Chapter 37

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The Man: The Whistle


AERIN


Nagising ako dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng tiyan ko. Inilibot ko ang aking paningin at mabilis na napabangon saka hinawakan ang kumakalam kung tiyan.

Napahawak ako sa ulo at ramdam ko rin ang pagkahilo. Aish! Napasobra na naman ba ako ng alak?

"Oh. Gising ka na pala, baba ka na doon." nanlaki ang mata ko ng makita kong topless itong si Fernando na kakalabas lang ata galing ligo.

"Bakit dito ka pa naliligo?! Lumayas ka nga dito Fernando!" tinapunan ko ito ng unan at natatawa naman itong umilag-ilag.

"Ako pa pinapaalis mo? Eh ikaw nga itong nangapit-bahay! Sa labas tuloy kami nakatulog ni Adriel!" pagrereklamo nito.

"ANOOOO?!!!" gulat kong sabi saka ko nalang napansin na hindi ito ang room namin ni Bree. Yung mga gamit pa lang nila ay ibang-iba na sa'min.

"AHHHHHHHHHHH!" nagulantang ako ng mapansin ko na tanging bra lang ang suot-suot ko. Dinampot ko ang damit kong nasa sahig at mabilis na isinuot ito.

"Hoy Fernando! Sino nakak-kita sa'kin dito? 'Bat di niyo ko nilabas!" I asked. Stuttering.

"Nadatnan ka ni Adriel dito nakahiga, 'di ka na niya pinaalis." aniya saka na naglakad papalabas habang pinupunasan ang basang buhok nito.

Tumayo ako sa harapan ng malaking salamin. Napatakip ako ng bibig ng muli kong naalala ang ginawa ko kagabi. "OH MY GOD!!!" Inalis ko ang damit ko, tapos humiga pa ako sa kama. Nakita kaya niya----

"AHHHHHHHHHHH!!!!" Shit! Shit! Shit! Walang hiya ka Aerin! Takaw takaw mo kasi sa alak!

I calmed myself down.

I sighed. Nagugutom na talaga ako. Bahala na si batman! Naglakad na ako pababa at balak na pumunta na muna sa kusina ng madatnan ko ang iba na abalang nanonood sa sala.

"Oh! Good afternoon, Prinsesa!" bati ni Johann sa'kin.

Inis ko itong inirapan at tumingala, "Shit! 3 PM na?!" Ito na ata ang pinakamahabang tulog ko sa tanang buhay ko.

"Oo! Sarap tulog ah!" sabi naman ni Apple na nakasandal sa dibdib ni Clint.

"Hoy! Talo ka na sa ml!" pinagpipindot ko ang phone ni Deon na seryosong naglalaro. Nainis ito at pinagtutulak ako papalayo. 'Di man lang nagsalita!

Some are in the living room and it looks like others are walking around outside again.

I went to the kitchen and looked for something to eat, mag-isa lang akong nandito kaya sinulit ko na ang paglantak sa lechon at sisig na nasa mesa. Sarap!

"SHIT! Pmmh! Ouch!" agad akong napatayo ng maramdaman ko ang biglang pagka-ismid ko sa kanin. Umubo-ubo ako sa kitchen sink at kinapa sa gilid ang tubig.

"Here." when I heard someone who offered me something to drink. I immediately took and drank it. Muli akong napaubo ng malakas at tuluyan ng naalis ang kanin na mukhang na-stuck sa lalamunan ko. Putcha ang hapdi!

"Salamat." sabi ko at liningunan ito, napaatras at napahawak sa lalabo sa gulat ng si Adriel pala ang tao.

"Oh? Para kang nakakita ng multo diyan." aniya at umupo rin sa mesa at sinabayan sa pagkain.

"Ahh... 'Di 'no!" sagot ko at umupo rin sa mesa.

Pinagpatuloy ko na ang pag-ubos ng pagkain, saglit kong sinusulyapan ang nasa harap ko. Tahimik lang itong sumusubo sa pagkain.

Umiwas agad ako ng tingin ng mapansin kong inangat na ni Adriel ang ulo niya. SHIT! TIGIL TIGILAN MO NANG TUMITIG SA KANYA!

"Hehehehe." ang na sabi ko na lang at nilagok na ang tubig.

Mukhang may sasabihin ito pa sa'kin kaya naman mabilis na akong kumaripas ng takbo papalabas.

Hinihingal akong napahawak sa dibdib ko. "Leche! Bakit ang init!" reklamo ko.

"Naiinitan ka? Wala ngang araw e. Ang hangin pa... Ang sabihin mo, you just enjoyed eating with him?" dumaan sa likuran ko si Natasha at dire-diretsong naglakad papunta kina Timothy.

Ito talagang babaeng ito! Nakakasira ng mood!

Pasalamat siya wala akong dalang baril dito, baka di ako makapagpigil!

Para maalis ang inis ko sa bruhang iyon ay naglakad ako papunta sa mga upuan na nakasilong sa malaking beach umbrella na nakapwesto malapit sa dagat.

Pinapanood ko lang sina Bok, Theo, at Cindy na mukhang naghaharutan sa tubig. HAHAHHA

"Hoy Theo! May Bree ka na! Tigilan mo na si Cindy!" I shouted at them.

"Alam ko, 'di ko pagpapalit loveydabs ko!" pasigaw naman na sagot ni Theo.

Speaking of Bree. 'Di ko pa 'yon nakikita ah! Oh! Pati na si Nico! Naku! Naku! Saan napadpad ang mga 'yon!

I crossed my legs at ipipikit na sana ang aking mga mata ng biglang maaninag ko ang papalabas na si Adriel.

"Adriel!" at iyon na nga bruha, napaka-alerto naman ng mga mata nito kay Adriel! Infairness pwedeng pwede na siyang maging living human CCTV.

"Can you scrub my back with this oil? 'Di ko kasi abot."

What the--- "Jusko? Wala ba siyang kamay at 'di niya maabot?"

Malamang! Ikaw ba abot mo ang likod mo?

Oo! Maraming paraan para mapahiran ko ng oil ang likod ko! Duhhh!

I shrugged. Jusko nawawalan na ako sa katinuan, nakukuha ko nang kausapin ang sarili ko.

"PSH! ANO PA KASING BIKINI BIKINI KA DIYAN. DI KA NAMAN PALA MARUNONG MAGPAHID NG OIL." mag-isa kong komento sa kanya.

"Your just blinded by jealousy." napalingon ako sa nagsalita. Gulat kong pinisil-pisil ang mukha niya.

Totoo ba 'to? "Your talking, Deon."

"Marunong ako magsalita, anong ginawa mo sa'kin pipe?" aniya.

"Hindi naman! Hindi lang talaga kita naririnig na ibuka bibig mo, puro ka kasi laro riyan sa phone mo." ang sabi ko naman.

Hindi ito kumibo at sinandal nito ang ulo niya sa upuan.

"I like someone."

Automatic na napa-nganga ang bibig ko sa biglaang sinambit ni Deon.

"TOTOO?!"

"Can you please lower your voice?" aniya.

Agad akong sumiping sa kanyang upuan. "Who? Come tell me, I'll help you with her!"

Naiirita niyang inalis ang nakapalupot kong braso sa kanya. Jusko excited ako! For the first time! Ngayon ko lang ito nakausap tapos mag-oopen pa siya! AHHHHH!

"He love someone else." sabi niya pero gumuhit pa rin ang pekeng pagngiti nito.

"Di nga? Sino ba siya? Do I know her? Kaibigan ba natin siya?"

Umiling ito. " You don't need to know, I had no intention of telling her. She's too powerful... Hindi ko siya maaabot." napa-nganga ako sa winika niya. Inlove ba siya?

OMG! ITO NA ANG PINAKAMAHABANG SINABI SALITA NGAYON NI DEON!

"Eh ano ngayon! Ang importante totoo ka sa nararamdaman mo." saad ko sa kanya.

"Aerin, do you still believed in love? After so many ungrateful things happened to you?" seryoso niyang pagtatanong sa'kin. "I'm sorry, I didn---,"

I cut Deon's words.

"Oo. I still believe in love itself." ang sabi ko at nakangiting tumingin sa dagat. "... But first, I'm going to believe in myself." I added.

Nginitian ako ni Deon saka bahagyang tumawa. "That's what I like about you. Ang lakas-lakas ng spirit mo." aniya.

"Ikaw, do you believed in love?" I asked him at mabilis naman itong umiling.

"Oh! Pero sinabi mo sa'kin may gusto ka!"

"Yes, but it's not love... It's just like." buwelta pa niya.

"Ganon din naman ang patutunguhan 'non!" depensa ko.

"No, 'cause I don't want to believe in love... it's makes you crazy and devoted on someone forever." he said.

Pakiramdam ko ang biglang nag-iba ang mood dito. Sinundan ko ang mga mata nito at shit. Si Cindy?! "I don't really give a damn about love." ang huling wika nito at nakapamulsang naglakad na pabalik sa loob.

"TEKA DEON! MAY SASABIHIN PA AKO!" sigaw ko pero tinaasan na niya lamang ako ng kamay.

Nilingunan ko si Cindy na masayang nagbababad sa tubig. Hindi pwede!

Hindi pwede! Dahil maling-mali at masisira ang buhay ni Deon! HAHAHA


"Aerin!!!"


Napalingon ako ng marinig ko ang biglang pagtawag sa'kin nina Bree at Nico. I saw them running back to our place.

"Oh. Saan kayo nanggaling?" tanong ko.

Hinihingal silang napatigil. Imbes na sagutin ako nito ay sumigaw ito sa mga ibang kasama namin ng, "Guys! Tara sa bahay muna! May sasabihin kami!" at hinila na ako papasok sa bahay.

Dinala ako ni Bree sa sala, ang iba naman ang nagsimula na ring magpasukan at bumaba sa kwarto nila. "Anong sasabihin mo?" pagtatanong ni Fernando.

Kinuha ni Nico ang upuan at umupo naman si Bree dito. "Ganito kasi 'yon, diba aware naman kayo na mayroong pa-gubat effect itong island? So, gumawa kami ng games ni Nico at gagawin ang larong iyon, doon!" paliwanag niya habang hindi niya mapigilan mapa-indak.

"Mamayang 4 sabay-sabay tayong pupunta doon kaya mag ready na kayo! Gawin natin memorable ang last day natin! Ahhhh! Exciting 'diba!" muling wika ni Bree.

Tiningnan ko naman ang mga kasama ko, tanging si Bree, Nico at Bok lang ang mukhang excited dito. HAHAHAH

"Ano naman laro iyon?" tanong naman ni Johann.

Itinaas ni Bree ang tatlong telang may kulay red, blue at yellow. "Nakikita niyo ba'to? Syempre may mata naman kayo--- este ang mechanics; by pair at dapat pagbalik sa finish line nakuha ninyo ang tatlong tela. Huwag kayong mag-alala di naman mahirap, talasan niyo lang ang mga mata ninyo!" patuloy ni Bree.

"... At! Ang unang makakabalik ay may premyo!" pabitin ni Nico.

"WOAH! WOOOOHHH!"

Na-excite naman ang iba ng marinig ang prizes.

"Dahil may restaurant ako, magkakaroon ng unli eat and drinks doon! Ano? Game?" Nico said.

"Teka sandali!" pagsingit ni Timothy

They all looked at Tim and waited for what he was going to say.

"Gagabihin ba tayo?" Timothy asked.

"Hindi! Mabilis lang 'yon! 5 o clock tapos na! Promise!" tugon ni Bree.

Napatango-tango si Timothy.

"Game?!"

"GAME!"




I check the time. It's already 3:30. Tiningnan ko ang mga kasama kong abala na sa pagligo at pag-aayos. Itong si Apple todong makapaglagay ng lotion sa legs dahil daw baka makati ang damo at ayaw niyang magka-rashes ito. Jusko. HAHAHA

Nang lumabas na si Cindy sa shower room ay kinuha ko na ang isusuot kong damit para mamaya, simple lang ang balak kong isuot; makapal na black pants, sneakers, at sweatshirts. Magiging lumpia na muna ako at babalutin ko na muna ang sarili ko. HAHAHA

Ilang minuto akong naligo at pagkatapos ko ay dumeretso na agad ako sa kwarto namin ni Bree.

"Oh. I'm sorry. Just borrowing some things from Bree." imbes na si Bree ang makita ko sa loob ay si bruhang Natasha pa ang nadatnan kong mukhang abala sa pag-aayos.

Maglalaro lang naman kami? Kailangan bang mag make up?

I just smiled at her and continued drying my hair in bed.

"Do you find me pretty?" I heard Natasha's voice.

Napalingon ako sa kanya. Tiningnan ko ito sa salaming kaharapan nito, and I saw her also looking at me.

Is she asking me?

Malamang! May kasama pa ba siyang iba dito?

"Oo, maganda ka." I answered.

"Then why Adriel doesn't give me his attention?" She suddenly asked.

Huh? Dapat ba akong sumagot sa kanya?

"I don't know... Maybe, try harder." shit! Anong sinabi ko?

Narinig ko ang pagtawa nito. "Paano mo ba siya nilandi noon?"

I raised my eyebrows. "Excuse me?"

"I'm asking you, paano mo napasagot si Castillo." she repeated as she blow dry her hair.

I laughed sarcastically. "HAHAHA Are joking? Hindi ko siya pinasagot, siya ang nanligaw sa'k---"

"Oh! I remember, hindi naman pala naging official... Hindi naman pala naging kayo." she continued.

Na saan si Bree! Tangina kailangan ko may pumigil sa'kin! Nangigigil na'ko sa bruhang ito!

"Oh well, baka natauhan at na realized that you're not worth it." she said. "This is my chance para ma solo ko sa Adriel at sabihin sa kanya ang feelings ko... Ano kayang magiging reaksyon niya? I have a feeling that he will also like me back." sabi pa niya.

Napatayo na ako dito at inihakbang papalapit ang mga paa ko sa kanya--- at kinuha ang polbo sa table.

"Ang kati 'no? Kailangan ko ng powder para malabanan ang kati."

"What did you just said?" she demanded.

Nagpipigil ako ng tawa ng makita ko ang facial expression niya, mukha itong natatae na ewan. HAHAHA

"Nakikita mo ba sarili mo. Your too immature." komento ko sabay na nag-crossed arms sa kanya.

Tumayo na ito, diretso ang tingin sa'kin na mukhang pinapatay na ako sa isip niya. "Huwag mo'kong hamunin, Officer Valdez." she warned.

Ngayon ko lang napansin ang suot suot nitong white dress. In fairness, balingkinitan ang katawan, may shape! Hindi rin nag-pahuli ang namumula nitong labi. Sa suot nitong white dress akala mo kung sino ang anghel na bumagsak sa langit pero hindi e! Naaamoy ko pa rin ang nakakasulasok nitong amoy.

I smirked. "Kung desperada ka talaga kay Adriel. Go! Gawin mo lahat para mapa-sa'yo siya! I actually really don't care... Pero ito lang ang sasabihin ko. Huwag mo'kong pagbantaan. Huwag ako, Natasha." ang sabi ko at tumuloy na sa paglabas. Muli itong nagsalita na nagpatigil sa'kin sa pagbukas ng pintuan. "If you really doesn't care anymore... Don't be in my way, Aerin."

Dumating ang oras ng pagsisimula ng laro. Kasalukuyan na kaming nasa harapan ng mapuno at magdadamong halaman--- hindi ko naman masasabing gubat ito dahil hindi naman siya totally na disaster na nakakatakot. Environmental friendly pa nga ang atmosphere dito e! Mukhang hindi napapabayaan.

If your wondering about this forest thingy. You know it's a private island, and there is some part of this island na may mga puno-puno pang nakatayo--- I think they really planned it this way para naman may malibutan din ang ibang visitors dito. It really looks cool actually, pwedeng pwede mag-camping dito.

Hindi ko lang alam kung gaano kalawak ito at kahaba. Tinignan ko ang oras 4:30 na. Hindi kaya kami maabutan ng gabi dito?

"Okay! Siguraduhin niyong kasama ang partner! Huwag magpapatagal ha! Yung prizes!" pag-aanunsyo nitong si Bree. Talagang pinanindigan na nilang dalawa ni Nico ang host sa palarong ito! HAHAHA

"Pst! Ayusin natin ha." nakangiting turan sa'kin ni Timothy, ngumiti na lamang din ako sa kanya at saglit na sinulyapan ang bruhang mahigpit na nakakapit ngayon kay Adriel.

She rolled her eyes on me when she noticed that I was looking at them

PSH!

"Pare! Galingan natin!" rinig kong sabi ni Bok kay Theo. Excited na excited!

Tiningnan ko ang bawat partner ng mga kasama ko, walang bunutan na nangyari basta raw 'go with your prefer partner' at ang ending. Agad na tumabi sa'kin si Timothy.

Ang iba pang partners ay sina:
Apple x Cindy | Deon x Fernando | Clint x Johann |Bok x Theo |Natasha x Adriel | Ako at si Timothy


"Ready... Get set... Go!!!"


Nagkanya-kanya na kami ng lakad. Pinangunahan ni Timothy ang paglakad namin, hindi na kami nag-iba ng daan at dumeretso na ang direksyon namin kanina.

Kung kanina ay nasisilayan ko pa ang kalangitan, ngayong nasa loob na kami ay naging madilim na ng kaunti at halos nagtitingkarang puno na ang makikita.

"Oh! Ayun Aerin!" biglang turo ni Timothy sa taas ng puno, "Shit! Kunin mo na!" sigaw ko naman sa kanya.

He hurried up to the tree and reached for the blue cloth.

"1 POINT!" pagsigaw ni Timothy.

"OMG! May isa na agad tayo!" medyo na excite ako bigla.

"Let's go! Maghanap pa tayo!" sigaw ni Timothy.

Pinagpatuloy namin ang paglakad. Dahil 'diko dala ang phone ko, ang ginamit namin na flash ay ang phone ni Timothy na hawak-hawak nito ngayon, medyo madilim na kasi sa pwesto namin, hindi na nga namin alam kung na saan kami. Kahit na kasama ko ang may-ari wala rin itong kaalam-alam! HAYS

"Look Aerin!" napatingin ako sa tinuturo ni Timothy na malaking bato.

Napatalon ako sa tuwa ng makakita na naman kami ng pulang tela!

"ANG GALING NATIN! ISA NA LANG! AHHH!"

Masayang nakipag-apir ang kasama ko at nagpatuloy sa paglakad.

"Uhmmm. Aerin, you ask for the gift, right?" Timothy suddenly asked.

I nodded. "Oo, sabi mo bibigyan mo'ko." pag-iinarte ko. Umaarte lang ako ha. Titingnan ko lang kung bibigyan niya nga ako, di naman ako nag-eexpect eh. Sa rami nang binigay sa'kin ng mokong na'to, 'di ko na magawang tanggapin ang iba. Hindi naman akong abusadong kaibigan. HAHAHAHA

"I'll give it to you later." naramdaman ko ang biglang pagseryoso nito.

"Talaga lang ha!"

A few minutes went by and we couldn't find the rest of the cloth we were looking for.

"Paheram nga ng phone mo, Tim." sabi ko at ibinigay naman niya ito.

Tumigil na muna ako at naghanap ng mauupuang bato, tiningnan ko naman ang kasama kong mukhang balisa at hindi mapakali.

"Hoy, anyare sa'yo?" tanong ko kay Timothy.

Napatayo naman ako ng maaninag ko ang pamilyar na lalaking nakatayo di kalayuan sa'min, tiningnan ko ang babaeng kasama nito--- Masaya siya, hindi kaya, naging maganda ang binabalak ng babaeng 'to?

"Aerin..." binalik ko ang tingin kay Timothy, I stepped back as I noticed him kneeling in front of me.

"Hoy, ano ginagawa m---"

Natigil ako ng makita kong inilabas niya ang isang maliit na box at nakangiti nitong binuksan, bumungad sa'kin ang isang kumikinang na sing sing.

"I don't know why I am doing this right now, but my heart keep pushing me in you... I know, I'm just your bestfriend... But... I love you, Aerin." natulala ako at hindi ko maigalaw ang katawan sa sinabi nito.

"No way... Anong pinagsasabi mo diyan, T-ti-timothy!" sigaw ko dito na nakaluhod pa rin sa harapan ko.

"For 5 years. I'd stayed by your side and when I was with you, I honestly feel, it's only natural to stay by your side... And I want that too... I don't want anyone else, Aerin... I only want yo---"

Pareho kaming natigilan nag marinig namin ang isang malakas na pagpito.

"Aerin!" Timothy suddenly shouted.

Naramdaman ko ang paghina ng mga tuhod ko at malakas na bumagsak ang katawan ko sa lupa.

"Aerin! Are you okay?! AERIN!"

Napahawak ako sa magkabilang teinga ko, pa ulit-ulit kong naririnig ng tunog ng pito na'yon. Hindi ko na marinig pa ang mga lumalabas sa bibig ngayon ni Timothy.

"AHHHHHHH! TAMA NA! HINDI! HINDI!" wala sa sarili akong napasigaw ng malakas, naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Timothy habang pilit na pinapatahan ako.

"Shhh! Please calm down."

Nang marinig ko muli ang pagpito nito ay wala nang pagdadalawang-isip akong tumayo at hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog.

Tumakbo ako ng ubod ng bilis, hindi ko na inabala pang lumingon sa kasama ko, ayokong madamay pa siya rito.

Hinihingal akong tumigil habang hawak-hawak ang nanginginig kong tuhod, luminga-linga ako sa paligid, muli akong napakurap, nakukuha nang manlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang bumabagsak.


"NA SAAN KA? MAGPAKITA  KA SA'KIN!!!"


Hindi ko na alam, pakiramdam ko ay para sa'kin ang tunog na 'yon, pakiramdam ko ay may sumusunod sa'kin ngayon.

Ang pito ni kuya.


"MAGPAKITA KA SA'KIN!!!"


Na estatwa ako. Napatitig sa estrangherong tao ngayon na nasa harapan ko--- limang hakbang ang layo sa akin. Sinubukan kong humakbang papalapit sa kanya.

Pamilyar ang pangangatawan nito, hindi ako pwedeng nagkamali.


"SINO KA! IPAKITA MO MUKHA MO!"


Pagkasigaw ko dito ay mabilis itong tumakbo papalayo, gayon din naman ang ginawa ko.

Habang mabilis ang pagtakbo ko ay sinasabayan ko ang pag-ilaw sa daanan gamit ang telepono ni Timothy.

Bigla itong nadama sa isang malaking bato dahilan para bumagsak ito sa lupa, hindi ko na hinintay pang makatayo at pinaulanan na ito ng malalakas na sipa at suntok.

"IKAW 'YAN HINDI BA? IISANG TAO KA LANG 'DIBA? IKAW BA ANG PUMAPATAY?! SABIHIN MO!" sigaw ko dito at mabilis na ipinakupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Ipinaharap ko ito sa'kin at akmang aalisin ko na ang mask nito sa mukha ay narinig ko ang pagtawa niya.

"Officer Valdez... Hindi mo alam ang kalaban mo." wika nito.

"SINO ANG TINUTUKOY MO?! MAY ALAM KA BA HA! ANG TUNOG NG PITO! SA'YO BA NANGGALING 'YON! SABIHIN MO SA'KIN! MAY NAG-UUTOS BA SA'YO? SINO! SINO?!"


RING! RING! RING!

Sabay kaming napalingon ng lalaki sa nahulog kong telepono ni Timothy sa lupa... tiningnan ko ang pangalan ng tumatawag...

"Tahlia."

Unti-unti kong naramdaman ang pagpikit ng nga mata ko, nanghihina ang katawan ko sa hapdi.


Sa pagbagsak nang aking katawan ay tuluyan na ring naglaho ang estrangherong nasa harapan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro