I'm more attracted than him! E hindi nga siya kumibo nong nagsisigaw ka---"

Boom!

"Why did you punched him?!" gulat na tanong ni Bree.

For him to be quite. Ang daldal niya!




Kinabukasan.

As I entered the building. I suddenly ask myself. 'Anong nangyayari' Napansin ko kasing nagkakagulo ang Team nina Chief Perez at sigaw sila ng sigaw.

Umupo ako sa tabi ni Fernando --- officemate ko na nakaupo sa isang desk dito sa ground floor. Pansin ko ring abala ito sa paghahalungkat ng mga articles sa computer. Umagang-umaga ay mukhang may problema na naman. Bakit hindi nila simulan sa mala shining brightly sun ang umaga nila? Naku naku. Kaya ang aagang nagkaka-wrinkles ang mga kuya kong 'to!

"May hostage taking na nagaganap." napantig ang teinga ko sa sinabi ni Fernando at mabilis na nakiusyoso sa kanya.

"Ke uma-umaga may gulo na naman? Saan?"

"Diyan sa 5th ave. Balara Street. Ilang minuto ang layo sa'tin." aniya habang diretso pa rin nakatingin sa screen ng computer.

"Sino siya?" tanong ko ng makita ko ang mukha ng isang matandang lalaking nasa edad 45. Tinubuan na ito ng mahabang balbas at mukhang napabayaan na nito ang sarili dahil sa kapayatan nito.

"Si Mr. V--"

"SPO Fernando! Kailangan ka namin dito!" tawag ni Sir. Antonio Perez isa sa Chief Inspector dito sa Headquarters.

Kaagad na tumayo itong katabi kong si Fernando at nagmadaling pumunta sa pwesto nina Chief Perez. Samantalang kinuha ko naman ang pwesto niya at binasang maigi ang article na nasa sceen.

Samuel Vera father of deceased Jane Vera sued the Sacred Joseph Hospital for her daughter malfunction death issue.

Shit.

Kaagad akong tumayo at mabilis na kinuha ang susi ng kotse kay Fernando. Habang nagd-drive ako ay tinawagan ko si Theo para makahanap pa ng impormasyon.

"Aerin! Mabuti't tumawag ka. Sabihin mo kay Chief kailangan pa ng isang team dito!" sabi nito at dinig na dinig ko naman ang mga hiyawan ng mga tao sa kabilang linya.

"Nasaan ba kayo ngayon?"

"Nasa ground floor ako, yung iba naman nagkalat na sa building. Pinagtutulungan na naming ilabas ang mga tao dito." Theo answered.

"Si Mr. Vera? Nasaang floor sila?"

"Sa third floor. Hawak niya ngayon sa leeg ang dalagang anak ni Dr. David na si Jackie. Marami-rami ang nandoon kaya inu-una muna namin silang pababain." anito.

"Sige papunta na ako."

I ended the call and I quickly drive the car. Ilang minuto akong nagdrive at bumaba na sa sasakyan dahil traffic na dito at magulo na ang paligid.

Nang makita ko sa paningin si Theo ay kaagad ko siyang nilapitan. "Theo. Kamusta na kalagayan?"

"Marami pa mga tao sa taas. Hindi pa clear ang area. Pumasok ka na rin sa loob Aerin." aniya at tumango naman ako dito.

Inayos ko na ang sintas ng sapatos ko at mahigpit nang hinawakan ang baril ko.

Kahit sobra bilis ko nang kumilos at tumakbo ay nababangga pa rin ako ng mga bata't matatandang nag-uunahan sa paglabas ng building. I can't blame them. Nakakatakot ang ganitong sitwasyon. Para kang tumatakbo palayo kay kamatayan.

Nagsisigaw ang lahat ng umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril na nagmula sa itaas.

Pinihit ko kaagad ang doorknob ng pinto sa third floor exit gate pero mahigpit itong nakalock. Wala na akong choice.

Nagpakawala ako ng isang pitok ng baril diretso sa direksyon ng pintuan.

Nang mabuksan ko ito ay mabilis kong iginala ang paningin ko kay Mr. Vera pero hindi ko sila mahanap ng maayos dahil nagkakagulo ang mga tao ngayon dito at nag uunahan sa paglabas.

"Miss pwede mo ba akong tulungan?" 

Napatingin ako kay Ale na buntis, hindi na ito magkumahog sa pag-iyak habang tinatanaw nito ang batang nasa di kalayuan sa amin.

"Miss. Pumasok ka na sa elevator ako na kukuha sa bata." sabi ko at pinasamahan siya sa mga taong nasa loob ng elevator.

Akmang kukunin ko na ang bata ng biglang binuhat na nito ang isang lalaking naka-cap at mabilis na pumasok sa elevator. Sumunod ako sa kanila at ako na mismo ang pumindot sa ground floor.

Nanginig ang buong katawan ko ng may putok ng baril ang dumaan sa kinatatayuan ko. Napaangat ang ulo ko.

Shit.

Bago tuluyang magsara ang elevator ay napako ang tingin ko sa lalaking na sa harapan ko ngayon.

"Adriel/Aerin"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro