Chapter 43

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The box. The text


THIRD PERSON


Pagsapit ng kinabukasan.

Sa loob ng Headquarters building ay mapapansin na abalang nag-hahanda ang A Team na pinangungunahan ng dalagang pulis na si Officer Valdez.

"Okay na ba ang lahat?" pagtatanong ng dalaga sa mga kasama nitong mga kapulisya.

"Oo, nasa kotse na ang mga boxes natin." pagsagot ng binatang pulis na si Officer Fernando.

"Ma'am! Ready-ing ready na po ako!" nakangiti namang sambit ni Officer Bok.

"Ako rin Officer!" pagsang-ayon naman ng binata na si Officer Theo.

"Tara na." utos ng dalaga at nagsimula na itong naglakad pababa sa unang palapag ng Headquarters.

Sa kabilang banda naman ay nakangiting sumaludo sa dalaga si Inspector Bernardo na kanyang ninong.

Sumaludo rin ang dalaga sa Inspector saka na nagpatuloy sa pagbaba.

Sa pag-apak nila sa unang palapag ay nagsimula na ang bulungan ng mga kapulisya sa loob ng Headquarters, animo'y isa silang mga bigating artista na uma-angat sa lahat.

Taas noong naglakad ang anim na pulis. Na hindi inalinta ang mga tingin na tumatapon sa kanilang lugar.

Makikitaan ang tikas ng tindig ng bawat isa habang pinagmamalaki nila ang pang-unipormeng pulis na suot-suot nila.

Kasabay ng pagsuot nila sa kani- kanilang shades ay siya namang pag-ihip ng napakalakas ng hangin sa paligid. Dinama nila ang yakap ng hangin sa katawan at dumeretso sa kotseng sasakyan nila, ng biglang...

"Ma'am?" napatigil si Officer Bok sa paglakad.

Napatingin sa kanya ang kasama niyang pulis. Napalunok ito ng mapansin niya ang pagka-irita ng dalaga.

"Natatae po ata ako." mabilis na sabi ni Officer Bok sa mga kasama.

"ANO?!"

Hindi na ito nakatugon po at tumakbo na pabalik sa gusali.

"HAHAHAHAHAHA! SINIRA NIYA YUNG MOOD NATIN! HAHAHAHA MALA ACTION SCENE NA SANA YUNG PALIGID. HAHAHHA" paghalakhak sa tawa ni Officer Theo habang hinahampas nito ang katabing si Officer Fernando.

Napa-irap na lamang sa pakainis ng dalagang pulis at dumeretso na papasok sa kotse.

"Uy! Iiwan ba na'tin si Bok? Mabilis lang 'yon, Promise!" sigaw ng binata na si Officer Theodore sa mga kasamahan nitong sumunod sa dalaga.

"Hindi! Dito na lang natin siya hintayin!" sigaw naman ng dalaga sa binata na mukhang nag-aalala sa pag-iwan sa pinakamamahal nitong kaibigan.

Lumipas ang sampung minuto ay naaninag na ng dalaga sa side mirror ang tumatakbong si Officer Bok papunta sa kinaroroonan nila.

"Naku pasensya na po ma'am." ang sabi ni Officer Bok sa dalaga at nagmadaling sumakay saka umupo sa driver's seat.

Napa-ayos na lamang ng upo ang dalaga sa front seat. "Dalian na atin, baka hindi natin sila maabutan."

Gamit ang kagalingan ni Officer Bok sa pagmamaneho ay pinaharurot na nito ang sinasakyan nilang black van.

Napatungkod na lamang ang dalaga sa bintana habang bumabiyahe, wala
rin tigil ang pagkagat nito sa kanyang mga daliri. Sa likuran naman ng dalaga ay tahimik na nagmamasid-masid sa paligid ng daan ang mga binatang pulis na sina: SPO Castillo, SPO Theodore, SPO Fernando at SPO Young.

Kasalukuyan na silang papunta sa bahay ng sikat na Actress na si Sheryl Park matapos malaman ng dalaga na ngayong araw ay ilalabas na lahat ng mga gamit nito na pinangungunahan ni Inspector Martin.

Nangangati na ang mga mata ng dalagang makita kung ano ang magiging reaksyon ng Inspector sa biglaang pagbabago ng pangyayari.

Ayaw niya mang pagdudahan ang kapwa pulis nito, pero hindi niya maiwasan dahil sa panahon ngayon kalat na ang mga sirang matang sumisira sa reputasyon ng mga pulis.

Mahigit kalahating oras ay nakarating na sila sa subdivision na tinitirhan ng artista. Bago sila bumaba sa sasakyan ay nagmanman muna ang dalawang binatang pulis na sina Officer Fernando at Officer Young sa mga kapwa pulis na naroroon sa bahay ng biktima, na kasama ngayong ang sinasabi nilang Inspector Martin.

"Handa na ba ang lahat?" tanong ng dalaga sa mga kasamahan nito.

"Bababa na ba tayo?" tanong ni Officer Castillo.

"Oo." pagsagot ng dalaga sa binata.

Pinangunahan na ng dalagang pulis ang paglakad papasok sa bakuran ng bahay, ang mga iilang pulis na narooon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila.

Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng bahay ay tumambad sa kanila ang Inspector.

"Oh. Officer Valdez... Ano ang pinunta mo rito?" tanong ni Inspector Martin habang may bit-bit itong isang box na papeles. Tiningnan niya rin isa-isa ang mga kalalakihang kasama ng dalaga. "Hindi ko naman pala alam na, may binitbit ka pang kasama mo... Hello Officers." pagbati ng Inspector saka ito sumaludo.

Animo'y may isang anghel na dumaan sa pagitan nila at saglit na tumahimik ang paligid.

"Well, Inspector... hindi na ako magpapaligoy-ligoy p---"

"If you're here to asked me again, if you can be a help, don't worry tapos na. You can go with your fellow Officers." hindi niya pinatapos ang dalaga at nagsalita na ang Inspector, matapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay nagpatuloy na ito sa paglakad papalabas, pero hindi na nagpaawat ang dalaga at hinila nito ang braso ni Inspector Martin.

"Hindi mo pa man naririnig ang pinunta namin rito..." ang sabi ng dalagang pulis sa Inspector, may dinukot ito sa kanyang bulsa at inilahad nito ang isang kasulatan.

Nang tuluyang mabasa ng Inspector ang nakasulat sa papel ay nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa dalaga.

"Ano pang tinatayo niyo riyan, kunin niyo ang mga hawak nila. Magsimula na kayong maghalungkat." utos ng dalaga sa mga kasamahan nitong nasa likuran nito. Agad naman sumunod ang mga binata sa dalaga.

Bago lumayo ang binatang pulis na si Officer Young ay tinapik niya ang balikat ng dalaga at ngumiti sa kanya.

"Anong nangyayari? Naipasara ko na ang kasong ito!" sigaw ni Inspector Martin.

Dahan-dahang naglakad ang dalaga sa paligid. "Hindi mo ba naintindihan Inspector? Ang sinasabi sa sulat ay muling binuksan ang kaso at ang team KO na ang hahawa nito."

"Kalokohan." sagot ng Inspector at dinukot nito ang kanyang telepono.

"Tatawagan mo ba si Colonel Young? Huwag na, magsasayang ka lang ng oras." wika ng dalaga sa Inspector habang inuumpisahan na nitong magsuri sa paligid.

Nagtataka naman ang mukha ng Inspector. "Anong pinagsasabi mo?"

"Ang mismong General na ang naglabas nito, hindi mo ba nakita sa papel? Huwag ka nang magpakapagod." paliwanag ng dalaga habang nanatili pa rin itong nakatalikod kay Inspector Martin.

"Imposible! Bakit pumayag si General! Alam na ba si Colonel ito?!" sigaw ni Inspector na mababakas sa tono nito ang pagka-inis.

"Bakit kailangan pang malaman ng Colonel? Kung ang General na ang nag-utos?" sambit ng dalaga.

"Iniinis mo ba ako, Officer Valdez?!" hindi napigilan ng Inspector ang pagtaasan ng boses ng dalaga sa pagkamuhing nararamdaman nito.

Samantalang palihim namang gumuhit ang ngiti ng dalaga nang mapansin na nitong nag-iiba ang mga galaw at tono ng Inspector.

"Naiinis ka na ba?" pabalik na tanong ng dalaga sa kausap nito.

"AHHHH!" napasigaw ng malakas ang Inspector at pinagpupunit-punit nito ang papel na hawak niya, sa inis nito ay hindi na nakapagtimping hilahin ng marahas ang braso ng dalagang pulis.

"Hindi mo ako kilala, Valdez. Kaya umayos ka." seryoso at may pagbabantang wika ng Inspector.

"Wow. Binabantaaan mo na ba ang kapwa mo pulis ngayon, Inspector?" seryosong tanong naman ng dalaga sa kanya.

"Hindi, payong kapwa pulis lang... simple lang naman ang gusto mo sa trabaho mo hindi ba? Kaya kung pwede, huwag ka nang makielam pa sa dinaraanan ko." turan ni Inspector Matin sa dalaga.

"Inspector, wala naman akong pakielam sa'yo... Kung gusto mo ang umangat sa ranggo mo hindi kita pipigilan, pero sana hustisya pa rin ang umiikot sa trabaho mo." ang huling sinabi ng dalaga saka na niya tinalikuran ang Inspector.

Hindi pa man nakakaakyat sa pangalawang palapag ang dalaga ng muli na namang magbigaw ng salita ang Inspector.

"Napakayabang mo! Matuto kang rumespeto sa mga nakakataas sa'yo!"

Napantig ang teinga ng dalaga, pakiramdam nito ay nag-iinit ang ulo nito sa hindi inaasahang inis sa kanyang katawan. Muli itong bumalik sa Inspector at hindi ito nagdalawang isip na kinuwelyuhan ito at naggawad ng matatalim na tingin nito sa Inspector.

"Alam mo Inspector, hindi mo ako kamukhang gahaman... Rumespeto? Hindi ako naging pulis, para rumespeto sa mga nakakataas sa'kin, lalo na sa'yo... Naging pulis ako dahil gusto kong ipaglaban ang hustisya." marahas na binitawan ng dalaga ang leeg ng Inspector at iniwan na ng dalaga ang nakaawang na bibig ng Inspector.


AERIN


"Timothy." I called him as he was busy looking out the window.

"Yes?" he looked at me with a smile.

"Bree wants to see us." I said.

"Where?" he heard him asked.

"Nasa Headquarters na raw ito, she texted me."

"K." tipid na sagot nito at nagpalumbaba ulit sa bintana.

Kasalukuyan na kaming pabalik sa Headquarters matapos naming tingnan ang lahat ng parte ng bahay ng actress. Tumagal rin kami ng dalawang oras doon pero, ni katiting na sagot o pwedeng ikahinala ko ay wala akong nakita, maging ang mga kasama ko.

Ang malinaw lang sa akin ngayon ay ang video footage na binigay ng binatang si Ian kahapon.

Na saan ka na ba? Bakit hindi ka pa nagpapakita sa'kin? Halos kani-kanina lang ay na balita na ang muling pagbukas ng kaso ng actress.


Sana ay nakita mo.


Napahinga ako ng malalim, at least nagawa kong isahan si Inspector Martin, panigurado ngayon ay pumuputok na ang butsi nito sa galit sa'kin. HAHAHAHA

Anong akala niya, masisindak ako sa kanya? NO.

Lumipas ang ilang sandali at nakarating na rin kami sa Headquarters. Pababa pa lang ako sa van ay natatanaw ko na itong si Bree na dada ng dada kausap itong si Nico.

Napailing ako. Sa totoo lang nag-aalala rin ako sa dalawang ito, baka kasi magka-inlove-an, e ang babae ang matanda baka maging problema ito kay Bree.

Aish! Ano ba yang lintek na love love na 'yan! 'Di ka naman mapapakain 'yan! Huwag mo nang isipin!

"You want to tell me something?" napataas ang kilay ko sa gulat. What the heck. Did I just found myself looking at him?! No! No! No!

"Hey! May gusto ka bang sabihin?" he again asked. I quickly shook my head.

"Timothy! Huwag mo nang guluhin 'yang si Aerin! Dito dali!" sumigaw bigla si Bree sa amin. Tiningnan pa ulit ako ni Timothy na naghihintay sa sasabihin ko, pero ilang sandali lang ay tumakbo rin ito papalapit kay Bree.

Napahawak ako sa magkabilang pinsgi. "Shit."

"Tara na." nagulat ako sa biglang pagtapik sa'kin ni Fernando.

"Ah. Oo sige sige."

Bago ako magpatuloy sa paglakad ay bumaling muna ang tingin ko sa isa pang kasama namin kanina. Halos tahimik lang ito at kakausapin lamang niya ako kapag may itatanong.

"Adriel..." tawag ko, tumingin ito sa'kin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. I know its weird pero pakiramdam ko e, hindi ito maayos. Kanina pa kasi siya tulala, mukhang malalim ang iniisip nito.

"Yayakapin mo ba ako, kung sasabihin kong... hindi ako okay?" he suddenly said.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, tara na sa Headqua---" bago ko pa mahakbang ang paa ko ay naramdaman ko ang biglang pagpigil sa pamamagitan ng paghawak ng kanang palad ng kamay ko.

"Iiwan mo na naman ba ako?" rinig kong sabi ni Adriel. Liningunan ko ang mga kasama kong masayang nagkukwentuhan. Napapikit ako, kasabay nito ay ang pag-alis ko sa kamay nitong nakahawak sa'kin.

"Puntahan na natin sila." I just said and walked away from him.

Bree took us to Nico's restaurant, the staff warmly welcomed us and gave Nico their best dishes here.

"Wow! Mapapasarap na naman ng kain ko nito! Salamat bro!" masayang sigaw ni Timothy habang tinitikman tikman nito ang mga pagkain sa mesa.

Palihim ko itong kinurot. "Hoy, huminahon ka, mahiya ka sa bata... Umaasta ka pang mas bata sa kanya!" bulong ko pero nginitian niya lamang ako.

Hindi na ako nakatanggi pang sumama dahil na blackmail ako ng dalawa, wala naman din akong balak na tumanggi sa kanila.

Sinong tangang tatanggi sa pagkain ha? Grasya 'yan! Grasya!

Pumuwesto kaming apat sa pinakalikod ng resto. Hindi kasi ganoong karami ang taong nakaupo sa paligid namin dito, kaya medyo tahimik.

"Ang sarap 'diba? Specialty 'yan ni tropa!" pagkomento bigla ni Bree habang tahimik kaming kumakain. Itinuro nito ang isang makulay na gulay na ewan basta creamy white.

"Oo, masarap nga." sabi ko naman, lahat naman ng pagkain masarap, hindi ko nga lang alam ang pangalan bukod sa main meal namin na Rib eye steak. Basta masarap! 'yon naman ang importante! HAHAHA

"Kamusta na pala yung inaasikaso niyong kaso?" biglang tanong naman ni Nico, tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din ito sa'kin, naghihintay ng kasagutan.

Uminom na muna ako ng tubig. "Ayos naman, medyo mailap nga lang yung hinahanap namin." pagsagot ko.

"Huwag kang mag-alala dito kay Aerin, madali lang 'yan sa kanya... Sabi ko nga dito kapag nagka-ipitan, barilan na lang niya. HAHAHAHA" di na makahinga ng maayos dahil sa punong bibig nito pero nakuha pang sumingit nitong si Bree!

"That's still dangerous. Di mo alam pwedeng mangyari." sagot naman ni Nico.

"Hindi mo kilala ang bruhang ito. Hanggang kamatayan, hahabulin niya ang kriminal. HAHAHA!" napa-irap ako kay Bree.

"Alam niyo kayo. Ikaw kamusta na ba trabaho mo ngayon ha?" ibinaling ko ang tingin kay Bree. "Nung isang araw lang halos punuin mo na ang isang baldeng tubig sa walang tigil mong kakaiyak, pero ngayon? Naku!" wika ko habang hinihiwa ang karneng nasa plato ko.

"Oh. Ikaw, huwag mong sabihing halos magkamukha lang tayo pero matanda pa rin ako sa'yo, tandaan mo 'yan!" singhal ko naman kay Nico.

Tinawanan lang nila ako at muling kumain ang mga loko.

"Eto na po 'yong salad, Sir." umangat ang ulo ko sa isang staff na lumapit sa amin. Hawak-hawak nito ang isang bowl, nang mapansin niya ako ay bigla nitong natabig ang water glass dahilan para mahulog sa'kin ang tubig.

"Omg!" agad na tinapon ni Bree ang handkerchief nito sa lap ko.

Tumayo na ako at maingat na pinunasan ang pants ko.

"Naku ma'am, pasensya na po. Sorry po talaga." the staff said. Dali-dali niya ring pinunasan ang pants ko.

"Ayos lang, matutuyo rin ito." I said.

Napansin kong tumayo itong si Nico at nilapitan na kami.

"Please. Go back to the kitchen." he command the staff, hindi na umangal ang dalagang staff at yumuko na lamang ito.

"Wash room lang ako." paalam ko sa kanila.

Gamit ang hand dryer sa wash room, inalis ko na muna ang suot-suot ko at sinubukan patuyuin ang basang parte nito. Hindi naman rin nagtagal dahil umepekto ito at natuyo ng kaunti.

Pabalik na ako sa table ng mapansin ko ang kaninang babae na nakaupo ngayon sa labas, narinig ko ang pag-iyak nito kaya naman minabuti ko na munang kausapin ito.

"May nagsabi sa akin na kapag umiiyak ka, nadadamay ang lahat."

Lumingo ito sa'kin at mindalj niyang pahiran ang kanyang mukha.

"P-po?"

Pumuwesto ako sa tabi nito at tumingala. "Wala. Ang sabi ko huwag ka nang umiyak."

"Sorry po, pasensya na po... napagkamalan ko lamang po kayo." aniya.

"Napagkamalan?"

"Ano po k-kasi---"

"What are you doing here? Bumalik na tayo sa loob." hindi na natuloy ang sasabihin ng staff ng biglaan na namang lumitaw itong si Nico. Pinapasok niya ang staff at naiwan kaming dalawa.

"Ikaw ha. Maging magalang ka sa mga staff mo, huwag mong sungitan."

"Ginagawa ko naman, kaso minsan hindi sila marunong sumunod." aniya sabay tawa.

"Anong sinasabi niyang napagkamalan ako?" I asked in confusion.

"Well, magkahawig kasi kayo ng ate ko." aniya. I looked at him. "Here, look." inilahad niya ang phone niya at pinakita ang larawan ng isang babaeng... kamukha ko.

"She looks like me." nawindang ako.

"Yeah. The first time I saw you in the bar... I thought my sister was back... alive." Nico said.

I remember that time. Ang Nico at ang server na humaharot pa sa akin noon ay iisa lang. HAHA.

"She's dead?"

He nodded. "Yes, 3 years ago."

Pinagmasdan ko ang mga galaw at mukha nito, wala naman pinagbago, maaliwalas pa rin itong nakangiti.

"That is why I wanted to stay with you all the time. I feel like my sister is with me." aniya.

"Pwede mo naman akong maging ate, since matanda rin naman ako sa'yo." biro ko.

"I wanted too but you're too pretty, nawawala ang pagkagalang ko. Kung hindi ka lang talaga matanda sa'kin I'll court you." he laughed as he said those words to me.

"But! Hindi na ako nagbabalak, I know your torn between two man already, ayoko nang dumagdag pa." he continue.

What?

"Let's cut the drama. Let's go back inside." aniya saka nito ginulo ang buhok ko.

Napailing na lamang ako at sumunod na sa kanya.

When I've got there. I felt the sudden changed of the atmosphere. My two beloved friends we're laughing as they talk with Tahlia.

"Aerin!!! Oh my god! So happy to see you!" Tahlia hurriedly run to me and gave me a hug. "I'm back!"

"Akala ko ba ako lang makakaalam ng pag-uwi mo? Alam ba nila?" Pagtukoy ko sa dalawang unggoy.

"No, just Bree. Hindi ko na kayo ma-contact no'ng nalaman kong busy kayo sa hawak niyong kaso." she reasoned out saka niya ako hinila pabalik sa table.

"Hi I'm Tahlia, Timothy's twin sister.  You are?" pag-papakilala ni Tahlia kay Nico.

"I'm Nico." and they shake hands.

"So... What's the news?" nagsimula nang dumada itong si Tahlia at sinabayan na nitong si Bree.

"Really? Babalik ka na sa film industry?!" hindi makapaniwalang sabi ni Bree habang nguya-nguya niya ang manok.

Napatigil ako. "Akala ko ba, papasukan mo ang 'Graphics?' Nagbago na ata isip mo at bumabalik na loob mo sa Film Industry?" I suddenly asked Tahlia.

Tahlia stare at me for a minute... And smile. "Yeah. I changed my plans." sagot nito at inilibot ang tingin sa lahat. "Soon I'll show my one and only master piece." Tahlia answered again as she looked at me,

Weirdly? Yeah.

Passion ni Tahlia ang pagf-film or photography--- para ring art just like my brother, but ang gusto talaga nitong kunin pagiging pulis. Sa pagkaka-alam ko, pabor na pabor si Mr. Young na magpulis itong babaeng anak niya, but one time. She confessed na ititigil na nito ang lahat ng ginagawa niya and flew away.

Walang nakaaalam sa dahilan nito, and even now. Hindi namin alam kung ano ang nag-udyok sa kanyang umuwi sa pinas.




Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin kami at tumigil na ang bibig ng dalawa. Nagpasalamat kami kay Nico sa pagkain at nagkanya-kanya na ulit kami ng lakad.

Si Bree at Tahlia, magkasama na muna isasama niya raw ang bisita sa condo namin.  Si Nico maiiwan sa resto nito, may aasikasuhin daw, and for us Timothy, 'san pa nga ba. Sa Headquarters.

"Did you have a nice talk with the kid?" Timothy asked.

I looked at him who was driving the car. "Yes, really nice talked." at bahagya akong napangiti ng maalala ko ang ate nitong kahawig ko. It's my first time encountered that thing.

"Happy to see you, smiling." out of nowhere, he suddenly talked. Hindi ko alam kung anong irereact ko, I was suppose to slap him and curse him but now, I don't think I ca---


DUG DUG DUG DUG DUG DUG


Shit. What's that noise?

Inikot ko ang tingin sa paligid pero wala.

Shit. Minumulto na naman ba ako?!

When we arrived at the Headquarters, agad kaming tumungong dalawa sa room. Pagbukas ko sa pintuan ay napansin kong, naglulupong-lupong ang tatlo sa desk ko maliban dito kay Adriel na chill lang na nakatayo. Umiwas agad ako ng tingin ng magtama ang aming mga mata.

"Officer! Tingnan mo!"

Humakbang ako papalapit sa kanila at namataan ko ang isang di kalakihang box.

"Ipinadala sa'yo, Aerin." I heard Fernando's voice behind me.

Lumayo ng kaunti ang mga kasama ko at hinayaan akong buksan ito, chineck ko ang information ng box pero tanging ang pangalan ko lang ang nakasulat.


"Camera?"

"Bakit ka naman bibigyan niyan?"


In on ko ito, at nakitang gumagana. May isang video na nandirito, pag-play ko ay nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Ang CCTV footage ni Pamintuan, ang hinahanap ni Inspector Martin ay hawak-hawak ko.

... At nasaksihan ng dalawang mata ko ang pangyayaring pagkamatay nito.

Ang lalaki, nandito na naman siya... pinapanood ang unti-unting pagkamatay ni Pamintuan.

Napalingon ako sa biglang pag-vibrate ng phone ko.

Tiningnan ko ang isang text na mula sa unknown number.

Naramdaman ko ang biglang pagpatak ng mainit na tubig sa'king mukha.


"Aerin! Ayos ka lang?!"


Nabitawan ko ang hawak kong telepono at tuluyan kong naibagsak ang aking katawan sa sahig.

Ang mensahe.

Pa ulit-ulit kong nakikita.


"Bakit hindi mo subukang hanapin ang pagkamatay ng kuya mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro