Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Her new life


PRESENT

AERIN


Together with Theo, Fernando and a few of our comrades are currently having lunch here at Headquarters.

Pinagsasaluhan namin ang ipinadalang pagkain nitong si Nico.

Nico is the name of the man/server I met in the bar, siya rin ang nagdala at nagpatulog sa'kin sa condo na tinuluyan ko noong nakaraang araw.

... And this Engineer is also here.

"Iba talaga kamandag ni SPO Valdez!"

"Kung araw-araw ganito. Aba! Hayahay ang buhay!"

Isang nanlilisik na mata ang itinuon ko sa mga lecheng kasama ko dito.

Napaka OA ng mga madla!

"Valdez, pakisabi kay Nico salamat sa lunch ha? HAHAHA" muling nang-asar itong si Theo.

"Oo! Itext mo na ngayon na!" tawang tawang sabi naman nitong si Fernando habang nilalamutak nito ang isang malaking pata ng manok.

"Engr. Adriel, 'wag kang mahiya at kumain ka lang diyan. Baka mapa-dalas ang libreng pagkain natin ngayon. HAHAHA" siniko nitong si Theo ang katabi nitong abalang nagbabasa sa laptop habang malumanay itong umiinom ng kape at kinakagat ang burger.

He laughed briefly and go back to what he was doing.

Kinagat ko muli ang burger na hawak ko. "Sorry but I have no or any communication with him." pagtataray ko at tinawanan lamang nila ako.

I was about to throw the tissue box on Theo but before I could do so, the door opened and it went in Mr. Young.

"Colonel!"

Mabilis pa sa napakalakas na kidlat ang pag-ayos namin ng tayo at pag saludo dito sa lalaking kakapasok lamang.

"Looks like your having lunch. My apology, I disturb you." Colonel Young speak as he goes around observing within his sight.

"Wala po 'yon, Colonel! Kumain na pu ba kayo?" masiglang tugon nitong si Theo pero nginitian lamang nito ang Colonel.

Nagpatuloy lang ito sa paglakad na kasabay nito ang mga limang black suit bodyguards na nasa likuran nito. Nakasuot ito ng casual na uniporme ng isang Colonel na Army green habang nakadikit ang iba't ibang palamuti nito sa uniporme.

He suddenly stopped, turning his head around noticing someone who's one with us today... Adriel. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa at ngumisi?

Wait a minute. Do they know each other?

Muli nitong pinagpatuloy ang paglakad at nang makarating ito sa pwesto ko ay binigyan ako ng isang ngiti sabay na sumaludo. "How are you my soon to be daughter-in-law?" aniya dahilan para matawa ng palihim ang mga kasama ko. Tumahimik lamang din ako.

"Don't be pressure! I'm just excited and expecting to welcome you in my family." He laughed and tapped my head. I was about to talk to him ng biglang bumukas ang pintuan sa conference room at ngumingiting tinawag ni Chief Perez itong si Colonel.

Sumaludo si Chief Perez. "Salamat at nakarating ka."

"Of course! who will refuse the news you will give?" tumugon naman itong si Colonel at ngiti-ngiting pumasok ang dalawa sa loob ng isang bakanteng kwarto dito sa Office Room namin.

Tumaas naman ang kilay ko. "What are you doing here?" I asked when I saw Timothy also entering the room.

He smiled. "I'm with dad. He wanted me to go with him here." umupo siya sa table ko at chill na itinaas ang dalawang paa nito. "Oh. Chicken." kinuha nito ang isang pirasong fried chicken sa plato at mabilis na nilamutak ito.

Yes, You're right about what you're thinking. Timothy's father is the Colonel. Tito Gilbert Young ang isa sa may mataas na ranggo sa PNP. Kahit naging kaibigan ko ang anak nitong si Tim at nakasama sa pag-aaral hindi ako naging malapit sa Papa nito, and I Prefer him calling Mr. Young or Colonel. Well, nag-kakausap naman kami kapag bumibisita ako sa bahay nila or kapag hindi inaasahang magkita kami dahil sa trabaho.

It's just that I'm not used to when Mr. Young calling me daughter in law. Like the hell! Ayokong ipagpalit ang 5 years friendship namin nitong si Tim sa ganoong bagay. Ayoko rin gugulin ang buhay kong kasama ang sakit sa ulo't palamunin na lalaking 'to!

Pinagmasdan kong mabuti ang pagkain nito sa chicken, inilapit ko ang kamay ko sa teinga niya't walang pag-aalinlangang ipinalipit ito. "Shit!" daing niya sa teingang namumula na sa sakit.

"What did you do?! Kapag ito nagkaroon ng fracture! You will do the surgery yourself!" he shouted.

"Oo! Tutuluyan na rin kita non!"

Nagtawanan ang lahat.

"HOLY SHIT!"

Nabingi ako sa malakas na sigaw ni Timothy. Akala ko ay dinadaing pa rin nito ang teinga niya pero napansin kong ang atensyon nito ay nakatuon dito sa kasama namin sa loob.

HOLY SHIT NGA!

Agaran kong pinandilatan ng mga mata itong si Timothy na mukhang gulat na gulat ito sa nakita.

Mabilis na lumapit ang mukha nito. "What is he doing here?" bulong niya.

Tinapik ko muna ito at tiningnan kung na saan itong si Adriel na nahuling nakatuon din sa'min ngayon. Nginitian ko ito at sinenyasang ako na ang bahala.

"Wel---"

Someone cut my words.

"Sir. Timothy, hinahanap na po kayo ni Sir."

One of the bodyguards behind me, spoke.

Tumingin itong si Tim. "I'll be there." sagot nito. Binalik ang tingin sa'kin. "We will talk later."

"Wait," pagpigil ko kay Tim. "What are you doing inside?"

"Nothing, some research stuff I think? Why?" he answered.

"Nothing."

At saka na ito pumasok sa conference room.





"HAIST! TANGHALING TAPAT SINISIRA MO ARAW KO!"

Lumingon ako sa pinangalingan ng ingay.

"Anong nangyari riyan, Inspector?" usyoso ni Theo sa kakadating lamang na si Inspector Bernardo.

"HUWAG MO NAMAN AKO PAGTULAKAN!"

Reklamo ng isang lalaki dito kay Inspector, tansya kong nasa edad kwarenta na ang lalaki na masasabi kong lasinggero ito dahil sa bitbit nitong 1liter na RH, isama pa ang pamumula niya sa mukha.

"IKAW BALYENO KA HA! AYUS AYUSIN MO!" singhal ng isa pang bitbit ni Inspector na babae.

And when they got inside. Inspector immediately brought them into my desk.

"SPO Valdez! Ikaw na bahala sa dalawang 'to." aniya na ikinagulat ko.

"Teka sandali! Ninong! I mean Inspector Bernando!" linapitan ko ito at hinawakan ang braso.

"Ano?" tanong niya.

"Pwede mo naman ibig---"

"Huwak kang magreklamo diyan! May utang ka pa sa'kin." pagsingit nito saka niya sinindihan ng lighter ang sigarilyong nasa bibig nito.

Tatamlay-tamlay akong bumalik sa desk ko. Ramdam ko ang pagpigil ng tawa ng mga kasama ko dito.

"ANO TENG? PWEDE NA BA AKONG UMALIS? NASASAYANG ORAS KO DITO SA BABAENG 'TO EH!"

"AT IKAW PA ANG NASAYANG NA ORAS? E KUNG MAGBAYAD KA NALANG NG UTANG MO EDI SANA WALA TAYO NGAYON DITO! SIGE! TINGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN YANG KATIGASAN NG ULO MO!"

"BAKIT AKO MAGBABAYAD? SINIRA MO NA NGA MGA HALAMAN KO BABAYARAN PA KITA?! ANG KAPAL MO DING BABAE KA!"

"TALAGA! KASING KAPAL NG MGA BIBIL MONG HINDI NA MAGKASYA DIYAN SA TIYAN MO!"

"AT TALAGANG! HINAHAMON MO BA AKO?!"

"OO! BAKIT? TAKOT KA? ANG LAKING BALYENO MO KASI!"

I couldn't control myself anymore and I hit the table using my fist.

"PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO?!"

And at the same time, the two of them looked at me. Kunot-noo ko silang tinitigan.

I took a deep breathe and tied up my whole hair.

"You! Name!" tanong ko dito sa Ale na nasa kaliwa ko.

Hindi ito umimik.

"Pangalan mo sabi!"

Taas kilay ako nitong Inirapan. "At bakit ako tinatanong mo? Hindi naman ako may kasalanan dito!"

"And who told you na wala kang kasalanan dito?!"

"Hah! Ayan! Sige mamang pulis! Ikaw na bahala diyan!" singit ng isa.

"MANAHIMIK KA!" singhal ko sa lalaking nasa kanan ko naman.

Huminga muli ako ng napakalalalim. "Mamili kayo! SASAGOT KAYO O IPAPASOK KO SA BUNGANGA NINYO ANG POSAS NA HAWAK KO?!"

Tumahimik ang paligid. Napansin ko ang paglunok ng dalawa.

I smirked. And the winner is!

SPO Aerin Valdez! WAHAHAHA

Inayos ko ang sarili ko't bumalik sa matatalim at seryosong mukha.

"Pangalan!" tanong ko muli dito sa Ale.

"Maribel Garcia." kinakabahan at mabilis na sagot nito.

"Edad!"

"T-thirty nine."

"Pangalan!" inilipat ko naman ang tingin sa isa pang reklamador.

"Runel Mahusay"

"Oh! Wala palang mas huhusay sa'yo e!" pagsingit nitong si Theo na pigil ang pagtawa nito.

Pinagpatuloy ko ang pagtatanong.

"Edad!"

"Forty two."

When I was able to write down the personal details of the these two. Tumungo naman kami sa dahilan ng mga 'to.

Hinayaan kong si Aleng Maribel na ang magkwento dahil sa dalawang na sa harapan ko. Siya lang ang buhay ang diwa at hindi lelengoy-lengoy sa kalasingan.

Nang matapos itong magpaliwanag ay dumekwatro ako ng upo habang hinahaplos-haplos ang baba.

"Sa madaling salita, kaya mo sinugod itong si Mr. Mahusay dahil sa utang nitong limang libo sa pagsusugal? Na dapat last week pa bayad? Hindi ba?" sabi ko sabay na tumango itong si Ale. "At dahil ayaw magbayad? Sinira mo mga halaman nito sa bahay at pinagsasabihan ito ng hindi ka aya-ayang salita?" muli itong tumango.

"Kung titingnan, Pwedeng pwede kitang arestuhin Mrs. Garcia."

"Ano?! At bakit ako ang aarestuhin?!" gulat na tanong ni Mrs. Garcia.

"Ang ginawa mong pagsira sa mga halaman nitong si Mr. Mahusay ay 'Malicious Mischief' Arcticle 327. Isang krimen kung saan paninira sa personal na pag-aari na may parusang kulong at multa." pagpapaliwanag ko't sabay na tumayo at humarap sa kanila. "Lumabag ka rin sa R.A. 10627 Anti Bullying Law." pagpapatuloy ko.

"Hindi ba ako nagkakamali Mr. Mahusay? Hindi ba na sira ang puri mo dahil sa walang tigil na pagbubunganga nitong 'BALYENO' at sa tiyan mong ma 'BILBIL?!'" pinigilan ko ang matawa at tinuloy ang mala dramang scenes sa harapan ko.

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pasinghot-singhot nitong si Mr. Mahusay. "Oo! Tama ka riyan! Kaya hindi na ako nakakapagchix dahil sa pang-aasar nila! Lalo na ikaw!" iritable nitong sinigawan itong si Mrs. Garcia.

"PERO!" sabay itong napa-angat ang tingin sa'kin.

"Pwedeng-pwede rin naman kitang kasuhan dahil sa paglabag mo sa Presidential Decree 1602 o Anti Gambling Law!" saad ko na dahilan ng pagbilog ng mata nitong si Mr. Mahusay. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Kaya kung ako sa inyo, mag isip-isip na kayo kung anong gusto niyong mangyari." tinapik ko ang kanilang mga braso't tumingin sa pwesto nitong si Theo sabay na nag okay sign sa kanya.

Matapos lang akong magbigay ng statement ay walang pag-alinlangan ang dalawa na balewalain na lang ang nangyaring gusot at napag isip-isip na magkasundo na lamang sa parehong gusto nila.

"Wala nang reklamo niyan?" tanong ko.

"Naku ma'am! Wala na! Okay na kami neto!" ngiting sabi ni Mr. Mahusay at mabilis na inakbayan itong si Mrs. Garcia.

"Umuw--"

I couldn't bear to say what I was saying when suddenly my phone started ringing.

Saglit kong sinulyapan ang tumutunog na phone saka ko ibinalik ang tingin sa dalawa.

"Kami'y uuwi na ma'am, sagutin niyo na po tawag ng syota niyo." naningkit ang mga mata ko sa binanggit nitong si Mahusay. Paano naman niya nasabing jowa ko ang tumatawag? Ni wala nga akong jowa!

Inis kong in end call ang tawag nito. Bwisit.

"Thank you ma'am ha. Hindi na po kami uulit! Alis na po kami!" paalam nila at pinagmasdan ko na lamang ang mga ito sa paglabas.

"Aysus! Si Nico yan ano? Sagutin mo na! HAHAHA" usyoso nitong si Theo saka niya ako nilapitan.

Inirapan ko ito. "Pwede ba bumalik ka sa trabaho mo't wag ka maging chismoso dito!" bulyaw ko pero imbas na umalis ito ay lalo lamang ako siniksikan at nakisama na din dito si Ninong Marco Bernardo--- Inspector.

"At bakit wala akong alam diyan? Ayan ba yung tsismis nilang natulog ka sa bahay ng binatang 'yon? Ilang araw lang akong hindi bumisita dito't may kaharutan ka na inaanak!" reklamo ni Ninong.

WHATTTT?!

Sa pang-limang pagkakataon ay in end call ko ulit ang tawag.

"Ba't mo ba pinapatay? Gusto kang kausap ng tao e!" hinablot bigla ni Ninong ang phone na hawak ko. "Oh apo... Nandito siya. Oo, huwag kang mag-alala... Pananagutan at responsibilidad ka na ng inaanak ko."

SANDALI!!!

RESPONSIBILIDAD?!

Dahil sa kahihiyan na nakukuha ko ngayon dito ay hindi na ako nakapagtimpi pa't itinapon na kalakas lakas ang isa pang phone na nasa desk ko.

"NINONG!!!"

Gulat at may takot na napalingon sa'kin ang dalawa sa malakas kong pagsigaw.

Nagmamadaling ibinaba ni ninong ang phone at kinaladkad na papalabas ang kasama nitong si Theo.


"Hello? Hello?"

Kinuha ko ang phone.

"Bakit ka ba tumatawag?" tanong ko kay Nico na nasa kabilang linya.

"Ayan ka na naman! Nagsusungit ka na naman!"

"Pwede ba! Marami akong inaasikaso at wala akong oras makapaglokohan sa'yo."

"Ikaw naman! Kinakamusta lang kita... na-enjoy mo ba pinadala kong lunch sa inyo? Walang anuman 'yon gusto mo bukas ako pa---"

"Thank you sa pagkain! Pero sasagot ka ba sa tanong ko o ibababa ko'to?!"

"Teka teka! Okay! Well... I'm personally inviting you for the opening of---"


"Aalis na si Engr. Kung may suggestion pa kayo, kausapin niyo na!"

Theo announced suddenly as he entered again the room. Hindi ko na pinakinggan ang nasa kabilang linya at in end ang call nito.

Muli kong ibinalik ang tingin sa pwesto nito kanina pero wala na ito dito. Bakit hindi ko man lang napansin ang paglabas nito dito?!

Nagmamadali akong lumabas ng room at namataan kong nakaupo na ito sa lobby sa ground floor.

"Engineer!" I call him. Tumingin ito sa'kin. I was ashamed raising my hand. Awkward? Of course! Ayokong makipag feeling close dito dahil simula't sapul hindi naman kami close. Nakukuha naman din niya na ayaw kong ipaalam na magkakilala kami sa mga ka trabaho ko.

I was coming down the stairs when Fernando suddenly stopped me. "Aerin, nakuha ko na ang file na pinapahanap mo. Kaso hindi sapat 'to." He whispered, I looked at what Fernando's holding--- Flashdrive. "Mamaya, mag-uusap tayo. Salamat." saka ko pinagpatuloy ang paglakad.

"Can we talk?" agad na tanong ko dito ng makalapit na ako sa kanya.

Tumayo ito at isinakbit ang bag sa likuran niya. Tumingin ito sa'kin. "Tungkol saan?" Adriel asked.

"Itong trabaho ko... Sa akin." I could hardly open my lips. Eversince pa sa hostage taking alam ko alam na niya ang lahat. Naka-uniporme pulis, may tsapa, may posas at higit sa lahat may hawak-hawak na baril.

"Natatakot ka bang sasabihin ko ang mga nalalaman ko dito kina Cindy?" I nodded. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko trabaho ang makialam sa buhay ng may buhay. Baka makasira pa ako."

Diretso at titig ang pagkakasabi nito. Ramdam ko ang mabigat na emosyon sa bawat salitang binitawan nito.

I became quiet at a sudden behavior of him.

Problema niya?

I could no longer respond to him as he quickly turned his back on me... And eventually disappeared on my sight.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro