Stares

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ready ka na?"




"Hindi ko alam! Ikaw ba?"




"Hindi ko din alam!"




Juskolord.




"Alam mo, agahan na lang natin para makakuha tayo ng freebies." At sa isang saglit, lumiwanag ang kanyang mukha sa suggestion ko na 'yon.




"Ay beeet. Let's go!"




And off we go.




*** **** ***




Sangkatutak na tao ang naabutan namin pagbaba ng taxi. Kahit kalapit ng mall ang concert hall, kita naman kung gaano karami ang fans ng Sicinthe na present para sa concert nila mamaya.




"Teka, timeout! Sumasakit na balakang ko." Aniya ni Denise na hinihingal na. "Ayoko na, hindi na ako mangongolekta. Tatambay na lang ako sa food court."






"Eww, aling Denise," tukso ko sa kanya ngunit sinamaan nya ako ng tingin.







"Hindi mo na kaya?" Tanong ko.




"Oo nga, kaya ikaw, kaya mo na yan. Ikuha mo nalang din ako ng merchs ni Harvey." Kumindat siya sa akin saka ako tinakbuhan. Napaka-nice ng tactic mo, Denise.




Pagkatapos niyang umalis, parang kusa na lumalapit ang mga merch sa akin. Itong si Denise may balat yata sa pwet, nanalo pa ako ng isang latest album ng Sicinthe. Ha! Badluck, out. #SaveMeFromDenise




Ilang ikot pa sa stalls at cafes, unti-unti na akong nakaramdam ng pagod. Gabi pa naman ang concert pero 'yun nga, 8am palang andito na kaming dalawa sa venue para manghoard ng freebies. Naging ritwal na kasi namin 'yon tuwing may concert ang mga paborito naming idol groups.




I decided to call Denise to know her whereabouts. "Nasaan ka?" tanong ko agad ng sinagot niya ang phone.




"Actually... I have no idea. " she told me.




"What?! Don't tell me you're lost?" I panicked a bit. Wala pa namang sense of direction ang isang 'to. Mukhang mali yata na pinabayaan ko siyang umalis nang mag-isa kanina.




"Anong nakikita mo sa paligid mo?" Tanong ko over the phone at nagsimula na din magtanong-tanong sa mga sumasalubong sa akin na tao.




"I'm lost but I'm fine. No need to worry, enjoy ka lang sa alone time mo 'jan girl." she said, while slurping something.




Upon hearing that sound, nagsimula na din magrumble ang tiyan ko. Halos lunchtime na pala, wala pa akong kinakain simula kanina kung hindi isang pirasong mini-siopao mula sa convenience store bago kami umalis ng apartment.




"Sigurado ka? Wag ka lalayo masyado." Paalala ko sa kanya at itinaboy naman nya ako parang pusang kalye. Makahanap na nga muna ng kakainan.




Patuloy ang paglakad ko nang maalala ko ang usual spot naming magbestfriend.




Ramen!





Agad kong tinahak ang daan papunta sa ramen house na tinatambayan namin ni Denise. Ang hirap gumalaw ngayon, ang daming tao... nakakapanghina ang gutom.




20 minutes of roaming around and finally, I reached my destination.





"Konnichiwa!" Bati ng staff sa akin.




I scanned the whole place and as usual, few costumer lang ang nandoon. But don't get me wrong, their foods are very nice. Affordable din kaso 'yun nga lang medyo tago ang location nila.




"Nam, is that you?" Isang malaking ngiti ang sumalubong sa akin. Si Uncle Ken na may-ari ng restaurant at siya ding head chef.




"Long time no see, uncle. The usual po." Hindi ko na iniscan ang menu dahil sa ilang taon na nila akong suki dito, alam na agad ni Uncle Ken kung ano ang aking order.




"Mukhang may concert ka ah?" tanong ni Uncle habang nagboboil ng noodles.





"Ah opo. Actually kasama ko si Denise kaso humiwalay siya sa akin bago pa ako dito makarating. Hahanapin ko sana mamaya uncle pagkatapos ko kumain."




"Ang batang 'yon talaga."




Biological uncle siya ni Denise. Now I know kung bakit niya ako tinakasan. Nasense siguro na ramen ang gusto kong kainin dito kina Uncle Ken.




"Bakit uncle? Anong meron?" tanong ko habang pinaglalaruan ang baso ng harap.




"Ang mama kasi niya, sinabi sa akin na hanapan ko daw si Denise ng ka-blind date. Nag-aalala na ang kapatid ko kasi sa edad daw ni Denise, wala pa siyang boyfriend."




Napasipsip ako sa iced tea ng wala sa oras. Tumingin naman si Uncle Ken sa akin. "Isa ka pa Nam. Kayong dalawa ni Denise nako mga hija, masyado kayong busy sa mga idol-idol na 'yan."




"Hindi naman siguro tito. " sinamaan niya ako ng tingin habang inaassemble ang garnish ng order kong ramen.





"Konnichiwa!" narinig kong bati ng staffs sa bagong customer na dumating.




Lumingon ako saglit at isang lalaking balot na balot ang bumungad. Unti-unti siyang lumapit papunta sa akin at umupo sa tabi ko.



"1 serving ng tantanmen pati na din gyoza please." I heard his order, malamang katabi ko eh. Ang wierd naman nya. Tirik na tirik ang araw sa labas, nakahoodie at sunglasses pa. May malaria ba siya? Emz.




"Eto na order mo Nam," iniabot ni uncle ang bowl sa akin at saka siya ngumiti.






"Thanks, Uncle."




"Welcome, enjoy your meal hija."




"Sicinthe, huh?" Pabulong na sabi nitong katabi ko. Ako naman, syempre lumingon. Sicinthe daw eh.




Isa na naman ba 'to sa mga lalaking galit na galit sa mga boy groups?




Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.


"Here's your order." Iniabot ni uncle yung bowl ng ramen sa katabi ko. Napansin niya ata na sinusundan ko 'yon ng tingin kaya napatingin din yung may hawak sa akin.






"Bakit, gusto mo?" Tanong niya na may kasamang smirk.




"Luh, sayong-sayo na' yan." sabi ko.




"Akin naman talaga eh," saka siya tumawa nang mahina. Problema nito?




I rolled my eyes at him and immediately finished my food. I need to get out of here, ang pangit na ng atmosphere dahil sa wierdong lalaki na 'to.




"See you again soon, Uncle!" I dashed out of the restaurant. The faster, the better. Para na din mahanap ko nang maaga si Denise.




Sa paglalakad ko, hindi ko na napansin na nagkabungguan napala kami. "Nam!" Denise shouted, making the whole crowd glance on our direction.





"Denise!" I shouted back.




We linked arms while strolling around. We just continued walking and walking, not knowing where exactly to go to.




"Humiwalay ka sa akin dahil alam mong kay Uncle Ken ako pupunta no?"




Her eyebrows twitched. 




Kapag kasi nagsisinungaling si Denise, nagtutwitch yung kaliwa niyang kilay.





"Am I busted?" she asked.




"Yes, you are, " I told her. "So... lumalapit na ang time para bitawan mo ang Sicinthe?" I teased her at sinamaan niya ako ng tingin.




"No! Over my dead body! Not yet. Ayoko pa ikasal," she sighed. "Kasi naman alam kong kasal ang pag-uusapan pag nakita ako ni Uncle. Parents ko kasi gusto agad akong ipa-arranged marriage."




"Whaat? Uso pa pala 'yon ngayon?" Syempre kunwari wala pa akong idea sa mga sinabi ni Uncle Ken. "No way!"




"They want to marry me off to someone who got a more stable job than mine. I really feel na wala talaga silang tiwala sa' kin dahil I wished to pursue my arts career rather than handle the family business." she said, I nodded while she continued her story.




"Why did you not chose the easy way and obey your parents?" I asked and yumakap naman siya sa akin.




"I rather become a free soul than be a lifeless human with a lonely soul. Isa lang ang buhay natin marecakes, why not do the things that makes you happy? Hindi ba?" she paused. "I really like drawings, arts. I am happy to see my works come into life."




"Alrighty, alrighty. Whatever you do, I am here to support you as your best friend."




"You're the best, Nam."




"Hindi ka na makakahanap ng katulad ko." Biro ko sa kanya, saka siya humigpit pa ng yakap.




"By the way, may nakakainis akong encounter kanina habang magkahiwalay tayo."




"Ano 'yun? Anyare?"




"Just some random person I met sa ramen house ni Uncle Ken. Pero parang pamilyar siya..." I bit my lips, trying to remember bits kung saan ako may nahanap na related dun sa lalaki kanina. "I swear, he really seems familiar."




"Baka guni-guni mo lang 'yon, Nam. Gutom ka lang girl, kaya nadelulu ka bigla."




"Gaga," I said and dragged her to the nearest cafe.




*** **** **** ***




Alas otso na ng gabi at nagsimula na kaming papilahin kanina around 6pm. Inabot ng almost one and a half hour bago kami makapasok na dalawa sa loob ng concert hall.




"Makakaupo na din sa wakas!"- Denise na sumalampak agad ng upo after naming marating ang designated seat according sa ticket.




"Feeling ko talaga nadadagdagan ako ng limang taon tuwing umaattend tayo sa concert ng Sicinthe."




Tumango ako. Pagod, puyat, fatigue pero pag nakita naman na sila, masasabi mong worth it lahat ng effort.




After 10 minutes, nag lights off na ang hall, pahiwatig na magsisimula na officially ang concert at artist entry sa stage.




Kabi-kabilang sigawan ang sumalubong nang lumabas isa-isa ang members via. platforms. Last but not the least, ang bias ko, si Bevan.




"Bevan! Bevan! Bevaaaaan!" Syempre sumigaw din ako na parang wala nang bukas.




Habang kumakanta sila ng ballads na nakaupo silang lima, I suddenly thought of something.




Wait a minute...




I went silent for a moment, trying to stare at Bevan na nakatingin din sa side namin.




Ah, that's impossible.




I just brushed off that strange thought and continued to watch them perform their song.




***************




The concert flowed smoothly and hindi ko na napansin na tapos na pala. It lasted for about 2 hours and a half. Supposed to be two hours lang kaso mukhang nag enjoy ang members kaya nagdagdag sila ng songs na wala sa list for tonight.




Time check:  10:45 PM




Time for VIP Perks! I almost forgot that we bought VVIP Tickets and we are going to have a hi-touch event with the members + solo pictures with the member of your choice. Swag for VVIP.




Only 50 people ang naka-avail ng VIP slots which is yung hitouch.




"Ok ba mukha ko?" tanong ko kay Denise. Jusko, kinakabahan ako. Nanlalamig na din 'yung kamay ko.




"Oo naman! Ako ba mare?" Tanong din niya at oo, parehas talaga kaming kinakabahan.




Kasunod na ang line namin sa maghi-hitouch.




Nang tumapat ako kay Bevan, tumitig siya sa akin na tila may inaalala, "Hi-hi Bevan," I stuttered. Napatingin naman siya sa headband ko na may pangalan niyang nakalagay doon.






That cut his stare, "Ako bias mo?" saka ako nginitian. Lord, pwede niyo na akong kunin. Kinausap na niya ako.




"Oo naman. Ako kaya ang fanclub leader mo!" I said, almost crying.




"Shhhh, don't cry." He hushed me and then tightened his hand around mine. Bruuuuhhhhhhh.




"Next!" I heard the usher, sinasabihan na 'yung line namin na umalis na sa stage para naman sa next batch.




I ran out of excitement, and dashed towards Denise.





"Aaaaaa!" We both screamed.




"Harvey told me that I am pretteh. Girl I'm living the life." - Denise na halos masiraan na din ng bait.




"Kinausap din ako ni Bevan ohmyghawd."




But wait a minute, eto na naman yung strange feeling. Hindi talaga ako matahimik. Parang may namimiss-out ako.







After a few minutes, the hitouch session ended and Sicinthe interacted with the fans even they are on the stage. Panay ang send nila ng cute poses and of course we grabbed the chance to take photos of them.




One thing I noticed, si Bevan... nakatingin sa direction namin.




Sa direction ko.




I even took photos of him and it seems like na nakatingin talaga siya dito.




"Nise, ako lang ba o dito talaga nakatingin si Bevan?"




Denise crossed her arms, "I was about to say that. Napapansin ko kanina pa siya. Ginayuma mo ba siya kanina habang hitouch?" She acted shocked and covered her mouth. "Omg, Nam. You cheater!"




"Gaga." Binatukan ko nang slight. Anong gayuma pinagsasasabi nito?




Kung pwede nga lang...why nerrrrt? Emz.




Pero kidding aside, kinikilig ako.




"Thank you for waiting everyone! Calling all VVIP ticket holders. You guys will be called backstage for your one on one photo - op. See you!" Announce ng emcee.




Up until then, kahit lumabas na yung ibang VIP Hitouchers, sinusundan pa din ako ng tingin ni Bevan.




Bevan, anong meron?




[DOP: October 31, 2021]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro