Chapter 45

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Let me tell you something


AERIN


"Ma'am! Eto na po yung kape niyo!"

Nakangiti kong kinuha ang isang tasa ng kape dito kay Bok. "Salamat." at muli kong binalik ang tingin sa mga binabasa ko.

"Aerin."

I heard Fernando's calling me. I immediately looked at him. "Nahanap mo na ba?"

Umiling ito.

Wala pa rin.

I heaved a deep sighed saka tinikman ang kape nito. Leche 'bat ang pait, isang kutsara ba nilagay niya dito?!

"How's the searching?" I looked at Tim na kakapasok lang sa room. He looked at me. "Wala pang nahahanap si Fernando." I answered.

"Ikaw, Adriel. May nahanap ka na ba?" biglang tanong ni Timothy dito sa katabi kong desk.

Ilang segundo itong tumingin sa'kin saka niya binalik ang tingin kay Timothy. "Wala rin." sagot nito.

"Saan ba natin mahahanap ang lalaking iyan." ang sabi na lamang ni Timothy at umupo sa desk nito.

We're now currently searching on that guy-- Paulo Aquino. Matapos kong makumpirma sa larawan na ang lalaking hinahanap ko, sumusunod sa'kin at ang Paulo na nakasama ni Kuya Adey no'n ay iisa lang. Hindi ako pwedeng magkamali dito, kahit mga mata lang ang nakikita ko sa estrangherong iyon, siguradong-sigurado akong iisa lang sila. Kaya rin malakas ang kutob kong nakita ko na ito noon pa, siya yung lalaking biglang sumulpot sa video call namin ni kuya.

May mga nahanap na rin kaming impormasyon nito. He lives on his own, deceased both parents, pero natapos ito ng criminology courses, nagkaroon din ito ng scholarship at nakapag-attend ng training sa Australia last 6 years ago--- which my brother also attended. Nahihirapan lang kami ngayon sa paghahanap ng location nito.

Kahapon pa kami naghahalungkat pero wala itong permanenteng address. Ang latest location na nahanap namin sa kanya gamit ang profile sa PNP ay noon pang 2016

Kung siya man ang pumapatay. Kailangan ko na siyang mahanap sa lalong madaling panahon, ayoko nang may madamay pa sa mga galaw nito.

Narinig ko ang biglaang pagtunong ng telepono kong nasa bulsa. Chineck ko ito at nakita kong tumatawag si Tahlia.


I pick up the call.

"Yes?"

"Aerin!!! Can you come with me?"

"Saan naman?"

Kinilabit ko si Timothy at sinenyasang kausap ko ang kambal nito.

"There's opening of an Art gallery!!!" rinig na rinig ko ang gigil nito sa kabilang linya. Excited ang bruha.

"Saan ba yan ha?"

"Malapit lang sa Ayala Malls. Dali na samahan mo'ko!"

"Nasa trabaho ako, e."

"Pretty please? Dali na, baka eto na 'yong last na masamahan mo'ko sa Art Gallery."

"O bakit naman last? Mag-aasawa ka na ba? Maganda 'yon para palagi ka nang may kasama!" natatawang sigaw ko sa kanya.

"Oo kaya sulitin mo na at baka hindi mo na'ko makasama! Let's meet at your condo building, okay! Paalis na ako!"

"Mabilis lang tayo ha! May trabaho pa ako."

"Promise! Isang oras lang tayo do'n! Bye! See you!!!"


Nakuha pa talaga akong konsensyahin ng loka.

"Hoy! Yung kambal mo ako na naman ang ginugulo!" sita ko kay Timothy. "Bakit 'di kayong dalawang mag bonding no'n ha. Para naman may silbi ka sa kanya!" sabi ko ulit pero pinagtatawanan lang niya ako.

"Ayaw mo 'yon? Close na kayo ng soon to be sister mo." aniya.

I stopped for a minute. Okay? Anong kalokohan na naman ito Timothy?!

"Hay nako! Ang gulo mo rin kausap! Una na'ko!" himampas ko na lang ito sa likod at tumuloy na sa paglabas.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng uniporme at mabilis ng pinaharurot ang kotse pabalik sa condo.

Si Tahlia talaga, kung ano ang pumasok sa isip nito gagawin! Magkapatid na magkapatid talaga sila ni Timothy!

Hindi ko pa man napapark ang kotse ko ay bumungad na sa'kin ang kumakaway na si Tahlia. Nakatayo ito sa gilid ng daan habang ayos na ayos. Huwaw ha! Ang bilis ng bruha!

"Omg! Your also early! Sabi ko na nga bang 'di mo'ko matitiis!" kasabay ng pagbaba ko sa bintana ay nagsalita na ito.

"Pasok na dali!" utos ko, mabilis naman din itong sumakay sa front seat.

Minaneho ko ulit pabalik ang kotse at tumungo na sa sinasabi nitong Art Gallery.

"For sure sinabi mo kay Timothy, right?" Tahlia said.

I nodded. "Right, akala mo naman may matatago ako do'n lalo na tungkol sa'yo."

"Naks! Loyal na loyal si sister!" natatawang sigaw nito.

Kinapa ko ang tissue box at itinapon ito sa kanya. "Gaga! Hindi ko lang talaga kayang magsinungaling!"

Napatingin ako dito ng mapansin kong tumahimik ito bigla, nakadungaw lang ito sa bintana.

Ang moody ng bruhang 'to!

Habang bumabiyahe kami ay napansin ko ang telepono kong patuloy na tumutunog.

"Lia, pwede bang patingnan yung phone ko sa harapan mo."

"Someone's calling... Nanay Pressie? Who's that?" she asked saka niya inabot sa'kin.

"Answer the call and put the phone in my ear." pakiusap ko.


Tahlia pick up the call.

"Nay! Napatawag po kayo?" sabi ko sa linya.

Pinatahimik ko na muna si Lia.

"Anak! Pinapapunta ka ni Mother Lily sa Orphanage, may sasabihin daw siya sa'yo." aniya, dinig na dinig ko rin sa kabilang linya ang pagluluto nito sa mga burger.

"P-po? Tungkol saan naman po?"

"Tungkol sa nag-ampon sa dalawang magkapatid, babalitaan ka ata."

Inagaw ko na kay Tahlia ang telepono at hinawakan ito ng maigi. Ginamit ko na lang ang kaliwang kamay ko sa pagmamaneho.

"Naku nay, may inaasikaso po kasi ako ngayon, pwede po bang iba na lang papuntahan ko sa orphanage?"

I glare at Tahlia. Naku bad timing!

"Pwede rin. Sasabihin ko kay Mother Lily, sige nak ha. Magtitinda lang muna ako saglit." at binabaan na ako ng tawag.


"Who's that, Nanay Pressie?" tanong ng kasama ko.

Hindi ako nakatugon kay Tahlia at kinuha ko agad ang maliit na mic. Isinuot ko ito sa teinga at nag-connect ako sa linya ni Fernando sa Headquarters.

"Napatawag ka?"

"Fernando, isama mo sina Timothy at Bok pumunta kayo sa Shepherd Hands Foundation, hanapin niyo si Mother Lily at sabihin niyong pinadala ko kayo do'n."

"Anong gagawin namin don?" pagtatanong nitong si Fernando.

"May alam ito tungkol sa dalawang magkapatid. Kausapin niyo ng maayos. Umalis na kayo ngayon din."

Sinabi ko sa kanila ang nalaman kong magkapatid ang dalawa. Stage name na lamang ang 'Park' itong si Sheryl.

"Sige goodluck sa pag-babysitting sa sister mo! HAHAHA!" bigla itong nagbiro.

"Hoy! Tumahi---"

Aba! Saan natuto ang good boy na si Fernando'ng magbaba ng tawag ko?

"I'm asking here! YUHOW!" napatingin ako kay Tahlia na sumugaw. "Gaga, tungkol lang 'yon sa kasong hawak namin." turan ko.

"Is that about the connecting the dots?" she suddenly said.

"How did you know?" I asked her saka ko tumingin sa side mirror, papasok na kami sa highway at medyo malapit-lapit na sa lugar na pupuntahan namin.

"Timothy told me." aniya.

"Talaga? Kailan pa 'yon nagkwento sa trabaho no'n sa'yo." I commented while laughing.

"I'm still his sister. Dapat alam ko rin nangyayari sa lalaking 'yon, he also told me that... He confessed and propose to you? How'd did it went?" muli nitong tanong na ikinatahimik ko.

"Wala pa sa isip ko 'yon." saad ko habang diretso lang ang tingin sa daan.

"So, my brother just got rejected to the girl he liked for five years, huh." I heard her chuckled.

"You know that too?"

"Of course I knew, kapatid niya ako we run the same blood. Duh." natawa ako sa pag-iinarte nito.

"May chance ba ang kapatid ko sa'yo?" she asked.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" nang makita ko na ang signage ng Art Gallery ay humanap na ako ng pag-parking-an. Si Tahlia na kaninang excited, mukhang na carried away sa pag-uusap namin.

"I'm curious. May nararamdaman ka ba sa kapatid ko?" Tahlia again asked.

Saglit akong napaisip sa tanong nito, may nararamdaman ba ako sa kanya?

"I don't know."


THIRD PERSON


"Officer, malayo ba 'yung pupuntahan natin?" pagtatanong ni Officer Bok sa kasamang nitong si Officer Fernando.

"Hindi naman, malapit lang ito." ang sagot naman ng binata.

"Buti pinasama ako ni Aerin?" biglang tanong naman ng binatang si Officer Young habang nakapamulsa itong naglalakad pababa kasunod ang dalawang binatang pulis.

"Gusto ka ring pagurin ni Aerin." natatawang tugon ni Officer Fernando dito.

"Officers!"

Sabay-sabay silang lumingon sa malakas na pagsigaw, napatigil sila sa paglabas ng Headquarters ng makita nila si Inspector Martin na nakatayo sa gawing kanan nila.

Lumapit ang Inspector sa kanila at saka sumaludo sa tatlong binatang pulis.

"Kamusta?" tanong ng Inspector.

"Kami? o ang kaso?" pamimilosopo bigla ni Officer Young dito.

Tinapik ni Inspector ang balikat ni Officer Young. "Huwag ka namang magalit, baka isumbong mo'ko kay Colonel."

Napangiwi na lamang si Officer Young dito.

"So, how's it going? My progress ba ang kaso?" ngayon naman ay nagtanong ang Inspector kay Officer Fernando.

Nagkibit-balikat ang binatang pulis. "Wala kaming karapatan na magsalita, wala rin kaming balak na sabihin ang nangyayari. Trabaho na po namin ito, Inspector." sagot ni Officer Fernando at tinalikuran ang Inspector. Sumunod naman ang dalawa pang binatang pulis, hindi na rin umimik si Officer Bok at sumaludo na lamang ito sa Inspector.

Naiwan naman ang Inspector sa loob, nakayukom ang mga kamao habang walang ibang umiikot sa isipan nito kun'di ang nangangalaiting galit niya sa dalagang pulis.

Dinukot nito ang kanyang telepono at tinawagan ang isang tao.

"Patayin mo si Officer Valdez."

Kasalukuyan na ring bumabiyahe ang tatlong binatang pulis na sina. SPO Fernando, SPO Young at si PO1 Bok.

"Kaliwa ka diyan, Bok." pagturo ng binatang si Officer Fernando sa dinadaanan nila. Kumobra ang sasakyan pakaliwa at ng matanaw na nila ang isang simbahan ay minadali na nilang makapag-park.

Bumaba agad ang tatlong binatang pulis at pumunta sa harapan ng  orphanage. Pinindot ni Officer Young ang isang doorbell at ilang sandali lang ay bumukas ang metal na bakod.

"Hi. Bata! Pwede ba kaming pumasok?" nakangiting turan ni Officer Fernando sa isang may kalusugang batang lalaki.

"Oh! Pulis din po kayo?" tanong bata habang sinisip-sipsip ang hawak nitong lollipop, naglalaway na rin ang bibig ng bata.

Tumango ang binatang si Officer Fernando. "Oo, pwede niyo ba kaming papasukin?"

Umiling ang bata. "May pera po ba kayo?"

Nagtinginan ang tatlong binatang pulis. Hindi maintindihan ang tinutukoy ng batang lalaki.

"Oo naman, bakit mo na tanong?" sabi ulit ni Officer Fernando.

"WAHHHHH! MAY PERA RAW SILA!!!"

Sumigaw ng ka lakas-lakas ang bata at ilang segundo lang ay bumungad sa kanila ang napakaraming bata.

Hinila ng mga bata ang tatlong binatang pulis. "Ililibre niyo rin po ba kami? Si Ate Aerin po kasi binilhan po kami ng Jollibee!"

"Really? Then I'll buy you pizza! Ayos ba 'yon?" masiglang saad naman ni Officer Young sa mga bata.

"Oo naman po Kuya Pogi!" pumalupot ang braso ng batang babae kay Officer Young. Kilig na kilig ang bata habang pinagmamasdan nito ang binata.


"Mga bata! Ano bang ginagawa ninyo! Balik sa loob!"


Tumigil sa paglakad ang mga bata at tatlong binatang pulis ng makita nilang sumigaw ang papalabas na isang madre.

Balak na sanang pagsabihan ng Madre ang mga bata pero huli na ng kumaripas na nang takbo ang mga bata papasok sa loob.

"Naku! Pagpasensyahan niyo na ang mga batang iyon." wika ng madre.

Nagmano ang tatlong binatang pulis sa madre.

"Wala naman ho iyon... Pwede po ba kaming magtanong? Na saan po si Mother Lily?" wika ni Officer Fernando.

Natawa ang madre sa tanong ng binata. "Ako iyon hijo, kayo ba ang pinadala ni Aerin?"

"Opo, Mother!" nakangiting kinamayan ni Officer Bok ang madre.

"Ang gwapo mo naman hijo." komento ni Mother Lily sa binata.

Nanlalaki ang mga mata nitong hindi makapaniwala. "Kita niyo 'yon?" umakbay ang binatang si Officer Bok kay Officer Fernando. "Ang gwapo ko raw! HAHAHAHAHA!"

"Ang gwapo-gwapo ko raw. HAHAHAHAHA!"

Hindi na natigil ang paghalakhak ng tawa ni Officer Bok. Nagkatinginan naman ang tatlo at iniwan na ang nababaliw na pulis.

"May gusto raw po kayong sabihin kay, Aerin?" pagtatanong ni Officer Young kay Mother Lily.

Humakbang papasok ang madre sa simbahan at umupo. Sumunod naman ang dalawang binatang pulis sa kanya.

Tumingala si Mother Lily at pinagmasdan ang taong nakapako sa krus.

"Oo, tungkol sa taong umampon sa dalawang magkapatid... Nahanap ko na ang pangalan nito." panimula ni Mother Lily.

"Sino po 'yon?" tanong ng binata si Officer Young. May kaba na sa kanyang dibdib at hindi na makapaghintay sa malalaman nila.

"Si..."


AERIN


"Look! Ang ganda ng color combination!"

Lumingon ako kay Tahlia na enjoy na enjoy ang pagsa-sight-seeing sa mga nakahilerang paintings sa wall.

"Okay naman." ang sabi ko sa tinutukoy nitong abstract painting.

"Ikaw 'no! Wala ka talagang hilig sa ganito!" singhal niya sa'kin.

Napakamot na lamang ako sa leeg at tahimik na sinundan ito. Panay ang tingin ko sa relo dahil halos mag-iisang oras na rin kaming nandito, halos nakuha na nga namin ikutin ang lahat ng paintings pero ang kasama ko 'di napapagod.

"Alam mo, kung nandito lang ang kuya ko. Magkakasundo kayo."

Nakita kong tumigil sa paghakbang ang kasama ko, lumingon siya sa'kin nang may pangamba sa kanya mukha pero ilang sandali lang ay bumalik ang pagngiti-ngiti nito sa labi.

"Really?" she said saka siya bumalik sa kinatatayuan ko.

I nodded. "Oo, 'di ba nasabi ko na rin naman sa'yo si kuya."

Pinulupot nito ang braso niya sa'kin saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Aerin." she uttered my name.

"Hmmm?"

"Marunong ka bang magpatawad?" aniya.

"Ano na naman tanong 'yan?"

Kumalas ito sa hawak at pinagmasdan ang isang painting sa pinakadulo-- Oh. Ito na pala ang pinakahuli.

"I'm curious. Gaano ka nga ba kabait na tao?" Tahlia suddenly said.

"Mabait naman akong tao... pero sa mabait lang sa'kin. Winwin syempre!" bahagya akong tumawa saka bumaling ang tingin sa kanya.

Tahimik niyang sinusuri ang tingin nito sa isang black and white painting, may mga lines at dots din itong nakaguhit.

"Are you really sure na matatapos niyo ang kasong hawak mo?" she suddenly asked.

"Oo naman, gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustiya ang mga taong nawalan ng buhay."

Napansin ko ang pagtango nito. "Don't worry, tutulong ako sa kaso ninyo! HAHA!"

I raised an eyebrow. "Talaga lang ha? Baka maging kunsumisyon ka lang namin, 'wag na."

Tinaasan din ako nito ng kilay. "Duh! Hindi mo alam ang kaya kong gawin!" at pinaghahampas ako sa braso.

Tumigil kami sa pag-uusap ng tumunog ang telepono ko at nakitang tumatawag si Fernando.

"Sandali lang." paalam ko kay Tahlia at lumayo na muna ng kaunti sa kanya.


"Hello, Fernando?"

"Aerin. Nakausap na namin si Mother Lily."

"Ano sabi?"

"Ang taong umampon sa dalawang magkapatid,"

"Hoy. Ano raw pangalan?"

"Si... Inspector Benjamin Arcilla."

Kinabahan ako, bumibilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

"Fernando, nalaman niyo ba ang address nito?"

"Oo, pero hindi na---"

"Sunduin niyo ako dito, puntahan na'tin ang address nito. Dalian niyo."


Pagkababa ko sa tawag ay napatakbo na lamang ako sa wash room. Napahilamos ang aking mukha sa tubig at napatitig sa salamin. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, magulo... nagkukumahog ang kalooban ko.

"What happened?" pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Tahlia.

Nagpatuloy ako sa paglakad. "Pasensya na, may biglaang balita lang... 'Di na kita masasamahan."

"Hey can you just explain what's happening?" she asked again.

Humarap ako sa kanya. "Confidential." kinapa ko ang bulsa at dinukot ang susi. "Here, gamitin mo ang sasakyan ko. Mag-ingat ka pauwi."

"Wait! At saan ka naman pupunta?" tanong muli nito.

"Susunduin ako nina Timothy dito, aasikasuhin namin ang nakalap naming impormasyon." ang sabi ko at napalinga-linga sa paligid. Hindi ko namalayang nakalabas na pala kami.

"Papunta pa lang naman pala sila, I can wait here too." ang sabi nitong si Tahlia saka niya ako tinabihan sa isang di kahabaang upuan na nasa labas.

Di ako nakagalaw ng bigla niya ako yakapin. I felt her hugs comforting me. So, I hugged her back.

This days. She's acting really weird, but what can I expect? Baliw lang talaga ang mga kaibigan ko.

After an hour. The boys finally arrived. Hindi na sila bumaba at hinintay na lamang nila akong sumakay, si Timothy naman kumaway sa kapatid nito. Nagpaalam na ako kay Tahlia at humakbang na papasakay sa kotse.

Kumaway rin ako sa kanya at ng mawala na ito sa paningin ko ay napaayos na ulit ako ng upo sa front seat.

"Saan na tin ito mahahanap?" pagtatanong ko sa kanila.

"Sa Sampaloc, Manila. 'yon lang ang naibigay na address ni Mother Lily." pagsagot ni Fernando sa'kin.

"Kung ganon, tayo na." ibabalik ko na sana ang tingin sa daan ng mapansin ko itong si Bok na pangiti-ngiti kabang nagd-drive.

"Naka drugs ba kasama niyo?" nagtatakang tanong ko sa dalawa.

"Araw araw naman naka-drugs yan!" natatawa ring tugon ni Fernando.

Huh?

"HAHAHAAHAHAHHAHAHA!"




Isang oras din ang ginugol namin sa pagbiyahe marating lang ang lugar na tinitirhan ni Mr. Arcilla.

Pumasok ang sasakyan sa Cristobal Street sa Sampaloc, Manila. Typical na komunidad lang ito, may mga nakatirik na mga bahay sa gilid ng daan at may mga bata namang masayang naglalaro pa rin sa labas kahit mag-gagabi na.

"Itabi mo na lang diyan ang sasakyan." pagtukoy ko sa isang bakanteng lote.

Pinarada na ni Bok ang sasakyan at tuluyan na kaming lumabas. Kinuha ko ang susi kay Bok at ako na muna ang magmamaneho mamaya.

"Dalian na natin bago pa lumalim ang gabi." pinagunahan ko na ang paglakad. Humanap ang mga mata kong pwedeng pagtanungan ko sa paghahanap na ginagawa namin ngayon.

Linapitan ko ang isang ka-edaran namin na nakatambay habang naglalaro ng mobile games. Umangat ang tingin niya sa'kin, mabilis nitong inalis ang kamay niya sa phone saka niya ako tiningnan.

Kinabahan ba'to nang mapansin niyang pulis ako?-- kami? HAHAHA

Kamla self. Be fierce.

"Magtatanong sana kami, alam mo ba kung saan nakatira ang pangalang si Benjamin Arcilla?" tanong ko at sumenyas na lapitan ako ng boys.

"Arcilla? Maraming apelyidong Arcilla sa Purok dos, baka nandon ang hinahanap ninyo... hindi ako pamilyar sa Benjamin pero may kaibigan akong Arcilla ang apelyido." pagsagot niya.

"Talaga? Pwede mo ba kaming samahan?"

Nakangiti itong tumango. "Oo naman! 'Di ko naman tatanggihan ang magandang pulis." biglang hirit niya.

Magbabalak sanang banatan itong si Timothy ang lalaki pero pinigilan ko na ito at sumunod sa paglakad.

Ilang minuto kaming nagpalakad-lakad sa daan at ng matamaan ko na ang isang sign na nasa Purok dos na kami ay tumakbo bigla ang lalaking kasama namin at tumigil ito sa isang lalaking nakaupo sa lupa habang may hawak na alak.

"Hoy! May pulis akong kasama, alisin mo 'yan." paninita ng lalaki sa umiinom ng alak.

Bumaling ang tingin nito sa amin saka ngumisi.

"Pake ko sa mga pulis." dinig kong bulong nito.

Linapitan ni Timothy ang lalaking umiinom ng alak. "Gusto mo bang hulihin ka namin?"

Pumagitna ang lalaki kanina. "Huwag naman mainit ang ulo, ito yung sinasabi ko sa inyong kaibigan ko... Si Joshua Arcilla."

"Pare? May kilala ka bang Benjamin Arcilla ang pangalan?" tanong ulit ng lalaki dito kay Joshua.

Napansin ko ang paglaki ng mga mata ng binata, para siyang nagulat sa nadinig nito.

"Hindi ko kilala." mabilis niyang pagsagot.

Humakbang na rin ako papalapit sa kanya. "Sigurado ka ba? Importante ang kasong ginagawa namin. Makakatulo---"

"Hindi ko nga siya kilala!" napa-atras ako ng bigla niyang basagin ang bote ng alak sa pader. "Umalis na kayo dito!" pagtataboy niya sa'min.


"Ano na naman bang ingay 'yan Joshua! Pumasok ka na ng---"


Bumukas ang gate na nasa likod ng binata. Lumabas ang isang may katandaang babae.

"Anong maitutulong namin sa inyo?" nang mapansin niya kami ay nagtanong ito.

"Ma, tara na sa loob." hinila na ni Joshua ang kamay ng babae at akmang papasok na sila sa loob ng tumugon ako sa kanya.

"Kilala niyo po ba si Benjamin Arcilla?"

Gulat na napatingin sa'kin ang babae na tinawag na 'Mama' nitong si Joshua.

"Oo, kapatid ko siya." tugon ng Mama nito.

"Pwede ka po ba naming makausap?" dinig ko namang tanong ni Fernando.

Tumango ang babae.

"Ma! Ano ba!" singhal ng binatang si Joshua.

Hindi pinansin ng babae ang binata bagkus ay tumingin lang ito sa'kin. "Tara pumasok kayo sa loob."

"Anong maitutulong ko sa inyo?" ang sabi nito saka niya kami inapagan ng juice at tinapay. Nakaupo kami ngayon sa sala na mukhang bahay nila.

"Ako nga pala si Ruby, Ruby Arcilla. Kuya ko si Benjamin." umupo ito sa harapan naming tatlo.

"Aerin po, si Timothy, Fernando at si Bok po." pagpapakilala ko.

"Anong kailangan niyong malaman?" tanong nito.

"Na saan po si Sir Benjamin? Kailangan ho namin siyang makausap."

"Si kuya? Matagal na itong patay." aniya.

"P-po?"

"Mahigit limang taon na rin ang nakakaraan." dagdag nito.

"Nabanggit niya po ba sa inyo kung bakit po ito nagbitiw sa trabaho?"

"Hindi, e. Basta kinabukasan matapos ang isang insidente noon sa Manila Hotel ba 'yon? Nag-resigned na si kuya at tumahimik na ng lagay dito." tugon ni Aleng Ruby.

Ano? Bakit naman niya 'yon gagawin? Anong dahilan?

Dinukot ko ang letratong magkasama ang dalawang magkapatid na Pamintuan.

"Kilala niyo po ba sila?"

Gumuhit ang ngiti nito ng makita ang larawan. "Oo naman, ang dalawang ito ay inampon ni Kuya. Si Jeffrey at si Sheryl. Hindi ko nga labis isipin na ang dalawang ito ay pumanaw na. Napakasaklap ng nangyari sa kanila."

"Bakit naman po inampon ni Sir Benjamin ang dalawa?" tanong naman ni Fernando.

"Siguro ay walang anak. Matandang binata kasi ang kapatid ko at ang tanging nakasama niya lamang ay ang anak kong si Joshua. Iyong bata kanina." anito.

"Ibig-sabihin tumira po ang dalawa kay Sir Benjamin?"

"Oo, dito rin. Magkakasama kami sa iisang bahay... pero ilang taon lang na namalagi ang dalawang magkapatid na 'yon at umalis na sa poder ni kuya." pagku-kwento pa ni Aleng Ruby.

"Mga ilang taon po noong umalis po sila?"

"Sa pagkakatanda ko, 20 si Jeffrey at 19 naman itong si Sheryl. Kinuha kasi sila ng isang business man, binigyan ng trabaho sa kumpanya nito." aniya. "Teka sandali, hahanapin ko lang ang picture namin noon." tumayo ito at pumasok sa isang kwarto.

I check the time, mag-a-alas siete na ng gabi.

"Eto! Ang lalaking ito ang kumuha sa kanila!" sumigaw si Aleng Ruby sabay na inabot nito kay Fernando ang larawan, nagtaka naman ako sa reaksyon nito.

"Patingnan nga." kinuha ko ang picture.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Timothy. "Si--- Mr. Young."

"What?" inagaw rin ni Timothy ang larawang hawak ko. Gulat na gulat itong napatitig sa larawan.

"Did you know?" I asked him

"No." he answered, confused.

"Alam niyo ba kung bakit kinuha ng lalaking iyan ang dalawa? Dahil matatalino ang magkapatid, binigyan sila ng trabaho sa kumpanya nito... nagulat na lang ako ng biglang mag-artista rin itong si Sheryl." patuloy pa ni Aleng Ruby.

Tumayo ako at tumakbo papalabas ng bahay. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos sa loob.

All this time. Si Colonel. Kilala niya ang dalawa?

"Ano? Hindi matanggap ng isipan mo ang nalaman mo?"

Napalingon ako sa boses ng kaninang lalaking si Joshua, nandito pa rin siya sa labas.


"May sikretong sinabi sa'kin si tito noon..." nagtataka akong tumingin sa kanya. "Nasaksihan daw nito ang pagpatay sa isang binatang pulis."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro