Chapter 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The teenager's confession


AERIN


We were still waiting for Ninong to arrived at the Headquarters. Nalaman ko kasing umalis ito matapos silang makapag-usap daw ni Officer Castillo. Well, I'd already called him. Pabalik na siya.

Saglit kong sinulyapan ang katabi kong lalaki dito. He's still quite, wala pa rin lumalabas sa bibig niya matapos kong isama ito sa Conference Room.

Kaming dalawa lang ang nandirito sa loob, matapos niyang sabihin sa akin ang pabor nitong makausap ako ng pribado hindi na ito umimik bagkus ay inilahad na lamang niya ang dslr camera sa'kin.

"Kailangan po ba talaga natin siyang hintayin?" he suddenly asked.

Nakaupo kami sa square shape na table. Maliit lang ito at halos magkalapit lamang din kami ng lalaki kahit na sa right side ko itong nakaupo.

"Oo, Ian. Kung confidential ang sasabihin mo sa akin. Kailangan natin ang Inspector." sagot ko. "... mapagkakatiwalaan naman natin iyon."

Pinagmasdan ko ang binatang si Ian na sa edad 17 pa lang ito, hindi nalalayo kay Jackie. Nasabihan akong nag-aaral pa rin daw ito sa isang high school di kalayuan sa Headquarters namin.

We both turned to the door when we heard it opening.

I stood up and saluted him. "Inspector!"

"Anong gustong sabihin sa atin ng binata?" nagpatuloy ang paglakad ni Ninong at umupo sa left side ko.

"May gusto itong ipa-nood sa akin pero sa tingin ko ay hindi ko pwedeng solohin ito, kailangan ko pong makita niyo rin po ito." sambit ko saka ko kinonek ang camera sa laptop na pinapagitnaan namin sa table.

"Pwede bang pakihanap ang file na sinasabi mo?" I asked the boy.

Kinuha nito ang mouse at nakita kong hinanap-hanap nito. "Eto po." saad ng binata.

"Hindi mo pa rin ba napanood ang sinasabi niya, Officer?" tanong naman ni Ninong.

Umiling ako. "Hindi pa po."

I went back to sit and let Inspector play the video.

Tumahimik ang paligid at tanging ang video lamang ang maririnig sa loob, sinulyapan ko ang binata pero nakayuko lamang ito habang magkahawak ang kanyang kamay sa mesa.

"Oh! Si She-Sheryl Park 'yan hindi ba?!"

Napalingon ako sa biglaang pagsigaw ni Ninong, pinagmasdan ko ang video at si Sheryl nga.

"Bata! Bakit may video ka sa bahay niya? Hindi 'bat walang nahanap na CCTV sa harapan nito?" narinig ko muli ang pagkomento ni Ninong.

Itinuon kong maigi ang panonood sa video.

Kuha sa video ang bahay ni Sheryl, specifically sa harapan ng bahay nito. Sakop ang kabuoang harapan ng bahay nito sa video, ang kotse na naka park sa right side, ang pool nitong na sa left side at ang bahay nito.

Sa tingin ko ay gabi na nakuha ang video, dahil malamang madilim ang paligid tanging ang ilaw sa paligid ng bahay ang nagbibigay liwanag.

Ilang sandali pa ay nakita sa video itong si Sheryl na nakatayo sa labas ng maliit na balkonahe nito sa ikalawang palapag ng bahay, mukhang may kausap ito dahil nasa teinga niya ang telepono. Muli itong bumalik sa loob at lumipas ang ilang minuto ay mag bitbit na itong isang makapal na lubid.

Tuloy-tuloy lang ang pag-play ng video, di rin tumagal ay itinali nito ang lubid sa may makapal sa itaas ng nasa loob, sakto lang na makikita sa video.

Akala ko ay magbibigti ito pero iba ang ginawa niya.

"Diyos kong mahabagin!"

Gamit ang patalim na hawak nito ay nakita kong hiniwa niya ang pulso sa kanyang kamay, ilang sandali pa ay umakyat ito sa balkonahe at unti-unti nitong binagsak pababa ang kanyang katawan sa matigas na bato, kung saan ko nakita ang napakaraming dugo nito kahapon.

"Pinatay niya ang sarili niya!"

Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang lumitaw ang isang estrangherong lalaki. Tumayo ito ng di kalayuan at tinanaw ang katawan ni Sheryl.

"Sino ang taong iyan!"

Hindi ko inabala ang mga pagsigaw ni Ninong bagkus ay itinuon ko ang tingin ko sa taong nakatayo ngayon sa video.

Nandito rin siya, ang lalaking ito.

"Ikaw bata! Paano mo nakuha ang bidyong iyan ha?!" sigaw ni Inspector sa binata. Lumingon naman ako kay Ian na hindi maawat ang kanyang pag-iyak. I held his hand for a reason to look at me.

"Magpagkakatiwalaan mo kami."

"I-isa po akong avid stalker ni Ms. P-park. Ako po ang may-ari at nag-install sa video sa bahay nito." pag-amin ni Ian.

"Ano?! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo!" sigaw naman ni Ninong.

Napa-ngisi ako, akala mo ba matataguan mo ako? Kung sino ka man mahahanap din kita.

Lumingon ako kay Ninong at pinatigil ito sa pagsisigaw sa binata, pinatawag ko si Fernando at pina-asikaso na muna sa kanya binata. Naiwan kaming dalawa ngayon ni Inspector sa loob.

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya.

"Ninong, may sasabihin po ako sa inyo."

"Ano 'yon?" Inspector asked.

"Ang lalaki sa video, siya rin po ang nakita ko sa drugstore na pinagbilhan ni Pamintuan, sa aksidente ni Dr. David na tinatanaw nito ang pagkamatay ng doktor at ngayon itong kay Sheryl Park. N-ninong pakiramdam ko ay konektado silang lahat sa lalaking ito... at mapapatunayan ko po iyan, may mga nakalap na po akong mga e---"

"Aerin." I stopped talking when I noticed his serious gaze looking at me.

"Po?"

"Alam kong hindi ka pa tumitigil sa na unang kaso tungkol kay Jane Vera, pero hindi ko kailangan marinig ang mga impormasyon mo... Ang Team mo ang dapat na kausap mo sa ganitong bagay." sabi ni Inspector.

"P-pero Ninon---"

"Alam kong mahirap magtiwala pero ramdam ko namang hindi masasamang tao ang mga kasama mo." ngumiti ito sa'kin at tumayo na.

"Ibalita mo na lang sa'kin ang pwedeng maging desisyon mo." hindi na ako nakasingit pa ng tuluyan na niya akong nilayasan.

Napahilamos ako sa irita at pagkagulo ng isip ko. Ano bang dapat kong gawin!




Sa ilang araw na lumipas, sinubukan kong mag focus sa trabaho pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga taong sina Jane, Jeffrey, Dr. David at maging itong si Sheryl. Pakiramdam ko nga ay minumulto na nila ako. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga kaduda-dudang pagkamatay nila pero leche! Pa ulit-ulit ko lang itong naaalala!

Maging ang estrangherong lalaking iyon ay bumabagabag sa isipan ko, gusto ko siyang hanapin pero saan ako magsisimula? Pakiramdam ko naman din ay sinusundan niya ako... Pero bakit?

AHHHHHH! SHIT! MABABALIW NA TALAGA AKO NITO!

"Ma'am? Ayos lang kayo?" napalingon ako kay Bok na nakadungaw sa desk ko, napansin ko rin na nakatingin rin sa'kin sina Fernando at Theo. Pansin ko rin ang panaka-nakang tingin sa pwesto ko si Adriel.

"Masyado mo naman iniisip si Pareng Timothy! Easy ka lang nandoon lang labas 'yon!" natatawang sabi ni Theo.

Inis kong tinapon sa kanya ang libro. "Bwisit ka! Lumabas ka dito!"

"Did I just hear my name?" bumukas ang pintuan at pumasok itong si Timothy, naka-uniporme ito pero nakatop ng black leather jacket.

"Si Aerin kasi, nababaliw na kakaisip sa'yo! HAHAHAHA!" biro ulit ni Theo at agad namang nagtago sa likod ni Adriel.

"Mas nababaliw ako sa kanya." biglang banat ni Timothy at ngiti-ngiti itong lumabas ulit sa room. Leche!


"Ayun oh!"

"Banat pa more!"

"Diyan ako kinilig! HAHAHAHA"


Pinagmasdan ko ang nagtatawanang mukha ng mga kasama ko, ewan ko ba pero. AISH! Isa pa 'tong si Ninong! Matapos niya akong i-reject sasabihin niya 'yon?

Sasabihin ko ba talaga sa mga ungas na 'to ang nalalaman ko?

AHHHHHH!

Hinampas ko gamit ang mga kamao ko ang desk ko, dire-diretso akong naglakad papalabas kahit wala pa ring tigil na pagtawa itong si Theo at sinamahan pa ang manok na 'yon!

Bumaba ako sa ground floor at tumungo sa fridge. Kumuha ako ng kopiko at mabilis na ininom ito.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang kumakabog kong dibdib. Lumabas na muna ako at tumungo sa harapan ng Headquarters. Tumila na ulit ang ulan.

Tatlong hakbang ang iginawad ko sakto lang para maitaas ko ang aking palad sa kawalan. Pumikit ako.

Kapag ito umulan, kahit patak lang ng ulan, sasabihin ko na sa kanila ang lahat.

Napamulat ako sa gulat. Seryoso ba ang nakikita ko?


"Pare! Paabot nga ng payong diyan! Umuulan na naman!"


Huwaw palaka! Galeng ah! Galeng galeng!

Wala pa ngang limang minuto nagpaulan ka na! Ang daya-daya ninyo! Ang unfair!

Nagpapadyak ako sa inis at naglakad na ulit pabalik sa room namin, diretso ang tingin ko sa desk at hinalungkat ang mga ebidensyang nahanap ko simula pa noong una.

"Oh, ma'am? May nangyayari po ba?"

'Di ko kinibuan itong si Bok at nagset up ng projector sa pinakagitna ng room namin, inayos ko ang lahat ng kakailanganin ko at nang matapos na ako ay tumingin ako sa mga kasama ko

In off ko ang ilaw at tanging ang projector lamang ang nagbibigay liwanag sa loob.

"What are you doing?" Timothy asked me.

Huminga ako ng malalim at tumingin isa-isa sa kanila na nakatayo lahat, iisa lang ang pinipinta ng mukha.

Naguguluhan.

Kahit ako rin naman ay naguguluhan na.

"Dapat na malaman ng Team mo iyan."

Napatampal ako sa sariling teinga ng marinig ko na naman ang boses ni Ninong.

May balak naman talaga ako! Sasabihin ko naman sa kanila! Hindi ko lang talaga expect na pati itong si Sheryl na pinakamamahal ng lahat, mukhang konektado rin sa lalaking hinahanap ko!

"Lumapit kayo rito," pagtawag ko sa kanila.

"Saan kami pupwesto?" pagtatanong naman ni Theo.

"Diyan! Sumalambitin ka sa taas na parang unggoy, dali!" pamimilosopo ko sa kanya. "O, basta kung saan kayo komportable, basta nakikita niyo lang itong nakikita ko!" pagtukoy ko sa projector at sa mismong wall na nasa likod ko.

"Ma'am? May nakikita po ba kayong hindi namin nakikita?" biglang wika ni Bok at pinagtawanan naman siya ng mga kasama ko.

Jusko.

May ititino pa ba ang mga kasama ko?

"Makinig kayo ng mabuti sa akin. Sasabihin ko na ang mga nalalaman ko..." inilibot ko ang tingin sa bawat isa sa kanila. Si Timothy na kalmado lang na nakaupo sa swivel chair nito habang seryoso ang tingin sa'kin. Si Adriel na nakatayo habang nakasandal ang likuran nito sa desk niya. Si Fernando na hinahawak-hawak nito ang kanyang baba samantalang ang dalawa na si Bok at Theo ay nag-yayakapan ngayon sa harapan ko habang naka-indian seat.

"Ilaan niyo ang teinga at mga mata ninyo dito dahil importante at maselan ang ibabahagi ko sa inyo. Sisimulan ko sa pinakauna."

Gamit ang remote ng projector ay nag-flash ang personal profile ni Jane Vera at ang mga letratong hawak-hawak ko na ibinigay ni Fernando sa akin noon. "Naaalala niyo pa ba ang pagkamatay ni Ms. Jane Vera at ang pag-hostage ng tatay nito? Akala ko noon ay si Mr. Jeffrey Pamintuan ang may sala dahil sa pagtataksil ni Jane. Hindi ba? May video pa akong nakuha noon kung saan dumalaw si Mr. Pamintuan sa tinutuluyang apartment nitong si Jane," pinlay ko ang pagbisita nito at in-stopped ko sa larawang kuha ang paper ba na hawak nito. "Sa pag-iimbestiga ni Fernando, nalaman ang sanhi ng pag-atake nito ay ang gamot na nainom nit---"

"Oh! Si Pamintuan may gamot siyang ibinigay 'diba?!" biglang singit ni Theo.

"Oo, 'yon ang akala ko noong una pero matapos kong mapanood ito ay, nagduda ako." pinlay ko ang CCTV footage na ipinadala sa akin ni Inspector Santiago.

"Shit! Nakita niyo 'yon? Yung lalaki! Pinagpalit niya yung plastic ni Pamintuan!" komento ulit ni Theo.

"... Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako naniniwalang si Pamintuan ang pumatay kay Vera," kinapa ko ang maliit na box at binuksan ito. "Inihabilin nito sa akin ni Pamintuan sa tagapangalaga nito sa condominium niya, ipinapa abot niya sakin ang dalawang sing sing, na kung titignan at iisipin mukhang balak na magpakasal ang dalawang magkasintahan... pero hindi ko inaasahan ang biglang pagkamatay ng lalaki at pag-amin nito sa sulat na siya nga ang pumatay kay Jane, isa pa ay dahil sa mahiwagang text message na nareceived ng tagalinis nito sa condo." ipinakita ko sa screen ang screenshot ng H.E.LP me acronym. "Napansin niyo rin ba?" pagtatanong ko at tumugon naman silang lahat ng pagtango.

"Pero ilang buwan na ang nakalipas at naisarado na ang kaso nila. Hindi ko rin alam kung ano na ang naging proseso sa pagkamatay ni Pamintuan, at ang tanging alam ko lang... Ay nawawala ang mga CCTV videos nito sa condo." ang sabi ko. Itinuon ko ang tingin kay Fernando. "Kasalukuyan din na hinahanap ang Profile ni Fernando ang lalaking namataang kausap ni Jane sa Bar. Nagba-bakasakali kasi akong may nalalaman din ito."

Pinagpatuloy ko ang pag-flash sa projector at lumipat naman dito sa profile ni Dr. Rick David kasama ang anak nitong si Jackie. "Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang totoong sanhi ng aksidente at pagkamatay ng doktor, dahil kung papanoorin mo sa video," pinlay ko naman ngayon ang CCTV sa parking lot na tinutuluyan nina Jackie noon.

"Makikita mo ang lalaking palingid-ligid sa harapan ng kotse ni Dr. David, saglit itong yumuko at ayan nga, sinira niya ang CCTV na nasa harapan nito." sambit ko.

"Shit! Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso! Nakatingin siya ng diretso sa'tin!" pagsigaw ulit ni Theo.

Napairap ako sa lecheng pa-singit-singit nito sa seryosong usapan. Natutuwa naman ako dahil hindi ito naliligaw at nakukuha niya ang pinag-uusapan, pero 'diba? Tahimik muna?! Makinig!

"... At sa mismong aksidente nahagip ng video ang lalaking ito." pagplay ko naman sa CCTV footage na nakuha ko sa isang bangko sa pinangyarihan ng aksidente.

"Hindi niyo ba namumukhaan ang lalaki? Pareho ang pangangatawan nito sa kaninang naunang lalaking sumunod kay Mr. Pamintuan sa drugstore." sambit ko. "... At ito pa ang hindi ko inaasahan." sa panghuling video ay pinlay ko ang kuha ng batang si Ian sa bahay ni Sheryl Park.

Napatayo sa gulat si Fernando at si Timothy, nagyakapan pa lalo ang dalawang manok sa'king harapan, sinulyapan ko si Adriel pero ni katiting na emosyon wala itong maipakita.

"Iisang lalaki lang ang naroon sa mga videos." ang sabi ni Fernando.

"Oo, pero anong nakakapagtaka... Bakit naroroon siya sa mga namatay na tao?" may pagtatakang tanong ni Timothy.

"Baka may alam siya sa pagkamatay nila?" pagbigay opinyon naman ni Adriel.

"O, baka naman siya ang pumapatay!" ani naman ni Theo at tinanguan naman siya ni Bok.

"... At saka palagi ko ito---" napatigil ako. Napaisip saglit kung sasabihin ko nga ba sa kanila ang pagpapakita ng estranghero sa akin. Baka ma-praning lang sila katulad ko.

"Palagi kang? What do you want to say?" pagtatanong ni Timothy.

I shook my head. "Nothing, hindi na importante iyon... What's important is that we should find this guy."

"How? Those cases are closed already." Fernando asked.

"I have a plan. I'll inform you in some other time." I said. I actually don't have a plan, hihintayin ko lang na magpakita sa akin ulit ang lalaking iyon. Sana.

Ang importante ngayon, nasabi ko na sa mga kasamahan ko.




After I explained everything to them ay inutusan ko sina Theo at Bok na linisin ang mga pinagkalatan ko sa loob, samantalang dumeretso ako sa pagbaba at hinanap si Ninong.

Nadatnan ko itong abalang nagbabasa sa desk niya habang itinataas ang salamin na suot-suot nito.

"Ninong."

Umangat ang tingin nito sa akin. "Ano ang maitutulong ko sa maganda kong inaanak?" pangiti-ngiting biro niya.

Kinuha ko ang isang upuan at pumuwesto sa harapan niya. "Gusto ko po sanang buksan ulit ang kaso ni Sheryl Park."

I could see the shock on his face but for a moment he smiled at me with a nod.

"Hahayaan ko nang maisara ang kaso ni Ms. Vera at Pamintuan, nakapag-desisyon na akong buksan ang kaso ni Sheryl." gustuhin ko man buksan at hindi isuko ang lahat ng kaso, magiging mahirap naman para sa akin, pero kung tama naman ang mga kutob kong iisang tao lang at konektado ang lahat ng mga pagkamatay, masisigurado kong mabibigyan ko ng hustisya ang lahat.

Isa pa, kapag nabuksan ulit ang kaso, lalabas ang tunay na kulay ni Inspector Martin... Mababahala rin ang lalaking iyon at magpapakita sa akin.

"Iyan na ba ang pinal nadesisyon mo?" tanong ni Inspector.

Walang pagdadalawang isip akong tumango dito kay Ninong.

"Opo Inspector, kaya kailangan ko ng tulong ninyo."

Mga isang oras din ang ginugol ko kasama si Ninong sa loob, inayos namin ang lahat ng mga video na nakalap ko at mga ebidensya.

Nasabi ko na rin sa kanya na ibinahagi ko na ang mga impormasyon sa grupo ko.

Tumawag rin itong si Ninong sa Main Department at pinakiusapang buksan ulit ang kaso ni Sheryl Park. May pag-asa pang mabuksan muli ito dahil ilang araw pa lamang nakakalipas.

Mabilis lang talaga trinabaho ni Inspector Martin ang kaso.

Nasabi na lamang sa akin ni Ninong na maghintay sa letter na ipapadala nila dito sa Department.

"Don't worry, that letter will be here in a minute. Magtiwala lang tayo, Aerin." ang sabi ni Ninong.

Napayakap ako sa kanya. "Ninong, salamat po." bulong ko saka na ako kumawala sa yakap.

I said goodbye and went back to my colleagues, when I came inside their eyes and attention gazes around me.

"Uhm. I'm planning to investigate about the things that I've told you. Matutulungan niyo ba ako?" I asked. May kaba at hiya sa'king dibdib pero wala ng atrasan ito.

Nabibingi na ako dahil sa katahimikan sa loob.

Shit. Mukhang ma-rereject na naman ako.

"Oo naman! Tatanggihan ka ba namin?" nakangiting sabi ni Theo at tumango naman si Bok.

"Nasabi pa tayong Team kung hindi tayo magtutulungan?" Timothy gave me an assuring smile.

Tumingin naman ako sa dalawa pa na si Fernando at Adriel. Tinanguan lang nila ako bilang pag-sang ayon.

Tumakbo ako papalapit sa kanila hindi mapigil ang saya ko ngayon.

"THANK YOU!!!"

Ilang sandali kaming nagusap-usap sa mga gagawin ng biglang bumukas ang pintuan at may isang pulis na pumasok sa loob.

"Officer Valdez? May letter po sa inyo mula sa Main Department." sambit nito.

Kinabahan ako sa sinabing balita nito, kinuha ko ang isang envelope at nagpasalamat sa kanya.

Napatingin ako sa mga kasama ko, huminga ng malalim... At.

Shit.

Seryoso ba sila?


"Huy. Ano sabi?"

"Hindi ba nila binigay sa'yo ang kaso? Ma'am?"


Napatingala ako at gumuhit ang nakakalokang ngiti sa aking labi.

"We're now on the run A TEAM!"


"Po? A Team?"

"As in Alpha Team?"


I shook my head. "No. Just an A."

"What?"


"Because no letter comes before an A. We are the one who will take the lead."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro