FTK @ 01

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ANO ba ito?

Ito na ba ang kabilang buhay?

Bakit ang dilim?

Nasaan ba ako?

Sa ibaba ba ako napunta?

Bakit hindi mainit?

Anong nangyayari?

Hindi. Mas mukha itong kawalan...

Ang pagkakaalam ko ay hindi naman sa kawalan ang sunod na magiging destinasyon ng tao, matapos mamatay?

Iniharang ko ang aking kamay sa bandang mata ko ng biglang may masilaw na liwanag ang lumitaw sa aking harapan.

Nang tanggalin ko ang pagkakatakip ng kamay ko ay agad akong napakunot noo ng may isang eksenang lumitaw sa harapan ko na parang magic.

****

"Class, I have a question. If you given a chance to time travel, what path would you choose , in your PAST or FUTURE? And why?" tanong ng isang babaeng mukhang ang kanilang guro.

"You. Carolina," turo nito sa isang batang babae at agad ding tumayo.

Teka? Carolina?

Nilingon ko ang bata at gano'n na lamang napatakip ang kamay ko sa bibig ng mamukhaan ito.

A-anong ibig sabihin nito?

"If I am, I'll go back to past, when I'm still in my mom womb because.." tumungo ito at hindi na itinuloy ang kaniyang rason.

"because I wanted to know his reason.." dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para sana hawakan ang kaniyang balikat ngunit kasabay no'n ang pag laho nila at lumapat ako sa ibang eksena.

****

"Nge! Nge! Nge! Ampon! Ampon! Ampon!" agad na napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko ang mga kabataan na may kinukutyang bata.

Kaya naman ay agad akong lumapit at tumayo sa tabi ng batang parang pamilyar din ang itsura.

"H-hindi ako ampon!" sigaw nito sa kanila.

"Talaga ba? Eh bakit ka walang daddy?" nakapamewang na tanong ng isang batang babae.

"Oo nga, ibigsabihin lang no'n ampon ka!" kantiyaw pa ng isa.

"Hindi nga kase sabi ako ampon!" sigaw niya sa mga ito saka itinulak ang nasa gitna kaya naman napaupo ang batang babae saka nag simula itong umiyak.

"Ayan! Pinaiyak mo si Kc, wala ka kaseng daddy kaya hindi ka naturuan ng good manner!" ani ng isa pang bata saka tinulungan ang kaibigang naiyak.

"Bakit kayo? May daddy naman kayo diba? Bakit masasama parin ugali niyo? Siguro kase hindi kayo love ng mga daddy niyo!" sigaw niya sa mga ito bago tumakbo papalayo.

T-teka? Linya ko 'yun no'ng grade 2 ah?

*****


"Saglit nga! Wag niyong sabihin na bumabalik tanaw ako sa mga ala-ala ko???" nanlaki ang aking mata ng mapag tanto ang mga nangyayare.

Sa isang iglap lamang ay bigla ring naglaho ang iksena at bumalik ang eksenang pangyayari kanina noong pinaggawa kami ng isang letter sa Genie.

"Ang hirap naman mag isip, ang dami kong gustong hilingin," sabi ni Magi na ikinatawa naman ni Claire at ako ilang oras ang nakararaan.

"Edi, hilingin mong na dumami ang pwede mong hilingin," sagot ko naman na nag patawa naman sa kaniya.

"Oo nga 'no," pag sangayon ni Magi saka nag umpisa nang mag sulat.

"Takte ka talaga, Ly. Napakabad influence mo talaga sa'min, Hahaha!" natatawang sabi ni Claire.

"Ano ba, ako lang 'to," sabi ko naman saka kami sabay na natawa ng may kahinaan bago bumalik sa pag susulat.

Nilapitan ko ang sarili ko ilang oras ang nakararaan, at masasabi kong mukha siyang masaya. Sana laging kong makita ang masayang ekspresyon ng sarili ko na parang walang problema at ayos lang ang lahat.

Ngunit ang ngiti sa labi ko ay agad ding nawala ng makita ang sinulat ko sa papel, naalala ko hindi iyon tungkol sa madaming pera.

'Kung isang Genie ang magpapakita harap ko at bibigyan ako ng kahilingan, sana naman gawin niyang posible ang gusto kong kahilingan.. Sana makita ko siya kahit bago ako mawala sa mundo, makita ko sana ang-

Agad ding nawala ang imaheng iyon at bumalik nanaman ang malablack hole nitong itsura.

Hindi ko na namalayang patuloy at hindi mahinto ang pag ragasa ng hula sa aking mga mata.

Bakit ayaw mong tumigil!!?

Ano ba, bakit ba ako naiyak!!?

"Ikaw. Sarrie Lilyeit Carolina ay matagal nang napag pasyahan ang daang gusto mong tahakin kaya kami ngayon ang tutupad nito..." sabi ng isang boses mula sa kung saan na agad ding nawala.

Inalis ko ang mga hula sa aking mukha gamit ang aking dalawang kamay hanggang sa matuyo ang aking pisngi. Nag tatakang inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala talaga akong makitang kahit na ano maliban sa itim na paligid.

P-ero teka a-ano daw?

A-ano nanamang nangyayari? Bakit ako nahihilo??





"Miss?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro