Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Sudden decision


AERIN


Good morning! Good morning! It's another sunny Thursday morning sa lahat ng gising na, gigising pa lang at advance sa mga mahimbing pang natutulog!... The time is now ten minutes after eight o clock. Day of August 5, 2020... and you're now listening here at Heart Radio 74.5

In fairness ang lamig ng umaga ngayon, nagkape ka na ba, Sis?

Oo naman! Hindi pa nga kumukulo tubig e in advance ko na yung Kopiko Blanca at pinapak na... sinunod ko na lang yung mainit na tubig sa bunganga ko pagkatapos. HAHAHA


RING! RING! RING!

"What?" I asked.

"Mamimili ka ba ngayon? Pasuyo nam-"

"Pass."

"Please! I'll pay for it."

"Pwede ba. Sawa nako sa 'babayaran' na word mo. In fact, your much more richer than me and yet, between us your the one who's in lot of debts." I said.

"Promise! I will definitely pay! Kailangan ko ng isang kilong mani saka beans ha."

"I will buy you, but on one condition. You will be the one to cook chop suey, okay?"

"Sus! Ayun lang pala! Ako na bahala---"


When I got what I wanted, I quickly hang up the call. Ang dali talagang utuin itong si Theo. HAHA!

Umaga. Kasalukuyan akong bumabiyahe ngayon papunta sa Public Market. I'm going to buy some foods for me--- scratch that OUR foods, that I can stock on our Headquarter's Room fridge. Nakakahiya naman sa mga kasamahan kong patay gutom. Baka magreklamo sa'king sugar mommy nila. Tsk!

Nang mamataan ko na ang signage ng market ay naghanap na ako ng pwesto kung saan pwedi kong i-park ang kotse ko. I drove around the area in a few minutes until I noticed a car coming out on its place.

"Jackpot!"

After I parked the car, I quickly got out from it. Yumuko ako at inayos ang sintas ng sapatos. I looked at my clothes on my car's window, simple lang ang suot ko ngayon; black fitted jeans tinernuhan ng black boots saka gray sweatshirts.

Casual na damit lang ang isinuot ko para sa ngayong araw na trabaho, I didn't wear my working uniform since I'm not going outside roaming around today, mags-stay lang ako sa Headquarters.

It was only two days ago when I last spoke to Adriel and he again never return to Headquarters.

I'm still wondering kung paano nakilala at nakuha ni Papa itong si Adriel. Sa pagkakaalala ko ni hindi ko nga ito ipinakilala sa kanya noong kam--- Wait a minute!

I shrugged. What we're you just thinking?!

Ayusin mo sarili mo, Aerin! 'Huwag kang makialam sa buhay ng may buhay' tandaan mo 'yan! Hayaan mong ang ungas na 'yon na hawakan ang project! Iyon lang ang connection niyo ngayon!

BOOOGGSH!!!

Natauhan ako sa pag-iisip ng may maramdaman akong isang malakas na impact dahilan sa paghawak ko sa braso ko. Shit.

Tumingin ako sa paligid and saw a woman in the ground picking up some fallen vegetables.

Shit. Nakabangga ata ako.

"Pasensya na po, nasaktan po ba kayo?" saad ko dito.

Pinulot ko ang mga patatas saka ko tiningnan ang babaeng na sa harapan ko, napansin kong minamadali nito ang pagpulot sa mga gulay kasabay nito ang pagkabalisa niya.

"Miss?" I said and she lift up her head. I suddenly noticed her sore cheek. "Are you okay?" nagulat ito sa tanong ko pero hindi ito sumagot.

Tiningnan ko ang kabuuang pigura nito. Bulaklaking daster ang suot nitong damit na malamang na umaabot hanggang sa talampakan, pinatungan din nito ng pang itaas na jacket, isama pa dito ang isang di kalakihang tela o balabal, sakto lang para matakpan ang halos mukha nito at ulo. I could not barely looked at her skin 'cause of her outfit.

Nang mailagay na muli nito ang mga gulay sa eco bag na hawak nito ay mabilis itong tamayo. "Miss? May problema ba?" I asked again, and this time she stared at me.

Somethings wrong.

Without hesitation, I took a step forward and grab her left hand.

I saw it!

Those bruises.

"Ano bang ginagawa mo!" marahas na inalis nito ang kamay niyang hawak ko at pinagpatuloy na nito ang paglakad. Nang mapansin kong minamadali niya ito para makalayo, sinundan ko siya. "Sandali lang! Ayos ka lang ba talaga miss? Pulis ako pwede mo akong kausapin." para masabayan ko'to halos patakbo na rin ang ginagawa ko.

"Asawa ko! Halika na dito!"

We both turned around on the black car, hindi kalayuan sa kung saan kami ngayon nakatayo. "A-a-asawa ko." pagsagot ng babae dito.

Masayang lumabas ang lalaki sa kotse at inakbayan ang babae, liningunan ako nito. "Miss? May problema ka ba sa misis ko?"

Umiling ako. "Wala, gusto ko lang siyang maka-usap."

"Pagpasensyahan mo na pero pagod ang misis ko, sa susunod na lang kayo mag-usap ha? Kailangan na niyang magpahinga eh." hindi na ako nakapagsalita pa ng inalalayan na niya itong pumasok sa loob ng kotse.

Pinagmasdan ko ulit ang babae. Kung kanina ay balisa at nagmamadali ito, ngayon hindi na ito umiimik pa't diretso na lamang ang tingin nito.

"Bye, miss." nakangiting nagpaalam ang sa tingin kong mister nito, sumagot na lamang ako ng ngiti dito at pagtango.

"AEC 1240"

Dinial ko agad ang number nitong si Fernando.

"Napatawag ka?" Fernando asked.

"Where are you?"

"Papunta pa lang sa headquarters, why?"

"AEC 1240."

"What?"

"Find out who has that plate number... and hintayin mo mga isesend kong pictures."

"Wait. What's happening?"

"I'll explain later, let's meet at Headquarters."





"Wesley Manalo, 38 years of age... Sytia Manalo, 35 years of age. 562 Lourdes, Sta. Mesa." linapitan ko itong si Fernando na nakatutok ngayon sa pagbabasa sa profile na pinapahanap ko. "They're married." patuloy nito.

"Tingnan ko nga muna ulit yung mga pictures na sinend ko sa'yo." I ask him. I pulled out a vacant chair and sat down next to him."I mean, pansinin mo... normal ba sa tao 'yang ganyan pasa?" wala sa kawalan kong na tanong habang sinusuri ng mabuti ang larawan ng babae kanita.

I got a picture of her earlier. How? The time that I noticed her sore cheeks, nakaramdaman na ako ng kakaiba kaya sandali kong hinawi ang buhok ko malapit sa teinga... and using my earrings I secretly shot a photo of her. Hindi lang sa mukha at braso nito ang may pasa, nakuha rin sa camera ang halos umiitim nitong leeg.

In the two pairs of earrings I was wearing, the mini camera is installed on the right side while the voice record is on the left side. Kailangan mo lang talagang i-click ang napakaliit na button para gumana.

"Tama ka. Pero na sabi mo kanina na meet mo husband niya, 'diba? at mukhang ayos naman ang pagtrato nito... and the fact na nabanggit mong pulis ka, bakit hindi ka niya kinausap?" Fernando said.

"I don't know..." 'yon na lamang ang nasabi ko saka ako kumuha ng maiinom sa fridge. "I think. You should watch over her." saad ko.

"I plan to do that actually, but for now magre-research na muna ako. I think maganda na rin ito, nakakuha tayo ng pweding evidence kung sakali man tama ang hinala natin. Thanks to your magic earrings." pagkomento nito.

"Sa'yo na, gusto mo?" binalik ko ang nakalahati kong mineral water sa fridge. "I don't usually wear those, ngayon lang, buti na lang may naging silbi."

"Nah. I can't and I don't want too, besides it's your father's gift. Bihira lang ang may ganyang gadgets."

Napangisi ako dito.

Yeah father...

"OFFICER VALDEZ!"

The door opens. Chief Perez and some of his colleagues came in. Napansin ko din ang epal at pabidang babaeng nasa tabi nito... Si Natasha. Teka lang din... at bakit kasama nila si Adriel?

And since we were the only two inside, the two of us saluted the Chief.

"Sa tingin ko naman ay nagkakilala na kayo nitong si Engineer... and since ang Papa mo mismo ang nagrekomenda nito dito... sa'yo ko na ibibilin si Engineer." paliwanag nito.

What? At bakit naging trabaho ko naman ang lalaking 'yan?

"Starting next week. Ikaw ang makikipag-cooperate sa kanya sa project at irereport mo ang bawat progress sa itaas." patuloy nito.

"Chief ang gulo naman ata, ni hindi ko nga alam na ang Papa ko ang kumuha sa kanya at anong connect 'non doon?" hindi ko napigilan ang mapatanong dito... at mukhang pinagsisihan ko na rin ito ngayon.

Ngumisi-ngisi ito habang hinahawak ang noo nito. "I don't have to explain, order ito sa itaas." aniya. Wala pa rin pagbabago. Lahat kami'y nakatayo pa rin at tanging palitan lang ng tingin ang nangyayari.

"Iiwan ko na sa'yo si Engineer. " He looked at Adriel "Goodluck engineer, sana'y magkasundo kayo ni SPO Valdez." ngumiti ito dito saka niya tinapikan.

Nagbigay ulit ng saludo itong si Chief at tinalikuran na kami.

"Oh wait. Nakalimutan kong sabihin." tumigil itong si Chief sa pag-pihit ng doorknob.

"Pinapatawag ka pala ni Inspector Martin at Inspector Bernardo... mukhang hindi mo magugustuhan ang sasabihin nila." the last word he uttered then he finally got out. Kahit nakatalikod ito kanina. Nakita ko ang pagguhit ng labi nito.

What does he mean? Why would they want to talk to me? Hindi magugustuhan? Bakit? Anong dahilan?

I took a deep breath, trying to calm myself down.

"Fernando, where are the documents I am asking for."

"Halos kakalagay ko lang sa desk mo kanina, bakit?" Fernando answered.

Shit!

Nagmamadali akong lumabas at patakbo ng umakyat sa pangalawang palapag papunta sa desk ko.

"Anong nangyayari? Bakit bigla mo na lamang naitanong 'yon?" Fernando asked who I was running with. Saglit akong lumingon sa likod at napansin kong hindi sumunod si Adriel na ngayo'y parang pinagmamasdan lang niya kaming tumatakbo.

I just kept continue running and I quickly opened our room. Napalingon sa amin ang iba kasama na itong si Theo na abala sa pagkain, nagtatakang mga mukhang bakit kami hingal-hingal.

"Aerin! Eto oh! Luto na Chopsuey mo! Tara kana na tayo!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa'kin ni Theo bagkus ay agad na dumeretso sa desk ko.

"Nasaan?"

"Sa mismong tapat ng desk mo, diyan ko lang inilagay." turo nito sa mesa.

Agad na gumala sa kaliwa't kanan ko ang mga mata sa paligid ng desk, may kung anong kakaiba at hindi maipaliwanag akong nararamdaman.

Hinalungkat ko na ang mga makakapal na papeles ko dito, isama na rin ang mga case paper na nakapatong sa mini cabinet sa likod. Dinamay ko na rin ang trashcan na nasa gilid ng desk pero wala. Wala pa rin.

Hindi ko napigilan na tadyakin ang basurahan. Bwisit!

"Aerin."

Hindi ako kumibo sa pagtawag nila.

"Aerin, you need to see this." nang marinig ko ang boses ni Fernando agad akong tumingin dito. "Nahanap mo na ba?" I asked.

Hindi ako nito kinibuan at tanging senyas lang na humarap ako sa harapan ko.

"Ninong... ano iyang hawak mo?" nagtatakang tanong ko dito. Nakatayo ngayon ito sa harapan ko bitbit ang isang brown folder... and if I'm not mistaken, that's what we've been looking for.

"Kailangan ka naming makausap." Inspector calmly said while looking at me.

Hindi na ako nagtangkang magtanong pa at tahimik na sumunod dito.

Nang makarating kami sa pangatlong palapag ng Headquarters, pumasok si Ninong--- Inspector Bernardo sa Board room.

I stared a few seconds at the door before I could open it.

Bumungad sa'kin sa loob ang isang taong nakaupo ngayon sa isang mahaba at rectangular na lamesa.

Sumaludo ako dito.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan na mukhang para sa'kin naman.

Kabadong pinagmasdan ang dalawa.

"Let's get to the point here, Officer Valdez, gusto naming i-close na ang case ni Ms. Jane." tumayo si Inspector Martin. "Since ang team namin ang mismong nagpatunay, hindi malfunction ang nangyari bagkus naging successful ang operation sa kanya." pagpapatuloy nito.

I can't help but to laugh. "... at kailangan pa dito mag-usap? Kayo pa ang makakausap ko? Inspector Martin, paano mo naman mapapatunayan na hindi malfunction ang nangyari?"

"As a matter of fact, may isang nurse na kabilang sa nag opera ang nag-submit ng video, alam niyo naman na confidential pagdating sa ganoong bagay but if you want some copy of video I can give it to you." sagot ni Inspector Martin.

"Kung hindi ito malfunction, ibig sabihin ba nitong may pumatay sa kanyan? Sandali nga lang, ano na ba mga nagawa niyo sa investigation?" pagtatanong ko.

"No. Kusang nag-react ang sarili nito after surgery at hindi nakayanan kaya bumigay... at base sa investigation may history ito ng heart condition. You know, it's just a simple case hindi kailangan ng maraming pasikot-sikot dahil na sa harapan mo na ang sagot. Hindi lang talaga matanggap ni Mr. Vera ang pagkamatay ng anak nito." bahagya itong tumawa.

"Simple lang pala pero bakit nagmamadali kayong isara ang kaso? Masyado niyo naman atang binibigyan pansin ang mga simpleng kaso ngayon?"

I noticed the sudden change of expression on Inspector Martin's face, kung kanina swabe itong nagpapaliwanag ngayon may bahid na ng pagkairita.

Ngumisi ito at dumeretso ang tingin sa'kin. "You think you can do something? No. Isasara at isasara, itatapon at itatapon din ang kasong pinaglalaban mo. Patay na ang pinaglalaban mo, 'wag ka nang lumaban."

"Tangina naman officer! Naririnig mo ba mga lumalabas sa bibig mo?!" hindi ko napigilan na magtaas ng boses dito.

Inspector Bernardo quickly stood up and walked towards to me. "Tumayo ka na riyan at lumabas ka na." hinatak nito ang kamay ko pero pilit akong nagpupumiglas dito.

Hindi kumibo at nanatiling nakatayo si Inspector Martin habang pasimple itong ngumingisi. "Sige! Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin, pero ito pinapaalala ko sa inyo. Ipaglalaban k---"

Natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang pangalan ng tumatawag sa screen ng phone ni Ninong na nasa table.

"Is it Dad? Si Papa na naman ba ang nag-utos dito?!" tanong ko habang naghihintay ng tugon kay Inspector Bernardo. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mag-alburoto sa galit at inis.

"Makinig ka sa'kin." kinuha ni Ninong ang atensyon ko. "Lumabas ka na." ma watoridad na pagkakasabi nito. Ibig sabihin na lamang nito na seryoso at kailangan kong makinig--- sumunod sa kanya.

Napahilamos na lamang ako sa inis
Sa huli, tahimik kong iniwan ito sa loob.

Hinayaan ko na lamang ang katawan kong sumandal sa pintuan. Pinagmasdan ang katawang nanghihina, at halos hindi na maramdaman ang sarili.

Please... Please help me kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro