Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Stand up, self


AERIN


"Aerin."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang nandidito pa rin ako, nakayuko at nag-iisip ng kung ano ano.

I watched Adriel foot standing in front of me.

Umiling ako.

Pinilit kong manatili sa kung saan ako ngayon, ayokong makita ako nito na nasa ganitong sitwasyon. Hindi pwedi. Ayokong pagtawanan ako nito, ayokong mas masabi rin ito sa pinasok kong buhay. Nakakahiya.

"Wala ka bang balak tumayo diyan?"

I heard his voice again.

Hindi pa rin ako umimik at nanatiling nakayuko.

Wala akong mukhang maihaharap sa'yo.

"Hoy, tumayo ka na nga diyan. Nadudumihan ang sahig." I didn't hesitate to stand when I heard another voice.

Thank goodness! Timothy!

"Tim." saad ko habang nakatingin sa kanya, I was three steps away from him, but the other one was almost beside me.

Sandali akong kumuha ng lakas na loob upang maglakad patungo dito kay Timothy.

I was wrong na akala ko'y pipigilan ako nito at kakausapin, pero hindi. He just let me go.

Hindi na ako nag-abala pang pasadahan ng tingin ang isa at hinayaan na lamang si Timothy na samahan ako.

Pagkababa namin sa ground floor ay nag-paalam si Timothy at agad na kinuha ang naka-park nitong sasakyan. Mag-isa akong naglakad papalabas ng Headquarters, hindi inalintana ang mga tingin na bumabaling sa kinaroroonan ko.

Paglabas ko ay agad na naka-abang itong si Timothy. He smiled at me and then opened the car for me.

"Pinauwi ko na agad si Bree sa trabaho niya, para naman may kasama ka na doon sa condo niyo." sabi ng katabi ko habang nakatuon ang tingin nito sa pagmamaneho.

I still stay quiet.

"Ginagawa na nila ng paraan ang kasong 'yon kaya huwag mo na masyadong isipin." he continue but again, I didn't respond to him.

I hope so.

Tumahimik na lamang ako sa biyahe. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, hinayaan ang sarili kong kumalma.

Halos tatlong tapik ng mga kamay ang naramdaman ko bago ko naimulat ang mga mata ko. "We're here." nasa harapan ko na ngayon si Timothy naghihintay sa---

Sandali. In obserbahan ko ang sarili ko... "Yeah. You fell asleep, buti na lang at hindi ka naglaway. " napatawa ito.

I gave him a sharped glare pero hindi ito natinag. "Nakakahiya naman sa'yong malakas na humilik-hilik. "

"Wow ha. Kaya ako humihilik ng kalakas-lakas dahil sobrang pagod ko sa trabaho. Hindi tulad mong natural na paglaway mo." depensa niya.

"Anong trabaho naman? Naka leave ka tas idadahilan mo 'yon? Ang sabihin mo sobrang busog mo lang dahil sa katakawan mo!" I shouted and hurriedly run away from him.

"Hoy! Hindi porket mabait ako sa'yo ngayon ginaganyan mo na'ko ha!" he ran inside and tried to chase me but it didn't work, because before he got into the elevator, he couldn't stop it from closing.

HAHAHAHAHAHA! Ano ka ngayon, Timothy!

Kahit hingal na hingal akong nakalabas sa elevator ay pinagpatuloy ko na ang paglalakad at nagmadaling pumasok sa condo.

"Bree! Huwag mong pagbuksan itong si Timothy ha!" sigaw ko sa loob, hindi ko alam kung narinig ako nito pero sigurado naman akong nandito siya dahil rinig na rinig ko ang mga kpop music nitong tumutugtog ngayon sa sala.

"At sinong hindi pagbubuksan?"

Gulat akong napalingon sa nagsalita. "Teka sandali. Bakit nauna ka pa sa'kin?" I saw them both laughed.

"Masyado mo naman ata akong minamaliit, Officer Valdez. Did you just forgot my long legged body?" pagmamayabang nitong si Timothy habang hinihilera nito ang mga binti.

Nakakasuka!

"AISHHH! TABI NGA KAYO SA DINADAANAN!" singhal ko at muli na naman nila akong pinagtawanan.

Padabog ako pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom, I look up at the table and look for food. As usual, she didn't cook anything.

"Hoy Bree! Wala ka man lang bang balak na magluto ng pagkain?"

Sabay ang dalawang pumasok sa kusina. "Akala ko naman kasi bibili kayo... ayun oh! Ang daming chips don sa table ko. 'Yon na lang kainin natin. Hehehe."

Inis kong inirapan ito. Tinalikuran ko ang dalawa at tahimik akong kumuha ng pweding mailuto sa fridge. Kumuha ako ng 6 pieces ng hotdog, 8 slices ng malalaking size ng bacon at 5 eggs. Nagsimula na din akong mag-gisa ng fried rice.

Dinamihan ko na ang niluto ko dahil nag-adjust na ako para kay Timothy alam ko naman mauubos niya halos ilulutu ko. Ngayon ko na lamang din naalala na gutom na gutom na pala ako. Nag pop-up bigla sa isipin ko ang mukha nitong si Theo, naalala ko ang kaninang kinakain nitong Chop suey!

Nang-gigigil akong napahawak sa knife. AHHHHH! BWISIT NA THEO! SIGURADONG UUBUSIN NILA 'YON! SANA NAMAN TIRHAN AKO PARA BUKAS!

Nang matapos na akong makapagluto ay agad kong dinala sa sala para mapagsaluhan namin.

"Ohhh. Chef Aerin in the bang!" puna nitong si Timothy, para itong asong kagad na naamoy ang pagkain at pumupwesto sa harapan ng amo. Tsk!

Siniko ko ito. "Kada subo mo 20 pesos!"

Nag-smiling face lang ito sa'kin at nagsimula na nitong ubusin ang pagkain.

Aba't talagang!

"AISH!! Bakit ba ang papangit ng mga pinoy drama ngayon?" biglang tanong ni Bree habang irita nitong nililipat lipat ang channel ng T.V.

"Wala na ba silang mahanap na magaling na writer at puro na lang kabit ang theme?! Jusko! Ang daming writer na magagaling! Nandito ako! Nandi---" sinupalpal ko sa bibig nitong si Bree ang hotdog para manahimik.

"Oo na oo na! Ikaw na magaling! Kung reklamo ka ng reklamo diyan bat 'di mo ipasa yung librong ginagawa mo, kaysa diyan sa edit ka ng edit ng librong hindi naman sa'yo. Hayyys." saad ko at pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Hindi na nagsalita pa.

"Nga pala, ano na naman ginagawa ng Adriel na 'yon sa HQ?" Timothy suddenly asked.

Aish! Oo nga pala.

"They just informed me that I would be cooperating with him on the project." diretsong sagot ko at uminom.

"Ano, magiging construction worker ka niya? HAHAHAHA" biro ni Timothy.

"... At sino naman si Adriel?"

Hindi ko napigilan ang masamid sa biglang pagtatanong ni Bree. Tumingin ako kay Tim. Patay ka sa'kin look.

"Nothing. Bagong ka trabaho lang." pagsisinungaling ko. Mukha namang kumbinsido ang isa kaya tinuloy ko na lang. Hanggang ngayon kasi hindi pa niya alam ang nangyari at hindi naman nito kilala si Adriel. Hindi katulad nitong si Timothy, hinahalungkat ata nito buong pagkatao ko. Ke-lalaking tao napaka chismoso!

Noong bago-bago pa lang ako dito sa Manila doon ko lang nabanggit ang lahat kay Timothy ang tungkol sa'kin kasama na si Adriel dito. Siya rin naman din ang una kong nakilala at pareho din kami ng school na pinasukan kaya naging close. Si Bree, last 2 years ko lang ito nakilala. Na meet namin siya sa bar. Ewan ko parang baliw na sayaw ng sayaw tapos iiyak. Kami pa nakita nitong si Tim at ginulo kami! Na reject raw siya ng crush kaya kailangan ng alak. Ayun pagtapos lang non nagkikita na kami palagi--- sa BAR. HAHAHAHA!

Hindi naman din ako palakwentong tao kaya maiintindihan naman niya, besides tapos na lahat. Past is past ika nga. Wala nang balak ang bibig kong maglabas pa ng mga walang kwentan---


Lieutenant Valdez siniguro at sinuri ng maayos ang mga bago at likhang pinoy na armas para sa lahat ng mga kapwa pulisya at sundalo.

Sir Valdez, aware po ba kayo sa bilang ng lahat ng armas na nalikha?

Of course. It was counted by the last number of 17 Million and 8 thousand guns and other stuffs.


"Hoy Bree, ilipat mo na nga lang doon sa K-drama na pinapanood mo, buti pa 'yon maganda." rinig kong sabi ni Timothy, nagmamadali naman nitong nilipat ni Bree ang channel saka na tumingin ang dalawa sa'kin.

"What?" I asked.

Umiling sila.

Ngumiti na lamang ako at binilisan ko na ang pagkain dito.

Nakakawalang gana.

Napangisi ako. Ang saya-saya nitong pagmasdan, ang lawak pa ng ngiti nito. Paano niya nagagawa 'yon? Paano, Papa? Masaya ka ba talaga?

Matapos kong maubos ang pagkain ay uminom na ako't tumayo. "I'll just get dressed." paalam ko sa dalawa, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at dumeretso na lang agad sa kwarto ko.

Pumasok ako sa shower, nagbabad sa bumubulang bath tub at pumikit ng ilang minuto.

Opo, tutulungan ko po kayo.

Napahawak ako sa dibdib ko ng muling sumagi sa isipan ko ang mga salitang binitawan ko kay Mr. Vera.

Pakiramdam ko ay napupunit ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko.

"AHHHHH!"

Napakuyom ang mga palad ko't matatalim na tingin ang maipipinta sa'king mukha.

Binigyan ko ng limang minuto ang sarili ko sa pag-iyak. Limang minuto, Aerin. Limang minuto, pagkatapos tatayo ka ulit, muli mong ipaglaban ang gusto mo.

Ipaglaban mo ang dapat.




"Alam niyo po ba kung nasaan ang address na'to?"

"Hindi."

Huminga ako ng malalim. Bumalik ulit ako sa isang di kataasang bato at umupo. Napatingin ako sa relo ko. Mag aalas-otso na pala, I have been here for about three hours and I have not been able to get the answer I want.

Hinahanap ko ngayon ang address ni Mr. Vera dito sa lugar niya. Nabalitaan ko kasing hindi ito nakulong at pinalaya na lamang siya ng kampo ni Dr. David.

Nakakapagtataka nga kung bakit hindi na nagsampa ng kaso itong si Dr. David.

Nandito ako upang makausap si Mr. Vera, ini isa-isa ko na nga ang bawat bahay dito pero hindi ko mahagilap ang address. I am also here standing at the intersection of their road. Hoping that anyone knows the address.

Sa pang labing-apat na pagkakataon, sinundan ko ang isang matandang babaeng dumaan sa'king harapan.

"Lola? Pamilyar po ba kayo sa address na'to?" She briefly looked at the paper I was holding, she also examine my face.

"Hindi." mabilis nutong pagsagot.

Nagpatuloy siya sa paglakad, sumunod naman ako.

"Pwede po bang pakitingnan ng maayos? Baka po kasi alam niyo po."

"Pulis ka ba?" aniya.

I nodded and showed the ID on my wallet. "Opo. Kailangan ko lang pong makausap ang nakatira diyan sa address na 'yan."

"Wala akong alam, huwag mo akong sundan." when I heard her answer, I felt somethings wrong? Walang alam? Bakit?

"Lola, hindi po ako masamang tao... ako po yung babaeng pulis na nakausap ni Mr. Vera. Officer Valdez po." sambit ko at nakita kong natigilan ito.

"Sumunod ka sa'kin." aniya.

Tahimik kong sinundan ito. Diretso lang ang ang paglalakad namin ng bigla itong kumaliwa, pumasok sa isang makipot na eskinita. Tumigil at tumingala sa isang bahay na may tatlong palapag, sa pinakatuktok nito may isang maliit na bahay.

"Nandoon siya... Kumatok ka ng apat na beses at pagbubuksan ka niya." turo nito sa rooftop "Wala na ang address na 'yan, alam ng lahat ng nakatira dito ay nasa mental hospital na siya. Kaya kung pwede--"

"Opo alam ko ho ang gagawin ko. " ngumiti ako dito pero hindi ako nito kinibuan.

Nagpatuloy ito sa paglakad at pumasok sa nasabing bahay. Hinayaan na niya akong mag-isang umakyat dahil may-aasikasuhin pa raw ito. Nalaman ko rin na sa kanya pala ang bahay at pinapatira niya si Mr. Vera sa bakanteng espasyo sa rooftop.

When I reached the top I immediately went to the door. Apat na beses akong kumatok.

"Officer!" halos lumundag ang tuwa nito ng makita ako. Kinamayan niya ako at magiliw na pinapasok.

"Magandang umaga ho. Bakit ho kayo napapunta dito?" pagtatanong nito habang kumukuha ng tubig.

"Gusto ko lang sanang magtanong tungkol po sa anak ninyo." sandali itong natigilan. "Kahit ano officer ." pilit na ngumiti ito.

Nilapagan niya ako ng tubig at isang pirasong sky flakes.

"Anong nangyari bakit kinailangan ma-operahan ng anak ninyo?"

Umupo ito sa harapan ko at hinawakan ang magpakabilang palad nito. "Nadala siya sa hospital dahil nadatnan ko siyang nakahandusay at namimilipit sa sakit ang dibdib nito... Ang totoo kasi niyan, may sakit ito sa puso."

"Saan niyo po ba siya nadatnan noon? Sa mismong bahay niyo po ba?"

Umiling ito. "Hindi. Doon sa apartment nito. Magsimula kasi ng malipat ito ng school. Lumipat na siya at binibisitahan na lamang ako doon sa dati naming bahay." tugon nito. "Ang pinagtataka ko lang, bakit ganoon ang nangyari sa anak ko samantalang bata palang ito maintain ang pag-inom nito ng gamot. Kahit misan di ito dumaing sa sakit ng puso nito." patuloy niya.

"Pwede ko po bang malaman kung saang eksakto niyo po siyang nakitang nakahandusay?"

"Ahhh. Malapit sa table nito sa sala." sagot nito.

Tumango ako at nagpatuloy.

"Kapwa pulis ko ho ang nagsabi na successful po ang operasyon ng anak ninyo, problema raw po nag-react ang puso nito. Ibig sabihin natural lang po ang nangyari. Paano niyo po ba nasabing malfunction ang nangyari?"

Umiling ito. "Ang totoo niyan noong una hindi ko tanggap ang nangyari." bahagya itong tumawa. "Sino ba naman ang sasaya kapag nalaman mong patay na ang anak mo." pinunasan nito ang mga luha nito sa mukha. "Inaamin ko, nadala ako sa galit. Kaya kung ano-ano na lang ang pinaggagawa ko... Pero nitong nakaraang araw matapos itong mailibing, palagi na lang siyang nagpapakita sa panaginip ko, pinapatay ang anak ko."

Napainom agad ako sa mga sinabi nito. "Sinasabi niyo po bang may pumatay ho sa anak ninyo?"

"Hindi ko alam... Pero kung may pumatay man sa kanya, ano bang magagawa ko? Hindi ko hawak ang batas, bingi rin ang mga nasa itaas, kaya siguro hayaan ko na lang. Aalis na rin naman ako dito. Magpapakalayo-layo." paliwanag ni Mr. Vera.

"Bakit bigla-bigla na lamang po ang desisyon niyo?"

"Pinag-isipan ko ito ng mabuti, at nagpapasalamat ako sa inyo dahil binibigyan niyo ng pansin ang isang tulad ko." Hinawakan nito ang kamay ko at muli itong lumuha.

"Trabaho ko ho ito at ipapangako ko pong bibigyan ko ho ng sagot ang pagkamatay ni Jane." binigyan ako nito ng isang yakap.

"Pero isang tanong na lamang po." kumawala ako sa yakap. "Pwede niyo po bang ituro sa'kin ang dating bahay niyo po? May titingnan lang po ako sa mga gamit niya."

"Mukhang malabo officer, kamakailan lang e nagkaroon ng sunog malapit dito... At nadamay ang bahay namin."

What?!

"Pero kung ang gamit lang po ng anak ko. Pwedi po kayong pumunta sa apartment nito, na sa'kin po ang susi."

Agad akong napatayo dito. "Kung ganon, pwede ko ho bang mahiram ito?"

Walang pag alinlangan ako nitong tinanguan.

When I got the key, I hurriedly said goodbye and went to his daughter's apartment.

"Para po, Manong!"

Sigaw ko kay manong driver at mabilis na bumaba. Nag-jeep lang ako ngayon dahil naiwan ko ang kotse ko kahapon sa Headquarter.

Tumingala ako at tiningnan ang halos nasa sampung palapag na building.

Tiningnan ko ang papel.

3rd Floor, Room 109

Agad akong umakyat sa building at ng makarating ako sa 3rd floor ay hinanap ng mga mata ko ang room nito.

Bubuksan ko na sana ang pintuan gamit ang susing hawak ko ng makarinig ako isang kaluskos sa loob.


SHIT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro