Prolongue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAPAKAMOT ako sa ulo matapos magising dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Napalingon na lamang ako sa pinto nang ito'y bumukas at bumungad ang nakapamewang na bulto ng aking Ina.

"Ano Ly? Gaganiyan ka nalang? Aba, anong oras na hindi kapa bumabangon diyan!" bulyaw nito at marami pang sinabi ngunit tango na lang ang sinagot ko dahil baka sabihin nanaman niyang bastos ako kapag sumagot-sagot pa ko.

Pagkatayo ay niligpit ko na ang aking higaan saka nagsuklay bago lumabas. Nadatnan ko silang sabay-sabay na nakain kasama ang aking dalawang huklubang kapatid at si Nanay-ang lola namin.

"Oy, kumain ka muna bago ka pumasok ha?" bilin ni Nanay saka ako pinagsandukan ng sinangag at nilagyan nadin niya ng cornbeef bago iniabot sa akin.

Agad narin naman akong kumain pagkatapos ay naligo at nag bihis ng uniform saka nag paaalam na para pumasok.

Graduating student nako sa Junior high school student-kung papalarin sana nga maka graduate.

Sa loob ng ilang taon kong buhay sa mundo ay nag ba-vise versa lang sa bahay at eskwelahan ang ang buhay ko, maraming bawal; bawal ang barkada, bawal gumala, bawal pumunta sa bahay ng kaklase, bawal ang overnight, in short bawal ienjoy ang pagkabata.

Puro nalang sa school works ang natakbo sa utak, wala naman akong natututunan kung meron man edi maganda.

Habang nag lalakad papasok ay may nakasalubong akong isang matandang maraming dala at muntik pang malaglag ang isa nitong bit-bit pero mabuti nalang ay agad ko itong nasalo.

"Kaawaan ka, maraming salamat ija," pasasalamat nito matapos kong maiabot ang kaniyang gamit.

"Walang anuman ho 'yon, tulungan ko na ho kayo," pag pi-presenta ko at hindi na siya hinintay na sumagot at kinuha na lamang ang iba sa kaniyang gamit na dala-dala.

"Hay naku! Hulog ka talaga ng langit," anito na ikinatawa ko lamang.

Pag dating namin sa sakayan ng tricycle ay tinulungan ko pa itong ilagay ang kaniyang mga gamit sa loob at likod ng tricycle.

"Ija pasensiya kana sa abala ha, at maraming salamat sa iyong tulong, matupad mo sana ang iyong pinaka hihiling," nakangiting aniya saka hinawakan pa ang dalawa kong kamay bago sumakay.

"Sana nga, pero matagal ko ng tanggap na hindi na mangyayari ang bagay na iyon" bulong sa hanging ani ko.

Nang makaalis ang sinasakyan nitong tricycle ay ipinag patuloy ko nalang ang aking pag lalakad papuntang eskwelahan.

PAGKARATING ng school ay dumiretso na agad ako sa aking upuan dahil agawan dito ng maayos na upuan.

Hindi naman nagtagal ay padami nang padami ang ingay na paparating kasama na doon ang mga kaibigan ko.

"Hey! Ly!"

"Yow! Bhe! Anong chika!"

"Takte, chismis agad ah?"

Napangiti ako ng marinig ang boses ng aking mga kaibigang kakarating lang.

Hindi naman ako gano'n kalungkot kase may mga kaibigan naman ako 'no, sadyang pang eskwelahan lang talaga ang kasihayang iyon.

Umupo na ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan saka ipinag patuloy ang pag uusap habang ako naman ay tamihik lang na nakikinig sa kanila.

Hindi rin naman nag tagal ay pumasok na ang teacher namin. "Magandang Tanghali, Narra!" pag bati niya.

Lahat kami ay tumayo saka bumati pabalik at nag dasal para sa araw na ito, pagkatapos ay saka lang muling naupo.

"Okay, Noong nakaraang leksyon natin ay ating tinalakay ang kwento tungkol sa Genie na nag bibigay ng kahilingan... ngayon ang gusto ko ay gumawa kayo sa isang one whole na kung kayo ba ay bibigyan ng pagkakataong makahiling sa Genie. Ano ito? At bakit ito ang hiling na gusto mong matupad... Okay, pwede na ninyong simulan. Ipapasa yan bago mag bell at 'yong hindi makakapag pasa ay awtomatik na absent," kasabay nang pag tatapos ni Ma'am ng kaniyang sinasabi ay nag umpisa nanamang manghingi ang mga loko na manghingi ng mga papel.

"Ly, penge papel!" naka halad ang mga palad na sabi ng katabi ko.

"Hindi na pwede, paubos na," pag tanggi ko na totoo naman kase talaga kaya ay sa iba naming kaklase nalang siya nanghingi.

"Anong ilalagay mo?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Claire.

"Alam mo na," sagot ko at pinakita ang money finger sign na ikinatawa naman niya ng mahina.

"Well... sinong hi-hindi d'yan pero napaka ano naman niyan teh, parang madadala mo naman 'yan kapag deads kana," pabulong naman niyang biro.

"Gano'n talaga, atleast masaya at nagawa ko lahat ng gusto kong magawa habang buhay pa 'no," nag make face ulit ako siya naman ay natatawa nalang na napapailing saka kami nag umpisang mag sulat-ngunit kung anong sinabi ko sa kaniya ay iba sa totoong sinulat ko sa papel.

Aanhin ko ang walang katapusang pera kung yung gusto kong hilingin ay hindi pwedeng matupad.

BAGO matapos ang klase namin sa huling subject ngayong araw ay nagbigay naman si Sir ng assignment na bukas din ipapasa.

"Bye!! Glen!!" paalam ni Claire.

"Bukas ha! Kukutusan kita pag 'di ka sumipot!" pahabol kong sigaw.

"Oo!" rinig ko pang sagot nito.

"Sisipot kaya iyon?" tanong ni Magi nang magtuloy kami sa paglalakad.

Kibit balikat lang ang sinagot ko habang si Claire ay busy sa ka-chat-sana ol

Nang maghiwa-hiwalay kami ng direksyon ay malalim akong napabuntong hininga. Uuwi nanaman ako sa isang lugar kung saan pag bubunganga lang ang tangi kong maririnig.

Huminto ako para mag suot ang headset ngunit nang patawid na ako sa kabilang lane, at hindi ko alam na kasabay nito ay ang dire-diretsong sasakyan ng isang lasing na nawalan ng preno na dumiretso sa pwesto ko.

Isang malakas na tinig pa ang narinig ko kasabay ang kung ano-ano pang mga ingay.

Binaha ng dugo ang maliit na kalsada. Dumadaloy ito mula sa katawan ko pababa sa simento ng kalsada. Gusto kong dumilat, gusto kong tumayo na parang walang nangyari, hindi ko kayang maigalaw ang aking buong katawan. Kahit ang aking paningin ay nanlalabo na rin. Kaya't tumingin na lamang ako sa langit sa huling pagkakataon at humiling.

"If this is the last time, let me see him."

An early and not that happy ending I had now, but in my next life, please give me a more happy life...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro