Chapter 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Following his steps


AERIN


Pagkamulat ng aking mata ay tumambad sa'kin ang mga mukha nilang puno ng gulat at pag-aalala.

Nang mapansin ko ang pagbuka ng kanilang bibig ay hinanda ko na ang sarili't teinga para sa mga sasabihin nila.

"Juskong banal! Salamat at nagising ka rin!" saad ni Bree.

"Pare! Gising na si Aerin!" sigaw naman ni Theo at napatingin ako kay na may hawak na manok.

"Ma'am! Mabuti na lang gising ka na! Tara kain na po tayo!" aya naman ni Bok.

Napakunot noo ako. Wala na bang umiikot sa ulo nito kun'di pagkain? Pakasalan mo na pagkain, leche!

I turned my attention around, I wasn't in the hospital ... we were in a condo unit. I'm laying on the bed in my bedroom while wrapped in a blanket.

"Let her rest."

Napalingon ako sa gawing kanan ko, nakita ko si nakaupong lalaking naka-uniporme habang nakatalikod sa'kin.

"Timothy..."

Lumingon ito sa gawi ko, seryoso ang mga mata nito na may halong lungkot at galit.

"Bok! Theo! Tara samahan niyo muna akong bumili sa baba!" pag-aaya ni Bree sa dalawa. Pumayag naman ang dalawa ata nagmadaling lumabas.

"Teka sandali!" sigaw ko sa kanila pero nagbibingian ang mga loko.

Iwan ba naman ako sa lalaking ito?! Nakakatakot ang aura niya ngayon e!

"Eat this." muli niyang sabi at inilapag ang soup sa kama at isang basong gatas.

Nag-indian seat ako ng upo saka ko inalis ang mainit na bimpo na nasa noo ko.

"What happened to me?" I asked nowhere.

I tried to remember what happened.

Hinabol ko ang isang estrangherong lalaki, hawak ko na ito sa'king mga kamay pero nakawala ito ng i-spray nito ang isang napakahapding tubig sa'king mata.

... Pero bago 'yon, naalala ko sina Adriel at Natasha na magkasama... at ang biglang pagluhod sa'kin ni Timothy.

Napailing ako. Hindi. Baka nagjo-joke lang ang lalaking ito.

"Kakain ka ba o tutulala ka na lang diyan?" mahinang sambit ni Timothy.

"Ahhh? Oo kakain ako." saad ko at agad naman sumunod sa kanya, baka mapatay niya ko e. HUHUHU

Nang matapos akong kumain ay nilingunan ko ito na nakatayo naman ngayon habang ang tingin nito ay na sa labas.

"Timothy... Hindi ka naman seryoso roon diba?"

"Sa tingin mo ba nagjo-joke ako?" aniya sabay na tumingin sa'kin. Dahan dahan niyang inihakbang ang kanyang paa at gulat na inilapit sa'kin ang kanyang mukha. "I'm serious, Aerin. Hindi ko na babawiin ang mga sinabi ko."

Bahagya akong umubo sa harapan niya at hinampas-hampas ito. "Jusko. Timothy! Pagod ako huwag mo'kong sabayan!" reklamo ko dito habang pinipilit na tumawa.

Na-aawkward ako ngayon. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi!

"What happened?" He asked. "Bakit ka nagkaganon? Anong nakita mo?"

Tiningnan ko siya at napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"I... I heard my brother's whistle. The one that I told you missing."

"It went missing after the incident right? How come... No. Baka magkatunog lang." aniya.

Umiling ako. "No... I'm totally sure na iyon ang tunog ng pito. Ako ang bumili noon, alam ko... Ramdam ko."

"Paano mo maipapaliwanag iyon? You run! You went missing, you made me worry!" bigla niya akong tinaasan ng boses.

"Sinundan ko ang tunog and I saw someone, Timothy... I think there is someone following me." I said.

"The who? That's our territory. Walang makakapasok doon kun'di ang mga kakilala lang namin. You know that, right?" he said.

Napatango ako sa sinabi niya. Timothy is right.

Napatitig ako sa kanya. Hindi, hindi ko pa kaya, wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanya... Sa kanila ang nalalaman ko. Alam ko, malakas ang kutob ko. Na iisa lang ang pumapatay.

Ang lalaking iyon. Siya.

Matapos ang ilang minuto na pag-uusap namin ay nagpaalam na ito bumalik sa Headquarters. May duty pa kasi sila, binitbit niya rin papaalis ang dalawang manok. Hindi naman umangal ang dalawa kaya sumunod rin sa kanya. HAHAHA

I got up from the bed and walked out into the kitchen.

"Ang bango ah!" puna ko sa niluluto nitong adobong manok.

I sit at the table. "Wow. Marunong ka na palang magluto?"

Inilingan ako nitong si Bree. "Hindi no! Si Theo nagluto nito! Pinaiinit ko lang!" aniya.

Leche. Muntik na akong mapaniwala.

Hinapag na nito ang pagkain sa mesa at sabay na kaming kumain ng pananghalian.

Sulyap ako ng sulyap sa kanya, hindi kasi ako mapakali. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Timothy, kaso baka tuksuhin niya lang ako. Kilala ko ang bruhang ito e!

"Ano? Pinapatay mo na ba ako sa isip mo?" Bree suddenly said.

"Huh?" and I didn't realize I was staring at her.

"May gusto ka bang sabihin sa'kin?" tumigil ito sa pagsubo at tumingin sa direksyon ko.

Huminga ako ng malalim, nagbikang ng limang segundo sa'king isipan. "I think, Timothy's in love with me."

Hinintay ko ang gulat na reaksyon niya pero lintek. Wala normal lang, parang hindi namin kaibigan ang pinag-uusapan!

"Wala ka man bang reaksyon? Hello!"

She laughed. "My goodness, I already knew that."

Nalaglag ang panga ko sa biglang sabi niya. "What?! W-why didn't you told me!"

Itinabi nito ang plato sa gilid at nakapanglumbabang humarap sa'kin. "Why would I've told you? Wala ako sa pwesto, that's your thing at hindi ako makikielam... Kasalanan ko bang NAPAKAMANHID ng kaibigan ko?" at pagdikdikan pa sa'kin ang word na 'yon ha!

"Since when?" I asked her seriously.

"Before I met you two, I have a guts na gusto ka na niya noon pa. For god sake! Hindi mo ba talaga nahalata? May damdamin ka ba? Ha? Ha?!"

Tinapon ko sa kanya ang libro. Kung makasigaw sa'kin kala mo laking kasalanan 'yon!

"Well seriously, wala talaga akong balak na sabihin sa'yo. I want you to notice him, pero mukhang hindi siya tumatalab... I can't also blame him, he knows how broken you are. From your family, friends and... Him." dagdag pa niya at uminom ng juice.

"Pero in fairness kay Timothy, ang tiyaga niya sa bruhang katulad mo... Gusto ko nga siya para sa'yo, he's good man. He's a perfect man for you." patuloy pa ni Bree.

"Oh! Naalala mo ba noon? He's taking his exam for the police training pero hindi ito sumipot dahil sa kadahilanang daw wala kang payong at basang basa ka! Jusko! Nasa level 100 ang tama niya sa'yo!" paliwanag niya habang nililigpit na nito ang pinagkainan.

Si Timothy, matagal na pala.

"Well, wala naman sa akin ang desisiyon... Kun'di na sa iyo, sino ba tinitibok niyan? Siya o siya?--- Oh. Tumitibok pa ba?" she suddenly asked while pointing my chest--- Heart.

I stopped for a minute. Nag-flash sa akin ang nakangiting mukha ni Timothy.

May nararamdaman ba ako sa kanya? Gusto ko rin ba siya?




"Hindi tayo pwedeeeee, Pinagtagpo pero 'di tinadhana. Hindi na posibleeeee, Ang mga puso'y huwag nating pahirapan. Suko na sa laban
Hindi tayo pwedeeeee!"

Inis kong isinara ang notes ko at tiningnan ng masama ang kasama ko sa kwarto.

"Hoy, may pinag-lalaban ka ba?"

Humarap ito sa'kin, hawak pa rin ang cellphone niya, at feel na feel niya pa rin ang pagkanta.

"Hindi ako maka move on!!! Hindi sila nagkatuluyan e!!! WAHHHHH!" napa-nganga ako sa biglang pag-hysterical nito sa kanyang kama. Umiiyak naman ito pero walang luha.

"Nababaliw ka na ba?"

"Hindi! Hindi ko lang talaga matanggap! WAHHHHHH! AERIN! WAHHHHH!" napatayo ako sa kama ng bigla itong lumipat sa kama ko.

Pinahid niya ang kanyang mukha. "Aerin, pakiramdam ko broken hearted ako ngayon! EHHHHHH!!!"

I threw her the pillow. "Gaga! Nanonood ka lang! Huwag mong seryosohin!" singhal ko at bumalik sa ginagawa kong pagsulat.

Hinila niya bigla ako at hiniharap sa kanya. "Sabihin mo nga sa'kin, ano ba feeling ng masaktan?... I mean yung saktan ka ng isang lalaki?" pagtatanong niya.

Napakunot noo naman ako sa kanya. "Ewan ko."

"EHHHHHHH! Alam mo 'diba? Niloko ka ng Engineer---este ng Pulis na 'yon! Naku! Kung alam ko lang nung una pa, hindi ako humanga sa lalaking 'yon! May baho palang tinatago!" sabi niya nang nakapameywang.

"Hindi ko alam."

"EHHHHH DALI NA!!! PAST IS PAST NA RIN 'DIBA? DALI DALI!"

"Masakit... Masakit ang maloko." wika ko at sumeryoso ang mukha niya. "Kaya ikaw, huwag mong hayaang maloko ka!" sigaw ko at naglakad na papalabas.

Napakamot na lang ako sa inis ay pumunta sa balcony. Doon ko na lang pinagpapatuloy ang ginagawa ko, nakakahiya naman sa kasama ko sa kwarto--- Na pinasok na ang mundo ng mga istorya.

Dumungaw ako ng kaunti at chineck ang oras sa sala. Leche 3:30 PM na pala.

As a matter of fact kanina ko pa gustong matulog, gusto kong umidlip pero hindi ko magawang makatulog! Pa ikot-ikot lang ako sa kama kanina at humantong na nga sa pagsusulat ko patungkol sa mga bumabagabag sa isipan ko.

Kanina ko pa iniisip ang estrangherong lalaking iyon. Kahit hindi ko pa nakikita ang kabuuan itsura nito pakiramdam ko ay nakita ko ang lalaking iyon, hindi dahil nakita ko na ito sa mga CCTV kun'di ay nakita ko na talaga ito dati pa kaya lang hindi ko maalala kung saan.

Hindi naman ako makapasok ngayon dahil pinag-day off ako, matapos akong mahanap kagabi na nakahiga sa damuhan--- sa beach island nina Timothy. Nalaman kong agad na dinala ako ni Timothy sa hospital at inuwi na sa condo, nasabi na lang sa'kin ni Bree na kinaumagahan lang din ay bumalik na sa Pampanga sina Cindy.

"'I love you, Aerin,'"

"AISHHHH! ANO BA NAMAN ITO!" pumunit ulit ako ng papel at ikinumpol ito at itinapon sa basurahan.

Bwisit na Timothy! Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig niya! 'Di na ako maka-focus dito!

"'Sino ba tinitibok niyan? Siya o siya? Tumitibok pa ba?'"

Isa pa 'tong si Bree! AISHHHHH!

MABABALIW NA ATA AKO!




To ease my mind a little, I decided to go out and get down first, so I could breathe some fresh air.

As I walked along the road I stopped for a moment at a large park here near the building. Tahimik akong umupo sa isang swing seat at masayang itinulak-tulak ito gamit ang mga paa ko. Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa aking harapan. Napaka-inosente pa nila, at wala pa silang kamalay-malay sa mundong ginagalawan nila.

"Ateeeee..."

Humarap ako sa isang batang babae, mga na sa 4 years old na siguro ito.

"Ano?" nakangiti kong sabi.

"Pwede po bang pasakay?" sabi niya habang may mga laway pa itong lumalabas sa kanyang bibig.

"Teka lang ha." tumayo na muna ako at akmang bubuhatin na ito para maiupo sa isa pang bakante sa tabi ko ng biglang umiling-iling ito.

"Huh? Ayaw mo? Iuupo kita dito." pagtukoy ko sa swing seat.

"Gusto ko pong sumakay sa inyo, natatakot po kasi akong mag-isa." aniya.

Ahh. Iyon pala ang gusto ng bata.

"Sandali ha." muli akong umupo sa swing at maingat na binuhat ang batang babae papaupo sa'king mga binti.

"Hawakan mo ito." turo ko sa mga hawakan ng swing.

Nang itulak ko na ang swing gamit ang aking mga paa ay tuwang tuwa ang kasama ko.

Bawat paggalaw ng swing ay siya namang pagtawa at paghiyaw ng bata. Nakukuha ko naman din ngumiti dahil sa kasama ko.

Lumipas ang ilang minuto nang magpaalaam na ang bata at pinuntahan ang tinatawag niyang Mama't Papa.

Napatuloy na rin ako sa paglakad papauwi. Dumaan na muna ako sa isang convenience store di kalayuan para makainom na muna ng tubig. Diretso lang ang pasok ko ng mapansin ko ang staff sa counter na nakahandusay habang hawak ang nagdudugo nitong binti.

"Miss? Anong nangyari ba-bakit may... Shit." agad ko itong nilapitan at napamura na lamang ako ng makita ko ang isang di kalakihang piraso ng salaming nakatusok sa binti niya.

"Kasi 'yong salamin dito, hindi ko alam na may sira pala." aniya habang namimilipit sa sakit.

Luminga-linga ako sa sa loob, "Wala ka bang kasama dito nagtatrabaho?"

Umiling ito.

"Tumawag ka na ba ng ambulansya?"

"Oo, hindi ko alam kung bakit hindi pa sila dumadating." aniya.

"Aish." inalalayan ko ito at hinila, isinandal ko siya sa pader. Nang suriin kong mabuti ang sugat nito ay  napapadaing ito. Mukhang hindi naman ito malalim, pero kung magdugo, 'di maawat.

Naghanap ako sa loob ng isang makapal na tela, isang bote ng alcohol at gloves na isusuot ko.

"Anong gagawin mo?!" sigaw niya ng makita ang hawak kong alcohol.

"Miss, kung hihintayin mo pa ang ambulansya dito baka ma infect na ang paa mo at bukas ng umaga e mawalan ka na ng binti." sabi ko dito at natahimik naman siya.

Isinuot ko ang gloves at tiningnan ng maayos ang nakatusok sa kanya, nasa 8 inches ang haba nito at nasa A4 size siguro ng picture ang kapal ng salamin.

"Pasalamat ka, hindi bumaon ang salaming ito baka bukas ng umaga wala ka na ng paa." wika ko.

"Doctor ka ba? Alam mo ba kung paano gawin ito?!" pagtatanong niya.

"Hindi, pero pulis ako." binuksan ko na ang alcohol para mabilisan nang buhos kapag naalis ko na ang nakatusok sa kanya. "Mahapdi ito kaya tiisin mo. Magbibilang ako ng tatlo," paalala ko at ipinakain muna sa kanya ang isa pang malaking tela para naman hindi ako marindi kung sisigaw man ito sa sakit.

"Isa... Dalawa... Tatlo!" pagkasigaw ko ay ang pag-alis ko naman sa salaming nakatusok sa kanyang binti, sa pag-alis ko dito ay umagos na ang napakaraming dugo nito. Dali-dali kong binuhos dito ang alcohol at ang inaasahan ko nga, namilipit ito sa sobrang sakit at nakuha nang humagulgol sa iyak.

Nang mabuhusan ko na ay agad ko namang itinali ang puting tela dito. Hinigpitan ko ito para maawat ang labis na pagdudugo ng biniti niya.

Napasalampak ako sa sahig. Pinahid ko ang mga pawis sa noo. "Sandali ha. Tatawag ulit ako sa hospital." dinukot ko ang phone ko at tinawagan itong si Fernando. I told him I needed an ambulance here and just a few minutes later the nurse and ambulance car arrived at the store.

"Dahan-dahan lang."

Buhat-buhat na nila ang babaeng sugatan at ipinasok sa loob ng ambulansya, tumingin sa akin ang isang nurse. "Salamat po, kami na po bahala dito." aniya at pinaandar na ang sasakyan saka na naglaho sa'king paningin.

I took a deep breath. "Whooo! Makainom na nga ng tubig!" ang nasabi ko na lang at bumalik ulit sa loob, pumunta ako sa counter at nagbayad sa kakadating lamang na staff.

Saglit kong minasahe ang aking leeg, nang mapatingala ako at mapansin ang isang bilog na salamin dito sa gawi ko ay napatitig ako sa isang lalaking nakatalikod, nakatayo ito malapit sa chips area.

Humakbang ako papalapit sa kanya ng biglang nagtatakbo ito papalabas.

"TUMIGIL KA SA PAGTAKBO!"

Sinabayan ko ang bilis nito sa pagtakbo. Maliwanag pa ngayon kaya kapag nadakip ko ang lalaking ito, paniguradong mamumukhaan ko na siya.

"SANDALI!!! HUMINTO KA SA PAGTAKBO!"

Muli akong sumigaw. Wala akong magawa kun'di ang  sumunod sa takbo nito. Leche! Bat di ko kasi dinala ang baril ko!

Napamura na lamang ako ng biglang may dumaang grupo ng mga kabataan sa'king harapan para kusa akong tumigil sa pagtakbo.

Nang muli kong tingnan ang paligid ay nawala na ulit ito na parang bula.

"Fuck!" I cursed.

"Aerin!!!" bumaling ang tingin ko kay Bree na nasa labas ng building.

Napakunot noo ako.

Nandito na pala ako... Pero ang lalaking iyon, saan siya pumunta?

I shookk my head. Hindi naman niya ako susundan dito 'diba? AISH! LECHE!


Napapraning na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro