Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🌹VAM Case


PRESENT

THIRD PERSON


Sa apat na sulok ng isang maliit na apartamento. Nagmamadaling nagtatago ang isang babaeng halos mamatay na sa takot.

"LUMABAS KA RIYAN AT KAUSAPIN MO AKO!" umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki. May hawak-hawak itong malaking pat holder at swabeng nagsisigarilyo. Namumula rin ang pisngi nito dahil sa kalasingan.

Nanatili pa rin nakatago ang babae sa isang maliit na cabinet. Nanginginig ang buong kalamnan nito sa takot. pagtangis na lamang ang tanging magagawa nito sa ganitong sitwasyon.

"AKALA MO NAMAN AY MATATAGUAN MO'KO." naramdaman ng babae ang papalapit na yabag ng paa sa kinaroroonan nito. Mabilis itong nagdasal at pinahid ang mga luhang halos maghalo na sa mga sugat na dumudugo sa kanyang mukha.

Bawat salita na nanggagaling sa lalaki ay halos ikamatay na ng babae. Ang mala boses demonyong na sa bawat papintig ng orasan, pakiramdam niya ay tila ba pabawas ng pabawas ang kanyang hininga.

"BAKIT BA KASI ANG TANGA TANGA MO!" malakas na sigaw ng lalaki, galit na galit nitong binuksan ang cabinet at hinila papalabas ang babae. Kinuha nito ang ashtray na puno ng maiinit na sigarilyo. Itinapon niya ito sa babaeng nakahandusay at hindi mawari ang kanyang mukha.

"SA SUSUNOD AYUSIN MO! PARA WALANG PROBLEMA! KUNG HINDI. HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO!" pagbabanta ng lalaki sabay na tinuro ang batang mahimbing na natutulog.

Kahit masakit na at halos hindi na magalaw ang katawan ng babae ay nagmadali itong nilapitan ang lalaki. Mangiyak-iyak itong lumuhod sa harapan at hinawakan ang dalawang paa ng lalaki.

"Aayusin ko na, hindi na ako uulit." pagmamakaawa ng babae.

"AISH! SABI KO NG WAG MO'KONG HAWAK-HAWAKAN!" muli na naman nainis ang lalaki kaya lumipad na naman ang kamao nito sa mukha ng babae. Pa ulit-ulit nitong ginawa na para bang isang punching bag lang ang kaharapan nito.

Walang tigil. Pa ulit-ulit na pinaulanan ito ng malalakas na suntok. Wala ng magawa at hinayaan na lamang ng babae ang katawan nitong magmanhid sa sakit na nararamdaman nito masiguro lang na ligtas ang bata.


AERIN


Nagmamadali kong kinuha ang baril at pinuwesto ito sa kamay ko. I immediately locked the door as I entered the room. Kinabahan ako, dahan-dahan kong ginalaw ang mga paa at chineck ang bawat sulok ng bahay.

Pumunta ako sa kusina, clear. Gayon din sa cr nito at sala. Pinihit ko ang doorknob ng sa tingin kong kwarto nito sabay na napahinga ng malalim ng masuri kong walang tao.


But where did the noise I heard earlier came from?

Dali-dali kong isinuot ang gloves. Tahimik kong in-obserbahan ang loob ng apartment. Maliit lang ito, sakto lang sa isa o dalawang tao. Inikot ng mata ko ang mga gamit nito, maayos at malinis ang lahat. Hindi na ako nagduda dahil nabanggit sa akin ni Mr. Vera na lininis nito ang lugar ng kanyang anak.

I went back to the room again. Looked around. I was restless so I immediately checked her things. Binuksan ko ang cabinet, isa-isa kong chineck at kinapa ang bawat damit nitong naka-hanger. Tumungo rin ako sa higaan, dumapa ako at chineck ang bawat sulok nito. Malinis walang nakakapagduda.

Naramdaman ko ang biglang pag-ihip ng hangin sa loob, gulat akong napalingon sa isang bintanang nakabukas. Tumakbo ako papalapit dito at dumungaw. Hindi ko ito masyadong napansin sa mahabang kurtinang nakatakip dito.

Shit!

I rushed up to the window, I'd still stay standing outside of a small balcony space, kaliwa't kanan kong inikot ang tingin ko sa labas ng apartment.

Tahimik.

"Bakit basag mga 'to?" nang mapansin ko ang mga nabasag na vase rito sa labas. Kinutuban ako. Couldn't someone came in before I arrived?

There is a possibility, dahil pansin ko mula sa labas bawat apartment may mga maliliit na balkonahe, may mga hagdan at railings din ang mga ito. At kung may tao man, hindi ito mahihirapan nasa third floor lang ang apartment ni Jane.

Naramdaman ko ang biglang pag vibrate ng phone ko, kinapa ko ito at tiningnan.

Hinahanap ka ng Papa mo.

Galing kay Fernando ang text.

Before turning back in, I turned my gaze around. Nothing. It's still quiet.

Bumalik na ako sa loob at sinigurong naka-lock lahat ng bintana at pintuan. Napatigil ako ng biglang sumagi sa paningin ko ang study table na katabi ng higaan nito.

Hindi ko pa pala ito natitingnan.

Binuksan ko ang drawer, may mga iba't-ibang gamot, ballpen at iilang personal papers nito. May isang picture frame lang ito sa kwarto at 'yon ay ang kasama niya si Mr. Vera. Umangat ang tingin ko sa taas, may bookshelf ito at naka-display ang mga makakapal na libro nito. Napansin ko ang limang librong pamilyar sa akin. May copy ito sa novel series na Heroes of Olympus. Pero may mali.

It's missing something, the fourth book.

Ibinaba ko ang mga libro, bawat pahina ay tiningnan ko, nagbabakasakaling may nakaipit na kahit anong impormasyon pwede kong magamit, pero wala pa rin. Ni hindi ko rin mahagilap ang kulang na libro sa kwarto nito.

Kinuha ko ang na sagi kong kalendaryo sa study table nito. 

As I pulled away I noticed a picture behind it.

Bakit may...

Chineck ako ang mini calendar nito, halos ka size ng isang normal bondpaper. Kinabahan ako ng makita ko sa likod nito ang bawat letratong nakadikit sa bawat araw ng calendar, ibig sabihin ini-indicate nito ang nangyayari sa kanya araw-araw.

Chineck ang bawat buwan ng calendar, may iilan na pa ulit-ulit lamang na pictures, at may iilan ding blanko ang mga araw. I tried to look at the her last month. 1st week monday to friday normal lang, nasa school ito nagtuturo, kasama sa pictures ang mga batang sa tingin kong estudyante niya. Nang mapunta ako sa 2nd week ay nag-iba, may time itong kumakain kasama si Mr. Vera at minsan naglilibot ito ng mag-isa, I stared at a picture of her, on the right side of the picture with a crystal size background.

To my surprise, nabitawan ang hawak kong kalendaryo.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Wh--Why there is someone standing in front of her?

Dinampot ko ulit ang calendar at tiningnan ang pang-huling week nito.

Napatitig ako sa isang lalaking kasama nito.

His face was familiar, where did I saw him?


RING! RING! RING!

Inis kong sinagot ang tawag ni Fernando.  "What is it now?"

"Your dad is looking for you. Pumunta ka na dito sa Headquarters." sagot ni Fernando sa kabilang linya.

"Oo na! Papunta na." sagot ko at ibinaba ang call. Bago ako umalis ay inilagay ko muna sa evidence plastic ang mga nahanap ko, kabilang na dito ang calendar na may mga picture. Kinuhanan ko rin ng letrato ang mga libro nito at mga vase sa labas.


It took me an hour to get to Headquarters. Pagkarating ko sa loob ay agad akong sinalubong ni Fernando kasama si Theo.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Lieutenant Valdez." sambit nitong si Theo.

"Ano 'yan?" pagtatanong ni Fernando sa maitim na plastic na nadala-dala ko.

"Evidence."

"Evidence?!" gulat na napasigaw ang dalawa. They felt a shamed when some cops suddenly stared at them.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad at hindi sila tinugunan, sinamahan naman nila ako paakyat sa pangalawang palapag.

"Where is he?" I asked.

"Diyan sa Lecture Room, siya lang mag-isa." Fernando answered.
I was about to leave when I suddenly realized I need to have a talk with him.

"Ano 'yon?" napansin siguro nila ang pagtigil ko. Lumingon ako kay Fernando. "Kamusta na pala si Mrs. Manalo? Iyong pinapabantay ko sa'yo?"

"Namamatsagan ko naman sila sa apartment nila. Araw-araw chinecheck ko, nagtatanong din ako sa mga kalapit nilang kapitbahay ayos naman daw sila. Napansin ko rin ang palabas ng dalawang magkasama. Mukha naman silang maayos, walang nakakapagduda." diretsong sagot nito.

"Basta manmanan mong maigi ang mga galaw nila kung sakali man." saad ko sabay na tinanguan ako nito.

I'm still not convinced, I know something's wrong. I strongly believe that women is not doing well.

Nagpaalam na ako sa dalawa at tinungo na ang Lecture room, pumasok ako dito nang may kaba sa dibdib. I turned the gaze around. I saw him sitting quietly on a small table, naka-patong ang ulo nito sa dalawang kamay. Hindi ko napigilan na pagmasdan ang mukha nito.

Those white hair and thick beards on its chin, hindi na maikakailang tumatanda na rin si Papa.

Kumatok ako ng tatlong beses, nang marinig niya ito at nagmulagat ang kanyang mga mata at hinanap niya ako sa paningin niya.

He stood up and we saluted each other.

"Maupo ka." anyaya nito, I followed and sat down in front of him.

Nagtatakang tiningnan ako nito nang ilapag ko ang dala-dala kong maitim na plastic.

"Those are the evidence." pagsagot ko sa nagtataka nitong mukha.

"Evidence about what case?" he asked.

"Ms. Jane Vera case."

"We talked about this, Aerin." aniya.

"I know, but I want to proceed for the investigation." pagpupumilit ko.

"You can't. Opisyal ng isasara ang kaso bukas, since nalaman na ng Team ni Inspector Martin ang results." aniya.

"I know, but... please just do me a favor dad, pakiusapan mo sila. Look, I'd just got some evidences. Makakatulong to sa unang procedure na pwede kong ga---

"FOR GOT SAKE AERIN! TUMIGIL KA NA SA GINAGAWA MO!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito. Kinuha nito ang plastic na dala ko at galit na inilabas ang mga laman nito. "You call these evidence? What, sinasabi mo na ba ngayon na may suspect at pinatay ang babaeng 'yon?! I'd already talked to you about this, bakit ba ang tigas ng ulo mo, at hindi mo magawang sumunod!" He shouted.

"Sumunod? Buong buhay ko wala akong ginawa kung hindi ang sumunod sa'yo! And even kuya Adey sumunod sa'yo!... and what happened? Ayan! Ganyan nangyari sa'tin ngayon!" hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi sumagot dito, nangangaliiti ako sa galit, alam kong mali ang ginagawa kong pagsagot dito pero hindi ko kaya, Nawawala ako kapag na-aalala ko ang nangyari.

"Bakit ka ba nagkakanyan ha? It's just a mere case! After this case go back to your senses and focus on your duty here."

"No. I can't. Please just this one dad." hindi na ako nagdalawag isip pang tumayo at yumuko sa kanya. Oo, nagmamakaawa ako ngayon and I badly needed his help.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Fine, I'll give you 1 month para mag-imbestiga, kapag nahanap mo ang dahilan ng pagkamatay nito tatahimik ka na... At kung wala ka namang napatunayan or naibigay man lang na information, susundan natin ang naunang results sa investigation." biglang sagot nito. Tiningnan ko ito na ngayon kinukuha na ang bag case na dala-dala niya.

"I'm just here 'cause you're mom wants to have dinner together next week... It's her birthday, don't forget." saad nito at tinalikuran na ako.

Hindi na ako kumibo at hinayaan ko na lamang itong makalabas.

Fuck, Aerin why are you crying.

Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako lumabas, nagtungo ako sa room namin at pansin kong halos abala ang lahat sa trabaho.

"Kaninong desk 'to? May bago tayong kasama?" takang tanong ko ng mapansin ko ang bagong desk na  katabi ng pwesto ko.

Lumingon si Theo. "Naku. Diyan nila pinuwesto si--- Oh ayan na pala bagong seatmate mo." sabay kaming napalingon sa pumasok, may bitbit itong makakapal na papel at laptop.

"Engineer Adriel! Hinahanap ka na ng bagong seatmate mo." biglang biro ng iba.

Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo sa table, kumuha ako ng isang paper work at minabuting pag-aralan ito. Wala ako sa mood na makipagbiruan.

"Let's talk." I heard Adriel's voice.

Hindi ako nag-abalang tingnan ito. Busy ako sa pagbabasa, ayoko nang istorbo. Saglit akong napahawak sa leeg ko. Aish. Tumatanda na ba ako at sumasakit na batok ko? Chineck ko ang oras. It's still 2PM, hapon pa lang pero ramdam ko na ang pagod sa katawan.

"Let's talk." pag-ulit nito at walang pasintabi nitong inilapag ang isang malaking papel sa table ko.

May pagtataka ko itong tiningnan. "Blueprint?"

"Like I said we need to talk." he coldly said.

Gumanti ito sa hindi ko pagsagot dito, ayun tumalikod na papalabas.

Attitude!

"Where do you want us to talk? Pwede naman sa loob at kailangan dito pa sa parking lot?" nakarating na kami sa likod ng headquarters pero hindi pa rin ako nito kinikibuan.

Binuksan nito ang isang kotse at sumakay, "Sakay." aniya.

I crossed my arms. "At bakit ako sasakay? We just need to talk. Di kailangan sa kotse."

"Ipapakita ko sa'yo ang lote na pagtatayuan ng bagong department ninyo, kung hindi ka interesado irereport ko na lang ito kay Inspector." diretsong sagot nitong si Adriel sa'kin, sinuot nito ang shades at pa cool na in-start ang engine.

Aba tingnan mo'to! Is he threatening me?! Ha? Sa tingin niya matatakot ako sa ginagaw--

"Kapag ayaw, huwag nang pilitin." bulong niya at bigla-bigla nitong pinaandar ang sasakyan.

Tumakbo ako sa harapan, pinigilan ko ito gamit ang dalawang magkabilang braso ko. "Sandali! Sasakay na!"

AISH BWISIT.

"125... 126... 127." I whispered to myself again as we passed three persons on our way. Ewan ko ba, nakuha ko nang magbilang ng mga tao dahil sa sobrang katahimikan sa loob. Halos paglunok din ng laway ko nabibilang ko na rin. HUHU.

Automatic na napalingon ang ulo ko sa isang Jollibee na nadaanan namin. Haluh. Bakit parang inaakit na ako ng letseng pagngiti ni Jollibee?

I shrugged. God Aerin. Nababaliw ka na talaga.

Napahawak ako sa tiyan. Nagugutom na kasi ako.

"Hoy! Ba't umi-iba direksyon na'tin?" tanong ko ng bigla itong nag-u-turn.

Napansin kong tumungo ito sa Jollibee na nadaanan namin, tahimik lang itong nag-park at lumabas.

Sumunod ako sa loob, "Kakain ba tayo?" tanong ko.

"Hindi. Magpapafoot massage tayo sa Jollibee." pamimilosopo niya.

Namumuro na'to sa'kin ah. Kanina pa'to.

"Tabi nga riyan! Ako mag-oorder." bahagya ko itong tinulak papaalis sa pila sa counter. "Okay." hindi ito pumalag, kinapa pa niya ang phone sa bulsa nito at pa cool na umakyat sa second floor.

ABA! TINGNAN MO'TONG TAONG TO. AKO PA MANLILIBRE? KUNG MAKAPAG-ATTITUDE KALA MO KUNG SINO!

Matapos kong makapag-order ay agad kong ibinitbit ito sa taas. Paakyat palang ako ay dinig na dinig ko na ang lakas ng tawanan at iyakan ng mga bata. Hindi na'to fastfood chain. Sa dami ng bata dito sa loob para ng playground sa kanila.

Hinanap ko ito sa paningin ko, and then I saw him seated on the right side of the last table. Mag-isa ito at tahimik na iniikot ang atensyon sa labas.

Napaiwas ako ng tingin ng bigla itong tumingin sa kinatatayuan ko, minadali kong paglakad at agad na inilagay sa table.

"Mamaya na lang ako magbabayad." sambit niya.

"Huwag na, quits na tayo sa pa-gas mo." sagot ko at tahimik na kumain ng chicken joy.

I was in the middle of drinking when my phone suddenly went ringing.

Nakatingin sa'kin si Adriel. I answered the call. "Oh?"

"Pumunta ka na dito! May putok ng baril na narinig sa apartment ni Mrs. Manalo!" ani Fernando sa kabilang linya.

"Pu--putok ng baril?" halos hindi ko na malasahan ang pagkaing nasa bibig ko dahil sa gulat.

"Oo! Kailangan na ng back up dito!"

Napatingin ako sa lalaking na sa harapan ko, "Kailangan ko ng umalis." paalam ko. Naramdaman ko ang biglang pagpigil sa'kin ng kamay niya.


Marahas kong inalis ang kamay ko... at sa pagkakataong ito, ako naman ang kailangan na tumalikod sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro