Chapter 44

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹The Man Identity: Paulo Aquino


AERIN


Maaga pa lang at hindi pa man tumitilaok ang manok ay agad na akong gumising. Kasalukuyan na rin akong bumabiyahe papunta sa Manila, specifically sa Police Main Department.

Hindi na ako nagpaalam pa sa dalawang kasama ko ngayon sa condo--- Timothy and Bree. Baka lalo lang mag-alala sa'kin si Tim at hindi na ako tantanan.

Matapos na malaman ng ka Team ko ang pangyayari kahapon ay hindi na nawala sa tabi ko itong si Timothy, hanggang sa pag-uwi sa condo ay nagpresinta ito dito na muna matulog, hinayaan ko na lamang lamigin sa sala. Gusto niya 'yon e.

Pina-track ko rin ang unknown number kay Fernando na na-received ko kahapon pero wala itong nakita. Naka-off ang phone ng may-ari sa numerong iyon. Ang box naman na pinadala sa'kin ay nakita lamang daw ng isang pulis na kasamahan namin, napa-swerte pa na sa lugar na pinag-iwanan nito, walang kahit anong CCTV na nakalagay.

Sinasabi ng mga kasama ko na 'baka prank text lang' at 'huwag ko na raw intindihin'

Pero iba kasi ang pakiramdam ko, I felt there's something that I should know. Kaya eto ako ngayon, babalikan ko ang lugar kung saan na destino ang kuya ko noon sa trabaho. I want to clarify something.

Kahit alam kong una pa lang, madidismaya rin naman ako.

I stopped by and park the car in front of the convenience store. Alas-sais pa lang ng umaga at ramdam ko na ang pagtawag ng kumakalam kong tiyan. Kagabi rin kasi ay hindi ko na nagawang kumain, buong gabi akong na sa kwarto, nakahiga at nakatulala sa puting kisame.

The two tried to approached me, lalo na itong si Timothy pero sa huli hinayaan na lamang niya ako. Si Bree naman, wala naman itong alam sa nangyayari, I heard Timothy excuse na namomroblema raw ako sa kasong hawak namin, and that's good excuse ayoko rin naman din itong mag-aalala.

"Thank you ma'am!" I heard the staff shouted at me as I open again the sliding door for me to got outside.

Kumuha ako ng isang big size juice, isang siopao, hotdog at iilang mga chips. Kakain na lamang ako sa kotse, sayang ang oras dahil may trabaho pa akong dapat na asikasuhin sa Headquarters.

Binuhay ko na ulit ang makina ng sasakyan at nagpatuloy na sa pagbiyahe.

"Shit!"

I cursed when someone's car just get in my way, papasok na ang sasakyan ko sa highway ng bigla itong lumitaw. Muntikan ko nang masagi ang katabi kong kotse.

"Leche!" binusinahan ko ito ng tatlong beses saka ko ito sinubukang habulin.

"Hoy! Leche! Wala ka sa racing avenue!" napapasigaw ako sa loob ng kotse habang inis na pinapanood ang nagmamaneho sa itim na kotseng na sa harapan ko.

Binilisan ko pa ang speed ng kotse. Siningitan ko na ito at nang maiposisyon na ang kotse ko sa tabi nito ay binabaan ko ito ng bintana.

"Hoy! Pulis ako tumigil ka!" sigaw ko sa lalaking driver. Chill lang itong nagmamameho habang nakatungkod ang braso nito sa bintana.

Hindi ito nag-abalang pasadahan ako ng tingin at ilang sandali lang ay kusa akong napatigil ng biglang nag-red light sa daan, kasunod namang dumaan sa harapan ko ang mga sunod-sunod na truck.

Nawindang ang mga mata ko ng makita ko ang lalaki kanina, mabilis nitong pinaharurot ang kotse nito at sumabay sa mga dumaraang truck.

"Tangina."

Wala na akong na sabi kun'di ang magmura na lang. Pasaway na lalaking 'yon ah!

Dahil sa nakakapunyetang traffic ay nakarating na lamang ako sa Headquarters ng mag-a-alas otso. Nakuha ko nang in-off ang phone ko dahil kanina lang ay hindi na tumigil sa pagtawag sa'kin ni Bree at Timothy.

Pinagpag ko ang suot-suot kong black pants bago ako magpatuloy sa pagpasok sa loob ng Headquarters.

Huminga ako ng kalalim-lalim at tumingala sa napakalaki at napakataas na gusali. Hindi ko alam kung anong kalalabasan nito dahil leche! Wala akong kakilala dito. Kahit isang tao lang wala!

Ano ba naman kasing pumasok sa brains mo at naisip mo ito? Pakain mo na lang sa zombies ang nakakastress mong utak!

Napailing ako. Bahala na si batman! Kung sino man ang kakausap sa'kin, ipagluluto ko siya! HAHA!

Pagpasok ko sa loob ng Headquarters ay bumungad sa'kin ang sandamakmak na mga pulis na mukhang nagkakagulo, napansin ko kasi ang mga galaw nila na hindi magkamayaw.

Napalunok ako.

Lumingon ako sa Info. Desk, hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko ro'n dahil nagkukumpulan ang mga pulis.

Shit. Saan ako pupunta.

Kaliwa't kanan ang paglinga ko sa paligid. Nagba-bakasakaling may anghel ang makita dito.


"Officer Valdez!"


Oh. Sino 'yon?

Tumingin ako sa tumawag sa'kin, nakita ko ang isang di katandaang lalaki, nasa tansya kong mid 30's na at in fairness 'di napapabayaan ang katawan nito sa krispy kreme at Jco.

Nakangiti itong sumaludo sa'kin. Ganon din naman ang ginawa ko kahit 'di ko ita kilala.

"Officer?" tanong ko ng makalapit na ito sa pwesto ko.

"Officer Torres." at nakipag-kamay kami sa isa't-isa. "Anong maitutulong ko sa anak ni Lieutenant?"

Napakamot ako sa ulo. "Valdez na lang po..."

He laughed.

"Pasensya. Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sa Quezon ka naka-destino?" pagtatanong ulit nito saka ito nagpatuloy sa paglakad. Sinundan ko ito.

"May gusto lamang po akong malaman sa insidente po noon, tung---"

"About your brother?" he cut my words and he then spoke.

"P-po?"

"Ano pa man din ba ang gagawin mo dito kung hindi ang tungkol do'n, 'yon lang naman ang koneksyon ng Departamento sa buhay mo." wika nito at umakat sa hagdanan.

"Alam niyo po ba ang nangyari sa insidente?" tanong ko habang inililibot ko rin ang tingin ko sa paligid. Wala naman nakakamangha sa loob, typical na white wall, white door, puno rin ng mga bulletin board at syempre mga pulis.

Officer Torres nodded. "Oo, pero wala ako no'n nasa kampo ako. Pero naki-balita rin naman."

"Sabi po nila na may mga rebeldeng sumugod sa ceremony noon, patay na po ba silang lahat?"

Pagkarating namin sa ikalawang palapag ay dumungaw ito sa baba at pinagmasdan ang mga pulis.

"Oo, namatay rin sila no'n. Hindi mo ba alam?" turan niya.

Umiling ako.

Ang tanging alam ko lang noon, nabaril ang kuya ko sa isang rebeldeng sumugod sa congratulatory party na ginanap noon sa Manila Hotel. And as of now, closed na ang nasabing Hotel dito.

"Hindi po." pagsagot ko.

"Ang tanging nakaligtas lamang na pulis no'n ay sina Inspector at si  Colonel Young. Si Colonel ata ang pinakahuling nakalabas sa lugar ng pinangyarihan. May tama nga rin nga ng bala noon si Colonel Young." anito.

"S-si Mr. Young p-po? Nandoon po siya?"

"Oo. Ang soon to be, father-in-law mo." pagbibiro niya sabay na tumawa.

"Sino naman po ang isang nakaligtas?"

Sandali itong natahimik, napapakunot noo rin ang ulo nito sa pag-iisip.

Napailing ito. Sumunod ulit ako sa kanya ng muli na naman itong maglakad, pumasok siya sa isang kwarto dito sa taas.

"Hindi ko na kasi maalala ang pangalan nito, sa pagkakaalam ko nag-resigned na." aniya habang kinakalungkat na nito ang computer.

Umupo ako sa isang swivel chair at tumabi sa kanya. "May mga CCTV naman po siguro no'n, 'di po ba?"

"Oo, pero ang nakakalungkot lang... Pagpasok daw nila, lahat ng mga video pinagbabaril ng mga rebelde. Walang kahit na anong nakitang pwedeng ebidensya." saad nito habang nakatuon parin ang tingin sa computer.

"Pero sa pagkamatay ng kuya mo... May isang witness, nakita niya raw na tinamaan ng bala ang kapatid mo... pero sa autopsy report dalawang tama ng baril ang nakita, isa sa bandang tiyan at sa puso."

Saglit akong natulala, mahigpit kong hinawakan ang damit ko.

I shook my head and tried to focus my senses. Tama na Aerin, huwag ka ng maging mahina.

"Ah! Si Inspector Benjamin Arcilla! Iyon nga! Eto!" napatingin agad ako sa screen ng computer at tiningman ang isang may katandaan ng lalaki. 55 years old na, hindi nalalayo kay Papa at Mama ang edad.

"Natatandaan ko pa. Baguhan pa lang naman din ako no'n pero nasaksihan ko ang pag-resigned nito dito. Galit na galit at dismayado ang mga ilang pulis sa kanya, nanghihinayang din ako dahil minsan rin namin itong hinangaan sa PNP."

Tumango-tango ako. "Bakit naman po niya binitawan ang propesyon nito?"

"Hindi ko alam, ang chismis na narinig ko. May sakit daw." turan ni Officer Torres

"Ano naman po ang ginagawa noon ni Colonel Young sa party?"

"Syempre invited. Mataas na ranggo, e." muli nitong sagot.

"Officer, may alam po ba kayo sa mga nakasama ng kuya ko sa kampo? Noong kasagsagan po ng training nito?"

"Hindi ko alam kung sino-sino ang mga 'to, pero alam ko kung sino ang makakatulong sa'yo..." huminto ito. "Si Chief! Si Chief Antonio Perez! Hindi ba kapareho mo ng destino iyon? Siya ang nakaalam!"

What the.

Bakit siya pa?

Leche!

"S-siya p-po talaga?" I asked as I felt my lips stuttering. Like the heck! Mainit ang dugo namin sa isa't-isa! Hindi pwede!

"Oo! Bago siya mailipat sa Quezon City, diyan muna siya sa Ermita na destino." Officer Torres said.

Pakiramdam ko ay pinapa-ulanan ako ng bala ngayon ni Chief, naririnig ko rin ang tawa at boses nito!

AHHHHHH!!!

Shit.

Patay na patay ako.


"Loka loka ata ang babaeng iyon? HAHAHA!"

"Ano daw sabi? Pulis daw? HAHAHAHA!"


Sabay kaming bumaling ng tingin sa ingay na narinig namin, tumatawang pumasok ang dalawang lalaking pulis sa kwarto.

To my surprise, I stood up.

I point my finger to one of the man who just came.

"Ikaw!/You!" we both exclaimed.

"Shit. Kilala mo siya pards?" tanong ng madaldal na dila sa katabi nito.

"Oo, siya yung ewan na sigaw ng sigaw sa highway." sagot nito sa kasama.

"What the hell?!" I shouted. I looked at Officer Torres. "Sir! May kailangan akong i-report sa'yo, this man... nag-o-over speeding sa highway!"

"Sino? Itong pulis na'to?" Officer Torres asked, as he pointing out his finger to this crazy man.

Tumango ako bilang sagot.

"Ikaw totoy ka! Hindi ka na nahiya! Akala mo kinagwapo mo 'yan!" pinaulanan na ni Officer Torres ng hampas ang lalaking pulis, nagtatatakbo sila sa loob at walang humpay na kakasigaw.

I looked at the talkative one. He looked suprised.

"Ikaw b-ba, si Officer Valdez? anak ni Lieutenant?" napansin ko ang kaba at pagpapawis nito sa noo.

I raise an eyebrows. "Yes, may I help you?"

"... Oh! I don't think I can help you, 'loka loka' ako hindi ba?" I added and so, I crossed my arms.

I smirked.

Na sa akin pa rin talaga ang huling halakhak.




"Sana'y mapadalas ang pagbisita mo rito, Officer! Paki kamusta na rin kay Lieutenant!" sigaw ni Officer Torres habang nakangiting kumakaway sa'kin.

I salute him. "Thank you, Sir!"

Nakita ko rin ang pagkaway ng dalawang lalaki kanina na nasa likuran ngayon ni Officer Torres.

Kumindat ako sa kaninang lalaki at natawa ako sa nakakalokang reaksyon nito. Ang sarap talagang mang-asar. HAHA!

After I bid goodbye to my fellow officer, I immediately run my car faster. I'm driving beyond the normal speed, I can freely do it, since I have a siren making out some loud noises outside.

Papunta ako ngayon sa Office ni Papa para makausap ito tungkol sa incident. Kailangan ko ring kumuha ng lakas ng loob na kausapin itong si Chief Perez dahil sa kasamaang palad nga naman... alam niya ang hinahanap ko.

Of all people. My goodness! Why him?!

Habang bumabiyahe ako ay naalala ko nang buksan ang phone ko, as expected tambak na ako ng text at missed calls mula kay Timothy.


I pick up the call when I saw his name again on my phone screen.

"Yes?"

"Where are you?!" Timothy shouted on the other line of call.

Inilayo ko ang telepono sa teinga ko. Balak ba niyang sirain ang eardrums ko?!

"I'm going back, don't worry."

"I said where are you? Where did you go?!"

"I went to Manila Main Department, pabalik na ako." and yes, he won. 'Di ko rin naman ito matiis.

"Come back immediately."

"Fine. Paki-asikaso na lang ang mga kasamahan na'tin diyan."

"Please... be careful."

I hang up the call, when I felt something's weird coming.


Hindi ako sanay sa ganoong tono ni Timothy, he's too sweet.

Sanay naman ako sa ka-sweetan nito pero hindi sa ganitong may awkward situation, pero simula't sapul pa lang ganito na si Timothy, I remember when the first time we met in the Police Training. Some higher ranks scolded me everyday because of my lame and not so effort trainings I did--- hindi rin kasi ganoon kadali ang maging pulis. Tino-torture ka physical and emotionally.

But some other day. When I was busy getting a moment of cry behind my camp, he suddenly showed up in front me, the oh so called hero of the day. He helped me to stand on myself,  he lectured and even tutored me on my exam! Yeah. HAHA He did that.

May mailalaban naman itong si Timothy sa utakan, pero problema sinasabayan niya ng biro. Kaya... hindi ko rin kayang maniwala at tanggapin ang nararamdaman nito sa'kin. Hindi ko inaasahan.

I'm just thankful na nakilala ko ang isang tulad nito sa mga panahong hirap na hirap ako sa mundo ko, and I can't imagine na mawawala ito sa tabi ko. Bree and Timothy, became a part of me.

After a long drive, I finally arrived at Dad's office building. Sumaludo ako sa mga ibang pulis na nasa loob at tumungo na sa room nito.

I knock three times and then open the door.

"Dad."

"Mabuti't napadpad ka dito?" he immediately asked.

"I want to ask you something." umupo ako sa harapan nito, abala naman ang tingin nito sa pagbabasa.

"It's about Kuya Adey." I said. He turn his attention to me.  "What is it that you want to know?"

"Hanggang ngayon pa rin ba... wala pa po ba kayong natatanggap na gamit ni kuya noon?" I asked.

"Excuse me? Gamit niya?" nagtatakang tanong niya.

"Dad. Hindi nabalik ang painting na dapat ibibigay niya sa'kin, hindi rin bumalik ang pito na niregalo ko sa kanya."

Inalis nito ang suot-suot niyang salamin. He looked at me. "Ang tagal na nating pinag-usapan 'to hindi ba? Ang nakita at naiuwi ko lang mula sa apartment nito ay 'yun lang... baka naipamigay  na ng kuya mo ang portrait na dapat sa'yo." Dad said.

"No.  I know na hindi gagawin ni kuya iyon,  that portrait was for me."

Sino ba kasi ang mag-s-schedule ng ceremony ng umaga? I mean kung iisipin, sa araw na nag-away sina Mama't Papa noon. That's morning, bago ako pumasok sa eskwelahan, so it means pagdating ni Papa no'n sa Manila wala ng buhay si Kuya Adey. Ibig sabihin sa umaga or tanghali na iyon, binawian na nang buhay si Kuya.

"But... Dad, what if may kumuha sa mga gamit nito?"

"Aerin, please... Huwag mo nang isipin ang tapos na." may inis na sa tono ni Papa.

"So, hindi ko na iisipin si kuya?"

"That's not what I meant... I was referring to the accident." he clearly said.

Tumayo na ako, "Ayun lang naman ang gusto kong itanong, babalik na po ako sa Headquearters."

I was about to open the door when he suddenly talked.

"I heard the news, you handle the artist's case?" Dad asked.

Tumango ako dito ng hindi na inaabalang humarap pa sa kanya.

"That's good. Goodluck."

My eyes widened as he spoke those words. This time, I looked at him. "Thank you, dad." with a smile.

Sandali.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Papa. "Do you personally know, Dr. Rick David?" I asked.

Nag-angat ang tingin niya sa akin. "No?" umiling siya na walang kasiguraduhan. "I mean. We just both work on the same patients, we somehow talk some things, why?" he answered.

I shrugged. "Nothing, he just mention your name in his last minutes." I said.

Muli kong naalala ang mga binitawang salita ni Dr. David. He talked and act how he really cares about his daughter Jackie.

I somehow think. Does my own dad worry about me too?

Napailing ako. Kung ano-ano na lang iniisip mo, Aerin!

Sa paglabas ko sa opisona nito ay muli kong binuksan ang pintuan. "Dad?"

"Yes?" he asked.

"May I also asked... How did you know Engineer slash Officer Castillo?"

"Colonel Young, recommend him to me. Why?" mabilis na sagot ni Papa.

What?

Umiling ako. "Nothing, just curiosity. I'll be going."

Magkakilala ba silang dalawa?

Bumalik na ulit ako sa Headquarters. Pagpasok ko sa loob ay hinanap agad ng mga mata ko si Chief Perez.

"Officer!"

Tumingala ako sa itaas kung saan nanggaling boses, nakita ko sina Bok, Theo at Adriel na nakadungaw ngayon sa ikalawang palapag.

Ngumiti na ang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglakad.

"Nakita niyo ba si Chief Perez?" pagtatanong ko sa ibang mga pulis na nandito sa baba.

"Oo, nandiyan lang 'yan. Ikot ng ikot." sagot ng isa.

"Salamat."

Umakyat ako sa itaas, at chineck ang bawat room. Napahinga ako ng malalim ng makita ko itong naka de-kwatro ng upo habang tinatanaw nito ang kalupaan. Nahanap ko kasi itong naka-pwesto sa maliit na balkonahe dito sa taas.

"Chief." tawag ko sa kanya, sakto lang para marinig niya.

"Ano?" tanong niyo ng hindi bumabaling sa'kin. Humigop ito ng kape.

"May itatanong lang sana ako." humakbang ako sa kanya at nanatiling nakatayo sa tabi nito.

"Gusto ko ho sanang malaman, kung sino-sino po ang mga kasama ng Kuya Adey ko noon sa kampo."

Kailangan kong malaman kung sino sila, dahil malakas ang kutob kong hindi nasira o nadamay sa insidente ang mga gamit na hinahanap ko. May posibilidad, na may alam ang mga nakasama nito noon.

"Anong pumasok sa isipan mo at bigla ka na lamang nagka-interesado?" pagtatanong nito.

"Hindi ko nga rin ho alam. Basta kailangan ko lamang pong may malaman... kahit ano, kahit di kalakihang impormasyon."

Inikot ko ang tingin sa labas. Mahangin din pala dito, presko.

"Hindi ko alam kung may maitutulong ako." nakita ko itong tumayo na at may balak nang layasan ako.

"Chief?" gamit ang peripheral vision ko ay napansin ko itong tumigil.

"Hindi ka nagtitiwala sa mga tao, 'di po ba?"

He looked at me  "Ano?"

"Ako rin naman ho, hindi ako nagtitiwala... People always lie... they act like a good person but the truth? They don't." I looked at him. "Napakasinungaling nga naman ng mga tao."

Mukhang mabibigo ako ngayon ah.

"Chief. Mauna na ho ako." wika ko at saka na ito tinalikuran.

Dumating ang tanghalian at kasama ko ngayon kumakain ang mga ka-team ko, na sa room lang kami at pinagsasaluhan ang nilutong adobong baboy nitong si Theo.

"Sarap ah! The best ka talaga pare!" komento ni Bok dito.

"Oo, pinapasali ko nga siya sa Master Chef, e. Baka ma-discover!" pagbibiro ni Fernando.

"Yeah. Why don't you join?" I heard Timothy's voice too.

"Ayoko, wala nang katuwang dito si Aerin no'n. Panigurado sikat na sikat na'ko." natatawang turan nito.

"Gaga. Ako pa inalala mo? TSK!" ang sabi ko naman.

"Oo, alam kong hanggang tumanda ka, pulis ka pa rin! HAHAHA!" ani ni Theo.

"Oy! Huwag ka! Baka hindi tayo imbitahan sa kasal ni ma'am!" pagsuway ni Bok dito.

Nanlilisik ang mga mata kong tumingin kay Bok. Umiwas naman agad sa'kin ang manok. HAHAHA!

"Hello po... Nandiyan po ba si Officer Valdez?"

Nagtataka akong napatayo, sumilip ako sa pintuan at nakita ko ang isang kapwa pulis.

"Ano 'yon?"

"Officer, pinapabigay po sa inyo ni Chief Perez." saad niya saka niya inabot sakin ang isang makapal na folder.

"T-talaga? Si Chief Perez?"

He nodded.

Shit.

Nagmadali akong naghugas ng kamay ay kinuha ito sa kanya. "Pakisabi salamat ha?"

"Opo." ngumiti na lamang ulit ito saka na siya lumabas.

Tumakbo ako sa desk ko at mabilis na hinanap ang camp group na kinabibilangan noon ni Kuya Adey.

"Camp; Rafael."

Nang mahanap ko ang pangalan ni kuya sa isang camp group ay tiningnan ko ang mga kasama nito.

Lima lang...

At ang isa, pamilyar sa'kin.

Lahat sila, patay na maliban sa isa.


"Paulo Aquino."


"May kasama ka pa lang pinoy diyan kuya?"

"Oo, si Paulo pulis sa pinas, halos kasabayan ko siya dito."


Si Paulo, ang lalaking nakita ko noon sa video call. Si Paulo, na kasama rin ni kuya sa camp. Si Paulo... ang lalaking hinahanap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro