Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹Curiosity kills a heart


FLASHBACK 2014

AERIN


"... and that's all for our plan in the event."

Ang huling salitang binitawan ni Louie at tinapos na ang meeting. Binigyan ito ng malakas na palakpakan kasabay ng paglipad ng mga camera sa harapan ng stage.

Agad ko ng inayos at inilagay sa bag ang mga libro, notepad, ballpen na dala-dala ko ngayon.

"Thank you for the support, Ms. President." napatingin ako sa nagsalita. Gulat kong tiningnan itong si Louie ng biglang bigyan ako ng beso.

Dumistansya ako. "Hehe. No problem. I'll support your event for your strand mates. Just tell the council kapag may problema." kinamayan ko na lang ito at nagmadali nang isakbit ang bag ko.

"Paano ba 'yan, 'di ko na kayo masasamahan sa kainan. May meeting pa kasi ako."

"No. I understand, maybe next time... Let's grab a dinner together." aniya at ngumiti na naman ito.

Susmaryosep! Huwag mo'kong daan-daanin sa mga dimples mo! Baka matadyak ko pinakamamahal mong itlog!

"Yeah. Yeah. Next time. Together." hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at agad na kumaripas ng takbo.

Together? Mama mo together!

Nakakaloka! Umagang-umaga ang hype nitong lumandi.

As I walked along the corridor I grabbed my phone for a moment. Tumingin ako sa notes app para matingnan kung saang meeting na naman ang aattend-an ko.

Conference Room Building 3 201 10:30 AM.

"Aerin!!!"

Hindi na ako nag-abala pang lingunan ang malakas at matinis na boses na tumatawag sa'kin dahil alam ko naman kung kanino ito nanggagaling.

I stopped walking.

"Ano 'yan?" takang tanong ko kay Cindy ng makalapit na sa'kin sabay na ipinakita ang isang maliit na paper bag.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi namin alam, nakita na lang namin sa desk mo... mukhang may secret admirer ka na ha!" tumatawang sagot nitong si Cindy.

Siniko nito ni Apple. "'Di pwede. Gusto mong tutukan yan ng baril ni Tito 'yon? HAHAHA"

"A basta! Tara tingnan natin kung ano laman!" hinayaan ko na lamang silang buksan ang paper bag. Nakakahiya naman sa dapat na tumingin 'diba? Sige pagbigyan na mga bata.

Classmate ko nga pala ang dalawang ito samantalang nasa ibang strand naman sina Kace at Ellies.

"Eh?" tiningnan ko ang mga hawak nilang band aid at ointment.

"Mali pala ako, akala ko admirer. Gangster ata nagbigay nito sa'yo, in-advance na gamot para sa bugbog bibigay niya. HAHAHAHA" ani Cindy.

"Hindi talaga admirer 'yan! Sino magbibigay ng gamot? Tapos lalagyan pa simpleng brown paper ba? Nakaprint pa ng Mercury drug? HAHAHAHA" dagdag pa ni Apple sabay na nagtawanan na naman ang mga bata.

Inis kong hinablot ang paper bag. "Alam niyo, kung sino man nagbigay dito. Concern lang sa skin ko, baka kasi masira ang flawless skin na taglay ko." pag-aasar ko sa kanila. Inilagay ko ang palad ko sa braso, kumorba ng kaunti at dahan-dahan ibinaba ang palad ko sa braso. O diba! Parang model lang ng Myra E. HAHAHAHA

Sabay nila akong inirapan. "And for the most important part. May nag-aalala sa'kin... Kahit walang jowa." Hindi naman ako nagpatalo at iwinagayway ko ang buhok ko sa pagmumukha nila.

"See you! HAHAHA" na sa'kin ang huling halakhak! HAHAHAHA

Bumalik ulit ako sa seryosong mukha ng marealized kong halos ng mga estudyanteng nadadaanan ko ay napapatingin sa'kin. Nakita ba nila ako? Takte!

"Aerin! Sabay na tayo!" Kace called suddenly. Patakbo ako nitong nilapitan. "Sa building 3 'diba?"

I nodded. "Oo. Buti a-attend ka rin? Wala ka bang gagawin?"

Umiling ito at bahagyang inayos ang buhok. "Wala naman. A-attend na ako para updated ako. Pero uwi na niyan ako pagkatapos, sabay na tayo gusto mo?" Kace said.

Umiling ako. "Hindi na magpapahinga muna siguro ako dito, kakatapos ko nga lang nag-attend sa pa meeting ni Louie. Jusko." I can't helped but to laugh when I remember what happened earlier. It's give me goosebumps.

"Anong tawa 'yan? Hinarot ka rin ba ng Louie na'yon?" nagulat ako ng matanong ni Kace. Agad akong umiling. "No. Duhhh." pagdedeny ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad.

Napatigil ako, "Sandali nga lang." Tumigil din ito sa harapan ko, itinaas ko ang hintuturo at takang pinagmasdan ito. "Anong sabi mong 'Ka rin?' Hinaharot ka rin ba niya?! OMO! OMO! OMO!" halos mag hysterical na'ko dito sa kilig. Nakakaloka nangyayari sa ear---

Tinampal ako nito sa noo. "Baliw ka ba. Aware ka namang kilala yan si Louie sa pagka-babaero nito. Ano gusto mo dagdag ka linya ng mga babae niya? Hindi ka naman papatulan no'n!"

Ay wow nakaka-offend naman ata 'yon.

"E ano ngayon?! Ingg---"

Muli na naman ako nitong tinampal. "Saka ikaw, tigil-tigilan mo panonood ng BL. Kung ano ano pumapasok sa isip mo."

"Ewan ko sa'yo! Mr. Sungit!" sigaw ko at nagmadaling pumasok sa room.




"Sexuality plays a very significant role in the lives of both boys and girls. It is therefore, considered important for schools to recognize and accept sexuality as part of the development process of the child."

Kasalukuyang nagdi-disscussed ng Teenage Pregnancy sa harapan namin si Sir Francis --- Head ng SHS Department kasama ang iilan pa naming teachers. Magkakaroon kasi ng Teenage pregnancy seminar sa buong SHS Department this coming month. Pero sa ngayon, kailangan kami muna ang tuturuan para next month may maitutulong din kami.

"One in Ten Young Filipino Women Age 15 to 19 Is Already A Mother or Pregnant With First Child."

Sa kasamaang palad naka-upo ako ngayon sa gitnang harapan, kailangan bukas at buhay ang diwa ko dahil nakakatakot na baka biglang pagtripan. Hindi tuloy ako makaidlip man lang! Huhuhu

I took a moment to look inside. Halos 20 students kaming nandidito at sa tingin ko halos lahat sila may katungkulan na ginagawa. May mga iilan akong namumukhaan pero hindi lahat kilala ko.

Napatingin ako sa bandang kaliwang side. My goodness! Paano nagagawa ng makatulog tong si Kace?!

"According to the Population Commission 24 babies are born to teenage mothers every hour and almost 200,000 Filipino teens get pregnant annually, most of them from ages 15 to 19."

Natahimik ako ng biglang naglakad si Sir Francis papunta sa pwesto ni Kace. Shit!

Dali-dali akong pumunit ng pirasong papel, kinumpol ito at palihim na tinapunan itong si Kace. Pero lintek! Di magising-gising!

"Mukhang pagod ang Vice natin ngayon ah," tumawa si Sir. Bahagya ring natawa ang iilang students dito.

Hinaplos-haplos ni Sir ang buhok ni Kace. Nakayuko na kasi to sa table mukhang bagsak na bagsak ang kaluluwa!

"Pabayaan na natin, magtutuos kami mamaya ni Mr. Vice." ani Sir.

At nagtawanan ang lahat.

Eksaktong 12 PM natapos ang meeting. Kasalukuyan akong nag-aayos ulit ng gamit at tutuluy na.

"BYE! GOODLUCK!" sigaw ko kay Kace na nakabuntot na ngayon kay Sir Francis. Isasama ata siya sa office. HAHAHA

"TULOG KA ULIT HA." biro ko at tumakbo na papalabas, hindi naman niya ako mahahabol dahil hindi naman to pwedeng umalis.

Pababa na ako ng hagdan ng biglang marinig ko ang kumakalam kong tiyan. Grrrrrr. Sabi raw. Haluh. Nagwawala na mga bulati ko sa tiyan. Wait lang mga baby ha, hahanap lang ng pwesto si Mommy.

Gutom na gutom na ako, hindi na nga ako nakakain kanina eh. Gusto kong kumain sa canteen pero dahil oras ng lunch break ngayon, panigurado puno niyan at ayokong makipagsiksikan! Kung kaya sa Library? Ay hindi hindi! Marami rin tao doon baka imbis na malamig sa loob lalo lang akong mainitan. Kung sa Student Council naman, baka mabagot lang ako. Wala kasing ka tao-tao doon ngayon. Eh san ka kakain?! Sayang pamo baon kong sandwich dito.

Eh kung kayang umuwi na lang ako? Wala naman akong pasok ngayon ha?

Grrrrr.

Muli na naman tumunog ang tiyan ko.

At dahil hindi ko na matantiya ang gutom ko, I went to the old building behind the former university garden. Wala na masyadong tao dito, hindi na kasi maayos ang paligid, pangit na ang ambiance ika nga pero dito lang ang may pinaka fresh na hanging malalasap mo! HAHA

Umupo ako sa isang medyo may sirang rock chair, nakatakip ito sa malaking puno kaya hindi mainit. I took the two packs of egg and ham sandwiches that Mom made earlier.

Tahimik lang akong kumain. Medyo na-awkward lang ako dahil mag-isa lang ako, hindi typical President 'diba? Kasi kadalasan sobrang daming kasama ng President. Mga friends, teachers, students na dikit na dikit sa'yo. Pero ako? May time naman na nakakasama ko sila pero kapag busy, parang gusto ko walang istorbo---

"Mabubusog ka ba riyan sa kinakain mo?"

"Ay Mama mo busog!" takte! Nakakagulat naman to! Balak ba kong idala sa ambulansya!

O 'diba. Kakasabi pa lang sa istorbo e!

Inis akong tumingin sa Castillo na 'to. "Ano ba ginagawa mo dito ha? Aatakihin ata ako ng puso sa'yo e!"

"Sus. Hindi pa nga ako dumadamoves aatakihin ka na sa puso? Huwag kang advance... di pa nga kita nahahalikan." biglang hirit niya na ikinagulat ko.

"GAGO KA BA?! ANG MANYAK MO!" sa irita ko pinagtatadyakan at pinaghahampas ko na pala ito sa bag.

"Teka teka! Nagbibiro lang naman!" ang sabi naman nitong si Adriel.

I stopped, "Ano bang ginagawa mo dito?" I asked then bumalik ulit sa upuan. Kinagat muli ang sandwich.

Inayos nito ang damit niya. "Tambayan ko'to, at yang inuupuan mo pwesto ko 'yan." nanatili itong nakatayo sa harapan ko.

Hindi kaagad ako tumugon dito ng biglang humampas ng kalakas-lakas ng hangin sa pwesto namin. Napapikit ako at dinamang-dama ito.

WAHHHH! THIS IS WHAT YOU CALL HEAVEN!

"Feeling?" mahinang bulong niya pero rinig ko pa rin.

"Ikaw. Feeling Close."

"Aba. Aba. Maranunong palang sumagot itong President namin. Iboto kaya kita ulit sa susunod?"

"FYI. Gagraduate na tayo next year." pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Nakuha mo ba mga gamot?" Natigilan ako sa pagkain. Takang tumingin sa kanya. "Sa'yo galing 'yon?"

He nodded.

Haluh.

"Eh bat mo naman ako binigyan ng ganon? Pinagtawanan tuloy ako ng mga kaibigan ko." saad ko.

"Nawala na ba mga sugat mo?" dagdag na tanong pa niya.

Huh?

Anong meron sa Castillo na 'to.

"Yung mga sugat na nakuha mo, nung nagtatatakbo tayo."

Ahh.

"Iyon ba? Naku! Dalawang linggo na tapos 'yon, kinaumagaan lang e wala na. Hindi ko naman papabayaan skin ko."

Nang maubos ko na ang isang sandwich ay agad akong uminom ng tubig, at dahil dakilang estudyante ako. AYOS AKO NG AYOS NG BAG.

"Saan ka pupunta?" pagtatanong nito ng mapansin nitong nag-aayos na ako at nagbabalak na lumayas.

"Uuwi na malamang."

"Teka sandali..." He stepped closer to me. Umiwas na ako ng tingin dito dahil,

Nakakailang!

I was surprised when he suddenly grabbed my bag, napasigaw ako ng wala sa oras itong kumaripas ng takbo.

"YAHHHHH! SAN KA PUPUNTA!!!"

Takbo. Tigil. Takbo. Tigil. Takbo. Tigil. Takbo. Tigil. Takbo. Tigil.

"Ibalik mo na bag ko!" I called him but he didn't turn his head to me.

MABINGI KA SANA!!!

Patuloy lang ito sa paglakad at pagtakbo. Samantalang ako mukhang groggy na ang pagmumukha. Leche!

AISH! Bahagya akong napatakip ng pagmumukha. Ano ba kasi trip niya?! At bakit ako pa gusto niyang pagurin ha! Uma-aatend naman ako ng P.E class!

Nakakahiya tuloy sa mga college students na tumitingin sa'min! Kainis!

Buti na lang talaga hiwalay ang Department namin, baka kung hindi ipa OUSTPRESIDENT ako ng kapwa ko senior high dahil sa bibigay kong kahihiyan.

Nang mapansin kong narating na naman ang parking lot ay tumigil na ito, lumapit siya sa isang maitim na kotse at mabilis itong pumasok.

Sinundan ko ito. "Anong ginagawa mo?"

"Sakay na." aniya.

"Sa'yo yan?"

"Malamang?" hirit pa niya. Leche.

"Pwede mo naman akong sagutin ng maayos. Huwag kang mamilosopo diyan!" sigaw ko dito.

Tumawa lang ito at in-start ang engine. Nang hilain ko na ang hande at buksan ang sasakyan pinigilan ako nito.

"Anong ginagawa mo?" he asked.

"Papasok?"

"Diyan? Hindi mo ako driver! Dito ka sa front seat!" may inis sa tono nitong si Adriel.

Hindi na ako nagreklamo pa dito at sumunod sa kanya. Kung magbabangayan lang kami, tatahimik na lang ako. Baka mabingi't mapaos ako ng wala sa oras.

The trip was quite, he looked straight ahead and so I did. Sinulyapan ko ang na sa paanan nito. Hawak niya pa rin ang bag ko.

Bakit ba kasi trip niya bag ko? Wala ba siyang sariling bag at gusto ang mala cinderella kong bag? Napatakip ako sa gulat. OMO!

"What are you doing?" biglang tanong nito, saglit akong sinulyapan at bumalik ang tingin sa daan.

"Gusto mo ba ng ganyang bag?" I asked.

Nagkibit-balikat ito na para bang hindi niya maintindihan. "Marami akong collection na bag, fan din ako ng disney kaya marami akong designs. May frozen, repunzel, little mermaid, mulan, lion kin---- AHHHH!"

Galit akong tumingin sa ungas na na sa tabi ko. Balak ba niyang magpakamatay?! Kung maka-preno kala mo sa kanya ang daan!!!

"Tatahimik ka o tatahimik ka?" sumeryoso ang mukha nito.

Umiwas ako ng tingin at tatahimik na nga.

Hindi na kami ulit nag-imikan, tahimik ko na lang pinagmasdan ang mga bagay bagay sa daan.

Hanggang marating namin ang isang restaurant tahimik pa rin ito. Takte! Mapapanis ata laway ko dito.

Pinark nito ang sasakyan. "Sandali. Mukhang mamahalin dito ah." saad ko sabay na lumabas sa kotse. Inusisa ko ang restaurant, sa exterior design pa lang kabog na paano pa kaya sa loob?

"Oh." nang ibigay na sa akin ang bag, agad kong hinalungkat ang wallet ko. Sa hindi ako nagkakamali, wala akong dalang pera ngayon.

Naglakad na papasok ang kasama ko ng bigla ko itong pigilan. "Anong ginawa mo?" nagtatakang tanong nito sa'kin.

"Hindi kasi ako nagdadala ng extrang pera kapag schooldays, sakto lang... Ililibre mo ba ako?"

"Do I have a choice?" aniya.

Inalis nito ang kamay ko sa braso niya, akmang pagbubuksan na ni manong guard si ungas. Pinigilan ko na naman ito.

"Sigurado ka bang ililibre mo ako? Hindi ka nagjo-joke?"

Naninigurado lang ako, baka kasi it's joke time sa kanya e.

"Nag-abala pa akong idala ka dito kung hindi naman kita papakainin." tuluyan na itong pumasok sa loob, saglit kong inayos ang uniporme ko at sumunod na dito.

"l'll order 2 rib eye steak, a pasta and a fruit pizza."

Ilang minuto lang ang lumipas ng agad na sinerved sa amin ang in-order nito... and it only took a few minutes. NAUBOS. NASIMOT!

"ANG SARAP NG PAGKAIN DIBA." hindi pa rin ako makapaniwala. Grabe, busog na busog ako.

"Sa yamang mong 'yan, hindi ka pa ba nakakakain ng ganon?" aniya.

"Nakakain na kapag family dinner lang or something, pero kung sa'kin gastos nakakapanghinayang. Marunong pa rin naman akong magtipid... And FYI ulit, hindi kami mayaman."

Pumasok ulit kami sa kotse. "Sa Holy Village ako ha." hinila ko ang seatbelt. Tinext ko si Mama na pauwi na ako. Alam ni Mama ang sched ko kaya kailangan kong mag-paalam.

"Holy Village? Anong gagawin natin don?" pagtatanong nito.

"Doon ako nakatira at ihahatid mo na ako."

"At sinong nagsabing uuwi na tayo?" gulat akong tumingin sa kanya.

"Ano?!"

In-start muli nito ang engine. "May bayad ang libre ko sa'yo," patuloy ng ungas na'to.




"Anong ginagawa natin dito?" tumingin ako dito na pa-cool na nakatayo habang nakacrossed arms ito.

PSH.

"Ipili mo ng magandang lipstick si Mama." aniya at kinaladkad na ako papasok sa cosmetics section dito sa Mall.

Agad na linapitan kami ng mga saleslady, tinanong kung anong hinanap namin at boom. Nasa harapan na kami ng sandamakmak na lipstick.

"Bakit ako pa pipili? Ba't di na lang Mama mo? Malay ko ba kung ano gusto non." reklamo ko pero mukhang hindi ako nito pinapakingan, abala nitong iniikot-ikot ang mata sa mga lipstick.

Huminga na lang ako ng malalim at tumuloy na sa paghahanap. Tutal likas na maganda at may kaputian ang Mama niya mukhang babagay kahit anong light or mid dark sa labi nito.

"Maganda kaya itong green?"

"Potek! Ano ginawa mo, environmental friendly Mama mo?"

Bumalik ulit ito sa ginagawa niya ng hindi ako sinasagot. Ay wow!

"Eto kaya?"

"Violet? NO COMMENT."

Nang makapili na ako dito, sinang-ayunan na agad ako nito. Pumunta na ito sa counter at nagbayad.

"Sandali. Magc-cr lang ako ha. Kita na lang tayo sa parking lot." paalam ko.

Ihing-ihi na kasi ako!

Halos patakbo na ako papunta sa cr, napahinga ako ng malalim ng swerteng hindi mahaba ng pila. Pagkatapos kong mag-cr ay saglit akong nag-ayos, tutal bitbit ko naman ang bag ko, nagmadali na akong pumunta sa parking lot.

Nang makarating ako dito ay halos sumabog ang dibdib ko sa gulat. Anong ginagawa nila? Naghahalikan ba sila?!

Nagtago ako, muling tiningnan itong si Adriel at ang isang babaeng kaharapan nito. Mukha silang nag-uusap, anong pinag-uusapan nila?

Sa pangalawang pagkataon, muli nitong hinalikan ng babae ang lalaki.

Napatalikod na lang ako...

BABALIK PA BA AKO?

Hindi umalis ka na lang.

Since may barya pa naman sa wallet ko, nag-jeep na lang ako. Malapit-lapit lang din naman ang village namin dito sa mall. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mama, busy ito sa pagluluto kasama si Manang Cora. Hindi na ito nagtanong pa at hinayaan akong magpahinga.

"Baba ka mamaya, uuwi Papa mo!" paalala ni Mama bago ko tuluyang isara ang pinto.

Humiga ako, hindi pa rin ako mapakali sa kama. Nangangati mga kamay kong i-chat ito at tanungin kung sino ang babaeng kahalikan nito kanina sa parking lot!

SINO BA KASI 'YON?!

Napa-upo ako sa kama. NO! WAKE UP AERIN! HINDI KA CHISMOSA AERIN!

NACUCURIOUS KA LANG.

IYON LANG.


NOTHING MORE, NOTHING LESS!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro