Chapter 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The fall of a flower


FLASHBACK  2014

AERIN


Pagkadilat ng mga mata ko ay nagtataka kong napatingin sa puting kisame. Nakakunot-noo kong pinapakinggan ang ingay sa labas. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nahihirapan ako.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at tumambad si Manang Cora na may bitbit na almusal.

Pinilit kong umayos sa pagkaka-upo.

"Manang? Sa baba na lang---"

"Anak, dito ka na lang muna kumain ha." aniya.

"Manang, sa baba na lang po sabi ako kakain."

"Anak, di---"

"Tawagan mo ang anak mo, sabihin mo sa kanya uuwi na siya ngayon din!"

"NO! Adey is fine! Masyado kayong nag-aalala sa kanya! Kaya niya ang sarili niya, don't worry honey... He's doing good."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at napahawak sa railings ng hagdan habang tinatanaw sina Mama't Papa na nag-aaway na naman.

"Kapag hindi pa nakauwi ang anak mo ngayon, iiwan ka namin ng mga anak ko at kukunin ko rin si Adey sa'yo!"

"Then do it! Iwan niyo ako!"

"Oo! Talagang iiwan ka namin!"
muling sigaw ni Mama.

"Ama ka! Pero hindi mo ba napapansin ang anak mo? Hindi na maganda ang kalagayan niya 'don! Nakikita mo ang katawan at pagmumukha ng anak mo ha?! He's like dying! Hindi na siya naiingatan ng maayos doon!" saglit na tumigil si Mama, pinunasan ang mga luha nito sa mukha.

"Huwag mong hayaang mawala kami sa'yo..." sabi pa ni Mama.

Hinagkan ni Papa si Mama. "Oo, iuuwi ko na siya ngayon din. Please Honey, huwag ka nang mag-alala, asikasuhin mo si Aerin dito, ako na ang bahala kay Adey." dinig kong sambit ni Papa at nagmadali nang lumabas ng bahay.

Bumaba ako at niyakap ang umiiyak na si Mama, sumilip kami sa bintana at tinanaw ang papaalis na kotse ni Papa.

Mabilis na lumipas ang araw, at bawat paglipas ng araw lalong lumalala ang pag-aaway nina Mama at Papa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Wala rin akong ideya kung kailan matatapos ang hidwaan nilang mag-asawa.

"Mama, konting tiis na lang... Isang linggo na lang, Ma. Uuwi na si Kuya Adey."

Basta ang alam ko lang, gustong gusto na ni Mama na makauwi si Kuya Adey.

Well, ako rin naman gusto ko nang umuwi na si Kuya, pero wala naman akong magagawa dahil hindi pa tapos ang training nila, and besides 1 week na lang uuwi na siya, hindi ko lang talaga maintindihan si Mama ngayon, biglang nagbago ang ihip ng hangin at hinahanap na si Kuya.

Isang linggo na lang din ang hinihintay--- mangyayari na ang pinakahihintay naming lahat... Ang Graduation Ceremony.

"Ma." muli kong tawag sa kanya pero hindi ako kinibuan bagkus ay tahimik itong umakyat sa kwarto.

Walang gana akong dumeretso sa kwarto at nagbihis na. 8 AM na ng umaga, kailangan ko nang bilisan para sa unang period namin ngayon.

Paglabas ko sa bahay ay nakita kong naghihintay sa'kin si Manang, may bit-bit itong isang lunchbox.

"Anak, Aerin. Baunin mo ang pagkaing ito, baka magutom ka." aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po."

"Anak, huwag kang mag-alala. Matatapos din ang problema." hindi ko namalayan na isinakbit na nito ang isang pirasong bulaklak sa teinga ko.

"Ngumiti ka lang." mahinang pagbulong nito.

Isang pilit na ngiti na lamang ang gumuhit sa'king labi. Nagpaalam na ako sa kanya at tahimik na bumiyahe sakay ang kotse namin na minamaneho ng driver.

Pagkababa ko sa campus ay sinalubong ako nina Cindy at Apple.

"Aerin dali na! May test tayo ngayon!" bungad sa'kin ni Apple.

"Nag-review kami, alam mo ba 'yon!" sabi naman ni Cindy.

"Buong gabi ako nagreview! Feeling ko nga mapeperfect ko ang exam nating ngayon! KYAHHH!" proud na sabi ulit ni Apple.

Nginitian ko lamang sila at pinagpatuloy na namin ang paglakad.

We are in a good state of my friends. Matapos ang biglaang away namin ay ilang araw na lumipas ay nagkapatawaran na rin kami, and mukha namang sinunod nila ang mga panenermon ko sa kanila at nag-aaral na ng maayos ngayon.

Masyado na ring maraming gumugulo sa isip ko, at ayoko nang pati mga natitira kong kaibigan mawala.

Hindi ko lang talaga makuhang intindihin ang sarili at damdamin ko.

Pagdating namin sa room ay agad na kaming nagtake ng exam, dalawang oras ang lumipas nang matapos ko ang tatlong subjects namin ngayong araw.

"Aerin, congratulations. Your on the road now!" masayang bati sa'kin ni Sir habang pinapasa ko ang test papers ko sa harapan.

Bigla naman nagpalakpakan ang mga kaklase ko at rinig na rinig ko ang hiyawan nina Cindy at Apple.

"Thank you po." ang sabi ko na lamang at tahimik na bumalik sa upuan.

"Congratulations Sis! Galing mo talaga!" muling sigaw ni Cindy na nakaupo ngayon sa dulo ng room. Napansin ko rin ang pag-okay sign sa'kin ni Apple.

Ngumiti na lamang ako sa kanila at binalik ang tingin sa desk.

I took a deep sighed. I wanted to celebrate. I've become the highest honor of the batch. Nakuha ko ang pinaka-aasam ng mga tao sa paligid ko. Pero pakiramdam ko ay hindi ko makuhang maging masaya.

Gusto ko ulit maramdaman ang saya... Sayang walang halong lungkot at galit sa puso.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nagsilabasan na kami. Nagpaalam ako kina Cindy na hindi na muna sasabay sa kanila at dadaan na muna sa SC.

Pagbukas ko sa pintuan ay napatakip ako sa teinga ng marindi ako sa biglaang pag-sigaw sa loob.


"CONGRATULATIONS, AERIN!!!"


Hindi ko napigilang matawa ng biglang nag-play ang budots song at nag-sayawan ang mga ka kota ko sa Student Council na pinangunahan ng pinakamamahal kong kaibigan na si  Kace.

"HAHAHHAAHAHAHA Sige pa sayaw pa KACE!" sigaw ko at kinuha ang phone ko sabay na vini-deohan ang baliw kong kaibigan.

Inagaw nito ang phone ko at inayang sumabay sa pagsayaw nila.


"Go Aerin! Go Aerin!"


"Ayoko, di ako marunong sumayaw!" ang sabi ko sa kanila.

"Dali na! Last week na natin 'to, di pa kita nakitang gumiling!" pilit ni Kace.

"Oo nga President! Dali na once in a lifetime ka lang namin makikitang sumayaw! DALI DALI DALI!" pagpupumilit ng iba pang kasamahan ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanila at pinilit na kumendeng-kendeng sa sayaw.

Jusko. Pwede na akong mamatay.

"WOOOH! MY THE BEST DANCERS WIN!" malakas na sigaw ni Kace at sinabayan ako sa pagsayaw.

"Huwag mo'ko dikitan!! Nasasapawan ako e!" sita ko sa kanya at nagtawanan naman sila.

"Oh! Oh! Tabi tabi! Shot muna kay, President!" tumabi sa'kin si Jade at inabot ang isang basong may laman. Inamoy ko ito at shit.

"Ayoko. Alak to e! Bawal 'yan dito gaga!" sita ko sa kanya.

"Hindi 'yan! Ngayon lang naman. Isang shot lang." aniya.


"SHOT! SHOT! SHOT!"


Wala na akong nagawa at mabilisan itong nilagok. Inagaw ko ang coke na hawak ni Kace at sinabay itong ininom.

Leche. 'Bat ang pait ng alak?!


"WOOOHHHH! CONGRATULATIONS SA ATING LAHAT!"


Malakas akong sumigaw, sumunod rin na naghiyawan at nagtalunan ang mga kasama ko sa loob, naghahari ngayon ang saya nila sa nalalapit na ceremony namin.

"Masaya ako para sa inyo. Sana lahat ng natutunan natin sa high school life ay 'wag nating kalimutan." ang sabi ko.

Tumahimik naman sila at gumuhit ang mga ngiti nila sa labi.

Itinaas ko ang baso kong walang laman. HAHA! "Tahakin natin ang susunod nating buhay ng may puso at paninindigan! Huwag kayong susuko!"

Binigyan nila ako ng masigapong palakpakan. Matapos ang heart to heart talked namin ng bawat isa sa loob ay isa-isa na rin silang nag-paalam.

"Salamat, Aerin." wika ni Jade na mukhang aalis na rin. Nasa pintuan na kasi ito at hawak na nito ang doorknob.

Ngumiti ako. "Maraming salamat din." sabi ko at saka na ito nagpatuloy sa palaglabas. Naiwan na lang kami ni Kace dito sa room.

"Hindi ka pa ba aalis?" pagtatanong nito habang nililigpit ang mga iba pang kalat sa mesa.

Umiling ako. "Hindi pa, ikaw ba?"

"Maya-maya, hinihintay mo ba si Adriel?" tanong ni Kace.

"Huh?... Ahh... Oo."

Tumango-tango na lamang ito at tahimik na naglinis.

Tumungo naman ako sa table ko at sumalampak ng upo. Kinapa ko ang phone ko at muling chineck ang message nito, pero wala pa rin itong reply. Tanging seen lang ito sa'kin.

Busy ba siya? Eh kung busy siya. 'Bat hindi niya sinasabi sa'kin?

Dalawang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam, at dalawang araw ko na rin itong hindi nakikita. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa lalaking 'yon. Gustuhin ko man tanungin ang mga boys, ehh nag-aalinlangan ako. Madaldal itong si Johann at baka biglang issue na naman.

Muli akong nagtype ng text message.

Na saan ka? Kita tayo.

Sent!

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin itong reply, nakuha na ngang magpaalam sa'kin ni Kace at mag-isa ng umuwi.

Napahikab ako ng wala sa oras. Chineck ko ang time. 1 PM  na pala ng hapon, kumurap-kurap ang mga mata ko. Inaantok ako.

Napayuko na lamang ako sa table at hinayaan ang sarili kong makatulog ng mahimbing.


"Aerin... Aerin."

Naramdaman ko ang pagpitik nito sa'king noo. Inis kong minulat ang aking mga mata at kunot noo itong tinitigan.

"Kuya naman eh! Let me sleep okay?" ibabalik ko na sana ang sarili ko sa pagtulog ng makita ko itong nakangiti habang nagpipinta sa'king harapan.

"Hindi ba sinabi mo sa akin, ang lugar kung saan gusto mong manirahan?" dinig kong sabi niya.

Napatayo naman ako dito at linapitan ito. "Oo, sa Batanes kuya!" sigaw ko at dinukot ang phone sa bulsa. Si-swipe ko ang mga pictures sa gallery at ipinakita ito sa kanya. "Eto! Gusto ko dito sa lugar na 'to! Kapag maayos na ang buhay ko... gusto ko dito na ako manirahan." ang sabi ko habang may pa-effect pang tinataas ang mga kamag ko.

"Ikaw? Kasama si bayaw? HAHAHA" natatawang komento ni kuya.

"Pwede rin! Pero gusto ko... mag-isa."

Ginulo nito ang buhok ko. "Hindi masaya ang mag-isa."

"Eh?! Hindi rin! Alam kong magiging payapa ako dahil napapaligiran ako ng lupa, dagat, mga huni ng ibon at ang hampas ng malamig ng hangin sa'kin. At kayo, syempre bit-bit ko kayo dito." wika ko sabay na nakangiting itinuro ang dibdib ko.

Imbes na sagutin din ako nito ng seryoso ay pinagtawanan lamang niya ako.

Bwisit.

Hinampas ko na lang siya at muling bumalik sa pagtulog, ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang marinig ko ang malakas na pagtawag nito sa'kin.

"Kuya..."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko itong nababalutan ng dugo, mula ulo haggang sa paa. Nabaling rin ang pansin ko sa pinipinta niyang unti-unti nagiging dugo.

"Kuya!"

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko pero hindi ko magawa. May malakas na pwersang pumipigil sa'kin.

"KUYA!"

Tanging pagtangis na lamang ang nagagawa ko habang pinagmamasdan itong nilalamon ng dugo ang sarili nito.

"Aerin... Ngumiti ka."


"AHHHHHHHHH!"

Napadilat ako. Hinihingal at hinahabol ang sarili kong paghinga. Napahawak ako sa'king dibdib, sobra akong kinabahan.

"Panaginip lang 'yon, Aerin... Inhale... Exhale." ang sabi ko sa sarili ko at inabit ang tubig na malapit sa table ko.

Nang maramdaman ko ang pag-ayos ng paghinga ko ay napatingin na lamang ako sa oras.

"Shit. 4 PM na."

Chineck ko ang phone, nang makita ko ang isang message ay dali-dali ko itong binasa.

Napasimangot ako ng makita kong hindi galing kay Adriel... Kun'di kay Manang Cora na sinasabing nasa labas siya ng campus at sinusundo ako.

Ano bang nangyari sa lalaking 'yon.

Mukhang wala naman akong mapapala ngayon dito, minabuti ko na lamang na lumabas na.

"Ay. Umuulan?"

Pagbukas ko sa pintuan ay napatigil ako sa paghakbang palabas. Umuulan kasi.

Dinukot ko ang payong at saka na naglakad papalabas.

Napatigil ako sandali at tumingala sa madilim na kalangitan. Itinaas ko ang palad ko at dinama ang malamig na tubig bumabagsak sa lupa.

"Aerin, Anak."

Napalingon ako sa boses ni Manang Cora. Nakatayo ito malapit sa gate habang ngumingiti ito sa'kin.

Isang pekeng ngiti.

Humakbang na ako papalapit sa kanya, napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong pabigat na nang pabigat ang loob ko sa bawat hakbang na iginagawad ko sa lupa.

May mali.

"Aerin." nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis akong niyakap ng napakahigpit at hinawak-hawakan ang aking buhok.

"May problema ka ba, Manang?" tanong ko sa kanya.

Hindi na niya ako tinugunan at hinila na papasok sa kotse.

Tanong ako ng tanong habang nasa biyahe kami pero ni hindi nito mabuka ang bibig niya, naiinip kong itinukod ang braso ko sa bintana.

Hindi pa rin tumitigil ang pag-ulan.

Ang weird diba? Malapit na ang summer, uulan pa. Tss.

"Manang, iba ata ang daan natin." ang sabi ko ng mapansin kong lumiko sila at nag-iba ng daan.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang simbahan, "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko at alam ko namang hindi ako kikibuin ni Manang.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan at iniharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at imbes na ngiti ang hinihintay ko sa kanya... Ay luha ang bumagsak sa kanyang mga mata.

"Hinihintay ka na ng kuya mo, Anak." ang tanging sabi ni Manang Cora.

Tumingala ako sa simbahan at wala sa sarili kong inihakbang ang mga paa ko. Bawat pag-akyat ko sa hagdan ay siya namang paghihina ng aking tuhod. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko.

"Aerin, anak."

Hindi ko inabalang lingunan ang boses ni Mama bagkus ay pinilit kong basahin ang nakasulat sa harapan ng simbahan.


In Loving Memory of

Adey John Valdez


Sa pagpikit ko ay tuluyan ko nang nailabas ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak sa'king mukha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay dahan-dahan itong pinupunit-punit.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong humahakbang papasok sa loob ng simbahan. Kahit hindi ko na magawang ibalanse ng maayos ang aking pagtayo ay pinilit ko pa rin tumungo kung saan nakikita ko ang isang puting kabaong na nasa gitna at pinapalibutan ng sandamakmak na puting bulaklak.

Nang marating ko ang gitna ay napatitig ako sa lalaking mahimbing na natutulog.

"Kuya..."

Dumungaw ako sa kabaong at hinipo-hipo ang kanyang mukha. Napailing ako, "HINDI! HINDI TOTOO ITO! HINDI SIYA PATAY! GISINGIN NIYO NA AKO! AYOKO NA!"

Umalingawngaw ang malakas kong pagsigaw sa loob. Unti-unting bumibigat ang paghinga ko at bumibigat na rin ang sakit ng damdamin ko.

Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

Umiling ako at muling napapikit, kasabay ng muling pagpatak ng mga luha ko na labis na naghihinagpis.

"HINDI! AYOKO NA! GISINGIN NIYO NA AKO! AYOKO NANG MANAGINIP NG GANITO!"

"Aerin... Anak!"

Narinig ko ang pagsigaw ni Mama, mahigpit niya akong niyakap habang wala rin itong tigil sa pag-iyak.

Pinilit kong tumayo at hinawakan muli ang kabaong na nasa harapan ko.

"KUYA! KUYA! TUMAYO KA RIYAN! HINDI NA MAGANDANG BIRO ITO! KUYA!!!"

Napahagulgol na lamang ako habang yinakap-akap ito.

"HINDI PWEDE! HINDI KA PWEDENG MAMATAY, KUYA!... PLEASE PLEASE... HUWAG MO'KONG IWAN. KUYA PLEASE."

"Aerin... Anak, tama na."

Bumaling ako sa boses na narinig ko, kahit hinang-hina na ang katawan ko at nilapitan ko ito saka mabilis na kinuwelyuhan.

"PAPA! DIBA SABI MO IUUWI MO NA SI KUYA! IUUWI MO SIYA NG BUHAY! HINDI SA GANITO! PAPA NAMAN! ANONG GINAWA MO!" sigaw ko sa kanya pero nakayuko lamang ang ulo nito at hindi na rin maawat ang pag-iyak niya.

Pinahid ko ang luha sa'king mukha. "KASALANAN MO 'TONG LAHAT! KASALANAN MO ITO PAPA! K--KUNG HINDI MO PINILIT SI KUYA NA SUMUNOD SA'YO... WALA SIYA DITO SA KABAONG NA WALA NG BUHAY!" marahas ko itong hinila papalapit sa kabaong.

"NAKIKITA MO 'YAN? ANAK MO 'YAN! ANAK MO ANG NAMATAY! PAPA! SI KUYA ADEY YAN!... TINGNAN MO! PAGMASDAN MO SI KUYA!... HUMINGI KA NG TAWAD SA KANYA! HUMINGI KA NG TAWAD! PAPA! KASALANAN MO ITO! Kasalanan mo..." napatigil ako sa pagsuntok sa dibdib ni Papa at napadausdos na lamang sa katawan nito.

"Kuya... Huwag mo akong iwan."

Hindi ko na mapigil pa ang doble-dobleng sakit na nararamdaman ko. Una si Ellies, ngayon naman ang pinakamamahal kong kuya.

Umangat ang tingin ko sa itaas at tinitigan ang isang taong pinaniniwalaan nilang mabait sa lahat.

"NAPAKALUPIT MO! NAPAKALUPIT MO SA'KIN! BAKIT AKO PA! BAKIT SILA PA!!! NA SAAN ANG AWA MO! NA SAAN!"

Galit na galit ako, hindi ko na mapigilang kwestiyunin ito.

Napayuko na lamang ako sa sahig habang yakap-yakap nila at pilit na kinulong sa mga bisig nilang hindi na rin mapigil sa pagtangis.




ONE WEEK LATER

"May you rest in peace... Amen."

Sa huling salita na binanggit ni Father ay napatitig na lamang ako sa unti-unting pagbaba nila sa ilalim ng lupa ang kabaong kung saan tahimik nang nakahimlay si Kuya Adey.

Hindi ko na kaya pa ang umiyak, hindi na kaya ng sarili ko. Masyado na akong pagod.

"Aalis na po ako." paalam ko kay Manang pero pinigilan niya ako at mahigpit na niyakap. "Naniniwala ako, na sa lahat ng pighating nararanasan mo ngayon, malalagpasan mo ito." bulong niya.

Kumawala na ako sa yakap at tumalikod na sa mga tao, ayoko nang lumingon... ayoko na kuya.

Napahinga ako ng malalim at tumakbo na ng napakabilis. Gusto kong humabol ngayon sa ceremony namin, gusto ko silang makita. Gusto ko siyang makita.

Agad ko namang napapayag si Kuya Driver na ihatid ako sa school.

"Salamat po kuya!"

Paghakbang ko palang sa loob ng campus ay nakuha ko na agad ang atensyon nila.

Iisa lang naman ang sinasabi.

Kinakaawaan nila ako.

Napatitig naman ako sa mga hawak hawak nilang diploma at suot-suot nilang white gown. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit, lahat ng pagod ko dito sa eskwelahan tila bulang naglaho na lamang bigla.

"A-aerin." napalingon ako kay Cindy at Apple kasama ang mga boys pwera lang dito kay Adriel.

Napayakap ako sa kanila. "Congratulations sa inyo." nakangiti kong wika.

"H-hindi ba n-ngayon ang libing ni Kuya Adey? N-natapos na ba?" pagtatanong ni Apple.

"Kakatapos lang, pero gusto ko kayong makita... Na saan si Adriel?"

Saglit silang nagtinginan saka humarap sa'kin si Cindy na hawak ang kanyang magkabilang kamay, para bang kinakabahan at may-itinatago.

"Nakita niyo ba siya?" malumanay kong tanong.

Napailing ako. Hindi baka napa-praning lang ako, halos isang linggo ko rin siyang hindi nakikita kung ano-ano na pumapasok sa isip ko.

"Ahhh... A-erin. Kasi, ano k-kasi." nakuha nang mautal ni Cindy.

"Nasaan siya?" muling kong tanong pero hindi pa rin nito kayang makasagot sa'kin.

"NASAAN SI ADRIEL?" mariing tanong ko.

"Nandoon siya, alam mo kung saan ang tinutukoy ko." lumingon ako kay Deon.

Ngumiti ako dito. "Salamat." at nagmadali nang tumakbo sa likod ng building.

"Adri---"

Napatigil ako sa pagtawag sa kanya ng mapansin ko ang isang babaeng nakaupo habang hawak-hawak nito ang kamay ni Adriel.

Nanlaki ang mga mata ko ng masaksihan ko mismo ang paghalik ni Adriel sa babae.

Napalunok ako, pakiramdam ko ay bumibigat na naman ang puso ko.

Please... Tama na.

"Adriel."

Hindi ko namalayang naglalakad na ako papalapit sa kanila. Napalingon ito sa'kin at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

Tinangka nitong lumapit sa'kin pero bago pa niya mahawakan ang balat ng katawan ko ay tumilapon na sa kanyang mukha ang napakalakas kong sampal.

Mabilis kong pinunasan ang pumapatak na luha ko. Tinitigan ko lamang ito at gayon din ang ginawa niya.

"Matagal mo... na ba akong... niloloko?"

Umiwas ito ng tingin. "Oo."

Natatawa akong napatango-tango dito. Kaya pala, kaya pala bigla na lamang nawala at hindi nagparamdam... Kasi may iba na, may ibang nilalandi na.

Putangina, ang tanga mo AERIN!

"Sa sobrang laki ng mundo, hindi ko sinasadyang magmahal ng isang katulad mo... Na manloloko."

Oo na! Tangina! Mahal ko na ang lalaking ito! Pero leche! Anong kagagaguhang ginawa niya!

Tuluyan na akong umiyak sa harapan niya, kahit hiyan-hiya na ako ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nakakaawa ka nga talaga, Aerin.

ANG TANGA MO! TANGA TANGA MO!

"Tama na... Pagod na ako." bulong ko at muling napatitig sa kanya. "Alam mo..." pagbitin ko at tumingin rin ito sa'kin. Hindi ko mawari ang emosyong ipinapahiwatig ng kanyang mukha.

"Sana... Ikaw na lang ang namatay." ang huling salitang binitawam ko at inihakbang na papalayo ang mga paa ko sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam ng maging broken hearted. HAHAHAHA LECHE ANG SAKIT.

Wasak ang puso kong dumating sa bahay. Sinalubong agad ako ni Manang at ipinagluto ng pagkain.

Napatingin ako sa hagdan na kasalukuyang bumababa sina Mama't Papa.

"Mag-iingat ka." boses ni Mama.

"Salamat... Mabilis lang ako, uuwi rin ako kaagad." dinig ko ring tugon ni Papa.

"DAD."

Gulat na napatingin sila sa'kin, lalong-lalo na si Papa, ngayon ko pa lamang din kasi itong kinausap.

"Ano 'yon anak?" binitawan ni Papa ang suitcase na bitbit nito at linapitan ako.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko sa loob.

"Papa... Sasama ako sa'yo."


END OF FLASHBACK

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro