Chapter 46

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹and they finally met


AERIN


"What do you mean?" nagtataka kong tanong, mas lalo lang akong naguguluhan ngayon. Kanina, si Mr. Young, ngayon naman ang sinasabi ng lalaking ito.

"Buksan mo mga mata mo, huwag kang mag bulag-bulagan." patuloy nito na lalong ikinataka ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa'kin ang ganitong bagay, isa lamang akong estranghero sa kanya.

"S-sino ang tinutukoy mong binatang pulis? Ma--may nasabi bang pangalan sa'yo si Inspector?"

"Pulis ka hindi ba? Gawin mo ang trabaho mo, huwag kang umasa sa mga sasabihin ko." ngumisi ito sa'kin saka na niya ako tinalikuran papasok sa loob.

Naiwan akong mag-isa sa labas, nag-iisip ng mga posibilidad sa kaso. Pero nalalabuan pa rin ako, nasusundan ko nga ang pangyayari... pero wala akong ebidensya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Shit!" I suddenly cursed when I heard a sudden sound coming from my phone. Aish! Nakaka-dagdag ng kaba ito!

Napakunot-noo naman ako ng makita ko sa screen ang tumatawag na si Nanay Pressie.

Huh? Gabi na, may kailangan pa rin ba 'tong sabihin sa'kin?


Sinagot ko ang tawag at dahan-dahan kong inilapit sa teinga ko ang telepono. "H-hello, Nay! Ano po maitutulong ko?"

"Anak, tulungan mo ako."

"P-po? Na saan po ba kayo?"

"May kumuha sa'kin na estrangherong lalaki, Nak. Tulungan mo ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "P-po?! Teka! Nay paano po kayo nakatawag?! Na saan po ba kayo niyan?!" sunod-sunod na bulaslas ko.

Lumayo na muna ako sa bahay at pumunta sa tahimik na lugar dito.

"Nay! Sinaktan niya po ba kayo?! Anong ginawa niya sa'yo?!"

"Maayos ako. Hindi niya ako sinaktan, hindi ko lang makita kung na saan ako dahil may tela sa'king mga mata, hindi ko rin hawak ang telepono dahi----" hindi nito natapos sa sasabihin ni Nanay ng biglang mag-iba ang tunog sa kabilang linya.

"Hello, Officer Valdez."

Natigilan ako sa biglaang pag-iiba ng boses ng kausap ko sa kabilang linya. Boses lalaki.

"Sino ka?! Bakit mo ba 'to ginagawa?!"

"Ako 'to. Ang lalaking matagal mo nang hinahanap, paniguradong kilala mo na ako ngayon, 'diba?" sabi nito na may pagkalalim ang boses.

"Subukan mong saktan si Nanay, papatayin kita!"

"Talaga? Ni hindi mo nga alam kung na saan kami ngayon, mapapatay mo ako?... At ang tanong, makakaya mo ba akong patayin?"

"OO! KAYA SUBUKAN MONG GUMAWA NG KATARANTADUHAN AT BUKAS NA BUKAS ILILIBING NA KITA!"

"Natakot naman ako." narinig ko ang paghagikgik nito.

Sinulyapan ko ang bahay kung na saan sina Timothy, hindi pa rin sila lumalabas.

"Ano bang kailangan mo?!"

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Ayaw mo ba akong makita?"

"A-ako? B-bakit ako?" nakuha ko nang mautal sa kabang dulot nito.

"Dahil matagal na kita hinihintay, Officer Aerin Valdez." narinig ko na naman ang pagtawa nito.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Sundin mo ang mga sasabihin ko." tumahimik bigla ang kabilang linya ng biglang, "Pumunta ka sa lugar na itetext ko gamit ang teleponong ito. Alam kong marami kang kasamahang pulis kaya sana ay hindi ka magkakamaling magsama ng iba. Ikaw lang ang pupunta kung gusto mong makita pa ng buhay ang nanay-nanayan mo. Naintindihan mo ba?"

"Bakit ba ako ang kailangan mo?! Ano bang nagawa ko sa'yo?!"

"Wala naman, sadyang malas lang talaga ang buhay nating dalawa." natawa na naman ito. "Ayaw mo bang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong Kuya Adey?"

Natigilan ako, hindi ko magalaw ang katawan ko sa binitawan nitong salita.

"HINDI! NAMATAY SIYA SA MGA REBELDE! KAYA TUMIGIL KA NA SA KAHIBANGAN MO AT SUMUKO KA NA!"

"Paniwalaan mo ang gustong mong paniwalaan. Hindi naman ako ikaw, ako na may alam... Ikaw na walang ka alam-alam."

"SANDAL---"


Binabaan na ako ng tawag at ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng message, sinasabi ang lugar kung saan kami magkikita.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko ngayon. Nag-iisip kung anong dapat na gawin.

Sasabihin ko ba sa kanila? O aalis na lang ako?

Bwisit.

Tumakbo na ako pabalik sa kotseng pinarada namin sa lote. Sumakay na ako at pinaharurot na ang sasakyan ng ubod ng bilis.

Tatahakin ko ito ngayon ng mag-isa.

Patawad.




Isang oras ang biniyahe ko para makabalik sa Quezon City, ang sinabing lugar nito ay sa Talipapa, walang address tanging pangalan lang ng gusali ang binanggit nito. Mabuti na lang ay lumitaw sa maps, malas nga lang temporary closed na ang gusali.

Magaling din ang taktika ng lalaking ito.

Ilang ulit akong lumiko-liko ng daan, ng biglang tumigil ang maps sa isang madilim na parte ng lugar dito. Pinatay ko agad ang makina ng sasakyan sabay na umangat ang tingin ko sa isang abandonadong building, hindi ko matantiya kung ilang palapag ang merong ito dahil sa labis na kadiliman sa paligid, masasabi ko lang na may kataasan ang gusali.

Gustuhin ko mang huwag maglabas ng kahit anong ilaw para hindi ako mapansin ng lalaki ay hindi ko magawa. Masyado ng madilim sa paligid, wala na akong choice kun'di ang gamitin ang flashlight na nakita ko sa loob ng kotse, mag-po-pokus na lamang ako habang nakatutok ang baril sa dadaanan ko.

Nag-decide rin akong patayin at iwan ang telepono ko sa sasakyan, dahil panigurado ngayon ay hinahanap na nila ako at ilolocate nila ang telepono ko. Delikado na baka magka-problema at bigla silang sumulpot dito.

Nakatayo na ako ngayon habang dinadama ang mga patak ng ulan sa'king katawan. Tinatanaw ang gusaling na sa limang kilometro ang pagitan ko dito. Inikot ko ang tingin pero tanging ang building lang ang nakatirik dito sa paligid. Halos mga matataas na talahib ang na sa harapan ko at nabasang lupa. Ni wala ring dumaraang sasakyan sa lugar.

Nakakatakot ang sobrang tahimik.

Napatingin ako sa kinatatayuan ko. Kapag humakbang na ako papalapit dito ay siguradong malulubog na ako sa putik.

Napahinga ako ng malalim saka ko na isinuksok ang dala-dala kong baril sa belt. Mabuti na lamang ay may nakita rin akong isang baril sa kotse kaya dalawa ang bitbit ko ngayon, siguradong ipapababa nito ang hawak na baril ko kaya magandang may isa pang baril na mabilis kong madudukot kung sakaling mang magkainitan.

Hindi na rin ako nag-abala pang alisin ang sapatos ko, bahala ka na sa'kin putik!

Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko papalapit sa gusali, panay ang pagtabi ko sa mga makakating damo sa dinaraanan ko. Nararamdaman ko na rin ang putik na dumidikit sa'king mga paa. Isama pa ang pagbuhos ng ulan.

"Leche!" mahinang reklamo ko habang pilit na inaalis ang makakapal na putik na kumapit na sa sapatos ko.

Sa huli, inalis ko rin ang sapatos dahil nakukuha nang bumara ang mga paa ko sa lupa.

Seryoso ko nang pinapakiramdam ang paligid dahil napansin kong nakakalahati ko na ang pagitan namin ng gusali.

Nang tuluyan na akong makalapit sa gusali ay hindi ko napigilang hindi mapatingala dito, maayos at buo ang structure ng gusali pwera lang sa mga sirang bintana at glass walls nito. Mayroon din itong walong palapag.

Dahan-dahan at walang ingay kong inakyat ang hagdan papataas. Nanatiling tahimik ang buong paligid.

Imposibleng hindi pa niya alam na nandirito na ako dahil sa ilaw na hawak hawak ko, siguradong pinagmamasdan nito ang bawat galaw ko, pero mali siya ng inaakala. Buhay na buhay ang paningin ko at matatalas kong teinga.

Nakarating ako sa ikalawang palapag, inikot ang tingin sa paligid pero ni anino ay wala akong nakita.


Na saan ka na ba, magpakita ka na sa'kin.


Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa sumunod na palapag. Tahimik pa rin at ni kaluskos nito ay wala akong madinig. Tumila na rin kasi ang ulan at tanging malakas na hangin na lang ang dala ng pag-ulan kanina.

Napapahid ako sa'king noo. Mukhang pinag-papawisan na ako at bumibilis na ang paghinga ko.

Sa huling hagdan papaakyat sa ikatlong palapag ay napatigil ang katawan ko ng maaninag si Nanay Pressie.

Nakaupo ito sa isang silyang kahoy. Nakagapos ang mga kamay at paa, naka-piring din ang kanyang mga mata at may makapal na telang nakatali rin sa bibig nito.

Tahimik lang ito at hindi nagpupumiglas.

"Nay Pressie..." mahinang sabi ko, napansin ko namang narinig niya ako dahil bumaling-baling ito ng ulo at hinahanap ang direksyon kung saan nagmula ang boses ko.

Humakbang na ako papaakyat, at balak na sanang takbuhin si Nanay ng marinig ko ang pagsigaw ng lalaki.

"Hanggang diyan ka lang!"

Lumingon ako sa gawing kanan ko. Inilawan ko ito at nakita ang lalaki. Nakatakip pa rin ang mukha nito at tanging mga mata lang ang nakikita ko, humakbang ito papalapit kay Nanay habang diretso at tutok ang baril nito sa kinatatayuan ko.

"Siguraduhin mong wala kang bitbit ngayon na kasama." aniya.

Umiling ako, "Wala nga sabi akong kasama. Marunong akong sumunod sa pinag-usapan."

"Ibaba mo ang baril na hawak mo!" muli nitong sigaw.

Ngumisi ako. "Ibaba mo rin ang sa'yo."

Narinig ko nang bahagyang pagtawa nito, ilang sandali lang ay pinangunahan nito ang pagdapa sa sahig at pagbaba sa baril, halos magkasunod lamang ang pagbitaw sa mga hawak naming baril. Ilang segundo kaming nagpalitan ng tingin.

"Kamusta ka, Officer Valdez?"

Napangisi na ako ng tuluyan. "Ayos naman ako, Paulo Aquino."


THIRD PERSON


Nagmamadaling pumasok sa Headquarters ang binatang pulis na si Officer Young. Hindi ito magkamayaw sa kakaibang kinikilos nito. Luminga linga sa paligid at wala itong tigil sa pagpindot sa kanyang telepono. Napasuklay ito sa kanyang basang buhok, sinubukan muling tawagan ang dalaga.

"Damn it!" napamura ang binata.

"Hindi pa rin ba siya sumasagot?" pagtatanong naman ng kakapasok lamang na si Officer Fernando.

"No! Kanina pa ako tawag ng tawag! Na saan na ang babaeng 'yon!" napasigaw sa inis ang binatang si Officer Young.

"Mukhang pinatay niya ang telepono nito." turan ni Officer Fernando.

"Oh! Pare! Tumuloy pa kayo dito? Kamusta ang lakad?" sigaw ng binatang si Officer Theo habang naglalakad na ito pababa kasabay ang isa na si Officer Castillo. Oras na ng uwian, kaya naman bumaba na ang dalawang pulis.

"Timothy!" napalingon ang lahat sa malakas na sigaw ng dalagang si Bree, na sa harapan ito ng Headquarters habang hawak-hawak ang isang itim na payong.

Tumakbo ang dalaga sa kinatatayuan ng kaibigang pulis. "Si Aerin? Kasama niyo ba siya? Hindi siya sumasagot sa tawag ko, Timothy!"

Napahilamos na lamang sa mukha si Officer Young, pilit na pinapakalma ang sarili matapos ang biglang paglaho ng kasama nilang dalagang pulis kani-kanina lang.

"Anong nangyayari?" dala ng kuryosidad ay nagtanong na si Officer Theo sa mga kasamahan.

"Kase pare, hindi namin mahanap si Ma'am... nawala na lang bigla ito kanina, tinangay niya rin ang kotseng dala namin." pagsagot ni Bok sa kasama.

"Ano?!" hindi na napigilan ni Officer Castillo ang mapataas ang boses nito sa nalaman. "Ilang oras na itong hindi nagpaparamdam?!" pasigaw na tanong ng binata.

"Magdadalawang oras na rin magsimula ng mapansin naming hindi na ito bumalik sa bahay, huli na namin nalaman na wala na ito at mukhang tinangay ang kotse... hindi ito nagpaalam sa'min." pagsagot ni Officer Fernando kay Officer Castillo.

Nakaramdam ng kaba si Officer Castillo habang inaalala ang kalagayan ng dalagang pulis. "Fernando, sinubukan niyo na bang i locate ang telepono nito? O kahit number man lang?" pagtatanong ni Officer Castillo kay Officer Fernando.

Umiling ang binata sa kanya. "Oo pero sabi ko nga nakapatay ang telepono nito, at hindi rin naman natin siya malolocate gamit ang mismong cellphone nito. Kilala natin si Aerin, paniguradong naunahan na niya tayo." sagot ni Officer Fernando

"Anong gagawin natin ngayon? Maghihintay na lang tayo sa pagbalik nito? Mag-gagabi na! Hindi natin alam kung ano na nangyayari sa kanya!" galit na singhal ni Officer Castillo.

Tiningnan niya ang kapwa pulis nitong si Officer Young, bigla niya itong kinuwelyuhan. "Ikaw! Anong gagawin mo?! Pinabayaan ko sa'yo si Aerin! Anong klase kang tao at hinayaan mong mawala sa paningin mo ang babaeng 'yon!"

Napapikit na lamang ang binatang si Officer Young habang unti-unting pumapatak ang luha nito sa kanyang mukha. Hindi ito naglaban, wala na siyang lakas.

"Tama na! Tumigil na nga kayo!" pumagitna ang dalagang si Bree sa kanila. Pilit na inaalis ang tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

"Walang magagawa ang pag-aaway ninyo! Kaibigan ko hindi pa nagpaparamdam! Kaya kumilos na kayo! Kahit ano gawin niyo!" kumawala ang malakas na pagsigaw ng dalagang si Bree. Natahimik ang lahat. Ramdam ang kaba at takot sa paligid.


AERIN


"Nandito na ako kaya pakawalan mo na si Nanay Pressie!" sigaw ko sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Masyado ka namang nagmamadali, hindi ka pa nga tumatagal dito." aniya at inilapit ang isang upuan sa tabi ni Nay Pressie saka rin ito umupo.

"Ikaw ba ang pumatay kina Jane, Jeffrey, Sheryl at si Dr. David? Sabihin mo sa'kin!"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagtango nito. "Oo, ako ang pumatay kay Jane at kay Dr. David. Pero nakita mo naman hindi ba? Pinatay ng dalawang magkapatid ang sarili nila." mahina itong tumawa. "Mga mahihinang nilalang din sila."

"Anong pinagsasabi mo! Bakit mo kailangang pumatay!"

Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa'kin. "Dahil ito ang naging kapalaran ko!"

Isang beses akong humakbang, "Anong ginawa nila sa'yo para patayin mo! Hindi mo ba alam na may naiwan silang mahal sa buhay dito!"

Gumuhit ang pagngisi nito sa kanyang labi. "Gusto mo bang malaman ang lahat?"

Napalunok ako. "M-makikinig ako." kinakabahang wika ko.

Tumayo ito at pinaikot-ikutan si Nanay Pressie.

"Tama ka't ako ang pumatay sa kanilang dalawa. Ang babaeng si Jane? Nagmahal kasi siya sa katulad ni Jeffrey, hindi alam ang pagkatao... kaya sa huli wala akong choice kun'di ang patahimikin na rin ang babae." hinaplos nito ang buhok ni Nanay at muling tumingin sa'kin "Si Dr. David? Hindi kasi siya marunong tumupad sa pangako. Hindi ka ba nagtataka? Kung saan nanggaling ang mga gamot na ipinang-atake ko kay Jane?" biglang tanong nito.

Si Jane? Ang gamot? Si Dr. David?

Hindi.

"Tama ang iniisip mo, ang gamot na ginamit ko ay ibinigay sa'kin ni Dr. David, pero hindi ko naman inaasahan na ililigtas niya rin ang dalaga. Kaya sa huli? Ako rin ang pumatay kay Jane," sinuklayan nito ang kanyang buhok. "Kaya ang ginagawa ko sa mga hindi marunong tumupad sa pangako, pinapatay ko rin."

Umiling ako. "Ba-bakit?"

"Ang dalawang magkapatid? Hindi ko na sila kailangang patayin, dahil una pa lang patay na sila dito sa mundo. Katulad kong... hindi malaya." tumigil ito. "Alam mo ba kung bakit?" pagbitin niya.

Natatawa itong umiling ng mapansin niyang hindi ko ito kinikibuan. "Wala ka nga palang alam. Alam mo lang ang magtanong ng bakit, pero walang alam sa dahilan."

Napakuyom ako sa galit at mabilis na dinukot ang isa pang baril sa'king beywang. Tinutok ko ito sa kanyang kinatatayuan. "Ikaw... A-alam mo ang dahilan sa pagkamatay ng kuya ko?"

Dalawang hakbang ang iginawad niya papalapit sa'kin, nanatili paring nakatutok ang baril sa kanya. "Oo, alam ko... At nakita ko."

Sa pagkakataong iyon ay tila hindi ako makagalaw sa'king kinatatayuan. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

"Anong n-nakita mo?"

"Ang pagpatay sa kuya mo." mabilis nitong sagot.

Napailing ako, "Oo, nabaril siya sa isang rebelde."

"Talaga? Iyon ba ang nalaman mo? Naniwala ka naman ba?" dagdag pa niyang tanong.

Isang beses akong humakbang sa kanya. "SABIHIN MO SA'KIN LAHAT NG NALALAMAN MO!" kasabay ng pagsigaw ko ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan, sinabayan pa ng mga kulog at kidlat. Nagiging maliwanag ngayon sa loob.

Kung nakita niya man ang pagpatay sa kapatid ko, ibig sabihin hindi lang si Inspector Arcilla ang naroroon, maaaring nasaksihan rin ni Paulo.

"Matagal-tagal din kitang hinintay." sambit nito saka niya rin dinukot ang baril sa kanyang likuran. Akala ko ay itututok niya rin sa'kin ang baril nito pero sa ibang anggulo niya ito itinutok... Sa ulo nito.

"Anong ginagawa mo."

"May ideya ka ba kung bakit kita pinapunta dito?" muli nitong tanong.

"Hindi." mariing sagot ko.

"Dahil gusto ka niyang patayin na kita." gulat akong napatingin sa kanyang binitawang salita.

"Sino?! May nag-uutos ba sa'yo? Sabihin mo sa'kin kung sino! Huhulihin natin siya, parang awa mo na sumuko ka na!"

Sa pagtama ng aming mga mata ay naramdaman ko ang biglang pagkalungkot nito. "Pero... Hindi kita kayang patayin, hindi ako papayag na pati ikaw madamay."

Narinig ko ang pagkasa ng baril nito.

"Tumigil ka sa binabalak mo! Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko sa'yo! Ang kuya ko! SINO ANG PUMATAY SA KANYA!!!" malakas na sigaw ko at mabilis na tumakbo sa kinatatayuan nito, tumilapon sa pagsipa ko ang baril na hawak niya.

"Sabihin mo sa'kin! Alam mo ba kung sino ang pumatay sa kuya ko?!" mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito. Hindi rin ito naglalaban tanging pinagmamasdan niya lamang ako.

Hindi ko na rin mapigilan ang mga luhang nag-uunahan sa paglabas sa'king mga mata. "Parang awa mo na... Sabihin mo sa'kin."

Ilang sandali kaming nagpalitan ng tingin ng bigla niya akong sipain sa tiyan, napadaing ako dahilan ng pagbitaw ko sa kanya, nang makawala ito sa'kin ay nagmamadali niyang kinuha ulit ang baril na nasa sahig.

Napatitig ako sa mukha nitong lumuluha na ngayon. Na sa gawing kanan itong nakatayo samantalang ako ang nasa kaliwang nakaupo sa sahig.

"Tulungan mo kaming makalaya..." biglang pakiusap nito at unti-unti niya inilapit ang baril sa kanyang dibdib.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid. Narinig ko ang pagsigaw rin ni Nanay. Binaling ko ang tingin sa lalaki.


"HINDI!!!"


Nagmamadaling ko itong tinakbuhan.

"HUWAG PLEASE. HINDI KA PA PWEDENG MAMATAY! IDADALA KITA SA HOSPITAL. PLEASE MAPAGKAKATIWALAAN MO NAMAN AKO." lumuhod ako at pinasan ang bumagsak nitong katawan sa sahig, pilit ko ring tinatakpan ang dibdib nitong hindi na mapigil sa paglabas ng dugo.

"Ang kuya mo..." nakita ko ang pagbukas pa rin ng kanyang mga mata. Itinaas nito ang kanyang kamay at hinawakan ang mukha ko. "Magkamukha nga kayo..." bulong niya saka nito ginalaw ang kamay niya at hinawi ang kanyang suot na damit sa bandang leeg nito.

"Ang pito," anito. Natahimik ako. Marahas nitong inalis ang kung ano mang hinahawakan nito sa kanyang leeg "Sa wakas, mababalik ko na sa'yo ito." ngumiti ito at dahan-dahan niyang inilahad sa'king palad ang pito. "Hanapin mo ang salarin, Aerin." ang huling binitawan na salita nito at ilang sandali lang ay binawian na ito ng buhay.

Napayakap na lamang ako sa katawan nitong wala ng buhay, sa pagbuhos ng malakas ng ulan ay siya rin paghagulgol ko sa pag-iyak. Alam ko na kung bakit niya ako gustong makita, kung bakit pilit itong nagpapakita sa'kin. Naparito siya upang ibalik ang matagal ko nang hinahanap.


THIRD PERSON


Papasikat na ang araw pero patuloy pa rin sa paghukay ng lupa ang dalaga. Mag-dadalawang oras na itong naghuhukay para ilibing ang bangkay ng binatang si Paulo.

Nababalot pa rin ang katawan ng dalaga ng dugo, hindi na nito nagawang maglinis pa dahil tila wala na itong lakas pa.

Ilang sandali lang ay pinagmasdan ng dalaga ang hukay. Malalim-lalim na rin ito kaya hinila na nito ang bangkay ng binatang nababalutan ng dugo.

Pinahid ng dalaga ang pumapatak nitong luha. Gustuhin niya mang ilibing ang lalaki sa maayos na paraan ay hindi niya pa maaring gawin, alam ng dalaga ngayon na meron pa itong dapat hulihin.

Dinukot nito ang teleponong nahanap ng dalaga sa lalaki. Malakas ang kutob nito na ilang sandali lang ay tatawag ang taong nag-utos sa kanyang patayin ito.

Kailangan niyang siguraduhin ngayon na hindi malaman ng taong iyon na patay na ang binata.

Nang tuluyang tumama sa kanya ang sikat ng araw ay nagmadali na itong kumilos. Inilibing ng dalaga ang binata sa tabi lamang ng abandonadong gusali.

Sa huling pagkakataon ay tinapunan ng dalaga ang puntod ng binata ng isang puting bulaklak na napitas niya lamang sa mga damo.

Babalikan kita.

Tuluyan na nitong tinalikuran at nagpatuloy na sa paglakad.

Sa pagsakay nito sa kotseng naiwan sa daan ay binuksan na nito ang nakapatay nitong telepono, tumambad sa kanya ang sandamakmak na tawag, text ng kanyang mga kasamahan at kaibigan.

Hindi niya inabala ang mga text at tawag bagkus ay nagtype ito ng mensahe para kay Nanay Pressie na mag-iingat daw ito. Napag-pasyahan na kasi ng matanda na mauna na at tahimik nang lumisan.

Pinaharurot ng dalaga ang kotse ng ubod ng bilis. Seryoso ang mga tingin nitong nakapako lamang sa daan.

Di nagtagal ay nakarating na ang dalaga sa Headquarters. Lumabas ito at napatingala sa gusali. Akmang ihahakbang na nito ang kanyang mga paa ng marinig nito ang biglang pagtunog ng telepono ni Paulo Aquino.

Nangnginginig niya kinuha ang telepono ng lalaki. Napatitig sa pangalan sa screen.

Boss

Walang pagdadalawang isip na sinagot ng dalaga ang tawag. Halos mahulog ang puso nito sa hindi inaasahang boses na maririnig nito sa kabilang linya.


"Ano, napatay mo na ba si Aerin?"


Wala sa sarili nitong inihakbang ang mga paa nito papasok sa gusali.

Sa kabilang banda naman ay gulat na gulat ang mga kasamahang pulis sa nakikita nilang dalagang puno ng galos at nababalutan ng dugo sa katawan.

"AERIN!!!"

Malakas at sabay na sumigaw ng dalawang binatang pulis na sina Timothy at Adriel. Nagmamadali nilang tinakbuhan ang dalaga.

Tuluyan ng napaluhod ang dalaga at hindi na maawat ang mga luha nitong naguunahan sa paglabas, pakiramdam nito ay unti-unting dinudurog ang puso nito sa sakit at galit.


Wala ng ibang tumatakbo sa isipan nito kun'di ang maghiganti at pumatay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro