Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Ms. Vera's Case


AERIN


"Yumuko ka at ibaba mo ang baril mo."

I slowly turned my head to the voice coming from behind me. Maingat kong kinukuha sa belt ang baril ko para ibaba ito sa sahig.

"Itaas mo ang kamay mo at lumayo ka riyan!" He again shouted and I quickly follow what he says. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at napahinga na lang ako dahil wala ng tao, secured na ang area dito.

"Dapat ay hindi ka na nakielam dito miss. Hinayaan mo na lang sana ako!" Mr. Vera shouted.

"Pero hindi mo kailangan gawin 'to." I said.

"Hindi?! Sino ka para sabihin sa akin 'yan? Isa ka lang pulis! Isang aso ng mga sakim at ganid na mayayaman! Ano? Pinaakyat ka ba nila dito para patahimikin ako?! Puwes hindi ako papayag na ako lang ang madadamay! Mamamatay tayong dalawa dito kasama itong pesteng anak ng doktor na 'yon!" humigpit ang braso nito sa pagkakahawak sa leeg ng bata, inilapit niya rin ng mabuti ang baril na nasa kaliwang gawi ng ulo nito. Wala na rin tigil sa paghagulgol sa iyak ang dalaga na hawak nito dahil sa takot.

"Ang anak mong si Jane. Isa siyang guro hindi ba? Paano niya naabot ang pangarap niya? Sino ang mga taong gumabay sa kanya? Sino ang mga naging tagapag-payo niya sa buhay?" tuloy-tuloy na tanong ko sa kanya.

Natigilan ito.

"Kaming dalawa lang ni Jane sa buhay, ginawa ko ang lahat para matustusan siya sa pag-aaral niya, nagkalakal ako sa daan, namalimos, nagbuhat ng mabibigat na bakal para lang kumita ng pera kada araw, pero ni minsan hindi ako kumapit sa patalim. Sabay naming tinupad ang pangarap niya na maging guro... Pero sa isang iglap, nawala na lahat ng pinag-hirapan ko at ang anak ko!"

I stepped three times closer to where Mr. Vera standing. Palayo kasi sila ng palayo at na sa dulo na sila ng building.

"Mahal na mahal ko ang anak ko, siya na lang ang meron ako sa buhay pero namatay pa siya!" He still stays and hold the girl but he can't deny the fact that he's hurting already, lalo niya lang pinapahirapan ang sarili niya. Hindi na rin naman niya ito maitago sa mga luhang bumabagsak sa kanyang mukha.

Sa bawat salitang binibitawan nito ngayon, ramdam ko ang poot, galit at sama ng loob nito. Pero sino nga bang magulang ang gustong mamatay ang kanilang anak?

The world where your life is your family.

"Sa tingin mo ba masaya si Jane na nakikita kang nagkakaganyan? Ang dating inspirasyon niya ay tuluyan nang naging miserable ang buhay. Ikaw na mismo ang nagsabing hindi ka kumapit sa patalim kahit hirap na hirap ka na, pero anong ginagawa mo ngayon? Isang bagong pagsubok mo sa buhay bumibigay ka na! Alam ko at alam mo dahil kilala mo ang anak mo. Hindi gugustuhin ni Jane n---"

"Tumigil ka na! Umalis ka na dito habang may oras pa!" muli itong sumigaw.

"Isa kang ama na walang ibang inisip kun'di ang kanyang anak, kaya kailan may hindi ka makakalimutan ng iyong anak... isa kang dakilang ama para sa kanya."

I was swallowed up in fear and I could feel that the tension around was changed. Lalong bumibigat, ni wala na akong maramdamang hangin sa paligid.

I just closed my eyes as soon as I heard the next gun shot to where I was standing.


THIRD PERSON


"Ano nang nangyayari?!" tanong ng pulis--- Chief Perez na mukhang frustrated na dahil mag-iisang oras nang nasa loob ng building ang pulis na si Aerin, Mr. Vera at ang dalagang hostage nitong si Jackie

"Kapag wala pang improvement ang nangyari after 5 minutes. Papasukin na natin sila." pag-aanunsyo ng Chief sa mga kasamahan nitong mga pulis. Na naka stand by sa harapan ng building.

"I have trust in Aerin, Sir." sumingit bigla ang binatang pulis na si SPO Fernando. Sinabayan ang inis at iritableng chief na nasa harapan nito. Mabilis naman sinikuan ang pulis na katabi nitong si SPO Theodore. "Pare 'wag ka nang makielam."

"Sorry for that, but I have no trust on her." diretsong sagot naman ng Chief na ikinabigla ng dalawang binatang si Fernado't Theodore pati na mga kapwa pulis nito.

Gumuhit ang isang pagngisi ng labi sa binatang si Fernando dahil sa ka isip isipan nitong hindi niya masisisi ang Chief dahil nagiging malaking banta ang dalagang pulis sa mga galaw nito. Takot na malamangan at ayaw magpahuli. Hindi naman din nila masisisi ang taglay na potensyal ng dalaga pagdating sa trabaho nito.

Umayos sa pagkakaupo ang mga nag-aabang pulis ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril mula dito sa loob ng building. Limang putok ng baril ang umalingawngaw at ang nasabing Chief ay nagbigay ng senyales upang pumasok na sa gusali.

Dalawang team ang naririto ngayon, at sa bawat team ay mayroong limang miyembro, na may kabuuang labing isang miyembro na kasalukuyang umaakyat na sa loob kasama na ang Chief.

Alas diyes pa lang ng umaga ngunit sobrang tirik na nang sinag ng araw kaya tagaktak na sa pawis ang mga pulis. Sinarado na ang daang sinasakupan ng gulo kaya't maaliwalas at malaya nakakagalaw sa area ang mga nakaabang na pulis. Subalit sa nagaganap na hostage taking ay sumasabay naman dito ang mga media na hindi magkamayaw sa pagkuha ng impormasyon.

"Be ready!" muling pagsigaw ng Chief habang sabay-sabay nilang pinasok ang gusali, pinalibutan nila ngayon ang dalawang daan. Ang isang team ay pumuwesto sa exit gate samantalang ang ibang team naman na kasama ang chief ay tumayo at nag abang sa elevator.

Ilang minuto ang hinintay ng mga pulis ng unti-unting bumukas na ang elevator--- Nakita nila ang nakaposas na si Mr. Vera habang ang dalagang pulis ay abala sa pagbuhat sa dalaga.

"Medic medic!" pagsigaw ng binatang pulis---Officer Fernando na mabilis na inalalayan ang dalagang pulis.

AERIN


Tumanggi ako sa tulong ni Fernando at nagpatuloy na lamang sa paglakad palabas.

"Huwag ka munang magmatigas ngayon." Fernando whispered as he get closer to me.

"It's just a scratch." sabi ko at kinuha ang bimpong nakapatong sa balikat nito.

Pero walang pasintabi ay hinigit nito ang braso kong may daplis ng bala at kaagad na binigyan ng gamot at tela para mapigilan ang pag dugo.

We sat on the side of the building. Far form our colleagues who's busy with their things.

Napasandal ako sa pader habang pinagmamasdan ang mga taong nasa harapan ko ngayon. Ilang mga pulis ay abalang inaasikaso si Mr. Vera at ang kampo naman ni Chief ay inaalalayan ang dalagang si Jackie. Sa labas naman nang building ay naroroon ang mga nagkukumpulang reporters at camera man na pilit isini-siksik ang sarili makakuha lang ng mga larawan.

Fortunately, they could not enter inside because they closed the front door of the building, and over ten bodyguards blocking them.

"Ouch!" daing ko at mapatingin dito kay Fernando na pinisil ang sugat ko.

"Sorry. Haha!" aniya.

"Anong nakakatawa? Masakit na nga e."

"Hinahayaan mo kasing masaktan." Fernando suddenly said.

Nakatikim ito ng batok sa'kin. "Alam mo. Puru ka hugot diyan wala ka naman girlfriend!"

"Excuse me? Sinong nagsabing wala ako ha?" mayabang na sabi nito at kunwaring inayos-ayos ang kanyang buhok.

Inilingan ko na lang ito at tumayo na. Kagad naman itong sumunod sa akin.

"I am going home. You take charge to cover me, okay." sabi ko dito at sinang ayunan naman ako.

Dadaan sana ako sa main door ng maalala kong kumpulan ang mga taong nandoon sa labas at baka hilahin din ako at paulanin din ng napakaraming tanong. Kaya naman nagtungo na lang ako sa likod.

Ihahakbang ko pa lang ang mga paa ko ng maramdaman ko ang malamig na kamay na nakahawak sa paa ko.

Lumingon ako dito at nakita ko si Mr. Vera na nakaluhod.

"Tutulungan mo naman ako hindi ba." aniya.

I saw the sudden shock of my colleagues and some media reporters who's already inside...

... without stopping their camera flash at our location.






"Paabot naman ng bacon diyan sa tabi mo Aerin."

"Oh. Ayan, ubusin mo na lahat. Maimpatiyo ka sana!" singhal ko dito kay Timothy pero nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Wala ka bang bahay? Wala ka na bang pera at dito ka na naman nagbubulabog ha." rinig kong sabi ni Bree dito kay Timothy na abala ngayong nakatingin sa laptop.

"Oo! Pansin ko rin na madalas kang makikain dito! Jusko mamumulubi ata kami sa'yo sa pagkain." I said and continued fixing on myself.

"Mga binibini. Maging mabait kayo at ibahagi ang iyong mga pagpapala." biglang sabi nito habang pikit ang mga mata nito na animo'y nagdarasal ng maintim.

Sabay naming hinagisan ni Bree ng kung anong gamit dito.

"Kumain ka na nga lang diyan!"

I've finished fixing myself and look in the mirror. I'm wearing black pegged pants style with white crop top t shirt, and a pair of black sandals. Naka-bun style din ang buhok ko.

Hindi naman ako ganito mag-ayos. Casual jeans and shirt lang okay na ako, pero dahil importante ang araw na ito. Gusto kong maging presentable man lang sa paningin niya. Atleast masasabi niyang nag-improve ako.

Asa ka pa Aerin.

Muli akong napasinghap dahil sa kaba.

"Anong oras daw kayo magkikita?" biglang tanong ni Tim habang diretsong ng nakatingin sa'kin ngayon.

"Mamayang 6pm daw."

"O ba't hindi ka pa umaalis? Quarter to 6 na. Saan ba kayo magkikita?" he asked.

"Diyan lang sa Quad Mart." sagot ko sabay kuha ng wallet ko. "Mauna na ako." paalam ko sa kanila.

Pipihitin ko pa lang ang doorknob ng pinto ng biglang maramdaman ko ang kamay nito at iniharap ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" bakas sa tono nitong si Timothy ang pag-aalala.

Tinapik ko ito at ngumiti sa kanya. "Ako pa."

Nang makapag-paalam na ako sa kanila ay dumeretso kaagad ako sa labas at sumakay na sa taxi. Hindi ko magamit ang kotse ko ngayon dahil sa kadahilanang ginawang sports car ng hinayupak na Theo na 'yon ang sasakyan ko.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa Quad Mart po manong." sagot ko at ibinaling ang tingin sa daan.

It's been two days when the hostage taking incident happened. Everything was silent and no one ever tried to approach me, well maybe because some higher officials already make a move and has raise some money to keep everyone shut their mouth at. Pinalabas na lang nila na nagpasabog sila ng isang pampatulog na bomba kay Mr. Vera at sama sama namin siyang inaresto. Hindi na rin naman ako umangal dahil ginusto ko rin naman to.

And as all you know pinag-take rin ako ng 2 days leave ni Chief Perez. Papaupahin na muna ang issue saka na ako bumalik sa trabaho which is bukas na ang balik.

A bitter smile draws on my lips.

You really are fool, Aerin.

Didn't learn at all.

Alam ko naman kung bakit gusto niyang makipagkita sa'kin ngayon Nakarating na siguro sa kanya ang balita kaya gusto niya akong maka usap.

Anong akala mo Aerin. Gusto ka niyang makita? Ang gaga mo talaga.

"Nandito na po tayo ma'am." sabi ni manong. Kaagad akong nagbayad dito at naglakad na papasok sa mall. Mabilis akong dinala ng mga paa ko sa cafe na sinabi nito.

"Aerin!"

I immediately turned around when I heard familiar voice.

Nang marinig ko ang boses nito ay kaagad akong napalingon dito.

Muntikan ko nang hindi maihakbang ang mga paa ko papunta sa kinaroronam nito.

Bakit nandito siya?

"It's good to see you Aerin." bati ni dad.

I sit in front of them and I noticed the three drinks on our table. "Oh. I already order a drinks for us." dad said.

"Siya nga pala. I want you to meet Adriel... Engr. Adriel Castillo. Isa siya ang maghahandle sa project ninyo dito sa Quezon City." pakilala nito sa lalaking katabi niya.

We both looked at each other. I just answered a nod and looked back at dad again.

So, he really did finish Engineer.

"What do you want us to talk dad?" diretsahang tanong ko dito. Hindi na ako magpapaligoy pa dahil ramdam kong hindi naman maganda ang pag uusapan namin.

"Look, I have a meeting to attend tonight so I'm in a hurry. I just inserted this schedule for us to talk." sagot niya.

I smirked.

As what I expected.

"I already saw the video about you. And I concluded na baka totohanin mo nga ang mga binitawan mong salita... all I wanted to ask is just drop the case of Mr. vera and let the court to decide on what will happen to him." dad said.

"What?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro